Chapter 30

Pikit mata kong sinabayan ang himig ng kantang tinutugtog niya para kay Ma'am Ria. Sobrang kalmado lang ng kanta na para kang hinehele habang sakay ng isang duyan. Sobrang nakakakalma at nakagagaan ng loob para sa mga taong makaririnig no'n. Isama pa na ang malambing at malamig na boses ni Gio ay nakadadagdag lang ng dating sa kantang alay niya para sa babaeng mahal niya.

Pero kahit na gaano pa kaperpekto ang lahat magmula sa boses niya at sa kantang inaawit niya ay hindi pa rin kumakalma ang kaguluhan sa puso at isip ko. Parang mas lalo lang yatang nagkabuhol-buhol ang magulo ko ng isipan dahil malinaw na nakatatak sa isip ko na hindi para sa akin ang kanta.

Na kahit gaano ko pa katagal na hilingin ay hinding-hindi mangyayari ang mga bagay na gusto ko. Sa isang dahilan na hindi ko magawang pasinungalungian... na hindi ako ang babaeng mahal ni Gio.

"Tumayo ka na, Carmen," anang tinig sa gilid ko. "Hindi magbabago kung ano kayo kung uupo ka riyan at pakikinggan ang dalawa na magkaayos."

"Huwag kang maingay," mahinang agap ko sa kaniya.

Haze tsked quietly. "Pasalamat ka talaga may emergency sa Daddy no'ng isa kaya umalis na," naiiling na saad niya. "Sigurado akong hindi na naman makapagtitimpi 'yon kapag nakita kang ganiyan."

"Sampalin mo na lang kaya ako para magising na ako para magising na ako," biro ko. "Naguguluhan na rin ako sa buhay ko."

"Gising ka na. Alam mo kung ano ang malaking pinagkaiba ng tama sa mali. Kaso hindi ka makabuo ng desisyon dahil takot kang iwan siyang mag-isa." Pabuntong hininga siyang naupo sa tabi ko, sumandal rin sa pader habang ang tingin ay malayo.

Hindi ko nagawang imikan ang pahayag niyang 'yon. Malinaw kong naiintindihan ang bawat salitang sinambit niya. Kaya malinaw ko ring naiintindihan na tama siya sa parteng sinabi niya na takot akong iwan si Gio kahit masakit na.

'Yon kasi ang totoo.

Iwan pa lang siya, binabagabag na ako at natutuliro. Palagi akong takot dahil sa isip ko ay hindi niya kakayanin ang mag-isa kahit na matanda na siya. Sa takot na babalutin lang siya ng mga negatibong bagay gaya ng unang beses na nakita ko ang lugmok na estado niya.

And only by thinking about it is enough to break my already broken heart. Malinaw pa rin sa isip ko kung paano ko nakita ang kaguluhan sa mga mata niya. Tandang-tanda ko pa kung paanong tila hindi niya namamalayan na umiiyak na pala siya.

Kung paanong nakapako lang ang paningin niya sa pinakaimportanteng tao sa buhay niya habang tila naguguluhan kung totoo ba ang lahat o isang panaginip lang na gusto niyang kalimitan.

Lahat ng 'yon tanda ko pa. At lahat ng nararamdaman ko noong araw na 'yon ay nararamdaman ko pa rin hanggang ngayon.

"You really didn't have to do this, Gio," anang emosyonal na tinig ni Ma'am RIa mula sa loob.

"Forgive me for being insensitive," mababa ang tinig na saad ni Gio.

Nakarinig akong ingay na gawa ng isang upuang hinihila. I remained silent and so did René who was sitting beside me. Tahimik lang kaming naghihintay ng mga susunod na mangyayari sa loob.

"I just wanted to get to know you better. And I think meeting your parents will help me know you more," Ma'am RIa said carefully. "I was wrong to ask, Gio. Sana patawarin mo rin ako."

"Naiintindihan ko, Ria. Only if I could tell you everything, matagal ko na sanang ginawa," mahinang sabi ni Gio sa kaniya.

"You can always tell me everything, Gio. Kapag handa ka na, hihintayin ko hanggang kaya mo na," malambing na saad niya.

Gio sighed heavily, freeing himself from the heavy baggage he's been carrying. "I can freely tell you everything, but not on this one, Ria."

Kahit wala ako sa loob ng silid-aralan na 'yon, ramdam ko ang pagbigat ng hangin sa na bumabalot sa kanila. And I felt like even Renesmé felt that. Naramdaman ko kasi ang biglaang pagbaling niya ng tingin sa akin. But I remained looking ahead, afraid that if I moved, tears would gush out nonstop from my eyes.

Ramdam ko ang hesitasyon sa boses ni Gio sa bawat salitang binibigkas niya. Sino ba namang hindi. Kung ang sitwasyon ni Gio ay magdidikta kung mananatili ba ang isang tao sa tabi niya o hindi.

"Bakit hindi, Gio? Dahil baka mag-iba ang tingin ko sa'yo gaya nang sinabi ng kaibigan mo sa akin?" tanong ni Ma'am sa bahagyang tumaas na tinig.

Kusang kumilos ang katawan ko para tumayo na. Nanatiling nakaupo si René kaya nagbaba ako ng tingin sa kaniya. Sinenyasan ko siyang tumayo ngunit iling ang kaniyang naging tugon.

"Tara na, uwi na tayo," anyaya ko sa kaniya.

Bigla akong binalot ng takot at pagmamadali. Gusto kong bigla umalis sa lugar na 'yon sa takot na baka umabot sa punto na lalabas ang totoo. I want to save René from the truth dahil tulad ng takot ni Gio sa magiging reaksyon ni Ria ay gano'n din ako pagdating sa mga kaibigan ko.

Ayaw kong pag-isipan din nila ng masama ang lalaki. Ayaw kong sumama ang tingin nila sa kaniya kahit na hindi naman si Gio ay may ginawang masama. Natatakot ako sa magiging reaksyon nila oras na malaman nila kahit na alam kong maiintindihan nila.

Gio's past has been something he's never proud of. Minsan ko na rin siyang narinig na humiling na magkaroon ng ibang ama sa sobrang sama ng loob niya. Gio's scars go way too deep even for my reach that helping him heal was never an option to me.

Kaya palaging nakatatak sa isip ko na kung hindi ko man siya matutulungan... kahit ang samahan lang siya ay magawa ko para sa kaniya.

Kaya takot ako... takot ako na madagdagan pa ang dahilan ng mga kaibigan ko para mas lalo pang ayawan si Gio.

Pero bago ko pa man maihakbang ang paa ko ay nahawakan na agad ni René ang kamay ko para pigilan ako. "I want to hear it, Carmen. Whatever they would talk about, gusto kong pakinggan lahat," seryoso niyang pagsasalita.

Naging maingay ang sigaw nang pagtutol sa isip ko dahil sa sinabi niya. Pero ang bibig ko ay nanatiling tikom sa kawalan ng lakas na magsatinig ng kahit na anong salita.

"Why can't I know, Gio?" Ma'am asked disappointedly. "Why can't I be your ally?"

Kusang bumaling ang ulo ko patungo sa direksyon ng dalawa. At dahil sa ginawa kong pagtayo ay nakikita ko na sila ngayon mula sa maliit na siwang at babasaging salamin na parte ng pintuan.

The two were standing while facing each other. Parehong seryoso lang ang mga mukha nila habang nagtititigan at naghihintayan kung ng mga susunod na mangyayari.

"Bakit si Carmen alam niya? Bakit ako hindi puwede?" sunud-sunod na tanong niya. "Magagawa ko rin namang intindihin ang lahat, Gio. Katulad niya, kaya ko ring manatili sa tabi mo. Ako ang girlfriend mo, pero hindi ko maintindihan kung bakit may limitasyon ako."

"Bitch," dinig kong bulong ni Haze.

"René ," may babala sa tono na pagtawag ko.

Inismiran lang ako ng babae. Tumayo na rin siya pero imbes na maglakad paalis ay sumandal lang siya sa dingding habang nakatingin sa akin.

"Gaano ba kabigat 'yan na hindi mo magawang buksan ang sarili mo para kahit papaano ay gumaan ang dibdib mo? Bakit kailangang hindi ko tawirin ang pader na itinayo mo para protektahan ang sarili mo?" mahina, may bahid ng lungkot, at dismayadong tanong ni Ma'am Ria.

I diverted my gaze towards Gio. At dahil nakaharap siya sa direksyon, malaya kong nakikita ang pagtatalo sa mga mata niya habang nakatingin sa babae. As if he was deeply contemplating on whether he should or should not tell her everything.

Pakiramdam ko ako ang nasa posisyon niya ngayon. Maging ako ay puno rin nang pagtatalo sa isip ko kung ano ba ang pinakamainam na desisyon. Nariyan na gusto kong sabihin na lang niya ang lahat para wala na siyang itatago at matapos na. Pero malaking parte ng isip ko ay takot sa maaaring maging reaksyon ni Ma'am Ria.

Sobrang balot ako ng takot na baka katulad ng mga taong nakapalibot kay Gio ay nanghuhusgang tingin na ang ibigay niya. Taliwas sa pagmamahal na palaging naroon tuwing magkasama sila.

At alam kong ayaw rin ni Gio ang bagay na 'yon. Lalo na kung galing sa babaeng mahal niya.

I don't want another pair of judgemental eyes to look at Gio as if he's a criminal. I want them to be okay... kahit masakit. Gusto kong maging malaya sila at magmahalan sila ng buo. Pero paano iyon gagawin ni Gio kung sa katotohanang isisiwalat niya ay maaaring mawala ang babae sa kaniya?

"Ayaw kitang mawala sa akin, Ria," hirap at nakikiusap na sabi ni Gio sa kaniya.

"Hindi ako mawawala," pangako ni Ma'am Ria.

Katahimikan ang sunod na namayani sa kuwartong 'yon. Maging kaming dalawa rin ni René ay parehong nawalan ng imik. Nagpatuloy 'yon ng ilan pang pinuto na maging ako ay nawalan na rin ng pag-asa na may magsasalita pa mula sa mga taong nasa loob.

At sa bawat segundong lumilipas na puro katahimikan lang namumutawi sa dalawa, palala nang palala ang nararamdaman kong kaba.

"I'll be able to understand a thing or two. But I would never know how to act in front of you if I'm this clueless about your life," Ma'am Ria spoke again, in an impatient tone. "So, tell me—"

"The rumor..." mahina ang boses na putol ni Gio sa mga sasabihin pa sana ni Ma'am Ria.

Akala ko ay todo na ang kabang nararamdaman ko magmula pa kanina. Pero nang dahil sa pahapyaw niyang 'yon ay mas lalo lang kumabog ang dibdib ko ng malakas. Sobrang lakas na halos 'yon na lang ang marinig ko ngayon.

Kabadong napatingin ako kay René na bahagyang nanlalaki ang mga mata ngayon na nakatingin sa akin. She has this questioning look on her face, but recognition was above everything else.

Obviously, she knew. Of course, she would. Siya ang naghatid ng balitang 'yon sa amin noong nakaraang buwan. Kaya alam ko, na kahit kulang-kulang pa ang detalye nang paliwanag ni Gio ngayon ay naiintindihan na niya ang nangyayari.

"Hindi ko naiintindihan, Gio," saad ni Ma'am Ria. "Sa rami ng mga naging usap-usapan sa CIU hindi ko na alam ang lahat ng 'yon."

Pilit kong inalis kay René ang paningin ko para ibaling kay Gio. Bagsak ang ulo niya at iwas na iwas ang mga mata sa babaeng kaharap. Na para bang hiyang-hiya siya sa sarili niya at kung sino siya.

"I'm a criminal's son."

I couldn't figure out the reason why, but I just found myself shedding tears at the words of Gio. Kung ang mga salitang binitawan niya ba o ang hiya at panliliit niya sa sarili niya ang dahilan, hindi ko matukoy ang rason. Basta ay bigla ko na lang naramdaman ang mainit na likidong sunud-sunod na dumaloy sa magkabilang pisngi ko.

I fisted my hand when the urge to walk inside the room to stand beside Gio came rushing in my heart. Pero alam kong hindi tama kaya ako na rin mismo ang pumigil sa sarili ko.

It's his battlefield he's standing in, he should be his own ally. He should help himself. At kahit na gustuhin ko man na lapitan siya at tabihan, pakiramdam ko ay wala na akong karapatan.

"My father... he killed my mom."

"Carmen," René uttered, shocked by the truth Gio's exposing in front of Ma'am Ria.

"Y-You're joking, right?" Ma'am Ria asked in a shaky voice.

Another sharp knife pierced my heart when I watched how she took a step backward... one step away from Gio who has been constantly fighting for his love.

Nakita ko kung paanong mas bumaon pa ang pagkakayuko niya para itago ang mukha sa kaharap. Kuyom na rin ang dalawang kamay niya sa magkabilang gilid niya. Ang bagay na kinatatakutan niya, ngayon, nangyayari na.

It feels like me and him are one in this situation. Na kung ano ang nararamdaman niya ay siya ring repleksyon ng laman ng puso ko. Ang kaba sa pagsiwalat niya ng totoo at ang takot sa maaaring maging reaksyon ng mga tao.

This was never an easy topic to any of us. Palagi kaming ingat, kami ng mga magulang ko. Hangga't maaari ay iniiwasan naman na masagi ang usapang ito dahil alam namin kung gaano kaapektado si Gio tuwing mababanggit man lang ito.

We knew how deep his scar was. I know how sensitive this issue is to him. Pero ngayon na siya na mismo ang nagpapakilala sa kung sino siya at ang nakaraan niya, mas pinanlalamangan na ako ngayon ng awa para sa kaniya.

"Nandidiri ka na ba sa akin? Natatakot ka na rin ba? Isusuka mo na rin ba ako katulad nang pag-abandona sa akin ng mga kamag-anak namin dahil sa ginawa ng ama ko?" Humakbang siya paatras, pinananatiling nakayuko ang ulo sa kahihiyan.

"G-Gio..."

"Kahit ako, Ria, sukang-suka ako sa sarili ko. Hindi ko matanggap na 'yong dugong dumadaloy sa ugat ko ay siya ring dugong nananalaytay sa taong pumatay sa ina ko." Isang hakbang palayo. "Nandidiri sila? Puwes, mas pinandidirihan ko ang sarili ko. Mas ikinakahiya ko ang pinagmulan ko. Kung hindi nga lang kasalanan na patayin ang sarili ginawa ko na. Itinuloy ko na. Kung hindi lang ikalulungkot ni Mama ang pagkasira ng buhay ko, noon pa sana nagbulakbol na ako. But I know that Mom wants nothing but the best for me. Kaso kahit na anong gawin ko, kahit na anong pagtitino ang gawin ko, hindi na no'n maibabalik ang buhay niya. Kasi wala na, eh. Wala na 'yong taong pinag-aalayan ko ng lahat ng ginagawa ko. Running for cum laude nga, mamatay tao naman ang ama. May medalya nga, wala naman na ang taong pagsasabitan ko sana. Nakakagago, eh. Sana pati ako pinatay na lang din niya."

My lips parted followed by an audible gasp. I had difficulty breathing because of the strong hand that was tightly and forcefully clutching my heart. Parang biglang nag-rewind sa isip ko ang araw na 'yon na nakatayo ako mula sa sapat na layong distansya at pinanonood siya habang nakaluhod sa harap ng nakahandusay na katawan ng nanay niya na balot ng dugo.

It was a rainy night, a gloomy weather which replicates how Gio was feeling three years ago. Bumisita lang ako sa hotel na pinagtatrabahuhan ng mga magulang ko nang araw na 'yon dahil kagagaling ko sa Crest pagkatapos magpasa ng application form para sa entrance exam.

There was a commotion even before I could enter the hotel. And out of curiosity, I followed where the whole crowd was leading to. Sa isang room sa first floor na hinaharangan ng dilaw na police tape.

Doon... nakita ko si Gio.

Wala siyang imik, nakapako lang ang tingin niya sa ina niyang wala ng buhay. Walang emosyon ang mga mata niya, malayo sa nakasanayan kong kinang sa tuwing nasa entablado siya. Walang buhay na nakatingin lang siya sa ina, malayo sa Gio na nakikita ko tuwing umaarte sya, isang bagay na mahal na mahal niya.

"It was just because of his fucking jealousy and baseless accusation that he ended up taking the life of his wife." He growled, followed by a silent curse. "I'm tainted. I wasn't the one who killed my mom, but I was treated the same as if I was the one who stabbed her multiple times in different parts of her body. I have blood on my hands even though I did not, and would never, kill someone."

"Gio..."

"Only if I could change who I am. Only if I could be somebody else's son, maybe I wouldn't be this ashamed of myself," mahinang dugtong ni Gio. "Go, Ria. I know how disgusting I am in your eyes now. Maiintindihan ko. Sisikapin kong intindihin kung hanggang dito na lang tayo."

Nanatiling nakapako ang paningin ko sa kaniya, pinanonood kung paanong ang bagsak na niyang balikat ay mas lumaylay pa. Tahimik ko silang pinanood, hindi inaalis ang mga mata ko sa kanila.

Kaya nakita ko kung paanong ang tila natuod ng si Ma'am Ria ay unti-unting kumilos mula sa matagal na pagkakatigil. Ngunit imbes na maglakad palapit kay Gio na siyang dapat niyang gawin, na siyang inaasahan ko na at mismong gagawin ko mailagay man ako sa sitwasyon niya, ay hindi nangyari.

Dahil imbes na paglapit... hakbang palayo ang ginawa niya.

But even before I could react to what she did, a rustling sound caught my attention. Nangagaling 'yon sa kabilang pinto kung saan kalalabas lang ni Ma'am Ria. And no, it wasn't because of her because it was even before she could step away. Kaya gano'n na lang ang kaba sa dibdib ko sa isiping may ibang taong nakarinig sa lahat nang paglalahad ni Gio.

"Someone's listening," René said with a knotted forehead.

"Nakita mo ba kung sino?" sa nanginginig na boses ay tanong ko. "Baka ipagsabi at kung saan-saan na naman makarating ang bagay na 'to."

"Hindi ko nakita." Tumayo siya ng tuwid matapos ay sinundan ng tingin ang direksyon na taliwas sa akin. "Susundan ko. Dito ka lang," bilin niya.

Hindi na ako nabigyan pa ng pagkakataon na makapagsalita dahil nauna na ang ginawa niyang pagtakbo para sundan ang taong 'yon.

I was left alone in that place. I was rooted to where I was standing, afraid to make any move. In my mind, I was already taking steps to reach for Gio's hand. But in reality, I was feeling numb and powerless making it hard for me to go and be with him.

Gusto kong ipaalala sa kaniya na hindi siya nag-iisa, katulad ng nakagawian ko na. Gusto ko siyang tabihan para ipaalala na may kasama siya at karamay sa problema niya. Gusto ko siyang lapitan para ibulong sa tainga niya na magiging ayos lang din ang lahat.

Pero paano ko gagawin ang lahat ng 'yon kung maging ako ay hindi na rin sigurado kung okay pa ako?

"Fuck this life..." he whispered, defeated and defenseless.

And that was what pulled me from my deep-rooted reverie.

Kailangan niya ako. Higit sa lahat... kailangan ng makakasama ni Gio.

Lakas loob akong humakbang paabante, palapit sa kaniya kung saan siya iniwan ng babaeng akala ko maiintindihan ang nakaraan niya. Hind gaya ng mga taong nakapaligid sa kaniya na walang ibang ginawa kundi ang iwan siya, tinibayan ko ang loob ko para tabihan siya.

"Gio," luhaang sambit ko sa pangalan niya. "Nandito lang ako," lambing ko.

I saw him stiffen. And just like how a fire on a match died with just a soft blow of the wind, Gio wobbled on his feet. He ended up kneeling on both knees with his clenched fits.

"It's not on you, okay?" I softly whispered. I carefully walked towards him until I found myself, knees kissing the ground, sharing the pain he's feeling. "It would never be on you."

Pero alam ko na kahit na anong salita pa ang gawin ko para pagaanin ang loob niya, wala na 'yong kuwenta. Dahil kung noon ay sugatan na siya, ngayon ay durog na durog na.

-------------------------------------------------------------------------

A/N: Thank you! :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top