Chapter 29

A/N: From this chapter forward, minimal changes on names and nicknames are to take place. I've been thinking about this for quite sometime now, and I think dapat kong pagbigyan ang sarili ko. :) It might be confusing but I hope along the way, you'll still embrace them. :)

Clarisse Auburn Paraso | Burn (used Clau as her nickname before)

Hazel Renesmé Duquesa | René (used René as her nickname before)

----------------------------------------------------------

Hindi ko alam kung bakit kailangan kong mapabaling sa lugar na ito. Kung bakit kailangan ang presensya ko gayong wala naman akong papel na gagampanan sa mga susunod na mangyayari ngayon.

Gone are the days with me finding solace. Ang panandaliang saya at ginhawa ay gano'n kabilis na nawala. Heck! I wasn't even totally happy! Pakiramdam ko lang malaya ako. Pakiramdam ko lang ay nasa dungaw na ng madilim kong mundo ang liwanag at kapayapaan na hinahanap ko.

But damn life to the highest peak! I just found myself a part of this situation even before realizing that my presence isn't needed at all. Na sa gano'n kabilis na sandali ay napatid ang sayang naramdaman ko ilang gabi ang nakararaan.

Hindi rin option ang umalis dahil sa mahigpit na hawak ni Gio sa kamay ko. Ramdam ko ang panlalamig ng kamay niya, maging ang pamamawis no'n na marahil ay dahil sa kaba. Pilit kong iniintindi ang pinanggagalingan niya pero kahit ano pa yatang pagkumbinsi ang gawin ko sa sarili ko ay tanging taliwas na desisyon ang gusto ko.

I want to pull my hands away, to distance myself, and claim the space that I deserve. Kaso katulad ng makailang ulit na nangyari sa tuwing kasama ko siya... nauuwi sa katahimikan ang bawat salitang gusto ko sanang isigaw sa hara.

"Hindi ko maintindihan kung bakit kailangang nandito ang kaibigan ko," seryoso ang tinig na saad ni Burn sa kaniya. Tanong na siya ring gusto kong isatinig ngunit wala akong lakas na magsalita.

"Aren't you too cruel to our friend, Gio?" walang kangiti-ngiting tanong ni René sa lalaking katabi ko. "Kung magulo ang buhay mo, please spare my friend."

"Stop it, girls," maagap na pigil ko. "Kumalma kayo."

I don't want to widen the path of hatred my friends have for Gio. That's the last thing I want now. Okay na sa akin na civil sila sa isa't isa. I'm not even asking for more.

Pero sa pagkakataon na 'to, pakiramdam ko wala na akong mahahanap pa na magandang salita para protektahan si Gio. I can't even feel the will to protect him in the first place. Dahil maging ako... ayaw ko rin na nandito ako.

"Kinakabahan ako," tipid na sagot ni Gio. Na sa haba ng mga sinabi ng dalawa ay tanging dalawang salita lang ang naging tugon. Na para bang ang dalawang salita na 'yon ay sapat na para maipaliwanag kung bakit kailangang nandito ako sa tabi niya.

"Anong kinalaman ni Carmen sa kaba mo?" sarkastikong tanong ni Burn.

"Her presence calms me," mahinang tugon niya. Naramdaman ko ang paghigpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko kasabay nang pagsagot niya sa tanong na 'yon.

Nag-angat ako ng tingin sa dalawang babaeng nakatayo sa harapan namin ngayon. Wala akong makitang kahit na akong emosyon sa mga mata nilang dalawa.

Naiipit ako sa isang sitwasyon hindi ko alam kung ano ang pinakamainam na desisyon. Ni hindi ko na nga rin magawang makapag-isip ng tama ngayon. I wanted to leave Gio but at the same time, my mind is screaming for me not to do so.

Gusto ko siyang iwan dito dahil alam ko namang walang magandang maidudulot sa akin ang mga susunod na mangyayari pero sa simpleng pagpisil lang niya sa kamay ko ay nawawalan na ako ng lakas para kumilos palayo.

And my friends... they were the ones doing the things I should be doing right now. Sila na ang nagrereklamo para sa akin. Sila na ang naghihimutok sa kadahilanang tila napipe na yata ako. Sila na rin ang naglalabas ng inis at galit na unti-unti ko nang nararamdaman ngunit hindi ko pinagtutuunan ng pansin dahil sa isip ko ay mas lamang ang pag-intindi kay Gio.

"Gago ka ba, Gio?" matapang na tanong ni René. Diretso sa matang tiningnan niya ang lalaki habang salubong ang kilay at bakas na bakas ang galit.. "Anong tingin mo sa kaibigan ko? Bagay na gagamitin mo kung kailangan mo at iiwan na lang sa isang tabi kapag tapos ka na? Nakakaloko ka naman yata." Sarkastikong natawa si René habang tutok pa rin ang mga galit na mata sa katabi ko. "Iniingatan namin ang taong paulit-ulit mong binabaliwala. Tapos ikaw, ano? Ginagamit mo siya ng paulit-ulit porket hindi siya nagrereklamo?"

"Carmen knows her boundaries. At alam niya rin ang totoo," giit niya pa.

"Tangina, Gio!" sigaw ni Burn.

Sa isang mabilis na kilos ay nagawa niyang lapitan si Gio para kuwelyuhan. Sa kabila ng taas at laki nito kung ikukumpara sa napakaliit na pigura ni Burn ay hindi pumatol si Gio. Hindi rin naman natinag ang kaibigan ko at buong tapang na hinarap ang lalaki.

Lakas-loob na tinulak niya ang lalaki hanggang sa mapasandal na ito sa pader. At dahil hawak niya ang kamay ko ay maging ako nadamay.

"Hindi si Carmen ang sagot sa lahat ng problema mo. At wala kang karapatan na paulit-ulit siyang kaladkarin sa kung saan mo gusto." Pabalya niyang binitawan ang lalaki dahilan para bahagya itong mapaatras. "Tapos na, diba? Alam na ng buong Crest na may iba kang babae. Wala ng rason pa para lapitan mo siya at hingan ang tulong. Hindi ka pa ba kuntento? Kulang pa rin ba sa'yo ang mga insultong binitawan nila para sa kaniya? Tinawag na malandi ang kaibigan ko! 'Yong taong iniingatan namin, walang hirap na ibinababa ng ibang tao! Tapos ito ka! hHindi ka pa nakuntento at umaabuso pa!"

Bahagya kong pinalaki ang mga mata ko bilang lunas sa luhang gusto nang kumawala mula roon. I even bit my tongue to stop myself from sobbing.

Ramdam ko ang galit nilang dalawa para sa lalaking paulit-ulit kong isinasalba. Para sa lalaking walang sawa kong inintindi dahil akala ko ay 'yon ang tama. That even at the expense of my own happiness... I ran after him and helped him with things I shouldn't have gotten myself involved in.

I knew how my friend tried to understand me and my reasons, just like what I am doing with Gio. Pero siguro totoo nga na kahit gaano pa kagaling ang isang tao sa pagtitimpi ay dadating pa rin ang punto na sasabog na lang sila bigla dahil sa pagkapuno.

Kapag sobra na. At kapag sobrang sakit na.

Katulad ng dalawa ngayon na harapan nang ipinakikita kay Gio ang mga kinikimkim nilang sama ng loob. At katulad ko na sa kabila ng ilang beses na pagprotekta sa kaniya ay unti-unti na ring napapagod.

"Kung gusto mong balikan ang babaeng 'yon, gawin mo mag-isa. Kung gusto mong maghanda ng sopresa para sa babaeng mahal mo, huwag kang gago na nangdadamay ng iba. Dahil 'yang babaeng hinihingian mo ng tulong, tao 'yan at hindi robot. May nararamdaman 'yan 'di tulad mong mahid na nga, eh, gago pa sagad hanggang buto," sunud-sunod na saad ni René bago lumabas ng bakanteng roon kung nasaan kami ngayon.

Malabo ang paningin na hinarap ko si Burn na matamang nakatingin sa akin ngayon. She nodded her head to me as if convincing me and encouraging me to do what I wanted. Muli niyang binalingan si Gio matapos 'yon. Katulad ni René ay walang mababakas na emosyon sa mukha niya at salubong ang dalawang kilay tanda ng kaseryosohan.

"Oo, galit ako sa'yo. Sobrang galit ako dahil kahit alam mong hindi na dapat ay si Cae pa rin ang hinahanap-hanap mo," panimula niya sa ngayon ay kalmado ng tono. "Subukan mo kayang bumuo ng desisyon ng ikaw lang. 'Yong desisyon na para sa sarili mo at ikaw lang ang gagawa. Hindi habang buhay nasa tabi mo si Carmen. At please lang, hayaan mo namang huminga ang kaibigan ko mula sa'yo," seryosong wika niya sa tono na halos nakikiusap na. Tumango siya ulit sa akin bago sumunod ng labas kay René.

Katahimikan ang tanging nangibabaw sa aming dalawa nang maiwan kami. Tinimbang ko sa isip kung kung ano ang dapat kong gawin ngayon. Aminin ko man ng malakas o hindi, alam ko sa sarili kong naapektuhan ako ng lubos sa mga salitang sinabi ng dalawa kanina.

Those were the exact same words I have been meaning to say to Gio. Words I was too afraid to say because Gio was so precious to me that hurting him was never on my mind.

I don't know what he thinks of me and how important I am to him. Pero sa akin... sobrang importante siya. Na kahit alam kong matagal ko na siyang dapat na pinabayaan ay nagpaubaya pa rin ako para sa kaniya.

Nangangati ang kamay ko na bitawan ang kaniya pero mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin. At maging ang maliit na pagkilos na 'yon ay hindi na nakagugulat pa na mas lalong nagpahina lang ng loob ko na iwan siya ngayon.

"Iiwan mo na ba ako katulad ng gusto nila?" mahinang tanong niya, dahan-dahang iniyuko ang ulo para makaiwas sa mga mata ko.

"Hindi mo ako kailangan dito, Gio. Alam mo 'yan. At ilang beses mo na ring klinaro sa akin ang bagay na 'yan." Malalim ang sumunod na hiningang hinugot ko na marahan kong pinakawalan gamit ang bibig ko. "This is about you and Ma'am Ria. I shouldn't be included in the picture."

"Pero kailangan kita, Carmen," muli ay bulong niya.

Pilit kong kinalma ang sarili ko bago pa man tuluyang uminit ang ulo ko. Maging ang mga salitang sunud-sunod na nagsisipasukan sa isip ko at pilit ko ring pinayapa ngunit sadiyang napakahirap gawin.

Lalo na kung ang taong siya rin mismong dahilan kung bakit nagkakaroon ng pagtatalo ang puso at isip ko ay nasa tabi ko, hawak ang kamay ko habang paulit-ulit na sinasabing kailangan niya ako.

Hindi ko alam kung dahil pa ba sa inis o sa sobrang pagkapuno pero naging malabong muli ang rehistro ng paningin ko dahil sa saganang luha. At kung noon ay sigurado akong sa bawat pintig ng puso ko ay dahil sa pagmamahal sa kaniya, ngayon, wala akong ibang maramdaman kundi ang kagustuhan na lumaya.

Sobrang punung-puno ng samu't saring emosyon ang puso ko na hindi ko na makilala kung ano ang nangingibabaw roon. Pero pinalilinaw ng malakas na pintig ng puso ko ang sakit at pagsuko.

Akala mo pumipuga roon sa sobrang sakit. Na parang may sumasaksak doon nang paulit-ulit.

"Hindi mo ako kailangan." Pinuno ko ng hangin ang dibdib ko, tahimik na umaasang sa gano'ng paraan ay kakalma ako. "Nakasanayan mo lang ang presensya ko. Nasanay lang tayo na nasa tabi natin ang isa't isa kaya ngayon ay naninibago ka pa."

"Pero 'yon ang totoo, Carmen. Kailangan kita," pagsusumamo niya.

"Hindi, Gio."

"Alam ko ang nararamdaman ko, Carmen. At ngayon, kailangan kita para kumalma ako."

"Saan banda mo ako kailangan? Ipaliwanag mo sa akin kung bakit mo ako kailangan? Kung bakit hindi ako puwedeng umalis?" sunud-sunod na tanong ko.

Hindi na ako nagulat pa nang wala akong narinig maski isang napakaliit na tinig lang mula sa kaniya. And I took that as my cue to finally make a move and gave myself an ample space for my comfort.

Marahan kong kinuha ang kamay kong mahigpit na nakakulong sa kapit niya. Gaya ng inaasahan ay agad kong naramdaman ang paghigpit ng hawak niya sa akin. Ngunit taliwas sa pagpapaubayang paulit-ulit kong ginagawa ay tinapangan ko ang loob ko para magawa ko, sa unang pagkakataon, na suwayin ang sigaw ng puso ko.

Dahan-dahan kong binaklas ang bawat daliri niyang bumabalot sa kamay ko. Ni isang segundo ay hindi ko inalis ang tingin ko roon para magawa kong sanayin ang sarili ko sa paglayo kay Gio.

Hindi naman ibig sabihin na lalayo ako ay iiwan ko na siya. Na kalilimutan ko na siya at babaliin ang pangakong binitawan ko sa harap niya. Kailangan ko lang ng kaunting distansya. Kahit ilang oras lang, araw, o linggo na wala siya sa tabi ko. 'Yong walang Gio na manghihingi ng pabor at Gio na magpapatulong para sa isang bagay na para sa ibang tao.

Kailangan ko lang huminga.

Kailangan ko lang ng kaunting espasyo dahil natatakot na ako na sa sobrang pagprotekta ko sa kaniya ay ako naman ang mauubos. Na sa sobrang pagpipilit ko na buuin ang pira-piraso niyang buhay ay ako naman ang madudurog.

Dahil ayaw kong mawala 'yong sarili ko para sa isang tao na hindi naman makita ang halaga ko. Na hinahanap lang ako kapag may puwang na. Ngunit isasantabi kapag tapos na.

Hihinga lang ako sandali. Para kapag maayos na ang pakiramdam ko ay magagawa ko na siyang harapin muli ng may ngiti.

"You don't have to flatter me with your words." Inilingan ko siya. "Tama ka, alam ko kung hanggang saan lang ako. Malinaw na nakatatak 'yan sa isip ko. Kaibigan. Kapatid. Gets ko, Gio." Mapait akong ngumiti sa kawalan. I can't even look at him now because of too much pain.

"Kaya mas malinaw pa sa magulo kong isipan na alam kong si Ma'am Ria ang kailangan mo at hindi ako. Dahil hindi ka naman magkakandarapa at magkukumahog sa paghahanda para mabawi siya. Sinabi mo na sa akin na dahil sa kaniya, naramdaman mo ulit ang saya. See? Hindi ako 'yon. Hindi ako ang muling nagsindi ng kandila para bigyan muli ng buhay ang mundo mo kundi siya. Don't counfuse yourself, Gio. Ask yourself what you really feel. Weigh your heart on who you really want to stand with you and fight. Dahil sa nakikita ko, hindi ako ang taong 'yon."

"Maayos naman tayo, diba? Nag-enjoy pa nga tayo nang magkasama noong linggo. Bakit biglang nakakaganito ka ngayon?" lito niyang tanong. "Please, Carmen, mamaya na natin pagtalunan ang bagay na ito. Parating na si Ria at baka mas lalo lang akong matuliro. Kakausapin ko na lang mga mga kaibigan mo mamaya. Maybe you got swayed by their words. Please, Cae," nagmamadaling pakiusap niya.

I was deeply thanking the heavens that my girls were not here anymore. Dahil kung maririnigan nila ang mga ganitong linyahan mula kay Gio ay paniguradong mas manggagalaiti silang dalawa sa galit.

At least kung ako lang, magagawa kong kumalma at magpanggap na okay lang. Hindi tulad ng dalawa na kauting pitik na lang ay sasabog na ng tuluyan.

Gusto kong sumabog na lang at isigaw sa harap niya ang lahat ng mga bagay na hindi niya nakikita noon pa. His choices of words are not exactly the best to be used in this situation. Dahil imbes na pagkalma, mas nasasakatan lang ako sa bawat buka ng bibig niya.

To say that I was offended would not even compare to how he made me feel with his words. Parang ang dating ay nag-iinarte na lang ako. Parang ang gusto niyang palabasin ay hindi mahalaga ang nararamdman ko. At sobrang napupuno ako ng galit sa mga oras na ito. But rather than taking it out on him, I took a deep breath and extended my patience for him.

Baka stress lang. Baka sobrang kabado lang kaya hindi na niya alam ang mga sinasabi niya. Siguro naman kapag kalmado na siya ay babalik na siya sa Gio na nakakasama ko nitong mga nakaraang buwan.

Sigruro...

Sana...

"Okay tayo kasi 'yon ang ipinakikita ko sa iyo. Nag-enjoy tayo dahil nilunok ko ang lahat ng sakit na ipinararamdam mo sa akin tuwing magkasama tayo," pagbibigay riin ko.

"Sana sinabi mo. Dapat ipinaalam mo para lumayo ako," sagot niya.

"Paano ko gagawin iyon kung ikaw itong lapit nang lapit dahil kailangan mo ako?" Nagbaba ako ng tingin sa sapatos ko nang hindi na mapigilan pa ang pagdaloy ng luha sa mga mata ko. "Kung ang depinasyong mayroon ka para sa salitang ay ang presensya ko sa tabi mo, tangina intindihin mo rin ako. Huwag kang selfish, Gio. May karapatan din akong mapagod at pagod na pagod na akong magpaggap na okay sa harapan mo. Nagsasawa na akong magpigil ng luha para lang hindi ka maapektuhan ng lungkot ko."

Gusto kong isigaw ang mga salitang iyon ngunit kalmado pa rin ang tono ko kahit gusto ko na lang sumabog. Because I know that shouting at him would not make him understand me. Kaya hanggang ngayon... siya pa rin ang iniintindi ko.

Gano'n naman palagi tuwing siya na ang involve. Palaging iintindi. Palaging kailangan kong ngumiti. Palaging kailangan kong magpanggap na masaya kaya hindi ko namamalayang sobrang lungkot ko na pala. Dahil sa isip ko, puro kalagayan ni Gio ang iniintindi ko. Ayaw kong dagdagan ang stress niya kaya hangga't maaari ay pinasasaya ko siya.

Pero ganoon pala talaga 'yon, 'no?

Na sa pagpipilit nating pasayahin ang iba, kasiyahan na mismo natin ang nakokompromiso hanggang sa hindi na maisasalba. Na mare-realize mo na lang unti-unti na nakakapagod palang ngumiti lalo na kung ang talagang gusto mong gawin ay magpalamon sa lungkot at sakit.

Kaya siguro ngayon, kahit na anong klaseng pagpapaalala ko sa sarili ko na intindihin si Gio ay taliwas na ang mga kilos at salita ko.

"Bakit ka naman masasaktan, Carmen? Magkaibigan tayo, alam mo 'yan," giit niya.

Dahil mahal kitang gago ka.

May malungkot na ngiti sa mga labi na umatras ako palayo sa kaniya. I never took my eyes away from him this time. The reason why I clearly saw how confusion filled his eyes. But only that.

Sadness?

There was nothing.

Pain? The emotions I am feeling as if my heart has been stepped on brutally in the middle of a stampede?

I wish there was but nothing was seen. Tanging kalituhan lang. Maging ang pagpigil sa akin na kanina ay ginagawa niya ay wala na rin.

Nagpatuloy ako sa pag-atras hanggang sa isang metro na lang ang layo ko mula sa pintuan sa likuran ng room. Nang makuntento sa layong mayroon kami, muli ko siyang nginitian ng mapait.

"Akala ko ba alam mo kung bakit ako nasasaktan? Akala ko ba ayaw mo nang dagdagan pa 'yong sugat na idinulot mo sa akin? Sinabi mo, diba? Sa Apex nang ihatid mo ako noong nakaraan? Noong nangako kang susunduin ako? Noong hinawakan mo ang kamay ko na para bang proud na proud kang ibalandra sa buong campus na tayo?" sunud-sunod na pagbabato ko ng tanong.

Nangunot ang noo niya. "I didin't mean it that way. I was talking about you, being trapped with our deal. Kaya nga sabi ko sa'yo na magsabi ka lang sa akin kung ayaw mo na."

"Pero nagmakaawa ka na huwag kitang iwan dahil ang sabi mo ay kailangan mo ako." Sarkastiko akong natawa kasabay nang pagkahulog ng ilang butil ng luha sa pisngi ko.

Hindi ako makapaniwala na ang Gio na nakakasama ko nitong mga nakaraang buwan ay sobrang layo na sa Gio na kaharap ko ngayon.

"Kaya nga nanatili ako sa tabi mo. Kaya nga mas pinili kong magpakatanga sa bawat kagaguhan mo. Pero ngayon, Gio, hindi man ako nakahanap ng iba pero ayaw ko na."

"Carmen, ano bang nangyayari sa'yo?"

Siguro dahil sa layo... o siguro dahil bulag siya pero hindi niya nakikita na ang sakit-sakit na.

Sigurado ako na kung haharap ako sa salamin ay sobrang lungkot ng mga mata ko. Dahil iyon mismo ang laman ng puso ko ngayon.

Ramdam na ramdam ko ang lungkot dahilan para mahirapan akong makaramdam ng kaginhawaan sa dibdib ko. Na sa bawat paghinga ko ay kailangan ko pang humugot ng malalim para masabi kong humihinga ako. Para bang may nakulong ako sa isang maliit na espasyong walang butas na maaaring magbigay ng sariwang hangin sa akin.

Sobrang sikip ng dibdib ko sa sobrang pagkapuno ng emosyong sabay-sabay na ipinararamdam ni Gio.

Kung alam ko lang na ganito hindi na sana ako pumayag sa kasunduan na iyon. Kung noon pa man ay pinaniwalaan ko na ang babala ng isip ko na masasaktan ako ay lumayo na sana ako.

"Tama ka sa lahat nang sinabi mo kanina pero tama rin naman ang mga kaibigan ko. At tama rin naman siguro ako kung hihilingin ko sa'yo na bigyan mo muna ako ng kaunting espasyo para sa sarili ko." Ipinasok ko sa bulsa ng jacket ko ang dalawang kamay ko para magawa kong itago ang panginginig no'n. "Don't worry. I'm still yout one-call-away friend who's always ready to give you company and rescue. Magpapahinga lang ako kasi sa sobrang pag-aalala at pag-intindi ko sa'yo ay hindi ko napansin na pagod na pala ako."

Isang tango pa ang binigay ko sa kaniya baho tuluyang nilisan ang silid-aralan na 'yon kasabay nang pagbubukas ng isang pinto sa harapan. Nang makalabas ay siniguro kong hindi tuluyang masasara ang pinto para magawa ko pa ring marinig ang pag-uusap ng mga tao sa loob.

Tahimik akong naupo sa sahig, nakasandal sa dingding habang pasimpleng nagmamasid sa paligid. Malikot ang mga mata ko na paulit-ulit na tinitingnan ang buong pasilyo ipang masiguro na walang tao sa paligid. Mahirap na at baka may makakita da dalawa.

Hindi naman kasi gano'n na lang kadali na baliwalain ang taong halos araw-araw mong pinoprotektahan. Hindi ko lang kasi maintinu kung bakit sa rami ng lugar ay rito niya pa napili na ibigay ang regalong magkasama naming binili para kay Ma'am Ria. Alam naman niyang alanganin kaya bakit kailangang isugal ang bagay na 'yon?

"Why did you ask me to go here?" the soft voice of Ria asked.

Gio cleared his throat. "I need to give you something."

"Ano? Baka may makakita sa atin dito, ikapahamak mo pa. Alam mo namang bawal, diba?" may bahid ng takot na tanong niya sa lalaki.

"Mabilis lang naman," dahilan ni Gio. "Sit first," he ordered.

Nakarinig ako ng kaluskos mula sa loob ng room ngunit tinibayan ko ang loob ko na huwag silang lingunin upang huwag ng mas lalo pang saktan ang sarili ko.

"What are you doing?" she gasped.

Ilang sandali lang ay nagsimulang pumailanlang sa apat na sulok ng silid-aralan ang ingay na nililikha ng isang malamyos na musikang nanggagaling sa gitara. Hindi ako pamilyar sa kanta ngunit nadadala ako sa husay ni Gio sa paggigitara.

Gusto ko siyang sisihin kung bakit ako nasasaktan kaso hindi ko magawa dahil ako mismo ang nagpasok sa sarili ko sa sitwasyon na 'to.

Kaya sa muling pagkadurog ng puso ko ay wala akong ibang nagawa kundi ang tahimik na lumuha. Habang ang taong mahal ko ay sinusumulang bawiin ang mahal niya.

Grabeng parusa naman yata itong natatanggap ko ngayon. Dahil sa likod ko ay ang lalaking mahal ko, hawak ang gitarang iniregalo ko sa kaniya sa pag-aakalang matutugtugan niya ako.

Regalong ibinigay ko habang sa isip ay lihim na nag-aasam na balang araw ay maaalayan niya ako ng isang kanta.

Ngunit sa reyalidad ay gamit niya ang bagay na 'yon para haranahin ang iba.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top