Chapter 28

"Congratulation! 2C!" anunsyo ng emcee.

Awtomatikong nabuhay ang tahimik naming section na kanina pa kabado para sa announcement ng winner para sa second place ng TV Ad.

Tahimik akong nagbunyi sa loob ko, sumisigaw sa isip dahil sa galak nang pagkapanalo. I was too stunned to even celebrate the honor. Too overwhelmed by the fact that despite the highs and lows our team had gone through, we were still able to make it.

"Hoy punta ka ro'n!" pasigaw na utos sa akin ni Cath habang niyuyugyog pa ang magkabilang balikat ko.

"Hindi na. Kaya na nila 'yan," tanggi ko.

"If it wasn't for Elon, I don't think we'll win," komento niya.

"Hindi naman. Nakatulong siguro, but it's not all about him. It's still David's concept."

Totoo naman kasi. At grabe rin ang effort nila David para roon. Nagpalipat-lipat pa sila sa apat na campus ng CIU para lang mabuo ang buong TV Ad.

I personally don't like David's leadership but I must admit that it was a good outcome. Sobrang husay, talagang malinaw ang mensaheng nais iparating. The encouragement for the whole student body was there.

Lalo na at sa sampung estudyanteng kasama sa video ay iba't ibang kolehiyo ang nire-represent. From CAFA, CCS, CET, CBA, CASS, at iba pa. Kung ihahambing sa mga napanood ko ng patalastas, para iyong katulad sa mga shampoo or energy drinks commercial.

Nakakaganang pakinggan. Makulay ang buong video at sobrang galing ng effects na para bang eksperto ang may gawa. From the texts, jump cuts, elements, and filters, sobrang sakto ng lahat. Nanghihikayat talaga na makiisa sa paglinis ng kapaligiran at pagtanim ng disiplina sa sarili para tumulong na isalba ang kalikasan.

"And for the announcement of winners for the Radio Ad, may we call here on stage Sir Renato, one of the professors of the College of Business and Accountancy, Marketing Management Department," sabing muli ng emcee.

Agad na humupa ang pagdiriwang ng section namin sa muling pagsalakay ng kaba sa anunsyo na 'yon ng host. Hindi lang kami ang biglang nawalan ng imik, the whole gym actually lost its voice.

"Kinakabahan ako," bulong ni Cath.

Hindi ko na nagawang segundahan 'yon dahil nagsimula na ang drumroll sound na pumuno sa buong gym.

"For the third place, congratulations..." Sir Renato paused. He looked at the card he was holding before looking at the audience once again. "Congratulations! 2B!"

Lumuwag ang dibdib ko sa narinig. I obviously want our section to win a greater prize. And I knew that we have a chance. Lalo na at ang galing talaga nang pagkakagawa.

"Second place goes to... 2D!"

Umakyat ang mga representative ng section na nabanggit sa taas ng stage. Pero ang pagtuunan sila ng pansin ay hindi ko na nagawa dahil naging tensyunado na kaming lahat dahil sa kaba.

Only one spot left.

And I feel desperate for it. At alam kong maging ang mga kaklase namin ay gano'n dn ang nararamdaman. It was our only way to have a spot in the championship. Tagilid kasi kami sa product namin kaya hindi ako sigurado kung mananalo ba kami.

Bamboonizer we made didn't work out well. Hindi iyon gano'n katibay tulad ng inaasahan namin. It wouldn't be able to carry heavy books unlike how we wanted it to. Maninipis kasi ang bamboo na nabili ng team at tanging stick glue lang ang pandikit nila. It would've been better if they used a thread to connect the bamboos, but we weren't able to think of that because of time pressure.

"Ready, marketistas?" may mapaglarong ngiti na tanong ni Sir Renato.

"2A! 2A! 2A!" sigaw ng section sa katapat na namin na bleacher.

"2H! 2H! 2H!" the other section chanted.

Our section remained silent, quietly wishing to win the trophy.

"Congratulations for being the first place in the Radio Ad competition," he paused again. "You guys nailed it, 2C!"

Imbes na hiyaw ang mamutawi sa amin at katahimikan ang nangyari. Lahat ay nabigla sa hindi inaasahang resulta.

Hanggang sa lumipas ang sampung segundo bago muling umingay ang buong lugar na okupado namin. Nagtatalon sa tuwa ang magkapares na Pat at Lyka. Kung hindi pa siguro sila ipinagtulakan ng iba naming mga kaklase ay hindi pa sila gagalaw para magtungo sa stage.

Kasama nilang umakyat si David na class representative namin at si Cath na isa sa mga leader namin.

"Ginalingan naman masyado ng section niyo, Carmen," anang tinig sa kanan ko.

Despite the loud techno music surrounding the whole gym, I was still able to hear the familiar voice of Abby.

"Grabe, hindi naman," tanggi ko sa kaniya.

Nakangiti ko siyang nilingon at binati niya rin ako ng maganda niyang ngiti. Actually, never ko pa talaga siya naging kaklase sa dalawang taon ko sa marketing. But we knew each other, hindi lang talaga kami nag-uusap. Ngayon pa lang.

Nakakapanibago nga sa totoo lang. Nakasanayan ko kasi sa high school na block section palagi. Mula nga Grade 7 ako hanggang Grade 10, pare-parehong mukha ang nakikita ko. Kung may mababago man, hindi pa lalagpas sa lima.

Unlike how everything flipped now that I am in my college years. Halos lahat ng ka-course mo, kilala mo. Hindi mo man nakakausap, mapapamilyaaran mo pa rin sa pangalan o mukha. Umiikot kasi talaga ang mga estudyante sa bawat academic year. Lalo na kung international student ka na maraming section na pinapasukan.

Kami kasi ang pumipili ng schedule at section na gusto naming pasukan. We can choose to have block section, or we can choose to be international. On my case, I chose 2C for all of my class. Kadalasan kasing mga irregular students na ang international since may mga subject pa silang kailangang balikan.

"Hindi raw, eh, nakakatatlong award na yata kayo ngayon."

"Mahaba pa ang kompetisyon, Abby. Wala pa nga tayo sa mismong main awards, eh. May masusungkit din kayo," pagpapagaan ko sa loob niya.

He shrugged his shoulders off. "I don't mind winning or losing. The event itself is what I was looking forward to. Sayang ang fashion ko kung hindi makukuhanan ng camera."

We smiled at each other with his words. Inaabangan kasi talaga ang e-cong, lalo naman ang Advertising Congress na sa third year naman mangyayari.

And Abby being Abby, maghahanda talaga 'yan panigurado sa outfit niya. He's gay, and someone who dresses like a woman whenever there's a special event in the university just like tonight. On a normal school day, naka-get up siya na nasa kategoryang napapagitnaan ng bihis babae at bihis lalaki.

They are actually free to dress however they want. But during events like this, pabonggahan sila palagi. But most gays in the university are friends naman. May group chat pa nga yata sila.

"We'll be back after a short break. Enjoy your dinner, marketistas."

Naramdaman kong kinalabit ako ng kung sino sa balikat ko kaya agad na napabaling ako sa likuran ko.

"Daldal ka pa, kakain na," masungit na saad ni Cath.

Abby chuckled like a lady. "Chaka mong magsungit, bakla. Hindi bagay sa'yo," komento niya.

"Aba, si Abenido pala ang kausap mo." Matamis na nginitian niya ang lalaki. "Hi, baby A! When mo ako ia-accept sa Facebook?" she asked sweetly which she followed by a cute giggle.

"Tigilan mo ang pagpapa-cute bruhilda ka. Mas maganda pa ako sa'yo." Umirap siya sa babae.

"Ang harsh mo talaga sa akin, bakla ka." Pinaningkitan niya ng mata ang kaharap. "Huwag kang mag-alala, one of these days magiging akin ka."

Nangingilabutang tumayo ako sa upuan ko para mabilis na akayin palayo si Cath. I waved goodbye at Abby who was now throwing daggers at Cath who, on the other hand, was extending her free arm dreamily at Abby.

Hindi ko naman talaga kilala ang lalaki. I knew him through Cath, who was her interest at that time.

"Tigilan mo na, luka-luka. Baka bangungutin pa ang tao dahil sa kabaliwan mo," sita ko.

"Ang pogi niya talaga," nangangarap niyang tugon.

Umismid ako. "Guwapo nga, pareho naman kayong lalaki rin ang hanap."

"Gagawin ko siyang lalaki," puno ng determinasyong saad niya pa.

Inilingan ko na lang siya ngunit hindi na ako nagkomento. Hahaba lang ang usapan at mas lalo lang mangangarap ng gising ang Cath.

Dumiretso kami sa Mercato na bukas pa rin hanggang ngayon. Cath ordered a regular sized pizza while I bought drinks for the both of us.

Naupo kami sa puwesto malapit lang sa entrance para agad kaming makabalik sa loob. Dalawang oras na simula nang mag-umpisa ang event at gutom na ako kahit na nakakain na ako kanina kasama si Elon.

"May problema ba?" tanong ni Cath na pumukaw sa atensyon ko.

"Huh?" naguguluhan kong tanong.

Nagsalubong ang dalawang kilay niya habang naniningkit ang mga mata na sinisipat ang mukha ko. "May problema ba? Bakit ang pula ng mukha mo?"

My hand automatically went up to touch my face. Agad na dumampi sa malamig kong kamay ang init ng pisngi ko. At ramdam na ramdam ko iyon sapagkat malamig na inumin ang hawak ko bago ko dinama ang pisngi ko.

Naramdaman ko ang mas lalo pang pag-iinit ng mukha ko pababa sa leeg ko. Maging ang tainga ko ay ramdam ko na rin ang pag-iinit.

I was only thinking about what happened between me and Elon earlier like a passing thought, but my body is already reacting this way. Paano pa kaya ako tuwing kaharap siya? Mas malala pa sa ganito?

I'm dead.

"I saw your IG story, Carmen," pagbubukas niya ng usapan.

"Hmm? Anong mayro'n?" I asked, trying to sound calm and unaffected.

"And I also saw Elon's," she continued.

"What about it?"

"Magkasama kayo kanina 'no?" usisa niya.

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. I tried to keep my cool but my face is already betraying me for I could feel my face heating up once again.

"Hindi ba puwede?" I asked again, indirectly answering her queries.

"Anong hindi puwede? Puwedeng-puwede! Gosh! Kinikilig ako!" Eksaheradang pinaypayan niya ang mukha niya gamit ang sariling kamay. "Mas bagay nga kayong dalawa. Gosh! Ang ganda mo, Carmen! Anong tubig ba ang iniinom mo? Para mainom ko rin at magustuhan na ako ng Abby my love so sweet ko," walang preno niyang pagsasalita.

I felt a little relieved hearing her words of approval about it. Siguro dahil sa kilala niya na rin naman ako at kaklase ko siya kaya hindi bayolente ang reaksyon niya 'di tulad ng sa iba. At least kahit sa ganitong paraan, alam ko na hindi rin naman pala masama ang makasa si Elon.

Biglang nagsalubong ang dalawang kilay ko na matanto ang direksyong tinatahak ng isip ko.

Why am I even thinking of spending time with him?

***

"Let's go, 2C! Let's go! Let's go, 2C! Let's go!" malakas na sigaw namin bilang suporta sa kandidata naming kasalukuyang rumarampa.

Huling rampa na nila bago ang announcement sa kung sino ang kokoronahang Miss E-Cong ngayong gabi.

Nakikipagsabayan kami ng sigaw sa ibang section pero wala sa plano namin ang magpadaig sa kanila. We wanted to make our presence felt. To make everyone know that we also have a chance in this game.

"Beatrice dela Vega! From MM 2C!" Bea proudly shouted with pride, making her identity known.

"Jay Santos! With honor and pride, from 2C!" sigaw rin niya.

As if on cue, biglang nag-ingay ang section namin bilang suporta sa dalawa. Kinakabahan ako ng sobra sa totoo lang. I know that the two have a chance, but I couldn't help but feel nervous.

Gusto kong manalo ang dalawa pero hindi ko hawak ang desisyon ng mga judge na kaharap nila. Isabay pa na ang kasunod ng introduction ay ang question and answer portion.

Another wave of cheer echoed not only on our part of the bleachers but also all over the whole gym. Pero hindi ko nagawang masundan ang dahilan ng 'yon kaya hindi ko nagawang sabayan ang tilian ng mga tao.

"Shit! Don't tell me, kayo talaga ni Elon?" Cath exclaimed on my side.

My forehead furrowed. "Anong sinasabi mo?" naguguluhan kong tanong.

Ngumuso siya sa likurang bahagi ko. At ako namang puno ng kuryosidad ay awtomatikong nilingon ang direksyong tinuturo niya.

And the moment I turned my head towards my back, people's screams became even louder. But even though my ears were filled with noise, the erratic beating of my heart still dominates my world.

"Anong ginagawa mo rito?" pigil ang hiningang tanong ko.

"We're on screen," he whispered.

I saw him lowered his cap to hide his face. At the same time, I looked in the direction of the stage and another surge of emotion came rushing into my heart.

Hindi maitatanggi na sobrang lakas ng bawat tibok ng puso ko. At ang isip ko na kanina ay buong-buo na nakatuon sa entablado ay okupado na ni Elon ngayon.

I don't even know how to name this feeling he gave me. I just simply want to feel it. I just want my heart to know it.

"Agaw eksena tayo," bulong kong muli.

Naramdaman ko ang init na nagmumula sa malaking ilaw na nakatutok na sa amin ngayon. Maging sa screen na nasa sentro ng stage na dapat sana ay para sa mga kandidatang kalahok ay okupado na namin ngayon.

"Siraulo talaga," bulong ni Elon. He looked downwards towards the technical team and slightly shook his head. "It's someone I know, pasensya na."

I took a deep sigh when the camera finally stopped capturing us. "Okay lang," sagot ko kahit na bahagya akong nabagabag sa nangyari.

"Okay! Lahat yata tayo kinikilig, ano? Ikaw ba, partner, eh, kinikilig?" agaw ng baklang emcee sa atensyon ng lahat.

And I was thanking him deeply in my head. The program started again, habang kaming dalawa naman ni Elon ay nilubayan na rin ng tingin ng mga tao.

"Congrats on your win," he said after we both settled on our seats.

"Thank you, Elon. Though hindi naman talaga ako ang may gawa ng mga ikinapanalo namin," sagot ko sa kaniya. Nilingon ko siya. "Bakit ka nandito?" maingat kong tanong.

He shrugged his shoulder. "I got bored. James took over my tasks. May nakita yatang gusto niyang pormahan sa mga kandidata," balewalang sagot niya.

"Q and A na, Carmen!" pukaw ni Cath sa atensyon ko.

Mukhang nakabawi na ang lahat sa biglaang pagdating ni Elon dahil lahat ay nakatutok na ang atensyon sa entablado.

Bea was in front of the microphone wearing her most confident smile while waiting for the question. Despite the struggle I know she's experiencing right now because of the weight and discomfort of her costume, Bea's smile never left his face.

May kasikipan at kabigatan ang suot niya. It was made out of sewed flour sack dyed using a brown dye. May nakadikit din na mga pinatuyong butil ng mais sa buong upper body habang ang sa baba naman ay ang binilad na balat ng mais. It has a sexy style with a long slit on the right leg of Bea.

"Good evening, lady," one of the judges greeted. "I hope you're doing all good."

"Thank you so much, Sir," Bea greeted back femininely.

"My question is, why is it important to protect our environment while doing business?" he asked.

I have confidence in Bea, but I couldn't help but feel nervous at the same time. Pinagkiskis ko ang dalawang kamay ko para pawiin ang panlalamig at panginginig no'n.

"Nervous?" Elon asked tenderly.

"Can't help it. Gusto ko silang manalo," kabadong saad ko.

He smiled at me and slowly reached for my hand. Kinulong niya ang isang kamay ko gamit ang dalawang kamay niya. Hindi mahigpit ang pagkakahawak niya roon pero sapat na para iparating sa akin ang presensya niya.

And like an automatic response, my heart thundered in my chest once again.

"Why do I feel so comfortable with you, Elon?" wala sa sariling tanong ko.

Muli siyang nagkibit-balikat. "Hindi ko rin alam. I also feel the same way. Ni minsan hindi ko pa naramdaman. I'm always distant. I'm not really fond of talking to strangers. Sapat na sa akin si Ulick. But after that day that I first talked to you, I felt like I finally found a place I can be comfortable with. Like a home I've been longing for. I won't go into details about what I actually feel because even I still couldn't figure it out. Pero alam mo 'yon? Kampante akong maging ako sa tabi mo. Na okay lang magsabi ng mga bagay na gusto ko. Sa tabi mo, tuwing kasama kita, sobrang komportable ako."

He was actually saying those words to verbalize his feelings. But why do I feel like he's also talking about mine? Na para bang kung ano ang nararamdaman niya ay siya ring eksaktong nararamdaman ko tuwing kasama siya.

Na iisa kami ng nararamdaman.

"Hindi ko alam ang sasabihin ko," ang tanging naisagot ko.

"Hindi mo kailangang sumagot. I just want to say what I feel towards us. You're not obligated to return every word I said," magaan niyang sabi. "Sometimes, you just have to listen. Hindi lahat obligasyon na kailangan mong akuin at pasanin. Hindi rin lahat kailangan mong gantihan, dahil minsan, sapat na na napakinggan mo 'yong tao. Katulad ko. I'm happy I was able to tell you this. And I hope that someday, you'll be able to feel what happiness feels like. Nothing extravagant but contentment is enough."

"Elon..." I trailed off.

Parang nahuli na naman niya ako ngayon. Dahil sa halos lahat ng pagkakataon sinusubukan kong pasanin para sa ibang tao. And Elon's words made me realize that it should not be like that.

That sometimes, it's enough to keep silent and just listen. That not everything that's happening in my life should be my responsibility.

At sa sobrang pagkalunod ko sa mga emosyong dulot ni Elon ay hindi ko na namalayan na nasa punto na pala kami ng event kung saan anunsyo na lang ng mananalo ang mangyayari.

Elon gently stroked the back of my head and smiled at me gently. "I want you happy and I can't wait to finally see you smile."

Umawang ang bibig ko para sumagot sana sa kaniya ngunit bago ko pa magawa 'yon ay naunan na ang anunsyo ng emcee ng event.

"Congratulations for taking the second spot, MM 2C!" the emcee shouted with glee. "Tonight, MM 2C bagged the first place in TV advertisement. Another first place for poster making. Third on radio advertisement and mascot design. Miss Environmental Congress first runner up. Mister Environmental congress third runner up."

Everyone started jumping on their feet, full of glee and pride with everything that we just heard.

Nanlalaki ang mga mata na hinarap ko si Elon, hindi makapaniwala na nanalo kami sa kabila ng magulong reyalidad na mayroon ang section namin. A warm smile broke out on my lips as everything finally sank in.

"Nanalo kami," 'di makapaniwalang bulong ko.

"Nanalo kayo," puno ng paghangang ganti niya.

Upon the realization of our win, I began to replicate what my classmates were doing. I started shouting, jumping, and crying. But instead of thinking about the spot we have won, Elon's words entered my mind.

And then I realized... I wasn't shouting because of glory. I wasn't shedding tears because of honor and pride. I was shouting at the top of my lungs to voice out what has been bottled up inside my heart. I was crying not for our win... but because for the first time I felt what a glimpse of happiness is.

Na posible pala. May paraan pala para sumaya.

Because of this man. Because of Elon Madrigal.

------------------------------------------------

A/N: Thank you so much for reading! God bless!  :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top