Chapter 27

It was the most awaited event for every sophomore marketistas ahead of us. Loud screams for cheer. Bottles hitting each other to lift up the spirit of their block. It was a spectacular battlefield with eight sections competing for the crown.

We were shouting at the top of our lungs, defeating the booming EDM music that was being played at the place. We were louder, and our intention was clearer. To make them feel us. That 2C is alive.

"2C! 2C! 2C!" my classmates chanted with uniformity.

Their voices were clearly and proudly shouting our identity, making our presence felt in the middle of an enormous crowd.

We were at the very end corner of the bleachers, the last on the right-wing of the gym. But hell, who cares being at the far end seat when we can create the loudest noise for people to hear.

"Let's go, 2C!" malakas na sigaw ni Jack.

Nasa likurang bahagi ako. Sa puwesto kung saan kitang kita ko kung paanong itaas nila ang bandera ng section namin. At sa pagkagulat ko ay bigla na lang napuno ng luha ang mga mata ko.

I was so used seeing how divided our section is. Ni minsan ay hindi kami nagkasundo. Umabot pa sa puntong nagkakasagutan na sa gc ang mga tao.

Pero ang nakikita ko ngayon sa harapan ko ay sobrang layo sa kung ano kami nitong mga nakaraang araw. As if we were pulled back to our senses, making us realize that we are not each other's competitor by an ally.

"Bakit ako nata-touch sa nakikita ko?" wala sa sariling tanong ko kay Cathy na katabi ko.

"Sis, hindi ka nag-iisa." Tiningnan niya ako. "Ngayon lang yata tayo nagkaroon ng unity," natatawang saad niya.

"Mananalo kaya tayo?" nangangarap na tanong ko. "Ang imposible." Nagpakawala ako ng tawa. "Imposible. Though maganda naman ang mga output natin. Lalo na 'yong poster na gawa ni Marjorie at 'yong t-shirt design ni Kean."

"Imposible 'no? Hindi naman sa minamaliit ko section natin. Nakaka-discourage lang na hindi natin nagawa 'yong best natin all throughout the preparations." Bumuntong hininga siya. Ang pagsisisi ay naroon sa bigat at lalim ng pinakawalan niyang hininga.

"Puro kasi tayo pataasan at patigasan. Puro parinigan pero hindi naman handang makinig sa iba. Nakakapangsisi pero wala na, eh. Tapos na." Nagkibit-balikat ako sa kaniya. "Manalo man tayo o hindi, ang mahalaga ay pagkatapos nito, bakasyon na."

I laughed at that. Pampalubag loob ko na lang talaga 'yon. Ito na kasi ang huling major requirement na kailangan naming ipasa bago matapos ang sem namin. After no'n, exams na lang.

"Bili lang akong tubig sa labas," paalam ko sa kaniya.

Tinanguan niya ako bilang sagot pero hindi na nagsalita pa. Hindi na ako nagdalawang isip pa nang lumabas sa lugar. Hindi pa kasi nagsisimula ang event kaya okay lang naman ang umalis sandali.

Maingat na humakbang ako pababa sa sementong bleachers. Malapad at malaki kasi 'yon at isama pa na madulas. Nasa dulong bahagi kasi ang hagdan talaga kaya hindi ko na pinuntahan.

Idagdag pa na madilim ang buong lugar at ang makukulit na berde at pulang ilaw lang halos ang nagbibigay liwanag sa lugar. Mukha kaming nasa bar, actually. Tanging ang stage lang ang pinakamaliwanag sa lahat. Isama pa ang maingay na tugtog na pumupuno sa lugar.

Agad na yumakap sa akin ang malamig na hangin ng gabi sa paglabas ko pa lang ng gym. Makinang na rin ang mga bituin at makulay na rin ang ilaw ng mga gusali ng CIU. Marami pa ring estudyante kahit na halos alas siyete na ng gabi.

"Is this what we call destiny?" a playful voice asked behind my back.

I immediately recognized who was behind me kaya hindi na ako nagdalawang isip pa na lingunin ang taong 'yon. "Destiny ka riyan. I was told that you'll be a photographer for today's event."

"Banat failed," ngiwi niya.

Irap lang ang tanging naging tugon ko. I actually don't know how to act in front of him. The last time we met wasn't actually as good as it should be. Katulad pa rin ng dati ay nauwi na naman sa problema ko ang usapan namin.

But I'm mostly thankful to him every single time I'm with him. Palagi kasi niyang pinapa-realize sa akin ang mga bagay na hindi ko magawang makita dahil sa direksyon ni Gio lang ako nakatingin.

It's as if he's my mirror. Elon always makes me see how I am and how I am doing. Kung okay pa ba ako at kung ano ang kasalukuyang estado ko. He always makes me see the reflection of my heart, something that I wasn't seeing myself.

"Saan ka? Magsisimula na ang event?" tanong niya sa akin.

"Bibili. Hindi naman ako nasabihan na wala palang drinks o makakain sa loob. I haven't had my dinner yet kaya gutom na ako," simangot na sagot ko.

We got so busy preparing for the event which took up a lot of time making almost everyone skip their meals. Suwerte pa ako sa lagay ko dahil nakapagtanghalian ako 'di tulad ng iba na talagang inubos ang oras para sa event na 'to.

"Tara, I know a good place that can offer a good and satisfying meal." He wiggled his eyebrows playfully at me with a sly smile on his lips.

"Sa'yo na rin nanggaling na magsisimula na ang event. Hindi tayo puwedeng lumayo," pagpapaalala ko.

"Diyan lang naman tayo sa malapit." He smiled at me.

Hindi na niya ako binigyan ng pagkakataon para makapagprotesta pa nang walang anu-ano'y bigla na lang niyang kinuha ang kanang pulso ko para isama sa paglalakad niya. I was left with no choice but to follow his footsteps.

Nang umabot na sa halos tatlong metro ang nalalakad namin ay unti-unti ko nang binawi ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. At walang dudang napansin 'yon ni Elon kaya nilingon niya ako.

Hindi naman kasalanan ang ginawa ko pero pakiramdam ko ay nagkamali ako. I began to feel uneasy as my heart started beating rapidly. Para akong nakipagkarera sa bilis nang pagtibok no'n.

Elon's touch felt different the same way that it affects me on a very different scale. Hindi naman siya ang unang lalaking humawak sa kamay ko pero sobrang kakaiba ang epekto. Ulick casually touches my hand for a high five. Gio and I used to hold hands.

But Elon holding me feels has an ocean-wide difference.

"I'm not sure if I can talk about this with you, but I know you should be aware of this matter," he started.

Nakalabas na kaming dalawa ng campus nang magsalita siya. At dahil hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin, sumunod na lang ako sa kaniya kung saan man niya binabalak na pumunta.

"What do you mean?" I asked, confused by his words.

Nakapamulsang tiningnan niya ako sabay buntong hininga. "Mamaya na lang," sagot niya.

I bit my tongue to stop myself from asking more. Pakiramdam ko ay mas mabuti na ang gano'n. Maliit na bahagi ng isip ko ay bumubulong na hintayin na lang siyang buksan ang usapan kaysa sa pangunahan ko nang pagtatanong.

"Saan ba tayo pupunta?" sa halip ay tanong ko.

"Somewhere with a friendly ambiance," he answered figuratively.

Napangiti na lang ako sa kawalan. Pakiramdam ko ay alam ko na kung saan niya ako dadalhin. Base sa pamilyar na kumpol ng taong nakikita ko ngayon ay may hinuha na ako.

Agad na nanuot sa ilong ko ang pamilyar na amoy ng samu't saring mga pagkaing karaniwang nakikita sa mga kalsada. Pila ng mga food cart ang unang nahagip ng paningin ko.

"Nice," excited na komento ko.

"I hope okay lang sa'yo na dinala kita rito," naiilang niyang sabi. He even scratched the back of his head as a sign of embarrassment.

I gave him a thumbs up, satisfied by his choice of place. "I like this place. Matagal na rin simula noong huling kain namin nina Haze at Clarisse rito."

"After-exam celebration?" he guessed.

"Mismo," natatawang tugon ko.

A nostalgic feels engulfed my heart as we near one of my favorite place. Sa kabila ng malaking bilang ng mga kumakain sa partikular na puwestong 'yon ay nagawa naming makahanap ng lugar para sa aming dalawa.

Only one vacant table for two was left. Elon speedily moved to take a seat and reserved the place for us while I took my time walking behind him.

Why do I always end up eating with Elon? Pansin ko lang, sa pangalawa at pangatlong beses na nagkita kami ay pagkain din ang pinagsaluhan namin. Maging sa panonood ng play ay may pagkain pa rin. Tapos ngayon nga ay kakain na naman kaming dalawa nang magkasama.

This situation is like a combo meal for me. I could have comfort eating food and Elon could give me company to soothe my hazy mind.

"Anong oder mo?" tanong niya.

"Regular goto lang with egg," sagot ko na hindi na binabalingan pa ang menu.

Halos regular customer na kasi kami sa lugar na ito na katabi ng campus. Madalas kasing ito ang galaan namin after class kasama ng dalawa at minsan ay pati si Ulick. This became our way of unwinding from an eventful sem. Kakain ng goto at lomi.

Mura lang kasi at unli refill pa ng lugaw kaya sulit talaga ang bayad. Masarap pa at talagang nakakawala ng stress. Though minsan na lang kaming makapunta dahil abala kami sa kaniya-kaniya naming buhay.

"Wait for me here. Ako na ang oorder," bilin niya.

Sinundan ko lang ng tingin ang likod niya habang naglalakad siya patungo sa direksyon ng nagbebenta.

And as if I was controlled by someone, I unknowingly took out my phone from my pocket and captured the view in front of me.

Surrounded by streetlights and in the middle of a crowded place stands Elon Madrigal. In between the crowd was a man who shines like an anime character straight from a manga.

Bagaman hindi gano'n kaliwanag ang paligid ay maganda pa rin ang kinalabadan ng litrato. I am no photographer, but with Elon as my subject, the simple shot became something like a planned pictorial. Likod lang naman ang kita pero iba ang dating dahil siya ang taong kinuhaan ng litrato.

"I also bought quail eggs," he informed the moment he got back.

Ipinatong niya sa kahoy na lamesa ang tray na dalawa niya. Siya na rin ang naghain ng mga order namin sa lamesa.

"Look at this," I caught his attention. "You look good," I complimented.

Iniharap ko sa kaniya ang screen ng phone ko kung saan nakapaskil ang litratong kuha ko kanina lang.

Hindi ko na pinag-ispan ng matagal. Parang may sariling isip ang mga kamay ko na nagpipindot ako sa screen ng cellphone ko hanggang sa nasa Instagram na ako. Without having any second thought, I hit the IG story icon and shared the picture of Elon I just took.

Mukhang matatapos na ang social media break ko.

"Nice shot, Carmen," papuri niya sa akin pabalik.

"Sus, guwapo lang talaga maging ang likod mo kaya kahit ang mga walang talent sa photography na tulad ko ay maganda ang kalalabassn basta ikaw abg nililitratuhan," saad ko.

"So, inaamin mong guwapo ako?" may bahid ng pang-aasar na tanong niya.

Nangunot ang noo ko. Ngunit mas lamang ang pagpipigil ko sa ngiting gustong kumawala mula sa mga labi ko. At laking pasasalamat ko lang talaga na may kadiliman ngayon kaya nagagawa kong itago ang pamumula ng mukha ko ngayon.

Ikaw ba naman ang may kaharap na Elon na nagtatanong kung guwapo raw ba siya, samantalang halos buong populasyon na ng CIU ay alam ang sagot sa tanong niya.

Elon 'yan. Guwapo. Talented. Magaling puminta. Mabait at maginoo. Kahit sino ay hahanga at magkakagusto.

Kahit ikaw?

Mabilis na nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang pumailanlang ang tanong na 'yon sa isip ko.

"Okay ka lang? Bakit mukhang gulat na gulat ka naman diyan? Nagtanong lang naman ako. Ganiyan na ba ako kapangit sa paningin mo?" animo nasasaktan na tanong niya.

Mabilis kong ikinumpas ang dalawang kamay ko bilang pagtanggi. "Hindi. I mean—"

"It's okay, you don't have to force yourself to compliment me," he asked using the same tone as of a sulking child.

"Hoy, ano..."

Napakamot ako sa sentido ko. Alam ko naman na nagbibiro lang siya pero hindi mapayapa ang isip ko kahit hindi naman totoo ang tampo niya.

"Ang dami kayang humahanga sa kaguwapuhan mo," mahinang wika ko. "Para kang galing sa anime."

Naramdaman kong natigilan siya. Maging ang pagbaba niya ng tingin sa akin ay napakiramdaman ko rin. "Hindi naman sila si Carmen. Ang isang Carmen Rosales ba ay nagaguwapuhan din sa lalaking kaharap niya ngayon?" pabiro, ngunit seryoson tanong niya.

I could feel him obviously teasing me the reason why my cheeks feel so heated up. I know this isn't a big deal to him and is just a pure tease, but I want to answer truthfully.

Kahit na nakakahiya. Parang pakiramdam ko ay umaamin na rin ako na isa ako sa mga tagahanga niya. Which is true naman, but to say it out loud was just downright embarassing for me to handle.

Baka matagpuan ko na lang ang sarili kong isinusugod sa ospital dahil sa pag-iinit ng pisngi ko sa sobrang hiya.

"Tao lang din naman ako, okay? At hindi ako bulag para hindi makita ang kaguwapuhan mo. Babae na marunong maka-appreciate ng blessings sa harap," eksaheradang sagot ko, pilit na itinatago ang hiyang nararamdmaan.

"Blessing?" naguguluhan niyang tanong, hindi nakuha ang gusto kong iparating.

"Blessing means guwapo. Ikaw blessing ka. Ibig sabihin guwapo ka. Gets mo?" makapal ang mukang pagsasatinig ko.

I tried to sound passive as much as I could, pero tinatraydor ako ng pag-iinit ng magkabilang pisngi ko. Na mas lumala lang nang ngisihan ako ni Elon.

"So, I should call you a blessing, too," he said cryptically.

At dahil sa bibig ko mismo nanggaling ang eksplanasyon sa salitang 'yon ay agad kong nalaman ang ibig sabihin no'n.

And I just felt myself fuming red once again. Pasimple kong kinapa ang pisngi kong nag-iinit na ngayon. My other hand made its way towards my chest and clutched a part of my shirt. Sobra na ang pagwawala ng organ ko sa parte na 'yon.

Sobrang ligalig at lakas na ng bawat tibok ng puso ko na maging ang paghinga ng malalim ay hindi na rin mabisa bilang pampakalma.

"T-Tigilan mo ako," utal na suway ko habang nakaiwas ang tingin.

"Hindi mo man lang ba tatanungin kung bakit?" tanong niyang muli. At sa pakiwari ko ay may malokong ngisi na naman sa kaniyang labi.

"Elon..." nagbabantang sambit ko.

But who am I to stop someone named Elon Madrigal? Dahil sa muling pagbukas ng mga labi niya, dinala na naman niya ako sa isang mundong para sa amin lang dalawa.

"You're beautiful, Carmen. You're the most beautiful masterpiece I ever laid my eyes on."

Like a heart that stopped beating, I heard a thin ringing sound in my ears. Followed by a loud sound of my heart pounding so hard. Na sabila ng magaan na pagkakalapat lang ng kamay ko sa dibdib ko ay ramdam ko na ang lakas ng bawat pintig no'n.

Kakaiba.

Sa lahat ng mga pagkakataong nakaramdam ako ng ganito, ang epekto niya ang pinakakakaiba at gustung-gusto ko. Hindi lang 'yon simpleng malakas. Mabagal din iyon na para bang dinadahan-dahan ang pagpaparamdam sa akin ng epekto ni Elon.

"E-Ewan ko sa'yo," pabulong na usal ko.

Elon chuckled softly. "Can you send me the picture you just took?" tanong niya sa akin.

"Oo naman. Likod mo naman 'yon at hindi akin," sagot ko.

I immediately reopened my Instagram account, but was halted by the continuous notification I was getting. Hindi ko 'yon napansin kanina dahil lutang pa ako. Pero ngayon na tumino na ng kaunti ang kamalayan ko ay nakita ko na ang tadtad na notification ko. Na walang dudang dahil kay Elon.

"Tingnan mo ang ginawa mo," nang-aakusang saad ko sa kaniya.

He looked at me with a knotted forehead. "Anong ginawa ko sa'yo?"

"Sabog notifs ko. Ang dami ring message request," simangot ko.

Tinawanan lang niya ulit ang naging reaksyon ko. "Hayaan mo na 'yan. Send mo na lang 'yong picture."

Tila isang mabait na batang sumunod naman ako para lamang muling mapangiwi. "Ang scary," komento ko na umakto pang nanginginig sa takot. "Kailan pa naging dalawang libo ang followers ko? Ang huling tanda ko wala pa sa limang daan 'to."

"I know I should apologize, but I couldn't get myself to. Ang sarap mong i-flex sa kahit saang social media," sinserong saad niya.

My mouth parted a bit, astounded by his words. Elon continued doing his thing with his food, while I remained still, watching his every move. And feeling every pound my heart was doing allowing me to feel the kind of effect Elon has in me.

Katulad pa rin kanina, sobrang nakakapanibago ngunit ngayon hindi ko na maitanggi na kinikilig ako. Ito ba 'yong sinasabi nilang butterflies in the stomach? Pakiramdam ko kasi may kung anong naglulumikot sa sikmura ko ngayon.

Estranghero ang pakiramdam na 'yon sa akin dahil ni minsan ay walang nagparamdam ng gano'n sa akin. Not even Gio who has been my love interest since I don't know when.

Tanging si Elon lang.

"Carmen," he called me.

"Hmm?" Nag-angat ako ng paningin sa kaniya.

And the moment I looked up at him, I simultaneously heard a shutter sound from his phone camera. "See? Ang ganda mo," humahangang saad niya.

Pinanlakihan ko siya ng mga mata, nagbabanta. "Delete mo 'yan," utos ko.

"Huwag kang mag-alala, hindi ko ipo-post." Tumawa siya. "IG story lang."

Tinambol sa kaba ang dibdib ko, pero mas pinangingibabawan 'yon ng 'di maampat na kilig. Litrato 'yon na kuhang-kuha ang buong mukha ko. Gaya ng kuha ko sa kaniya, may kadiliman din ang paligid na binibigyan lang ng liwanag na nagmumula sa mga dumadaang sasakyan.

Hindi ako nakangiti pero hindi ko rin makta ang lungkot sa mga mata ko. Siguro dahi siya ang kaharap ko. Siguro dahil... kampante ako na kapag kasama siya ay hindi ako malulungkot.

------------------------------------------------

A/N: Thank you so much for reading and for patiently waiting!  :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top