Chapter 26

Gusto kita.

Mariin akong napapikit sa muling pag-alingawngaw ng mga salitang iyon sa isip ko. Everything felt like a blur. Sobrang bilis at sobrang labo na maging ako ay hindi na rin nasundan pa ang lahat.

Bukod sa dahilan na talagang naging abala ako hanggang sa punto na hindi ko na mapagtutuunan ng pansin ang paligid ko, mas malaking rason ay talagang umiiwas ako sa kahit na sino. Meaning... I wasn't in contact with Gio nor with Elon for the past days and weeks.

Ngunit ang katahimikang ilang linggo ko ng ninanais ay mas lalo lang ipinagkait sa akin ngayon. Lalo na at ang litratong isinapubliko ni Elon ay umabot na sa kasuluk-sulukan ng campus. Ang mga tinging gusto kong ibaling nila sa iba maliban sa akin ay mas lalong naging mariin at tutok sa bawat galaw ko. Dahil ang noong iilang pares ng mga mata lang ay mas dumami na ngayon.

I wasn't seen in the photo Elon uploaded but since the rumor of us spending time together for a couple of occasions ever since that color fun run, speculations that it was me in the photo spread like a wildfire. And most of them were certain that I was the woman sitting at the balcony. It's the truth anyway, but I would never dare confirm.

Sobrang gulo ng takbo ng isip ko ngayon.Ang daming kailangang alalahanin sa acads ko. Idagdag pa ang mga salita ni Elon na hindi na ako nilubayan pa. Isang rason pa ay ang tanong ni Elon na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nagagawang sagutin maski sa sarili ko.

"Sunog!" sigaw ni Lyka sa tono na nanghihingi ng tulong na siyang pumukaw sa atensyon ko.

Ramdam ko sa panginginig ng boses niya ang pagkabalisa at ang ang matinding takot sa pagsigaw niya na 'yon.

Her voice came from the speaker placed between the circle that the whole class formed. Nasa classroom lang kaming lahat at mga kapuwa naka-indian seat sa sahig. We're reviewing the output we've made para kung may babaguhin pa ay magagawa na naming remedyohan agad.

"Baha! Tulong!" nanghihingi ng tulong na sigaw rin ni Patrick.

"Ito ba ang buhay na gusto mo?!" si Lyka muli.

"Ito ba ang mundo na gusto mong galawan?!"

"Marami ang namamatay! Kalikasan ay nawawasak na!"

"Ubos na ang oras..." nagsisisi, puno nang panghihinayang na saad ni Patrick sa mababang boses.

Tunog ng sirena ang sunod na narinig. Naging magulo ang background, sunud-sunod ang sigawan at paghingi ng tulong ng mga tao.

Ipinikit ko ang mga mata ko, hinahayaan ang sarili na matangay sa isang imahinasyon na ang konteksto ay puno ng gulo.

I was able to picture a squatters area with people panicking because a fire broke out in one of the houses. Sobrang gulo ng buong lugar. Para kang dinala sa isang reyalidad na madalas kong makita sa balita.

Isang komunidad na balot ng kulay pula. Isang lugar na binaha ng tila pagluha ng kalangitan.Puno ng iyak ang buong paligid. Puno ng ingay, mga sigaw nang pagtulong, mga hiyaw ng takot, at mga iyak nang paghingi ng saklolo.

Hanggang sa ang kaguluhan ay unti-unting napalitan ng masiglang tunog, tila ba nang-eengganyo. It wasn't an awkward sudden change. Instead, it was like a wake-up call to everyone listening.

Like a light tap on one's shoulder as if reminding that person to finally make a move... to finally save someone.

To save our earth.

"Handa ka na bang makiisa sa pagbuhay muli ng kalikasang unti-unti nang nasisira?" magiliw na tanong ni Patrick, malayo sa tinig niyang kanina ay takot. "Nagawa mo na ba ang part mo?"

"Halina't makisama!" pasigaw na pang-engganyo ni Lyka sa kaparehong tono na ginamit ni Patrick kanina.

"Crestians, tara na!" magkasabay na hikayat ng dalawa.

Sabay na napatingin kami ni Cath, na katabi ko, sa isa't isa. Bakas sa mukha niya ang bilib at paghanga. At nasisiguro ko na hindi ko man nakikita ang sarili kong repleksyon ngayon, gano'n na gano'n din ang emosyong nakabalandra sa mukha ko ngayon.

Hindi ganito ang inaasahan kong output sa totoo lang. I have no expectations about this for I was thinking that it would just be a waste of money. We have a lot of alternatives and techniques we could us to create a radio advertisement of our own. Kaso ay mas pinili nila ang gumastos ng mas mahal.

And hearing how this sounded so pleasing make it all worthwhile. Maganda ang resulta. Hindi ko masabi kung dahil lang ba sa kakulangan ko ng eksperyensya sa pakikinig ng nga ganitong bagay. Ngunit para sa akin ay sapat na at kay laban ang gawa namin.

It sounded so entertaining and engaging at the same time. It was full of emotions making me imagine things base on the message the advertisement wanted me to feel.

"Ang paghilom campaign ay narito na para sa pagsibol ng makabagong kalikasan," muling pagsasalita ni Lyka na sinegundahan ng linya ni Pat.

"Tayo na sa pagsulong ng paghilom na handang..."

"Alisin ang plastic na basura."

"Magtipid sa kuryente."

"Magtipid sa tubig."

"Gamitin ng maayos ang mga resources."

"Iligtas ang ating buhay," sabay na wika ng dalawa.

Umangat ang dalawang kilay ko sa paghanga dahil sa husay ng bawat pag-deliver nila ng linya. Para silang mga propesyonal at masasabi kong napakaganda ng tinig ng dalawa. Bagay na bagay sa campaign namin.

Parang lang siyang advertisement ng Globe sa TV ngunit tanging tinig lang ang maririnig. It has the same vibe as that, and the same energy allowing people to listen without getting bored.

"Tama!" sabay na pagbibigay riin ni Lyka at Pat. "Tayo na at magsimula sa ating university!"

"At hikayatin ang iba," si Lyka.

"At tayo'y magsama-sama," si Patrick. "Paghilom..." sa malalim na boses ay saad niya.

"Pagsibol ng makabagong kalikasan."

Awtomatikong pumalakpak ang kamay ko sa panghuling linyang bunitawan ni Lyka. Sobrang perpekto at swak nang pagkabigkas niya ng nga huling salita na 'yon. Para siyang ina na hinehele ang anak sa himig na puno nang lambing at pagsuyo.

Not to be biassed or anything but the overall radio ad was superb. Masasabi kong may laban talaga kami. From the lines and from the delivery, sobrang galing ng lahat.

Bumukas muli ang ilaw sa buong classroom namin. And before we could even start to say appreciation words and compliments about the radio ad, David stood up on the platform in front of the room.

"Na-check na ba ng coordinator ang costume? Approved ba? Ang product? 'Yong poster natin nailagay na ba sa gym?" aligagang tanong ni David.

"Hindi pa nga, eh. Next in line pa lang tayo. Naka-display na sa gym ang poster natin at t-shirt design," sagot ni Cath. "Ka-stress," bulong pa niya.

"Paanong hindi? Hindi naman tumutulong ang iba," ganting bulong ni Jane. "Mga pabuhat."

"May sales marathon pa tayo mamaya," nanlulumong sabay ko sa usapan ng dalawa.

"Paano huminga, sis?" pabirong tanong ni Cath matapos ay bumuntong hininga.

"Nagawa na ba 'yong katawan? Natapos na nila?" tanong ulit ni David na pumutol sa maiksing kuwentuhan namin. "Ulo pa lang ang tapos. Huling kita ko roon, hindi pa buo ang ibabang part."

"Hindi ko nga alam. They're still not here. Ilang minuto na lang dadating na ang mga coordinator para mag-check," si Cath.

Napabuntong-hininga na lang din ako. Pasimple akong lumabas ng room bitbit ang laptop ko para magawa kong ipahinga ang tainga ko sa pagmamadali nila.

We never really had the best teamwork. Sobrang divided ng section namin. Sobrang daming ibinabatong opinyon. At halos lahat gusto ay sila ang nasusunod. Hindi iisang beses na nagtalo ang mga pinakamatatalino sa section namin dahil sa kaibahan ng bawat opinyon nila. I just really want this event to stop. Para makapagpahinga na ako at ang utak kong sasabog na yata.

Hindi ko na ininda ang tingin na agad ibinigay sa akin ng mga kalat na estudyante sa labas ng room nila. Nagtuluy-tuloy ako ng baba mula second floor hanggang sa first floor. I went to a vacant bench in front of CBA building. Pero hindi pa man nag-iinit ang puwetan ko sa bench ay bigla na lang huminto si Lucy sa harapan ko.

"Pinapatanong ni Da kung na-upload na raw ba 'yong campaign video for the votes," bungad niya sa akin.

"Uploading na. 'Yong edit ni Miles ang pina-upload ni Cath," imporma ko.

"Eh, diba ang sabi niya 'yong edit daw ni Da ang gagamitin?" kabadong tanong niya.

Nagkibit-balikat ako. "Hindi ko alam. Cath just gave me the flash drive earlier for the file. to upload it on our page. Sabihin mo na lang gano'n ang nangyari. Wala na rin namang magagawa ang isang 'yon kapag uploaded na," pagod na tugon ko.

I'm sick of it already. David, bossing us around in accordance to his liking. Halos karamihan sa amin ay salungat sa mga desisyon niya. Pero ni minsan ay hindi niya kami pinakinggan dahil sarado ang isip niya para sa opinyon ng iba.

Mahirap naman ang magsalita dahil ang balik sa amin ay ipamumuka niyang wala kaming ambag at solo niyang pinaghirapan ang lahat. I really never liked it to be under his leadership. It wasn't even leadership. More like dictatorship since everything he said should be followed.

Kaya ngayon, I don't know if it was just me rebelling or I am just simply tired lately but I did the opposite today. Bahala na kung magagalit na naman ang hari ng 2C. Wala na rin naman siyang magagawa dahil malapit nang ma-upload ang video sa page.

I closed the laptop on my lap after I finished uploading the video of Bea's short introduction video that we prepared for the pageant tomorrow night. Maglalagay kasi sila ng malalaking tarpaulin ng mga candidates bukas sa harap ng CBA building for students to casts their vote for any candidate they want. And we need to appeal to the public kaya gumawa kami ng promotional video ni Bea.

"Carmen! Halika na! Magbibihis pa tayo!" sigaw ni Cath mula sa second floor. Tiningala ko siya sabay senyas na susunod na lang ako. "Dalhin ko na bag mo, ha?"

I gave her an okay sign before closing the laptop on my lap.

Ang mga estudyanteng napapadaan sa harapan ko ay agad napabaling sa akin dahil sa lakas ng boses ni Cath. And recognition immediately filled their eyes when they saw me.

Iniyuko ko ang ulo ko ng bahagya para iwasan ang mga tingin nila kahit na alam kong wala na 'yong silbi. Kipkip ang laptop sa dibdib ko na pumanhik akong muli sa second floor. Wala na talaga kaming klase ngayon, nandito lang kami para sa checking ng mga ilalaban namin bukas sa e-cong.

At hindi na rin naman kailangan ang presensya ko dahil tapos na akong gawin ang ipinag-uutos nila. Nagawa ko na ang mascot. Natapos na akong mag-upload. Naghakot na rin ako ng props para iakyat sa second floor. Tama na 'yon for today.

"Ready ka na?" biglang tanong ni Cath na humarang pa sa daraanan ko bago pa man ako makapasok ng comfort room.

"Syempre hindi," ngiwi ko. "Sino bang magiging ready kung para kang papasok sa kulungan ng tigre?" tanong ko sa kaniya na tinutukoy ang room namin at si Sir Dom ang tigre.

Inilingan niya ako ngunit agad din niyang sinegundahan ng pagtango. "Si Bea," sagot niya. "Taas ng confidence level no'n for sure."

"Bea 'yan, girl. Of course, pageantera ang babaeng 'yon. Miss know it all pa."

Natatawang tinalikuran niya ako sabay pasok sa isang cubicle para magbihis. Kinuha ko ang paper bag na dinala ni Cath para sa akin at pumasok na rin sa katabing cubicle.

May pagmamadali sa bawat kilos na nagbihis ako ng corpo attire na dala ko. Haos magkapanabay na lumabas kami ni Cath at sabay ring nag-ayos na dalawa.

"Balak mo bang ubisin ang tint mo?" natatawang tanong ko kay Cath habang pinanonood siya mula sa malawak na salamin na kaharap namin.

Tapos na akong mag-prepare at hinihintay ko lang talaga siyang matapos. Pero mukhang hindi pa rin siya nakukuntento sa paglalagay ng tint sa mga labi niya kahit nakailang pahid na siya roon.

"Feeling ko mukha na akong multo sa sobrang putla ko," ngiwi niya sa akin.

Sinabayan nang pagbuntong hininga niya ang ginawa kong pag-iling. Sumandal ako sa hanggang baywang na sink habang inaayos ang pagkakatupi ng manggas ng sleeve ng suot kong corpo attire.

I am wearing a grey v-neck long-sleeved tucked in with my black slacks. Pinarisan ko 'yon ng kulay itim na spoon heel.

"Hindi solusyon ang makapal na liptint para alisin ang kaba, Cath," saad ko. "Ano raw bang balita sa D? Nakapagsimula na sila kaninang umaga 'di ba?"

"Unexpected at weird daw ng mga binibigay ni Sir na goods or scenario," sagot niya.

"Why weird? Hindi ba normal goods or services lang?" usisa ko.

Inilingan niga ako. "I mean, how would you sell an aircondition in Antarctica? Sapatos na hindi magkaparehas? Ref na hindi lumalamig?"

"The hell?" Nalalaki ang mga mata na nilingon ko siya. "I was expecting something like a drone, car, or a recreational park."

"Same, sis. Ganyan din ang narinig ko mula sa 2D." Muli siyang bumuntong hininga. "Ayaw kong mag midyear, please lang."

Pinanatili kong kalmado ang loob ko sa kabila ng nakikita kong kaba kay Cath ngayon. Her nervousness is contagious, but I chose not to get affected.

Hindi dahil sa kampante ako ngunit dahil alam kong hindi makatutulong kung kakabahan ako.

This is our major requirement for this course and I must pass it. Kaya kailangan kong galingan.

"Relax ka lang," pagpapakalma ko sa kaniya.

"Wala akong utak na katulad ng iyo kaya talagang kakabahan ako." Sumimangot siya. "Turuan mo nga akong mag-validate ng sagot."

Inilingan ko siya bago muling hinarap ang sariling repleksyon sa salamin. I fixed the button of my blouse and my hair. I just let my black hair flow freely on my back. Mukha naman akong malinis kaya hindi ko na itinali.

"Wala namang tama o maling sagot dito, Cath," saad ko. "It just depends on how you deliver it."

"Eh, hindi ko nga alam. Kaba lang ang malinaw sa akin oras na tumayo ako sa harapan."

Naiintindihan ko siya ng higit pa sa inaakala niya. Standing in front feels the same way as being in the middle of a spotlight. Halos lahat ng mga mata ay nasa iyo, at hindi lang iisang pares ng tainga na naghihintay nang sasabihin mo.

Mula kahapon, kabado na ako. Tuwing naaalala ko ang pagsabit ng araw na ito ay kumakabog na sa kaba ang dibdib ko. And I know that I wouldn't be able to stop that.

Takot kasi ako... kabado. Takot na baka hindi ko magawa ng tama. Takot na bumagsak.

Kumakalma lang naman ako kapag okupado ang isip ko tulad ng mga oras na tinatapos ko ang pagbuo sa ulo ng mascot. Aside from my busy hours, kaba na naman ang karamay ko.

And for me, I think it's a good thing since it just signifies the need and want for me to do a good job and pass this course.

"Just be confident with your answer. Isipin mo palagi na kapag nasa harapan ka, you know the answer better than anyone. Katulad nang sinabi ko, walang maling sagot. It's all about how we would be able to extract our creative juices and be witty and smart with our answer." Ngumiti ako sa kaniya. "Paano ko ibebenta ang ref na hindi lumalamig? Simple, I would sell it as a shelf. With some tricks and fixing, it can be used either for books, plates, or even storage for clothes if possible. Think of our generation. We like to explore and be creative at times."

"Ang taba talaga ng utak mo, Carmen," sabi niya matapos ang mahabang halimbawa ko.

"Once in a while nagpapanggap din naman akong nag-aaral ng mabuti," biro ko. "Tara na, baka mamaya nandoon na ang tigre na naghihintay ng mabibiktima niya."

Hindi na ako nagulat pa nang ang bulungan na naman ng mga tao ang bumati sa akin nang makalabas ako ng comfort room ng building ng CBA. At parang mas ipinagpapasalamat ko pa yata na ang bagay na pinag-uusapan nila at hindi ang tungkol kay Gio. Mas kaya ko pang pagtiisan ang pakikinig doon kaysa kung insultong mga salita na maaari nilang ipukol kay Gio.

Ang paikot na mga upuan at tahimik na kapaligiran ang bumungad sa akin nang makapasok na kaming muli ng room. Nakapagpalit na rin ng damit ang mga kaklase namin ni Cath.

"Good morning. Everyone ready?" seryosong tanong ng bagong pasok na si Sir Dom.

"Normal pa bang hindi na ako nilubayan ng kaba?" tanong ni Cath na katabi ko ng upo.

"Norman na normal, 'te. Kahit ako last week pa kinakabahan, hindi na nawala. "Kung alam mo lang, day. Yung nginig at lamig ng kamay ko, para na akong bangkay.," segunda ko sa kaniya.

"I've already discussed the mechanics last time. One minute, thirty seconds for the prep, and another thirty seconds for answering. We'll go in random order. I'll start with Cabrera."

"Shitness marecakes, para akong aatakihin sa puso bigla," bulong niya.

Hindi ko na siya nagawang sagutin pa dahil mas nauna ko nang naramdaman ang kaba sa dibdib ko.

"Pick an item." Inilahad niya ang isang box na may lamang mga maliliit na nakarolyong papel.

Sumunod si Chloe sa instruction ni Sir Dom. Tutok ang atensyon ko sa kaniya, pinanood kung paano ang kabado niyang ekspresyon ay mas lalo pang dumilim nang makita ang nakasulat doon.

"What did you pick?" Sir Dan asked.

"Selling air conditioning in Antarctica."

"Thirty seconds starts now."

Ang kaninang tahimik ng room ay mas lalo pang tumahimik ngayon. In my mind I was trying to come up with my own answer but I couldn't think of one.

Parang isang lumilipad na lobo ang isip ko ngayon na walang ibang laman kundi hangin. Wala akong maisip. Mas iniintindi ko ang kaba ko kaysa sa makapag-isip nang maisasagot.

Nagsalubong ang kilay ko nang maramdaman ang pag-vibrate ng phone ko na nasa kandungan ko. Phones are not allowed, of course, but if you know how to hide then you'll be safe.

Inilagay ko sa lamesa ko ang bag ko at sa likod no'n tinago ang phone ko para makita ang text na natanggap ko.

From: E-wave

Tough sub?

Mabilis kong iginala ang paningin ko sa labas ng room ngunit dahil sa maliwanag ang loob ng room ay hindi kita ang labas ng room. The glass wall is tinted and it works that way.

Gusto kita.

Muling umukit sa isip ko ang seryoso niyang mukha at ang mga salitang binigkas niya. As if reminding me of that day... he invaded my mind again.

Na halos makalimutan ko na ang kabang nararamdaman ko kanina dahil sa muling pagpasok ni Elon sa isip ko. Na sa simplang text lang niya ay nagawa niyang sakupin iyon ng buo.

To: E-wave

Nasaan ka?

From: E-wave

Outside. You look nervous, Miss. Loosen up, you'll do good.

Kumabog sa kaba ang dibdib ko. Kaba na hindi na dulot ni Sir Dom kundi dahil sa kaalaman na nasa labas ng room si Elon ngayon.

I suddenly became conscious of myself. Kusang kumilos ang kamay ko para ayusin ang maayos ko namang buhok. I even fixed my clothes kahit na maayos na rin naman na 'yon.

I just felt the need to look better. If it was for him or not, that... I don't know.

"Thirty seconds to answer starts."

Chloe took a deep sigh, easing her nervousness. "Good morning Ma'am. Good morning, Sir," she started in a shaky voice, greeting the whole class. "Antarctica is a cold country as it is, so you might not be interested in my product. But, I would like to introduce to you our newly released and newly developed product which is an air conditioner wherein it has a dual purpose. It doesn't just provide coolness but it also has a heater that can help you feel the warmth. We're currently having a sale and we'd gladly give you thirty percent off for this product until the end of the month. We are also open for installment. I hope you'll purchase this product. Thank you. "

"Done?" Chloe nodded. "Okay. Everyone, close your eyes."

Panandalian kaming nagkatinginan ni Cath bago sumunod sa utos ni Sir.

"Raise your hand if you want to buy Chloe's item based on how she presented it."

Walang pagdadalawang isip na nagtaas ako ng kamay ko. Kahit kanino naman yata itataas ko ang kamay ko. Parte kasi ng grade ang puntos na ibibigay rin namin kaya bakit hindi ako magtataas. It would help everyone have better grades kaya bakit ko ipagdadamot.

"Okay. Thank you, Miss Cabrera." He scanned the master list in his hand. "Miss Soriano, you're up."

Lumuwag muli ng panandalian ang dibdib ko nang hindi matawag.

Muli kong binalingan ang phone ko upang pasalamatan si Elon. At wala pang limang segundo ay muli na namang umilaw ang phone ko sa pagdating ng bagong mensahe mula sa kaniya.

From: E-wave

Good luck, Miss. Let's relieve your stress with some ice cream later.

Walang pakundangan na kumabog ng malakas ang dibdib ko at muli kong naramdaman ang kakaibang pakiramdam na para bang napuno ng malilikot na kiti-kiti ang sikmura ko.

Gusto kita.

Another wave of chaotic emotions surge into me, making the peace within me wavered in so many ways. I could feel the thunder-like beating of my heart. But I could still feel a grain of rice-sized of my heart worry that I might get hurt again if I would let my feelings rule over me.

But who should I be fooling now if not only myself?

I know what I feel more than anyone else. And it would be a lie to say that I feel nothing towards him. Especially if he showed me nothing but goodness and how precious I am.

"Miss Rosales, you're next."

"Shit," mahinang mura ko na sinegundahan ng kaparehong bulong ni Cath.

"Fighting, sis," pagpapalakas niya ng loob ko.

Muli akong sinalakay ng pamilyar na kaba na hindi na ako nilubayan pa magmula nang ma-announce ang bagay na 'to.

I fixed myself and stood up carrying the weight of my heavy heart. Pero hindi katulad ng kaba ko nitong mga nakaraang araw at oras ay ramdam ko na ang pagkalma ngayon. Bagaman malakas pa rin ang tibok ng puso ko... mas ramdam ko ang kapayapaan ngayon.

Maybe because at the back of my mind I was silently excited to end our class and be with Elon.

Oh please, Carmen! Tigre ang kaharap mo ngayon!

"Choose one."

Sa nanginginig na kamay ay bumunot ako ng isang papel. I unrolled it nervously revealing the item that only doubled my nervousness.

"Medyas na butas," kabadong pagpapaalam ko.

"Thirty seconds starts now."

Kusang dumapo sa pinakasulok ng room ang mga mata ko habang bumubuo ng maisasagot sa isip ko. It's a habit I always do whenever I am in front. Na para bang nasa kisame ang sagot sa tanong.

"Ready?" Sir Dan asked.

Nagbaba ako ng tingin sa kaniya. Tumango ako, "ready, Sir."

Pinuno ko ng hangin ang dibdib ko na marahan kong pinakawalan gamit ang bibig ko.

Gamit ang praktisadong ngiti ay may kumpiyansang humarap ako sa buong klase. "Good morning, ma'am, sir," nakangiting bati ko.

Naririnig ko pa rin ng malinaw ang malakas na pagpintig ng puso ko ngunit binalewala ko na lang 'yon ngayon.

"We might think that it would be useless to keep, especially to purchase, a sock with a hole. But looking at the bright side of it, you can still use it in more ways than you can think of. First, it can turn into a rag. You can also use the fabric as a design for things like dress, turn it into patches, and other things."

Sinuyod ko ng tingin ang buong classroom at sinasalubong ang tingin ng mga ka-block ko na tutok ang mga mata sa akin.

Kinakabahan pa rin ako. Maingay pa rin ang bawat pagtibok ng puso ko at sobrang gulo pa rin ng takbo ng isip ko. Hindi na nga rin ako sigurado kung may sense ba ang mga nasabi ko na at sasabihin ko pa.

But when my eyes dropped towards Marjorie, one of my tallest classmates, and my classmate in senior high, my nervousness eased a bit seeing how she's slowly nodding her head as if agreeing to what I said. It boosted my confidence na para bang tama ang sinasabi ko.

"In addition to that," I continued. "Christmas carols are everywhere, jingle bells are ringing, Christmas lights and parols are shining, and Jose Mari Chan is singing. With some creativity and magic stitches, you can turn this useless sock into a sock that we can give to our younger family members while waiting for Santa to leave a present inside. Or use as a design on our Christmas tree. You can use a button to cover it up or stitch it up a bit with a ribbon or another fabric to make it look more beautiful. We're selling it for a cheap price and if you'll purchase it now until the end of this day, we have a one plus one offer. So, what are you waiting for? Buy now! hikayat ko. "Thank you."

"Thank you, Miss Rosales. Turn around." Sumunod ako. "Close your eyes, everyone. Raise your hand if you'll buy Miss Rosales' item. Three... Two... One."

Hindi na nagkaroon ng puwang sa isip ko ang magiging desisyon nila. I am just simply glad that I am finally done for today. Makakahinga na ako ng maluwag sa mga susunod na araw.

"Lower your hands. Thank you again, Miss Rosales, you may now take your seat," mabait niyang sabi.

Bagsak ang katawan na naupo akong muli sa binakante kong puwesto sa tabi ni Cath. She immediately smacked me on my shoulder while showering me with praises.

"Ikaw na talaga, sis. Ikaw na ang pinagpala. Para sa'yo talaga ang marketing bruha ka!" papuri niya.

Pakiramdam ko kung nasa labas lang kami ng room ngayon ay baka naghisterya na siya.

"Ang nonsense nga, walang hiya," maluwag ang dibdib na sabi ko.

The cycle went on but the difference from the start of the class, I am now able to breathe with ease. Some questions were absurd but some weren't.

May natanong kung paano magbebenta ng sapatos na hindi magkaparehas at reading glasses sa taong mas gustong gumamit ng contact lenses. Someone was also asked how he would sell our course to an incoming grade ten student.

It lasted for an hour and a half before SIr Dan dismissed the class. Cath wasn't called the reason why when we parted ways, her shoulder was still heavy.

"Sana all, Rosales. Ganda na ng sales talk, may jowa pang naghihintay," ani Carla nang makasabay ko sa paglabas. Naiwan na kasi ako ni Cath dahil nagmamadaling umuwi para matapos ang costume ni Bea.

"Pinagsasabi mo Madam Carla?" naguguluhan kong tanong.

Mali, ang totoo ay tinatanggi ko lang ang reyalidad na naghihintay nga talaga si Elon sa paglabas ko katulad nang sinabi niya.

"Sus, kunwari ka pa. Ayaw mo? Akin na lang si Papa Elon," malanding angkin niya sa lalaki.

Awtomatiko ko siyang pinanlakihan ng mga mata. "Tigilan mo, Carlo."

"Ay possessive pala ang isang Carmen Rosales!" pabirong sigaw niya.

Naiiling na sinenyasan ko na lang siya nang pag-alis ko kaysa ang patulan ang pang-aasar niya.

Nakayukong sinimulan ko ang paglalakad patungo sa direksyon kung nasaan si Elon ngayon. I saw him already, of course. Paano siyang hindi makikita kung nangigibabaw siya kahit na simpleng pagtayo lang naman ang ginagawa niya.

He was wearing a navy blue oversized polo, cargo shorts, and dirty white sneakers as his footwear. I am not a good judge of fashion but he looks so good in his attire. Inangkin niya, eh. Bagay na bagay sa kaniya.

"Hindi ka na sana nagsayang ng oras sa pagpunta rito," nahihiyang sambit ko.

"Hindi pag-aaksaya ng oras ang piliin na makasama ka." Nginitian niya ako. "Come on, Miss. Let's eat your stress away."

"Ang laya mo, Elon," puna ko. "Wala ka bang kailangang gawin?"

Umiling siya. "I'm free, Carmen. I'm already done with my plates and also done with my minor exams. I'm expecting a heavier workload for next sem, tho. Kaya sinusulit ko na ngayon. Sinipagan ko talaga during the weekend for me to have more time to bother you."

Sinamaan ko siya nang tingin na tinawanan lang niya pabalik.

"Mahirap third year?" takot na tanong ko nang matantong sa susunod na academic year ay third year na rin ako.

Nagkibit-balikat siya. "Parang wala namang madaling year. Pahirap nang pahirap, meron."

Bigla akong kinabahan. In my third year, isang minor na lang ang mayroon ako. The rest of my courses are major subjects. May Tax pa at Advertising kaya paniguradong mas hihirap talaga.

Napabuntong hininga na lang ako. Lucky me that I don't have anything else to do aside from studying. Mas mahirap ng isang daang porsyento para sa mga working students at single parent ns estudyante pa.

"Gusto mong ice cream?"

Nag-angat ako ng tingin kay Elon. We are walking side by side towards Avenue.

"Gusto mo ba? Kung gusto mo okay lang naman sa akin," sagot ko.

Huminto siya sa paglalakad matapos ay yumuko para makita ng buo ang mukha ko.

Nasa mga labi niya ang isang malakong ngisi ngunit ang mga mata ay hindi mababakasan ng biro... kahit na kaunti.

"Paano kung ikaw ang gusto ko? Okay lang din ba sa'yo?" seryoso niyang tanong bagaman ang ngisi sa labi ay nananatili pa rin doon.

Umawang ang labi ko para sumagot ngunit walang boses na lumabas kahit na maliit na tinig lang. Malinaw ang sigaw ng pagtutol ng isip ko ngunit higit na mas malinaw ang hiyaw nang pagsang-ayon ng puso ko.

"Don't joke around with my feelings, Elon," I said in a low voice, defeated by the echoing beating of my heart that he caused.

Marahang inangat ni Elon ang mukha ko. Pinalis niya ang mga hibla ng buhok kong tumatabing sa pangingin ko. Ang isang kamay niya ay nananatili sa baba ko, ipinipirmi ako sa ganoong puwesto kung saan malaya niyang natititigan ang mga mata ko.

And with that small distance between us... my already chaotic mind turned even more chaotic. Ni hindi ko na nga nagawang makapag-isip. Ang tanging malinaw lang sa isip ko ay ang malapit na distansyang mayroon kami ni Elon.

I was able to see how good-looking of a guy he is. Madilim ang kayumanggi niyang mga mata na para bang ang daming gustong sabihin ngunit hindi niya maisalin sa salita.

His scent... his heavy woody and musk-like smell penetrated my nostrils with not much effort. Sobrang bango ni Elon na hindi mo pagsasawaan ang mauyin siya buong maghapon.

"No one's joking here, Carmen," he said in a serious voice, pulling me out of my fantasy. "I'm not someone who would play with your heart when what I really wanted to do is to own it and protect it like it's mine." He smiled at me with sadness reflected in his eyes. "You must've been feeling so unloved, Carmen, for you to be like this. But trust me, I'll prove you wrong. No, I will make you trust me. I'll show you how worthy you are. I'll make you realize how lucky I am that I met someone like you. Someone filled with kindness that you forgot to take care of yourself."

In the midst of the chaotic battle between my heart and mind, he made me feel loved and valued.

Those words weren't said directly, but that's how Elon made me feel.

And amidst the eyes who were watching our little scene openly, Elon lowered his head and planted a kiss on my forehead as if a seal of his promise.

As if a knock on the door of my heart, for me to admit what I am starting to feel for this man.

------------------------------------------------

A/N: I wish I can share with you the radio ad we did. :( Thank you for reading, anyways! I've changed the name of their professor. :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top