Chapter 23
"Carmen, dito!" kumakaway na sigaw ni Jane na kaklase ko.
Gumanti ako ng kaway. Pinuntahan ko ang puwesto nila sa pabilog na lamesa. Okupado nila ang tatlong lamesa habang ang ilan ay nakatayo na lang.
"Anong ganap natin na naman ngayon?" tanong ko kay Cath.
I'm really not in the mood right now. Hindi naman masama ang pakiramdam ko pero ang bigat ng loob ko. What happened with Gio still lingers in my mind and it wasn't the best medicine to cure me. Mas lumala pa nga yata ang kaguluhang nararamdaman ko ngayon dahil sa kaniya.
Kapag wala siya, pakiramdam ko na okay ako. As if I have already moved on, or at least trying to. Kaso kapag kasama ko siya, kapag nakikita ko siya, nabubuhay lang ang mga nararamdaman ko sa kaniya. Na natatapalan niya alinman sa mga ipinararamdam sa akin ni Elon tuwing wala siya.
And it's confusing the hell out of me. Hindi ko na kilala ang nararamdaman ko. Hindi ko na rin mapagtanto kung anong klaseng pakiramdam pa ba ang mayroon ako kay Gio. I know that my love for him was true. But at the same time, I am also acknowledging the truth that both of us have no chance at all. Not even in the next lifetime.
And there goes Elon who never failed to make me feel how worthy of a woman I am.
"May recording tayo ng radio ad today, sister," saad ni Cath na pumukaw sa atensyon ko.
"Saan? Imrpovised lang ba?" tanong ko.
"Hindi, nag-rent ng recording studio si David. Three hundred per hour, kasama na rin ang editing at assistance," imporma niya.
"Hindi ko naman na siguro kailangan sumama, 'no?" umaasang tanong ko na inilingan niya bilang sagot.
Sigurado naman kasi akong hindi kailangan ang presensya ko kaya malamang na magsasayang lang ako ng pagod kung sasama pa ako. Idagdag pa na kailangan na rin naming tapusin ang mascot dahil malapit na rin ang event.
"May problema tayo," pagsasalita ni Davin, unang beses matapos ang ilang minutog pananahimik.
"Anong problema?" salubong ang kilay na tanong ko.
"Na-adjust ang date ng event. Nakakainis nga, eh, dahil nagpetiks tayo ng ilang linggo. Akala ko kasi talaga by the end of the month pa. 'Yon pala two weeks na lang. We're one week short of time at ang dami pa nating kailangang gawin," paliwanag niya.
Hindi ko nagawang itago ang ngiwi ko. Hindi dahil sa mga problemang inilalahad niya sa amin ngayon kundi dahil sa isang salitang binigkas niya. Petiks.
Petiks pa pala para sa kaniya ang nira-rattle niya kami sa mga kailangang gawin. Petiks pa rin pala ang dadalhin niya ang kalahati ng section namin para magpunta sa Summit para mag-shoot.
Grabe talaga. Anong klaseng utak ba mayroon ang isang David Samson para hindi ko magawang sabayan ang wavelength niya? Anong klaseng gulay o karne kaya ang kinakain niya para maging iba ang depinisyon niya sa depinisyong mayroon ako?
"Wala pa tayong radio ad, na ngayon pa lang gagawin. Though ang sabi naman sa akin ni Kuya Mike is sandali lang siya. Ongoing pa lang ang editing for tv ad, nasa kalahati pa lang ako. Pero ang pinakamalalang problema is 'yong mascot at costume. Sobrang scratch pa lang ang mayroon tayo. And I don't think we have enough time to finish everything. Isabay pa ang long quizzes, sales marathon, at recits na nakapila," nanlulumong dagdag ni Cath.
Parang mas lalong gumuho ang mundo ko sa narinig. Kung kanina pagod pa lang ang nararamdaman ko, ngayon gusto ko na lang sukuan ang project na 'to. Sa rami ng mga nakapilang gagawin, nagulo rin ang isip ko.
Mas lalo na at na-assign ako sa parte kung saan napakarami pang kailangang gawin. Lalo pa kaming pinahirapan ng limitadong resources na kailangan naming gamitin. Kailangan kasing environmentally good ang gagamitin namin kaya gustuhin man naming gumamit ng mga instant, hindi puwede dahil documented ang lahat. Idagdag pa na every week ay binibisita kami ng coordinators ng event para masigurong sumusunod kami sa guidelines.
"What remedies do we have, then?" maarteng tanong ni Bea.
"Some people need to sacrifice, a lot." David exhaled audibly. "Hahatiin ulit ang mascot team. Some would work for the head while the rest will be assigned to make the body. Same with the costume of our candidates. Hahatiin din sa dalawang team, ang isa ay para sa lalaki habang ang isa naman ay sa babae."
"Okay lang ba sa'yo, Carmen if ikaw na muna ang bahala sa ulo ng mascot? Buo naman na ang base. You only need to paste the materials," pakiusap ni Cath. "Some also has to work with the shoes at wala pa tayong nasisimulan kahit isa sa bagay na 'yon."
Isang tanong lang ang nabuo sa isip ko habang pinakikinggan ang eksplinasyon ni David at Cath. Bakit ako?
Marami kami sa iisang grupo. Maraming pagpipiliian pero bakit ako?
Gusto ko mang magreklamo, pinili ko na lang na ang sumang-ayon sa pamamagitan nang pagtango. Hindi na rin pa ako muling umimik pa dahil mukhang desidido na sila sa desisyon nila.
I just listened to their instructions and how they divided the tasks per person. Pantay-pantay naman ang distrubusyon sa iba, pero hindi ko lang maisip na unfair dahil may mga kasamahan pa ring hindi man lang nabigyan ng task maski isa.
Ano 'yon? Freeride?
"I'm really stressed out right now," buntong hininga ni David.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Cath, maging ng iba pa namang mga kasamahan. Paanong hindi siya maii-stress, eh, inaako na niya ang lahat kahit na puwede naman niyang ibigay sa iba.
"Bigyan mo kasi ng task ang iba," hindi napipigilang sabi ko. "Ibigay mo na sa iba ang editing ng ad, sigurado naman akong mayroon pang iba na marunong."
Naging mailap ang mga mata ni David. Kababakasan din nang pagtutol ang ekspresyon ng mukha niya.
Siguro dala na lang din ng nature niya sa pagiging leader kaya hirap siyang ipagkatiwala ang ganitong bagay sa iba. David has his own standards and every output should meet that. Kung hindi niya gusto, ipauulit niya o ipababago ang ilang detalye.
Hindi ko naman siya masisisi minsan kahit nakakapagod siyang sundin. Gusto niya lang naman na makakuha kami ng mataas na grade kaya gano'n. Parang wala sa bokabularyo niya ang matalo kaya pursigido siyang makakuha ng mataas na marka at manalo.
"You already did your best, David. Hindi mo kailangang akuin lahat," segunda ni Cath.
"Puwedeng ako na lang ang mag-edit?"
Sabay-sabay na nilingon namin si Roger na isa sa tahimik naming kaklase. Bakas ang hiya sa mukha niya na pinatutunayan nang pamumula no'n.
"David?" nanghihingi ng permiso na tawag ni Cath sa leader ng klase.
David sighed, finally giving up. "I'll send the files later."
Bahagya akong napangiti. May mga tao kasi talagang nahihiya lang pero may itinatagong kakayahan. Minsan din kasi, bago pa makapag-volunteer ang iba ay inaako na agad ni David ang obligasyon kahit na hindi naman kailangan.
David dismissed us after giving us final instruction. Nagkaniya-kaniya na sila ng punta sa mga lugar na paggagawan nila ng mga kailangan pa naming tapusin.
Naiwan sa akin ang ulo ng mascot na mas malaki pa yata sa katawan ko kasama ang malaking paper bag na may naman namang materyales na gagamitin ko tulad ng gawgaw, glue gun, stick glue, at mga lumang damit.
"Kaya pa? O suko na?" tanong ni Clarisse nang marating niya ang kinaroroonan ko.
"Thanks for coming over, Clau," pasasalamat ko.
I texted her earlier when my classmates left me. Ang sabi niya sa akin ay okay lang naman daw sa kaniya. She wasn't at home yet and was studying at the public library near our university.
"SOS?" Haze uttered upon arriving.
"Kung hindi lang naman abala sa inyo," nahihiyang sagot ko.
"Tigilan mo, sister, hindi bagay sa'yo ang nahihiya kuno," pambabara ni Clarisse sa akin. "Wala kang hiya, okay?"
Inirapan ko siya bilang tugon. "Galing sa'yo talaga?"
"Quiet children!" agap ni Haze bago pa man masundan ang asaran namin. "Nakapagsabi na ba kayo sa inyo?" Haze asked.
"Ako lang naman ang mag-isa sa bahay ni Tito Hayme. Nagbakasyon na naman siya sa Palawan kaya walang maghahanap sa akin," paliwanag ni Clarisse.
"My parents allowed me," I said.
We're all adults by age, but our parents still treat us as if we're still toddlers. Wala akong reklamo sa bagay na 'yon. At the age of 20, we all still have curfews. Except in Hazel's case since she's living all by herself. Both Clau and I still have to get permission whenever we need to go somewhere. Katulad ngayon na may biglaang overnight kami sa condo ni Haze.
Okay lang naman sa amin ang bagay na 'yon. It just shows how protective our parents are when it comes to us. It's just a proof of their love for their children. Aside from that, binibigyan naman nila kami ng laya sa mga desisyon namin. Lalo na kung may kinalaman sa mga pangarap at mga gusto naming marating.
Hindi 'yon pananakal tulad ng maaaring isipin ng iba. They just want to ensure our safety. And we are more than grateful for that.
"Ano bang kailangan mong gawin ngayon?" Clau asked me.
"Ulo ng mascot," buntong hininga ko. Pareho silang ngumiwi nang magbaba ng tingin sa nasa paanan ko. "Hindi naman kailangang tapusin ngayon. I want to at least get half of the job done within the night. Para may oras pa akong mag-review para sa recit namin sa law."
"Tapusin kasi natin ngayon din. Wala akong pasok bukas, puwede kong gawin kung may klase kayo," Haze suggested.
"Wala rin akong pasok, I can help," Clau seconded.
"I only have afternoon class for my retail class. I can sleep late," sabi ko.
"We can do it for you, girl. No need to sacrifice your sleep," pag-ako ni Haze.
Umiling ako sa kaniya. "If I need to forego some sleep for this thing, I'll do it. Kailangan kong pumasa kahit na hindi ako sigurado kung maki-credit ba ang ganitong efforts ko."
Bigla akong pinaghinaan ng loob. That's the downside of doing group projects. Magsakripisyo man ng marami ang isa sa likod ng mga mata ng mga propesor, hindi 'yon mahalaga kung ang leader naman ang nakikitaan ng pagkilos.
That even though you have gone through sleepless nights, when it can't be seen then everything is useless. I know that a leader takes the most stress among the members. They need to work on a lot of things to have better grades for the whole of them. But there are some situations wherein you are not getting acknowledgment for your hard work.
Kasi hindi naman nila nakikita kung anong ginagawa mo kapag nasa bahay ka na. They would only know your struggles if you're with them. But after everyone part ways with their own respective tasks, there's no guarantee that you'll still be recognized. Lalo na kung hindi pasok sa panlasa nila ang produktong pinaghirapan at pinagpuyatan mo.
I looked down on my phone when it vibrated. Nasa sasakyan na kami ngayon, binabaybay na ang daan patungo sa condo ni Haze.
"Okay na kayo?" Clarisse asked from the driver's seat. Naikuwento ko kasi sa dalawa kagabi ang nangyai sa pagitan namin ni Gio sa mall.
"Si Carmen pa ba?" Haze said in sarcasm. "Eh, hindi naman marunong magalit ang isang 'yan. Lalo na kung si Gio ang pinag-uusapan."
Hindi ko makuhang pasinungalingan ang sinabi ni Hazel dahil maging ako ay sang-ayon din sa kaniya. Hindi sa parte na hindi ako marunong magalit kundi dahil tuwing masasama si Gio sa usapan ay agad ng huhupa ang inis o galit na nararamdaman ko.
Maybe because he occupies the biggest part of my heart. Maybe the reason is whenever he's around, I would automatically feel weak and soft.
"Akala ko ba tapos na?" naguguluhang tanong ni Haze.
"Kaya nga. Why are you still helping him? At nakakagago lang, ha? Sa'yo pa talaga nagpatulong sa pagbili ng peace offering niya sa girlfriend niya," iritableng dugtong ni Clarisse.
"Wala naman kasi siyang ibang mahihingian ng tulong kaya sino ang ibang lalapitan niya kung hindi ako?"
"Bakit kasi hindi ka na lang kay Elon. Mas matino naman 'yon ng 'di hamak kay Gio," lukot ang mukha na saad pa ni Clau.
Wala akong nabuong salita para kontrahin ang huling birada ni Clarisse. 'Yon na yata ang pinakatotoo sa lahat ng katotohanang narinig ko.
Kung ihahambing ang dalawa, walang dudang mas lalamang si Elon. Ni minsan hindi niya ako nagawan ng mali. Ni minsan hindi niya ipinaramdam sa akin na kulang ako. Bagkus, kabaliktaran pa ang ipinakikita niya.
Unlike Gio who made it a habit of leaving me hanging.
Pero walng punto na ihambing o ang alamin ang pinagkaiba ng dalawa. Magkaiba silang tao at magkaiba ang pinanggalingan nila. Magkaiba sila ng kuwento kaya hindi mainam na ikumpara sila.
I understand Gio and that's enough for me. Kahit na hindi siya maintindihan ng marami, kaya ko siyang intindihin.
"Hindi niyo pa nga sure kung siya ang tumatawag, ina-assume niyo na," tawa ko.
"Mali ba kami?" naghahamong tanong ni Clau.
"Hindi," simangot ko.
Pareho silang umismid sa akin at pareho rin akong nginiwian.
Hindi na ako sumagot sa kanila at pinagtuunan na lang ng pansin ang cellphone ko. Gio texted me with a picture included on it.
It was a picture of a coffee placed on top of the round coffee table of a familiar shop. Base sa background nasisiguro kong nasa Harbor siya ngayon. And coffee shop na madalas naming pinupuntahan tuwing sumasapit ang ika-24 ng buwan para sa sikretong pagkikita nila ni Ma'am Ria.
Pero wala siya sa VIP room ngayon 'di tulad ng nakasanayan. Nasa may veranda siya, kaharap ang papalubog ng araw. Nais ipahiwatig na mag-isa lang siya ngayon at hindi kasama ang mundo niya, si Ma'am Ria.
From: Gio-bunny
Suddenly remembered you watching the sunset in this seat. Where are you, Cae?
The beating of my heart changed its tempo immediately. Mula sa kalmado at banayad nitong pagtibok, nauwi 'yon sa malakas at maligalig na pagtahip no'n.
Despite the chaos happening in my chest, I tried to stay calm and composed a message as my reply.
To: Gio-bunny
I'll be having an overnight stay at Haze's. Need to finish some projects.
A few seconds after I sent the message, Gio immediately called.
"Hmm?" I greeted.
"You need help? I can come over," he offered.
Mabilis na lumapat ang mga mata ko sa dalawang babaeng nasa harapan ko. Alam kong hindi nila sasang-ayunan ang bagay na 'yon. Na hindi sila komportable na maipit sa isang lugar kasama si Gio.
At kahit ako ay hindi rin payag bagaman maliit na parte ng puso ko ay gusto siya bigyan ng permiso.
"Hindi na, kaya na namin," tanggi ko sa alok niya.
He sighed on the other line. "Are you sure you're not ignoring me?"
I chuckled humorously to mask the growing pain in my heart. Hindi naman nakakasakit ang mga salita niya pero ang epekto sa puso ko ay kakaiba.
He's not even saying brutal words nor anything harmful at all but I felt like the multiple daggers had knifed my heart with brutal force. Kailan ko ba matututuhan ang ang hindi masaktan? Kailan ko ba magagawang balutin ang puso ko ng tuluyan?
I want to ignore him badly, but I am left with no choice but to stay since I am his only ally. I want to take a step forward, but I would always end up rooted beside this man.
"I told you, Gio, I am not going anywhere," I assured him for the nth time.
But one day... I'll surely will. To protect my heart and finally be at peace and happy,
------------------------------------------------
A/N: Thank you for reading! Happy 1k sa first campus trio ko! Thank you so much for staying with me. :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top