Chapter 22
A/N: Course ang term na ginagamit namin sa college instead of "subject". Para iwas lito. :)
---
"Ang tahimik mo naman yata ngayon, Carmen? Ano? Brokenhearted?" malokong tanong ni Cath nang maupo sa tabi ko.
Sinimangutan ko lang siya at nanatiling tahimik. Walang imik na pinanood ko ang pagpasok ng mga tao sa loob ng room. Nasa pinakasulok sa kanang bahagi kasi ang puwesto ko kaya kitang-kita mula rito ang mga nag sisidatingan.
Kahapon lang nang magkita kami ni Gio na hindi pa nagtapos sa maganda. Gusto kong pagsisihan ang naging akto ko sa harap niya ngunit hindi ko magawa dahil maliit na parte ng isip ko ay gustong ipaalam sa kaniya ang totoong nararamdaman ko.
"Anong ganap natin today?" tanong ko kay Cath habang pilit na winawaksi ang mga bagay na bumabagabag sa akin..
Nagkibit-balikat siya sa akin bilang sagot. "Wala namang nabanggit sa akin si Eman kaninan nang tanungin ko anong ginawa nila sa 2B. Discussion lang daw sila kay Sir MJ. Sa A naman, mamaya pa lang ang klase nila kay Sir Dan."
Sinalakay ng kaba ang dibdib ko nang marinig ang pangalan na iyon. Bukod sa course ko na Oblicon, ang Professional Salesmanship ang isa pa sa nga kinatatakutan ko.
Karamihan naman yata sa mga estudyanteng under kay Sir Dan ay pareho lang ng magiging reaksyon. Kakabahan ka ng todo sa takot na makapagbigay ng maling sagot.
He likes calling students whenever he's having a discussion. Sa ganoong paraan ay nagagawa niyang makuha ng buo ang atensyon ng buong klase.
Nakakatakot siyang propesor dahil istrikto siya at talagang ibabagsak ka kung hindi mo naman deserve na pumasa. Kakabahan ka rin sa takot na matawag ngunit hindi naman siya iyong tipong namamahiya. Tutulungan ka pa nga niyang sumagot hanggang sa maibigay mo ang nais niyang marinig mula sa'yo.
It's just that... he's intimidating. He's a good professor that's why students look up to him.
"Good morning, marketers," bati niya sa amin kahit na four o'clock na.
It's a marketing thing, to greet people with good morning no matter what time of the day. Hindi lang ako sigurado kung sa ibang course rin, pero sa amin ay gano'n lalo na kung major.
"Good morning, Sir," bati ng ilan sa kaniya pabalik.
"I won't be discussing anything for today," he announced.
Nagkatinginan kami ni Cath at sabay na napangiti dahil doon. Lumuwag bigla ang dibdib ko dahil mukhang maliligtas kami sa recitation ngayon.
"We're actually done with our discussion. I will just be giving out handouts for the last topic that you need to study," he added. "M-in-eet ko lang kayo today para i-discuss sa inyo ang magiging final requirements ninyo sa akin for this course."
"Nakakakaba naman 'to. Parang sinesentansyahan na tayo," bulong sa akin ni Cath.
"Legit 'yong kaba, Cath. Wala pa man, pakiramdam ko nanginginig na ako sa kaba ngayon pa lang," dagdag ko pa sa sinabi niya.
'Yong kaba na hinahaluan ng takot na baka hindi ko magawa ng maayos ang final requirement namin kung ano man 'yon. Mahirap bumagsak lalo na at dahil maghahabol ako. Buti na lang talaga at walang prerequisite ang subject ko na ito.
Ibig sabihin, kung babagsak ako ngayong sem, hindi ko na kakailanganin mag-midyear para mahabol ang course at para makapag-enroll sa course na requisite ng prof sales sa susunod na sem.
Mahirap kasi talagang bumagsak sa college lalo na at limited units lang ang puwede mong i-take tuwing midyear. At kailangan mong magpursige dahil kung bagsak ka, ibabagsak ka talaga ng prof mo.
"So, for your final requirements, you will be having two activities. One being an individual activity and one as a pair," he discussed.
"Kami po ba ang pipili ng partner namin, Sir?" tanong ni David.
Awtomatikong umangkla ang braso ni Cath sa braso ko bago pa man makasagot si Sir Dan. Nakuha ko agad ang ibig niyang sabihin and I also feel the same way.
Kung magkakaroon man ako ng partner, I want it to be someone I am close with. Para hindi mahirap ang teamwork at mas magkakasundo pa kami.
"Yes, it's up to you guys. Choose your own partner since sakto lang naman ang bilang ninyo."
"What would be the activity po, Sir?" Lyka asked.
"The individual one will be a sales marathon while the other will be a product demo." He sat at the table on the platform with his arms crossed in front of his chest. "Numerous items will be prepared, written on a piece of paper. You will have to pick one and sell it to your classmates that will serve as your customers. You will be given a total of one minute, thirty seconds to prepare while another thirty seconds to answer. Do you get me?"
"Ano pong basis ng grade, Sir?" another student asked.
"After mag-present ng kaklase ninyo, tatanungin ko kayo if bibilhin ba ninyo ang item na ibinebenta niya solely based on how he or she presented it in front," paliwanag ni Sir.
"Shit, impromptu," takot na bulong ni Cath.
Agad akong kinabahan. Ipinaliliwanag pa lang ni Sir Dan ang mangyayari, natatakot na agad ako.
"For the product demo which will be done by pair, you will choose an item and present it in front of the class. Discuss the features, how it is used, the price, and everything that concerns the product," he explained.
"Parang home shopping po?" tanong ng isa.
"Basically, yes. Pero, unlike sa sales marathon na involved ang classmates ninyo, this time, I will be the only one to grade you based on how you presented the product."
"Kailan po ba, Sir?"
"Next meeting we will start with the sales marathon and we'll try to finish everything for two meetings para by next week, start na tayo sa product demo."
Kung kanina ay kabado na ako, mas lalo lang nadagdagan 'yon ngayon na malapit na pala ang araw na 'yon. Fear crept in me thinking that I wouldn't be able to pass the activities we are supposed to do.
"Are we all clear now?" he asked.
No one answered him probably because of the mutual feeling we all have right now. Fear and nervousness.
Despite being a marketista by course, I still can't get used to the feeling of standing in front of the whole class to recite, report, or anything related to that. Sabi niya, kapag marketista ka dapat may kumpiyansa ka at hindi uso ang hiya.
But still... iyon kasi ako. I'm almost like an introverted person for I find it comfortable being surrounded by few people. It puts me under so much pressure whenever I'm in front, feeling all their stares directed at me.
Minsan nga kahit na hindi naman sila nakatingin, pakiramdam ko nakamasid sila sa akin. Ewan ko rin kung bakit. Minsan nga tuwing nagre-report ako, na madalas gawin sa course ko, kinakabahan pa rin ako kahit na alam ko naman na ang mga sasabihin ko.
"Please be in formal attire for the next meeting. Good luck, marketers," he dismissed.
Parang mga nakatakas sa kulungan na nagsipulasan ng alis ang mga kaklase namin nang lumabas na ng room si Sir Dan.
"Carmen!" sigaw ni Cath na para bang kaming dalawa lang ang naroon sa room.
Walang hirap niyang nakuha ang atensyon ng mga naiwan sa room na ngayon ay nakatingin na sa amin. Pinanlakihan ko siya ng mga mata upang pagbawalan siya nang eksaheradang yumukyok siya sa lamesa niya.
"Para ka namang kakatayin na," komento ko sa inaakto niya.
"Pahiram naman ng utak, Carmen," ngawa niya habang nakayuko pa rin. "Kahit isang araw lang, pabasbas ng skills mo."
Naguguluhan akong nagbaba ng tingin sa kaniya. "Pinagsasabi mo riyan?" nagtatakang tanong ko.
"Sis, kung hindi ka aware, talentadong pinay ka sa mga ganitong bagay. May pinaglalaban, eh," may himig ng bilib niyang sabi.
"Ha?" Pinagkunutan ko siya ng noo, hindi nagagawang sabayan ang gusto niyang ipunto. "Hindi kita gets, Cath. Kulang ka yata sa tulog."
"Gusto kong isipin na naghahambog ka sa akin ngayon at nagkukunwari lang na humble kaso hindi mo naman kasi nakikita nag sarili mo kaya hindi mo alam kung gaano ka kagaling pagdating sa reporting at recitation," papuri niya.
"Paano ako maghahambog, eh, wala naman akong maihahambog?"
Totoong hindi ko siya magawang sabayan sa mga sinasabi niya. Bukod sa katotohanang hindi ko naman talaga nakikita ang sarili ko, tanging kaba at malakas na pintig ng puso ko lamang ang nangingibabaw sa akin.
Feeling ko nga minsan, nag-iibang anyo ako tuwing nagsasalita ako sa gitna ng maraming tao. Hindi ko rin minsan naiintindihan ang sarili ko. Basta na lang akong nagsasalita na kahit ako ay hindi ko alam kung may sense pa ba o wala.
"Ayaw ko na lang dumating ang araw na 'yon," kabadong saad ko.
"Sir Dan 'yan, sis, kinatatakutan ng lahat," komento ni Cath.
Napabuntong hininga ako. Sir Dan is one of those professors most students are afraid of.
"Sir Dan was right with what he said on our first day. Naaalala mo ba?" pagbabalik tanaw ko.
"Tumatak 'yon sa isip ko," segunda niya.
He said that he'll make our course our training ground. Kaya madalas niya kaming pinagsasalita, and as much as possible we should use English as our language.
As marketers, we are expected to face a lot of people, especially if the job we'll get has something to do with being a sales representative. Kaya hindi na bago sa amin ang nagsasalita lalo na at halos lahat ng course namin ay reporting ang ginagawa.
"Uwi na tayo, baka sakaling kumalma na ako," anyaya ni Cath.
Mabilis naman akong nag-ayos at tumayo na. Last subject na kasi namin ang prof sales kaya malaya na kaming umuwi.
"Ingat ka, Carmen, ha? Marami pa namang insecure sa gandang taglay mo," paalam niya nang makalabas na kaming dalawa ng room.
Naiiling na kumaway na lang ako sa kaniya. We have separated ways with her going towards the southern part of the hallway and me going towards the north.
Naroon pa rin ang tingin ng mga tao sa akin ngunit ipinagsawalang bahala ko na lamang iyon. They can stare all they want and I don't really want to care anymore. Not that I've done them wrong.
Tahimik ako naglakad, 'di alintana ang mga tinging ramdam kong ibinibigay ng ilan.
"Miss," a distant voice said.
Nagpatuloy ako sa paglalakad dahil pakiramdam ko ay hindi naman para sa akin 'yon bagaman parang nakadirekta sa direksyon ko.
"Miss," muling pagtawag ng tinig na 'yon.
Unlike how vague it was when he first spoke, his voice became so familiar that I immediately recognized his identity when the sound became closer.
Sa isang marahang kilos ay tumalikod ako upang makita ang taong 'yon. And there he was... sitting comfortably at the uppermost step of the stairs leading to our campus' registrar.
And seeing him like this brought memory of the second time that I met him. Ang kaibahan lang ay umaga ngayon at maliwanag ang paligid, taliwas sa dilim na bumalot sa amin noon.
"Anong ginagawa mo rito?" Tumingala ako sa kaniya at lumapit hanggang sa nasa pinakaunang baitang na ako ng hagdan.
He shrugged his shoulders. "Free cut namin. Wala akong gagawin sa Summit kaya nagpunta ako rito."
"Eh, 'di ba may final requirement pa kayong kailangan tapusin? Remember the reason why we met in this place?" pagpapaalala ko.
"Patapos na ako. Actually, I'm doing something else now. Kaya libre ako sa mga susunod na araw."
"Dapat nagpahinga ka na lang," saad ko habang salubong ang dalawang kilay.
"Right," he said to himself. "I just thought of seeing you kaya dinala ako rito ng mga paa ko."
Naramdaman ko ang biglang pag-iinit ng magkabilang pisngi ko dahil sa sinabi niyang iyon. At pilit ko mang itanggi... unti-unti na akong nagiging pamilyar sa mga bagay na ipinararamdam sa akin ni Elon.
"'Yong totoo? Hindi ako naniniwala sa ganiyang rason mo," pagpipilit ko, binabalewala ang epekto niya sa akin ngayon.
Bumuntong hininga siya matapos ay biglang lumamlam ang mga mata habang nakatingin sa akin. "Clarisse texted me, okay?" pagsuko niya. "Apparently, you weren't answering any of their messages that got them worried. At ako rin nag-aalala na sa'yo. You were fine the last time we met."
"Okay lang naman ako ngayon," giit ko sa kaniya kasabay nang pagyuko ng ulo upang maiwasan ang nanunuri niyang mga mata.
"Now, you're making me even more worried, Miss," he said in a voice reflected with worry.
Hindi ko nagawang pagtuunan ng pansin ang pag-aalala sa boses niya. Bagkus ay nabaling sa itinawag niya sa akin ang atensyon ko. "Am I a stranger to you?" I asked with my brows furrowed.
"Of course not," mabilis niyang tanggi.
"Then why do you keep on calling me Miss?" naguguluhan kong tanong. "Kung hindi ko pa nakilala ang boses mo, baka hindi na kita nilingon."
Elon gave me a tender smile before standing up. Bumaba na rin mula sa kinauupuan niya hanggang sa isang hakbang na lang ang naghihiwalay sa aming dalawa.
At dahil nasa itaas siya, kinakailangan ko pang tumingala para magawa kong salubungin ang mga mata niya. Naroon ang pag-iingat at pag-aalala na nasisiguro kong para sa akin.
Elon lowered his body for him to meet my eyes. And forgetting the fact that I was standing at the very last step of the stairs, I automatically moved away to have enough distance between us.
At dahil sa katangahan kong 'yon ay nawalan ako ng balanse.
Nanlaki ang mga matang tiningnan ko si Elon, nanghihingi ng saklolo bago pa man ako sumemplang at mapahiya sa harap ng maraming tao.
Mukhang nakuha naman niya ang gusto ko kaya maagap na nahaklit niya ang baywang ko dahilan para magdikit ang katawan naming dalawa. Ngunit taliwas sa agad na pagbitaw na siyang inaasahan ko ay pinanatili niya kami sa ganoong posisyon bago muling binaliw ang isip ko gamit ang mga salita niyang bumubura sa mga pagdududa ko sa sarili ko.
Walang babalang kumabog ang puso ko nang mapagtantong halos kalahati na lang ng ruler ang pagitan namin. Ngunit parang balewala lang kay Elon dahil nanatiling nakangiti pa rin ang mga labi niya habang tinitingnan ako.
Agad na bumalot sa akin ang itin ng katawan niya kasabay nang pagpaparamdam sa akin kung gaano ako kaapektado sa maliit na distansya sa pagitan naming dalawa.
"Miss," he called again. "You're the most beautiful lady I have ever met, Carmen. And you deserve to be treated as much as you value. You're my Miss, Carmen."
Walang kahirap-hirap na binura ni Elon ang mga bumabagabag sa akin nitong mga nakalipas na araw na dulot ni Gio. Walang pawis na nagawa niyang buhayin ang tila nauupos ng sindi ng tiwalang mayroon ako sa sarili ko.
Through his words, I got the assurance only my friend could give me. Not Gio who's been making me feel so unworthy without him noticing it.
With the way, he calls me... I felt like I am a woman deserving to be loved.
Elon smiled once more, a genuine one... a beautiful one.
"You're gonna be fine, right?" he asked in a mellow voice.
"With your words... I think I will... slowly," I answered quietly, still feeling the rapid beating of my heart caused by him.
Sana lang huwag kong makasanayan. Para hindi gano'n kasakit kapag isang araw ay bigla na lang niya akong iwan.
Tikhim na nagmumula sa likuran ko ang nagpabalik sa akin sa reyalidad. Mabilis akong napaalayo sa kaniya at mabuti na lang ay napigilan ko pa ang sarili ko bago ko siya naitulak ng ay puwersa.
Inalalayan ako ni Elon sa maayos na pagtayo, inayos niya rin ang bahagya kong nagulong buhok. Siya na rin ang marahang nag-ikot sa akin para harapin ang taong tumikhim kanina lang.
"Gio," I said, not surprised at all.
"Cae," bati niya sa akin ngunit ang paningin ay nasa taong nakatayo sa likuran ko.
Pasimple kong iginala ang paningin ko sa buong paligid namin upang makita kung pinanonood na ba kaming muli. And I almost took an obvious sigh of relief when I saw only a few students around us.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa kaniya.
Nagbaba siya ng tingin sa akin. "Isasabay na sana kita pauwi," saad niya. Muli siyang nag-angat ng tingin kay Elon. "Pero mukhang may iba na yatang maghahatid sa'yo."
Kusang kumilos ang ulo ko para lingunin si Elon. His eyes were focused on me as if he doesn't mind being stared at openly. Nasa mga labi niya pa rin ang ngiting walang sawa niyang ibinibigay sa akin.
Ang mapagitnaan ng dalawang ito ay patunay lamang ng malaking pagkakaiba nila. Na kahit hindi ko gusto na magkumpara, sila na mismo ang nagpapakilala kung sino sila.
"I just came here to check if everything's alright with you," Elon explained.
Si Elon na walang pinalalampas na araw sa pagpaparamdam ang importansyang mayroon ako. Kabaliktaran sa ilang ulit na pagpaparamdam ni Gio ng hangganan ko sa buhay niya.
Siya na hindi lang iisang beses akong sinalo mula sa mga hindi natutupad na pangako ni Gio.
"Carmen?" nanantiyang tawag ni Gio dahilan para muli ko siyang lingunin. "It's fine with me if you want to be with him. Mauuna na lang ako."
At si siya... si Gio na manhid sa nararamdaman ko. Si Gio na ni minsan ay hindi nakita ang halaga ko.
Siya na ilang beses akong iniwan at binalewala. Isang taong ilang ulit-ulit ipinaramdam sa akin na hindi ako ang babaeng kailangan at mahal niya.
Lalaking ilang beses akong tinukso sa iba gayong siya itong gusto kong makasama.
Napayuko ako upang maiwasan ang tingin ng dalawa, sabay bitaw ng marahang iling sa walang partikular na dahilan.
"Thank you, Elon," paghingi ko ng pasasalamat. "Nagpunta ka pa rito. Sobrang na-appreciate ko talaga."
Inipon lo ang lakas ng loob sa dibdib ko nang muling mag-angat ng tingin sa kaniya.
"No need to thank me, Carmen" nakangiti niyang sabi. "Just get better even if it's at a slow pace, that's good enough for me."
Kusang umukit ang ngiti sa mga labi ko. "I will. Thank you," walang boses na saad ko.
"You're coming with me?" Gio asked behind me.
"No," mabilis kong tugon, 'di alintana kung ma-misinterpret man niya ang naging tono at paraan nang pagsagot ko. "I'll go home alone."
Hindi ko na siya hinintay pa na makapagsalita. Mabilis akong tumalikod at agad na naglakad palayo sa kanila.
I don't want to be with Gio. OA man siguro sa iba pero hindi ko lang talaga nagustuhan ang naging tabas ng dila niya nang araw na 'yon.
I am offended and I think my reason is valid enough.
I could've chosen to be with Elon, but I didn't. Not when I'm thinking of another man.
Hindi niya deserve iyon. And I don't want to use him as an escape just to avoid someone. Elon deserves so much more than that.
Maybe... much more than me.
------------------------------------------
A/N: Thank you for reading! :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top