Chapter 20

Pinagsawa ko ang mga mata ko sa panonood ng mga taong dumadaan sa harapan ko. Behind the glass wall in front of me were students who came out from the main and engineering campus of our university.

Magkatapat lang kasi ang dalawang campus kaya maraming estudyante. Isakto pa na lunch break na kaya ang daming nagkalat na mga CBA, CASS, at CET students ngayon. Wala na ring bakanteng puwesto sa 7/11 kung nasaan kaming lima nina Haze, Clau, Ulick, at Elon, at suwerteng nakahanap na kami ng mauupuan bago pa dumagsa ang mga tao.

Magkakatabi kaming nakaupo sa long table sa pinakaharap ng establisyemento kung saan salamin ang katpat namin. Kani-kaniya kami ng kain. Ang sa akin ay siopao habang ang sa iba naman ay kung hindi noodles, donut naman ang puntirya.

"Sana bakasyon na," nangangarap na pagsasatinig ni Clarisse.

"Dalawang buwan na lang.Suwerte na lang talaga natin at ang CIU ang host para sa darating regional meet kaya napaaga ang bakasyon," saad ni Haze.

"Do you have any plans? For the holidays?" Elon asked.

August kasi ang start ng klase namin at kalahati na rin ng sem ang natatapos. And base sa experience ko, mabilis lang umusad ang final term. Kaya ilang buwan na lang ay december na. Ibig sabihin, holiday break na. Sa wakas.

Clarisse shrugged her shoulders. "Baka iburo ko na lang sarili ko sa condo ni Tito Simon. Tutal may lakad naman sila ng pamilya niya sa pasko at bagong taon."

"Hindi ka sasama? Whole family niyo ang aalis for sure," tanong ko sa kaniya.

Bumuntong hininga siya. "Pamilya ba ako?" sarkasmo niya, hindi para sa akin kundi para sa sitwasyong mayroon siya. "Kung hindi nga ako pinulot at binihisan ni Tito Simon baka nasa kangkungan pa rin ako hanggang ngayon. At ayaw kong ma-stress lalo sa mga anak niyang ang sasama ng ugali. Akala mo naman mga prinsesa, demonyo naman in real life."

Napailing ako. Ramdam ko sa tabas ng dila niya ang inis niya para sa mga nabanggit. Hindi ko rin naman kasi siya masisisi. Palagi kasing ibinabalik ng dalawang kapatid niya ang pinagmulan ni Clarisse. And even I find it stressful.

It's true that Clarisse Auburn is not the cleanest girl in the whole universe. Pero nagbabago naman ang tao. Hindi naman ibig sabihin na hindi maganda ang pinanggalingan ng isang tao ay habang buhay na siyang nasa ganoong sitwasyon.

Hindi ko lang talaga maintindihan ang mga anak ni Tito Simon kung bakit diring-diri sa kaniya, eh, ang buting tao naman ni Clau sa kanila. Never silang pinakitaan ng masama at lahat ng pang-aalipusta nila ay tinanggap lang niya.

"Ikaw Haze? Saan ka?" tanong ni Clarisse sa babae.

"Condo ko lang din. Magtatago na naman ako syempre," makahulugan niyang tugon.

"Kayo ni Sera, U? Anong plano?" si Elon.

Umiling si Ulick sa amin. "Wala pa kaming napag-uusapan," tipid niyang sagot.

I don't know Ulick unlike how Clau knew him. We're not the closest friends and we rarely hang out together. But seeing how distant he is about this topic, I can feel that there's something wrong.

Hindi lang kasi talaga siya pala-kuwento at mas gustong sinasarili ang lahat like what all of us do. Kaya siguro kami nagkakasundong lima. We have similarities in dealing with our problems and we often choose to fix it within ourselves. Kaya siguro pagdating sa kanila, madali na lang ang makapagkuwento at mag-open up.

Because they knew what words must be said. They knew when would be the right time to comfort. Lalo na sa dalawang babae. And I wish Ulick would do the same, too. Dahil minsan, mas nakaluluwag sa pakiramdam na mayrooj78l; .n kang napagsasabihan.

"Ikaw, E? Anong plano?" tanong ni Ulick sa kaibigang lalaki.

"Uso ang art commissions tuwing pasko kaya baka magpinta ako," sagot niya.

"What about your fam?" I asked.

Ngumiwi siya sa akin. Kumilos si Elon para magawa niyang iharap sa akin ang katawan niya. Tuloy ay likod na niya ngayon ang nakikita ng tatlo pa niyang katabi sa kanan. Nasa pinakadulo kasi ang puwesto ko, katabi ang pader, at si Elon ang katabi ko.

Muling nabuhay ang kakaibang pagpintig ng puso konhabang kaharap siya sa ganitong kalapit na distansya. Hindi naman kasi talaga dapat siya ang katabi ko. The last time I was with him a few days ago made it a bit awkward for me.

I feel like something has changed between us ever since that day. And I can feel it, too. Kaya nga umiwas ako ng kaunti.

Kaso ang may topak na si Clarisse, ipinagtulakan siya sa tabi ko kaya ganito kami ngayon. At para na rin makatabi niya si Ulick.

"I'm not living with them. Nasa Cebu sila at ako lang ang mag-isa," sagot niya sa tanong ko kanina.

"Bakit?" salubong ang dalawang kilay na binalingan ko siya.

"I moved out when I was in my 11th grade. They don't support my arts and I want to prove them wrong." He let go of the drink he was holding and focused his attention on me. "Hindi ko rin alam bakit. Ang sabi nila nagsasayang lang daw ako ng oras sa kapipinta ko. Gusto nila akong magpulis, o 'di kaya'y maging guro dahil sigurado raw ang kita.. Kaso wala roon ang puso ko."

Palihim akong napabuntong hininga. Ngayon ko lang napagtanto na ang suwerte ko na wala akong pinoproblema na kahit na ano. Habang ang iba ay sobrang daming kailangang alalahanin para sa sarili at sa pamilya.

Samantalang ako, kakaining ulam lang yata ang pinoproblema ko.

"So, it's passion over practicality?" I asked.

"You can say that."

"Good for you that you were able to pursue your passion," bilib na saad ko.

Itinukod niya ang siko sa lamesa habang nasa gilid ng sentido ang kamao. Tuloy ay halos kalahating ruler na lang ang distansya ng mga mukha naming dalawa.

Sa ganoong posisyon, pinagmasdan niya ako. Sa ganoong kalapit na distansya ay tinitigan ko rin siya. We were locked up in our own world like nobody was around us. When in fact, the whole place was filled with students grabbing some food for their lunch.

Kinapa ko ang sarili kong nararamdaman, hinahanap ang ilang na dapat kong maramdaman tulad ng kaninang pumuno loob ko. Pero kahit yata suyurin ko pa ang kasuluk-sulukan ng puso ko, wala akong mahanap doon maliban sa kapayapaan.

I really find him comfortable. Like someone I can chit-chat with despite the fact that I barely knew him. Ngayon ko nga lang din napagtanto na wala akong alam tungkol sa kaniya maliban sa mga basic information na halos alam na rin naman ng lahat.

Ngayon ko nga lang nalaman ang ganitong kuwento niya. Ang buong akala ko ay kasama niya ang pamilya niya. Totoo nga ang imaheng nabuo ng mga tagahanga niya tungkol sa kung sino siya. Isa siyang misteryo para sa lahat.

"I can't see myself in other fields other than what I'm doing now." He smiled at me tenderly. "Alam mo 'yon, parang hindi ako sasaya. Parang robot lang ako na kumikilos ng naaayon sa utos ng iba."

Lumamlam ang mga mata ko habang masuyo pa rin ang lapat sa mukha niya. "Are you happy, Elon?" halos pabulong na tanong ko.

Maingat niya rin akong nginitian. He slowly moved his vacant hand and extended it for him to reach me in my face. Elon slowly tucked my hair behind my ears before carefully touching my cheeks.

"I have never been this happy," Elon spoke deeply.

Assumera na ba ako kung iisipin kong may ibang ibig sabihin ang pagkakasabi niya? Masyado na bang makapal ang mukha ko kung iisipin kong para sa akin ang mga salitang sinambit niya.

Siguro nga. Napakaimposible naman na magkaroon ng dahilan ang mga 'yon gayong hindi naman namin gusto ang isa't isa.

"Ikaw? Anong gusto mong maging?" tanong niya sa akin, muling ibinaba ang kamay.

Natatameme ako sa tanong niyang 'yon. Wala akong nabuong sagot, kahit na katiting man lang. Tila isang blangko at malinis na papel ang isip ko na walang kahit na anong sulat.

"Gusto ko?" pabulong na tanong ko. At dahil nakatingin lang ako sa kaniya, nakita ko siyang tumango sa akin.

I opened my mouth to try and give him an answer only to be left tongue-tied and unable to utter a single word. Not just because of how clueless I am about the answer, but also for a reason that seeing Elon this close makes my heart go out of control.

"You haven't thought of it?" he asked. Pagtango ang naging tugon ko sa kaniya. "Bakit ka nag-aral kung gano'n?"

"Para makapagtapos? Isn't that the basics? Going to school or university to receive your diploma?" nangangapa kong tanong.

"You have no particular profession you want to be someday?" I shook my head again.

Ano nga ba ang gusto ko?

Basta kasi ang alam ko lang ay nag-aaral ako. I don't even have childhood dreams. Kuntento na kasi ako sa buhay ko. I just want to work somewhere where I can utilize the knowledge I acquired through my course. As simple as that.

And I couldn't help but feel how blessed I am with my current situation. Habang ang iba, sobrang nagpupursige para sa pangarap nila, ito ako at walang partikular na destinasyong gustong marating. Habang ang iba ay ang tayog ng pangarap, ako ay kuntento na sa kung anong mayroon ako sa hinaharap.

"Any interest?" Umiling ulit ako. Masuyo niya akong nginitian. "It's okay. You can take your time figuring out what you want to be," ngiti niya. "Just remember that you deserve to do what you want. You deserve to feel content and happy. And of course, you deserved to feel loved."

"Bakit parang iba na yata 'yan?" pagsingit ni Haze sa usapan.

Mabilis kong naramdaman ang pag-iinit ng dalawang pisngi ko. Sa kabila ng lamig ng aircon ng 7/11, ramdam ko pa rin na para akong nilalagnat dahil sa biro na 'yon ng kaibigan ko.

I squinted my eyes at her, but she only made a face. Pilit na itinatago ang ilang na binalingan ko na lang ng tingin si Elon. "Pasensya na sa baliw na 'yan," paumanhin ko.

Elon chuckled, but didn't say any words afterwards.

Pakiramdam ko tuloy ay biglang sumikip ang daluyan ko ng hangin ko sa ilang. Wala namang nakaiilang sa mga sinabi ni Haze pero naiilang pa rin ako dahil alam ko anggusto niyang ipunto.

"Isn't that Gio?" pukaw ni Clarisse sa atensyon naming lahat.

Nakuha niya ng buo ang atensyon ko na nagawa ko nang kalimutan ang kaninang nararamdaman ko. I became attentive all of a sudden as if focusing on a term exam.

"Saan?" mabilis na tanong ko.

"Papuntang Mercato," sagot niya.

I diverted my eyes across the highway. Hindi naman ako nahirapang hanapin ang lalaki dahil agad din siyang nahagip ng paningin ko. He was walking alongside four men who have different ID laces, mga kaibigan niya yata.

"Hindi ba siya 'yong bida sa play last time?" si Haze na ang tinutukoy ay ang lalaking semi kalbo.

"Kasamahan niya sa org ang mga 'yan," ako ang sumagot.

I remember two of the guys he's with. Si Kervin at Devyn, kung tama ang pagkakatanda ko. Hindi naman kasi ako malapit sa kanila talaga.

I don't know why either. Siguro kasi nanroon 'yong pakiramdam na para bang alam nila ang mayroon kay Elon at Ma'am Ria. Siguro kasi mas nagkakasama ang dalawa kapag nasa org sila. Hindi malabong may alam nga sila, kaya hindi ko na rin hinangad na mapalapit sa kanila.

"He's not that much of a loner naman pala," saad ni Clarisse. "May mga kaibigan naman pala, eh."

"Your point is?" U asked.

"That Carmen needs to see that Gio also knows how to live his life on his own?" she answered in a questioning manner. "And that Cae needs to realize that she has her own life to deal with outside of the box she built for Gio and her?"

Hindi ko nagawang ilagan ang pagpapatama na 'yon ni Clau. Masyado niyang ginalingan ang pagpuntirya sa akin na imposible na ang pag-iwas.

"Tama ka, Clau. Carmen needs to understand that she needs to let Gio take charge of his own life. And that she deserves much more than being someone's aid," Haze seconded.

"Hindi man lang hininaan," bulong ko.

"Sinasadiya kasi naming iparinig sa'yo, gagang 'to," pagmamaldita ni Clarisse.

Inilingan ko na lang siya matapos ay muling ibinaling ang paningin sa grupo nila Gio na natatanaw ko pa rin. The guys were laughing while chatting with each other.

Malayo man ako sa kaniya at hindi ko man naririnig ang himig nang pagtawa niya, base sa nakikita ko ay batid kong masaya siya. And seeing this side of him felt foreign to me. Hindi ko siya nakitang ganito tumawa na para bang isang napakahusay na biro ang pinakawalan ng kasama niya.

Sa mga panahong kasama ko si Gio, kung hindi simpleng malungkot ay sobrang bigat ng paligid sa aming dalawa. As if he's letting all of his dark sides be free in front of me. At kung magtatawanan man kami, nasisiguro kong isa sa amin ay tumatawa ng peke.

And this side of him where he's with his friends gave me another view of who Giovanni Acosta is. Hindi lang naman pala siya 'yong malungkot at lugmok. Hindi lang naman pala siya 'yong taong nakakulong sa nakaraang masalimuot.

Marunong din naman pala siyang tumawa ng totoo. Nagagawa niya rin naman pala na sumaya, malayo sa lungkot na akala ko ay habang buhay na niyang dala.

"Did you realize it now?" Haze asked meaningfully.

"What?" I questioned, confused.

Inilingan niya ako bago nagpapaintinding sinalubong ang mga mata ko. "You're only seeing one side of him, Carmen. A part of him who's broken and who needed attention and care. But aside from that, he's also someone free and happy."

"Inuubos niya ang lungkot na mayroon siya habang kasama ka niya kaya nagagawa niyang ngumiti at tumawa tuwing kasama ang iba," malayo ang tingin na saad ni Clarisse. "He trusts you that much and he's so comfortable to the point that he's not seeing how you feel."

Malalim na napabuntong hininga ako. Na nasundan nang buntong hininga rin ni Haze kasabay ng kay Clarisse.

"Siguro sa sobrang tiwala rin na mayroon siya sa'yo, hinahayaan niyang maramdaman niya ang lungkot tuwing magkasama kayo," sabi ni Ulick, sinegundahan ang mga nauna ng salita ni Clarisse. "Siguro nararamdaman niya 'yong assurance mula sa'yo na kahit malungkot siya ay nariyan ka para lagyan muli ng ngiti ang mga labi niya. Gets mo ba ang sinasabi ko?" natatawa niyang tanong.

Tanging tango lang ang naging tugon ko sa kaniya. Inabuso ko ang pagkakataon na 'yon para i-absorb ang lahat ng mga salita nila. Every word I heard from them clearly sank in my mind. Lahat ng punto nila ay naiintindihan ko. Na sa sobrang linaw ay naghahalo na rin ang nararamdaman ko.

Nariyan na mararamdaman ko ang tuwa sa kaalamang masaya naman pala siya. Tuwa habang pinanonood siyang tumawa at malaya. Pero may parte pa rin sa akin na malungkot kasabay nang pagpuno ng mga tanong sa isip ko.

Bakit hindi niya magawang maging ganito kasaya kapag kami ang magkasama? Why was he always stiff and not letting himself loose? Pakiramdam ko tuloy bigla ay na-miss out ko ang parte na 'yon ng buhay niya.

I have never really seen him be this bright. At masasabi ko talagang bagay sa kaniya. Only if he would be like this every single day of his life. Hindi na sana ako masyadong mag-aalala. Makakahinga siguro ako ng maluwag at hindi ko na siya masyadong iisipin pa.

"Siguro naman natauhan ka na sa haba nang sinabi ni U?" malditang pagsasalita muli ni Clau.

Malalim akong huminga. "Wala na kami," pagbibigay alam ko.

"Ay shet!" hiyaw bigla ni Clarisse. Sabay-sabay namin siyang nilingon nang tumayo siya para lapitan ako. She gave me a tight hug. "Ang gaga, hindi na gaga!" she exclaimed.

Nakita kong napailing si Hazel. "Ikaw, mukha kang gaga," pairap niyang sabi sa babae.

Simangot na humiwalay siya sa akin matapos ay bumalik ng upo sa tabi ni Ulick.

"Totoong wala na kayo?" mahinang tanong ni Elon sa tabi ko.

Tumango ako. "Wala naman talagang kami in the first place." Tumawa ako ng bahagya. "Basta gano'n. Magulo. Pero wala na kami basically."

"Dahil ba sa usap-usapan sa buong campus?" maingat niyang tanong.

I shrugged my shoulders. "It's a push for us to end everything." I smiled at him. "Let's not talk about it."

"Are you okay?" he asked carefully.

Tila isang pamilyar na galaw na nag-iwas ako ng tingin sa kaniya. Hindi naman maiiwasan talaga na makaramdam ako ng lungkot o sakit dahil sa nangyari. Malayo man kasi sa katotohanan ang ipinakikita namin sa mga tao, ang nararamdaman ko para kay Gio ay totoo.

And now that we have ended it between us, it felt like I also lost the right to act like how we usually did when people know that we're together. Kahit na hindi naman malayo kung paano kami sa isa't isa, hindi pa rin maalis sa isip ko ang panghihinayang.

Wala na kasi, eh. Tapos na. Wala na akong dadatnang mga araw na magiging sweet si Gio sa harap ng madla. Tapos na 'yong mga panahon na iisipin ng mga tao na nobya niya ako katulad ng gusto ko. Kaso pakiramdam ko na 'yon ang nararapat na gawin. Dahil sa tingin ko, sa ganoong paraan ay mapoprotektahan ko ang sarili ko.

"I'll get better in time. Hindi naman ako nagmamadali," may mapait na ngiti sa mga labi na saad ko.

"What if I'll help you move on?" he offered.

I laughed at him in disbelief. "Paano?"

"Allow me to court you," he said on a serious note, but his eyes contained bliss and mischief.

Naguluhan tuloy ako kung seryoso ba siya o nagloloko. Ngunit mas pinili ko na lang na paniwalaan ang huli sa kadahilanang wala namang rason si Elon para seryosohin ang kalokohan niya na 'yon.

"Baliw." Inilingan ko siya. "Hindi ko gagawin ang bagay na 'yan."

"Bakit?"

"Because I know what it feels like," sagot ko. "And I don't want that for other people. If I am to fall in love again, I want it to be natural. 'Yong tipong hindi ko mapapansin na nahulog na pala ako. 'Yong klase ng pag-ibig na hindi ko namamalayang importante na pala sa akin 'yong tao."

"But you're open for new love?" he asked meaningfully.

Hindi ako agad nakaimik. Ni hindi ko nga rin alam kung may maisasagot ba ako sa tanong niya. To think of falling in love again seems impossible. Ni hindi pa nga ako nakakabangon sa hukay na kinasasadlakan ko dahil kay Gio.

"Siguro," hindi siguradong turan ko. "Puwede pero hindi pa ngayon."

Muli ko siyang nilingon at gano'n din siya sa akin. Sa kabila ng ilang at hiyang ipinararamdam niya sa akin sa loob-loob ko, pinanatili kong nakapako sa kaniya ang paningin ko.

I felt like the inside of my stomach had been invaded by unknown object making me feel it flutter. Maging ang kamay ko ay bahagyang nanginig at nagpawis dahil sa biglaang paglukob ng kakaibang pakiramdam sa akin.

Masyadong matiim ang titig niya sa akin. Na para bang nais niya iparating sa akin na seryoso siya sa mga susunod niya pang sasabihin.

“Paano kung ako? Kung handa ka na, may pag-asa ba ako?” seryoso niyang tanong.

------------------------------------------------

A/N: Thank you for reading! Lahams ko kayo! 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top