Chapter 2

[Elon Madrigal started following you.]
[Elon Madrigal sent you a friend request.]

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang ang dalawang iyan ang mabungaran ko nang buksan ko ang phone ko. Ang balak ko lang sanang gawin ay mag-download ng kdrama at abusuhin ang libreng wifi ng university. Kaso iba ang sumalubong sa akin.

Parang sinugod ng mga naghahabulang kabayo ang dibdib ko na ngayon ay malakas na ang pagtibok dahil sa kabang idinulot sa akin ng pag-follow at pag-add ni Elon. Totoo nga ang sinabi niya sa akin kanina.

Buong akala ko ay kalokohan lang iyon at hindi siya seryoso. Pero hindi pa man natatapos ang gabi ay binibiyayaan niya na agad ako. Mabilis kong isinarado ang libro ko sa ObliCon nang tuluyan nang mawala ang atensyon ko roon.

"Wala pa ba si Attorney?" baling ko kay Nicole.

"Wala pa, baka na-traffic na naman siguro," sagot niya.

Kuntentong binalingan kong muli ang cellphone ko. Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi ko sa pagpipigil na huwag ngumiti na parang isang baliw.

What should I call this feeling this dude has been giving me? Para akong kinikilig na high school student na na-notice ng crush niya samantalang hindi ko naman crush si Elon. I just like his paintings and that doesn't necessarily include him.

Kaso iba kasi ang isang Elon Madrigal. Tinitilian at hinahangaan ng mga kababaihann. Kaya marahil ay ganito rin ang epekto niya sa akin kahit na wala naman akong nararamdaman sa kaniya.

Nabitin ang pagkikipagtitigan ko sa notification na natanggap ko nang mag-iba ang screen para ipakita ang tawag ni Clarisse sa akin.

"Ano? Iniistorbo mo ang pakikipag-moment ko sa idol ko," pagsusungit ko.

"Mga pinagsasabi mong baliw ka?" sarkasmo niya. "Tumawag lang ako para sabihing naghihintay sa registrar ang sinasabi kong kaibigan koni Ulick na nanghihingi ng tulong mo. Puntahan mo na lang mamaya tutal doon din naman ang daan mo."

"Ngayon na talaga agad?" ngiwi ko. "'Di ba puwedeng bukas o sa ibang araw na lang?"

Bigla ay nakaramdam ako ng hiya at kaba sa isipin na makikipagkita ako sa isang taong ngayon ko pa lang makikilala. Mabuti sana kung magkasama kami ni Clarisse at ipakikilala kami sa isa't isa. Sa ganoong paraan hindi masyadong awkward.

Ang kaso, kanina pa tapos ang klase ni Clarisse at nakauwi na. Hindi ko naman siya puwedeng paghitayin ng matagal para lang may kasama ako ngayong gabi dahil malayo ang inuuwian niya.

"Hoy nahiya ako bigla," pag-amin ko sa kaniya.

"Wala kang gano'n, day. Kaya nga bagay ka sa course mong Marketing Management dahil magaling kang makipag-socialize. Kahit hindi mo kilala kinakausap mo."

"Peste ka, Clarisse! May hiya pa rin ako kahit papaano," nakabusangot kong sabi.

"Sus, pabebe ka lang kamo!" bulyaw niya. "Sige na. Basta puntahan mo na lang siya mamaya katapos mo sa klase mo."

Lukot ang mukha na ibinaba ko ang tawag. Wala akong ideya kung sino man ang tinutukoy niyang kaibigan ni Ulick. Ang tanging pampalubag loob ko lang ngayon ay hindi music video ang kailangan niyang gawin hindi katulad ng kay Ulick. Kung nagkataon ay aayaw agad ako, lalo na at wala naman akong hinaharap sa pag-arte.

"Good evening," walang kangiti-ngiting bati ng prof namin sa Law.

Kumabog sa kaba ang dibdib ko sa presensya ni Miss Corpuz. Sino ba naman ang hindi kakabahan sa ObliCon? Halos lahat naman ng section kabado na pagdating ng ganitong oras ng gabi.

Sa lahat ng subject ko ngayong second year, dito lang ako nag-aral ng matino. Iyong tipong maging sabado at linggo ay libro ang kaharap ko. Tipong sa loob ng isang linggo ay nagsusulat ako ng lecture dahil bawal maglabas ng libro tuwing klase. Idagdag pa na ang dami mong kailangang i-memorize na terminologies bawat article.

Iyong ako na tamad mag-aral at palaging mamaya na lang ang sagot tuwing may kailangang gawin, nag-iiba hindi lang dahil sa ObliCon kundi dahil nasa college na ako. Dahil sa college, kung bagsak ka, bagsak ka talaga. Kailangan mo pang mag-re-exam o 'di kaya'y may midyear para mahabol ang naibagsak mong subject.

At isa ang law sa ayaw ko nang balikan na subject. Masyadong nakakatakot ang prof ko na palagi lang seryoso. Isa pa, recitation ang tatlong oras na klase kaya kakabahan ka talaga hanggang hindi pa tapos ang klase.

"Miss Rosales."

"Pusang gala," gulat na bulong ko nang matawag ang apelyido ko. Bakit ba kasi ang malas ko pagdating sa mga ganitong bagay? Palaging ako ang natatawag at madalang lang na naliligtas ako sa mga recitation.

"What is Article 1156?" tanong niya.

Para akong nabunutan ng tinik dahil sa akin natapat iyon. Sa mga klaseng nagdaan palagi niyang itinatanong ito kaya kabisado ko na ang isasagot.

"An obligation is a juridical necessity to give, to do or not to do," kumpiyansang sagot ko.

"Castañeda, define negligence."

Itinutok ko ang paningin ko sa pinagsama-samang yellow paper kung saan nakasulat ang lecture ko. Nakalabas din ang kulay dilaw kong highlighter para pangmarka sa mga idini-discuss na topic.

Naging gano'n ang takbo ng tatlong oras ko. Si Miss Corpuz na nagbibigay ng mga siwasyong kailangan naming hanapin kung saang article pasok. Para kaming mga nakawala sa hawla nang lumabas na ng room si Ma'am Corpuz pagkatapos ng klase. Kani-kaniya nang alis ang mga kaklase ko na nag-uunahan pa sa pinto.

Nang kaunti na lang ang natitira ay saka lang ako lumabas. Kumpol ng mga estudyante ang sumalubong sa akin. Kinakailangan ko pang makipagsiksikan sa kanila para makababa ako ng hagdan.

Hindi katulad sa second floor ay wala masyadong tao first floor. Tuloy ay muli ko na namang naramdaman ang kaba nang maisip ang katatagpuin kong estranghero. Katapat lang ng building ng CBA ang registrar kaya hindi na ako mahihirapan pa sa paglalakad ng malayong distansya.

At ang unang nakakuha ng atensyon ko ay ang kulay puting sombrero na siya ring nakita ko kaninang umaga.

"Elon?" tawag ko. Kabado ko siyang inaninag at nang makumpirma iyon ay agad akong pinangunahan ng hiya at ilang. "Huwag mong sabihin ikaw ang tinutukoy ni Clarisse na kaibigan ni Ulick na nangangailangan ng tulong?"

"You're the one Clarisse was talking about?" he asked, surprised just like I am.

Gulat pa ring tumango ako. Nakatingala ako sa kaniya dahil nakaupo siya sa pinakamataas na baitang ng hagdan bago marating ang window ng registrar. Kung ano ang porma niya kanina ay gano'n pa rin ngayon. His backpack was placed beside him. He was only holding his phone and a bottle of water.

"Anong klaseng tulong ang kailangan mo?" pagbabalik ko ng dahilan kung bakit kami nagkita ngayon.

"Okay lang ba na magkasama tayo ngayon? Hindi ba magagalit ang boyfriend mo?" sa halip ay patanong na sagot niya.

Pinagkunutan ko siya ng noo pero may sagot na ako sa naging tanong niya. "Hindi iyon magagalit. At busy siya ngayon para sa gagawin nilang play sa foundation week."

"Sigurado ka?"

Naiiling na naupo ako dalawang baitang na mas mababa sa kaniya. Ibinaba ko sa gilid ko ang bag ko at kinuha ko roon ang cellphone ko na gamit ko para kay Gio. Bubuksan ko pa lang sana iyon ngunit napabaling akong muli kay Elon nang maramdaman ko ang pagkilos niya.

I saw him taking off his outer clothes, his checkered polo, that he left unbuttoned. Nang mahubad iyon ay inabot niya sa akin ngunit dahil hindi ko agad nakuha ang gusto niyang mangyari ay tinitigan ko lang iyon habang nanghihingi ng linaw sa nais niya.

"Nakapalda ka. Takpan mo gamit nito at baka masilipan ka," utos niya sa akin.

Nag-init ang magkabilang pisngi ko. Sinabi niya iyon sa istriktong paraan habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko. Sa ginawa niyang iyon ay iniiwasan niyang mabastos ako. Gabi na, at may kadiliman na ang paligid pero ang pag-iingat niya ay naroon pa rin.

I could feel my face heating up and my heart beating fast as if I was in a race. Balot ng hiya na kinuha ko ang polo niya at itinakip sa ibabaw ng palda ko. Hindi nakatakas sa pang-amoy ko amoy na nakakapit sa damit niya. It was a musk scent that added a manly vide on Elon.

Bigla ay mas lalo akong nahiya. Kung alam ko lang na siya pala ang makikita ko ay nag-ayos man lang sana ako kahit kaunti. Wala naman akong amoy at mayroon pa rin namang epekto ang vanilla scent na pabango ko pero pakiramdam ko ay ang baho ko ngayong si Elon ang kaharap ko.

"Okay ka lang? Natigilan ka yata," pansin niya.

Napapahiyang napatampal ako sa noo ko bago siya inilingan. Muli kong binalingan ang phone ko. Nang mahanap ang numero ni Gio ay agad ko iyong tinawagan. Imbes na lumayo at itago ang pag-uusap namin ay nilagay ko pa iyon sa loudspeaker para maging si Elon ay maririnig iyon.

"Gio, sa'n ka?" bungad ko.

"Gym. Rehearsal ng club. Uwian mo na?" tanong niya pabalik.

Umayos ako ng puwesto para makita ang reaksyon ni Elon para sa sunod na itatanong ko. "I'm with a man right now. Would you be mad if I'll go with him tonight?"

Sinalubong ko ang mga mata ni Elon na nakatingin din sa akin ngayon. Gio, on the other hand, fell silent. Pero alam ko naman na papayag pa rin naman siya at hindi magagalit kahit na iba ang kasama ko.

Gio said it himself a few months back that it's okay for me to be with another man. That would actually benefit me more, but I won't gamble on that for it would only cut the ties connecting Gio and I. I'd rather be in winless game than go for something that would guarantee my triumph. It was like if I would gain victory and protect my heart, I wouldn't be happy unlike letting myself succumb to the defeat by doing that would still make me with the man who makes me happy.

"Ano na? Gio?" pukaw ko sa atensyon niya.

"Just be safe, Carmen. Text me when you're home," paalala niya.

"Yes sir," natatawang tugon ko. "Good luck sa rehearsal niyo. At sunduin moa ko bukas sa amin, ha?"

"Of course. See you tomorrow."

Ibinaba ko ang tawag habang nakikipagtotogan pa rin kay Elon. Tumaas ang isang kilay niya, hindi makapaniwala sa mga narinig na palitan namin ng salita ni Gio.

"See? Kahit nga hindi ako kumain hindi siya magagalit. Kaya relax ka lang at sabihin mo na sa akin kung anong klaseng tulong ba ang kailangan mo?"

"Kailangan ko ng modelo para sa painting na final requirement ko. I just need to take a picture of you, if you'll agree to help me."

"Puwede naman. Mas madali naman ang sa iyo kumpara sa final requirement ni Ulick," ngiwi ko.

"Good. Tara? Let's have dinner together," yaya niya.

Nanlalaki ang mga ma tana tiningnan ko siya, hindi makapaniwala sa mga naririnig. Bumilis ang bawat pagtahip ng tibok ng puso ko at kusang naglumikot ang imahinasyon ko. Images of Elon and I walking side by side. Followed by another imagination of us in a diner.

Gigil na napakagat ako sa ibabang labi ko habang tinutuwid ang magulong takbo ng isip ko. Nakakahiyang ganito na agad kalayo ang lipad ng imahinasyon ko gayong kung tutuusin ay ngayong araw lang naman ang unang pag-uusap na namagitan sa amin ni Elon.

"Ano..." Napakamot ako sa pisngi ko nang hindi mahanap ang nararapat na salita para tumanggi.

"Next time, maybe," pangunguna niya sa pagtanggi ko sana.

"Next time," I shyly said.

Pakiramdam ko ay kiniliti ang bawat parte ng katawan ko nang ngitian niya ako. Tumaas ang isang sulok ng mga labi niya bago nagbaba ng cellphon niya. And dang me for feeling giddy looking at him. The light from the screen of his phone makes his face more visible. At dahil madilim ang paligid namin, mas nangingibabaw tuloy ang mukha niya.

It creates an illusion of him shining in the midst of darkness. Like he's the brightest star tonight.

"Give me your number." Inilahad niya ang phone niya sa akin.

"Para saan? May messenger naman?" naguguluhan kong tanong.

"I'm not active on social media nor messenger. I'd rather have your phone number. That way matatawagan pa kita," dahilan ko.

"You're not active on social media but you added me on facebook and followed me on Instagram," paalala ko sa kaniya.

He smirked at me. "It's my first time opening those accounts after the enrollment two months ago. Nag-open lang ako para hanapin ang account mo."

Napaubo ako, gulat sa isiniwalat niya sa akin. Kung puwede isipin na nilalandi niya ako ay ginawa ko na. Kaso masyadong makapal ang mukha ko kung gagawin ko iyon.

"Hindi naman ako nagpapa-load kaya kung magte-text ka man, hindi ko masasagot," dahilan ko sa kaniya nang makabawi sa gulat dahil sa sinabi niya.

"Kaya nga ako ang tatawag sa iyo. Come on, Carmen," pilit niya.

"Weird ba ako dahil naiilang ako ngayon? O talagang normal lang ang ilang na nararamdaman ko ngayon?" litong tanong ko.

Naningkit ang mga mat ani Elon nang suklian niya ng tawa ang sinabi ko. Tuloy ay natagpuan ko na lang ang sarili kong nakatulala sa kaniya habang pinakikinggan ang bawat pag-alpas ng tawa sa mga labi niya.

Mabilis na pinasadahan ko ng tingin ang paligid ko upang alamin kung may nakakakita ba sa kaniya ngayon. At hindi nga ako nagkamali. Sa harap namin ay ang mga estudyanteng palabas na ng building ng CBA na napapalingon sa gawi namin, kay Elon mas tamang sabihin.

Ang iba ay bahagyang nanlalaki ang mga habang hindi makapaniwala na nakatingin kay Elon. He is known outside of the University, that's a fact. But inside CIU, he's as good as a celebrity. Sikat siya at maraming tagahanga. Lalo na sa ibang campus maliban sa Summit kung saan nandoon ang mga CAFA students katulad niya. He's a mystery to most students not just because of his attire but also because of his minimal posts about himself on social media.

Bukang bibig din siya ng mga professors at laging pinupuri ang mga gawa niyang pinag-aagawan ng mga mahilig sa paintings.

"Shh!" suway ko sa kaniya. Kusang kumilos ang kamay ko para takpan ang kamay niya dahilan para mahinto ang tawa niya. "Pinagtitinginan ka na nila," mahinang dagdag ko.

Gutso ko siyang ipagdamot sa iba kahit na wala naman akong ibang Karapatan dahil tagahanga lang din naman ako. Pero dahil nandito siya sa tabi ko, magdadamot ako kahit kailan ko gusto.

Pumikit ang inggit! Sa akin si Elon ngayong gabi.

Hinawakan niya ang pulso ko para magawa niyang ibaba ng marahan ang kamay ko. "Wala na sila," imporma niya.

I grinned at him. "Grabe talaga ang epekto mo sa mga babae."

"Anong epekto?" naguguluhan niyang tanong.

"You could easily make them stop from their tracks and stare at you as if you're a star." Lumapit ako ng bahagya sa kaniya para magawa kong bumulong. "You got people awestruck with just the mere sight of you."

Umukit ang mapaglarong ngiti sa mga labi niya. "Do I also affect you the same?"

Umawang ang labi ko sa gulat nang marinig ang hindi ko inaasahang tanong niya. Bigla ay nagtalo ang isip ko. Kung masisinungaling ba ako sa totoong epekto niya sa akin o ang magpapakatotoo.

I knew to myself what effect he has on me. Babae lang din naman ako. Marupok sa harap ng lalaking hinahangaan ko. Pero ang aminin iyon sa kaniya mismo ay mas nakakahiya pa sa lantarang pagpapakita kung paano niya ako maapektuhan.

"Baliw," bulong ko, iniiwasang sagutin ang tanong na ibinato niya sa akin.

"Ayaw mong sagutin?" asar niya. Sinamaan ko siya ng tingin na siyang ikinatawa lang niya. He raised both of his hands as if surrendering. "Okay. Okay. I was just joking."

Para akong nabunutan ng tinik nang tuluyan na niyang pakawalan ang topic na iyon. Lumuwag ang dibdib ko at nabawasan ang hiyang nararamdaman ko.

"It's getting late. Tara na? Ihahatid na kita," alok niya.

Ikinumpas ko ang dalawang kamay ko bilang pagtanggi. "Hindi na. Nagco-commute ako."

"I'll accompany you."

I wasn't able to utter a single rebut. Nauna na siyang tumayo at bumaba ng hagdanan para alalayan akong bumaba samantalang tatlong baitang lang naman ang hahakbangan ko. Elon reached for my hand to guide me down.

Hinawakan ko ang polo niyang nasa kandungan ko sabay baba sa tulong nang pag-alalay niya. Kukunin ko pa lang sana ang handbag na dala ko kaso ay naunahan na ako ni Elon. Nang makuha iyon ay pinagpagan niya pa ang ilalim, 'di inaalala ang duming maaaring kumapit sa kamay niya nang gawin niya iyon.

"Hoy ano ba, okay lang. Hindi mo kailangang dumihan ang kamay mo," agap ko.

"Okay lang." Kuntentong ngumiti siya sabay abot ng bag ko sa akin. "Here. Let's go?"

I was reluctant at first. To make a move and walk side by side with him was beyond awkward. Nahihiya akong makatabi siya. Bagaman gabi na at bilang na lang ang mga estudyante kaya kaunti na lang ang makakasalubong namin ay hindi ko pa rin mabura ang alinlangan sa akin.

Tabihan mo ba naman ang isang Elon Madrigal. He's known while I am just a nobody.

"Daan pa ako sa gym sandal. Mauna ka na."

"I'll wait for you outside then," pilit niya.

"Okay," pagsuko ko.

Sabay naming binaybay ang tahimik na daan patungo sa gym ng main campus. Pareho kaming tahimik, nagpapakiramdaman kung sino ang unang magsasalita sa aming dalawa. Kahit hanggang sa madaanan namin ang Heroes Park ay tahimik pa rin kami.

Sa gilid no'n ay may shortcut patungong gym kaya hindi na namin kailangang umikot pa. Wala naman akong intensyon na magtagal, sisilip lang ako para makita si Gio kahit sandali lang.

"Pupuntahan mo siya?" sa wakas ay basag ni Elon sa katahimikan.

"Sino?"

"Boyfriend mo."

Alangan akong umiling. "Sisilip lang ako sandali. Masyado siyang busy ngayon sa org nila dahil malapit na ang performance nila para sa foundation."

Nakita ko siyang tumango sa naging sagot ko. We continued walking in silence until we were only a few meters away from the main gate of the closed gym. But even before we could inche closer, I stopped on my tracks upon seeing a silhouette of two person at the darkest part of the entrance.

May maliit na pasilyong naroon na magdadala sa mga manlalaro patungo sa dugout. Patay ang ilaw na naroon dahilan para magawang maitago ng dalawang taong naroon ang pagkakakilanlan nila. Pero dahil pamilya na pamilyar na ako sa kanila, naging madali sa akin na makilala ang dalawa.

Nag-uusap ang dalawa sa malapit na distannsya. Iyon lang naman ang nakikita ko pero hindi ko maiwasan ang paninikip ng dibdib ko.

"Halika na," pigil ko kay Elon sa mahinang boses.

"Bakit ka bumubulong?" nguguluhan niyang tanong.

Umiling ako sa kaniya. Parang may sariling pag-iisip ang kamay ko na humawak ako sa kamay ni Elon para magawa ko siyang mahila paalis sa lugar na iyon.

"Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong niya.

Hindi ko alam kung nakita niya ba ang nakita ko. Pero isa lang ang alam ko. Hindi ako okay. Kailanman ay hindi ako magiging okay.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top