Chapter 19

Hindi ko naman alam na ganito pala katindi ang focus ng mga tao kapag may guwapong kaharap. Kulang na lang talaga, eh, hindi sila magsikurap. Kung magsitahimik akala mo terror na propesor ang kaharap.

Kanina pa ako naiilang sa totoo lang. Gusto ko na nga ring umalis at magtago na lang talaga dahil kanina pa nila ako nililingon. Ni hindi nga nila itinatago ang bawat paglingon nila.

Elon was far from me. Nasa tapat sila ng isang palapag na student center ng Summit. He was busy shooting Bea na kanina pa rin nagpapa-cute sa kaniya. Hinubad na rin niya ang checkered niyang polo at ipinahawak sa akin kaya nakaputing shirt na lang siya ngayon.

"So, what's the real score?" Cath asked with obvious malice in her voice.

"Zero?" I joked.

"Seryoso kasi," pangungulit niya. "Ano na nga? You've been seen together a couple of times already. Kahit ako, pinag-iisipan na rin kayo ng iba kaya umamin ka na sa akin."

Napailing na lang ako. "Parang last week lang yata alam ng lahat ng may boyfriend ako."

I saw how her malicious smile turned into a grimace. "Hindi kayo bagay ni Gio to tell you honestly."

Buo niyang nakuha ang atensyon ko sa sinabi niyang 'yon. I have only heard such words from my friends. At para marinig ang bagay na 'to mula sa iba ay bago bagaman parehong salita lang naman halos ang narinig ko.

Gusto kong marinig mula sa iba. Gusto kong magkaroon ng bagong perspektibo mula sa isang tao na hindi ako ipa-pamper at sasabihan ng mga salita para pagaanin ang loob ko. Although my friends aren't the type to sugarcoat their words.

Pero nagho-hold back kasi sila minsan. And it's obvious because I know that they just wanted not to hurt me. Hayagan man nilang ipinahahayag ang pagtutol nila, harapan man nilang sinasabi na ayaw nila kay Gio at hindi sila pabor sa akin, ramdam ko na hindi pa 'yon ang todo.

Kaya siguro, iba kung sa ibang tao magmumula. Mas may impact marahil at mas totoo dahil 'di tulad ng sa mga taong malapit sa akin, hindi siya gano'n kasensitibo sa mararamdaman ko.

"Hindi talaga bagay?" dismayadong tanong ko.

Mabilis siyang umiling sa akin. "Hindi. I don't know you both, ha. Sa classroom at mga seminars lang naman tayo nakikita. I don't even see you guys together often. Mga piling pagkakataon lang."

"Eh, bakit ang daming nagsasabing goals daw kami?" segundang tanong ko.

"Ang ibang mga tao kasi ngayon, pakitaan mo lang ng kaunting hawak ng kamay, yakap na magaan, halik sa noo o pisngi, o kahit na ano pang nakakikilig na bagay, kikiligin na rin sila." Nilingon ako ni Cath. "At paano kayo magiging goals, eh, hindi naman masaya ang mga mata mo tuwing kasama mo si Gio?"

Pasimple akong nag-iwas ng tingin. "Mga pauso mo, Cath."

"Totoo nga," pagpipilit pa niya. "Kung makikita mo lang talaga ang sarili mo, masasabi mo rin ang mga bagay na sinasabi ko sa'yo. Mukha ka na ngang tanga minsan, eh. Ngiti ka nang ngiti halata namang pilit. Kaumay ka besh!" hirit niya pa.

Images of my smiling face flashed in my mind as if a trip down to memory lane. Sa memorya ko ay alam kong nakangiti ako at masaya. Na sa harap ni Gio ay alam kong kuntento akong kasama ko siya.

Pero ngayon na sinabi niya sa akin ang bagay na 'to, ang malinaw na ngiting nakikita ko sa mukha ko ay unti-unting lumabo. Ang kakuntentuhang naramdaman ko ay dahan-dahang naglaho.

Siguro nga, totoong pagpapanggap lang. Na pinepeke ko lang ang nararamdaman ko tuwing kasama si Gio. At sa pagpuna ng isang tao, ngayon ko lang napagtantong niloloko ko lang pala talaga ang sarili ko.

"You see, liking someone doesn't mean you have to fake your happiness," she said. "Kung malungkot ka, hayaan mo ang sarili mo na ramdamin ang emosyon na 'yon. Hindi kailangang palagi kang masaya. Hindi rin kailangang magpanggap ka para sa iba. Nakakapagod 'yan. Nakakaubos hanggang sa hindi mo na makilala ang sarili mong emosyon. Sabihin mo sa kaniya kung anong nararamdaman mo. Ipaalam mo sa kaniya kung ano ang laman ng puso at isip mo."

"What if mas lalong gumulo isip niya?" nababahalang tanong ko.

"Bakit ang isip mo ba hindi magulo?" makahulugan niyang tanong. "Your feelings are valid too, Carmen. Hindi lang ang kaniya."

Why do I feel like a criminal caught in the act of committing a crime? Huling-huli niya ako, eh. Kuhang-kuha niya ang laman ng isip ko maging ang nararamdaman ko.

There's no use denying anything because even in myself I knew that whatever they were saying was right. Mula sa mga kaibigan ko hanggang kay Cath na kaklase ko.

"I feel like it became your habit, Carmen. A habit that you don't even notice yourself," puna niya. "And it's now time to notice it, Carmen."

Habit? I mentally shook my head. Siguro nga. Posible. Pero parang ang hirap i-admit ang bagay na 'yon.

I haven't noticed what and who I am whenever I am not with him. Kapag nasa tabi ko pakiramdam ko naman okay lang ako. Na masaya ako. Na para bang binubura ng presensya niya ang mga bumabagabag sa isip ko. Pero kapag wala siya... ramdam na ramdam ko ang lungkot.

Ramdam na ramdam kong mag-isa lang ako.

"Kayo pa rin ba? I mean, not to be anything or what, ha? Pero base kasi sa rumor, you know?" maingat niyang tanong.

I just shrugged my answer off. I just felt like keeping it a secret to anyone, except for my friends. Hindi ko rin naman kasi obligasyon na ipaliwanag sa kanila ang lahat. At maging ang klaruhin ang mga bagay-bagay dahil hindi naman kailangan.

They can think whatever they want, they can even judge me not that I can do something about it. Mas madalas kasi sa minsan na kahit anong paliwanag ang gawin mo, ang katotohanang nabuo na sa isipan ng mga tao ang paniniwala nila.

They can call me names and I know for sure that some people are already doing so. And to top it all up, I already heard people saying words. At hindi ko naman kontrolado ang isip nila kaya kahit na anong gawin ko, gagawin pa rin nila ang gusto nila.

To tell everyone frankly, I want to clear my name and sort things out publicly. Dahil ano man ang sinabi nila, taliwas 'yon sa totoong ako. Hindi ako malandi at wala akong nilalandi na kahit sino. Kung kalandian na mapalapit kay Gio na palihim kong ginugusto, at kay Elon na unti-unti ay naging kaibigan ko, masyado naman yatang mababaw ang bagay na 'yon.

"Eh, kayo ni Elon?" tanong niya ulit.

"Sinagot ko na 'yan kanina," natatawa kong sagot.

"Hindi ako naniniwalang wala kayong relasyong hindi hihigit sa pagkakaibigan lang. Tingnan mo nga, babad na sa initan, matulungan ka lang."

Sa sinabi niya na 'yon ay muli kong binalingan ng tingin si Elon. Nakatupi na ang manggas ng damit niya, marahil ay para ibsan ang init na dala ng tirik na araw.

Nakaramdam ako ng pagkahabag at malaking pasasalamat para sa lalaking tumutulong sa akin ngayon sa kabila ng katotohanang hindi naman niya kailangan gawin ang lahat ng 'to. Walang hirap na naiparamdam niya sa akin na importante ako at sapat na ang kung sino ako para bigyan ng tulong at atensyon.

I don't know his reason and I'm afraid to know. And just like how I am to Gio, I'm still afraid to ask questions.

"Sabihin mo sa kanila break muna," sabi ko kay Cath.

She giggled at me. "Concern ka na, 'te?"

"Nakakahiya kasi," pairap kong sagot.

"Hindi masamang umamin sa sariling nararamdaman."

"Wala kasing aaminin."

"Sus, hiya pa siya." Inismiran niya ako. "Guys! Break muna sandali," anunsyo ni Cath.

Mabilis kong binuksan ang plastic na botelya ng mineral water na hawak ko. I bought it earlier noong nagsimula sila kanina. Pinilit ko talagang inalis sa sistema ko ang ilang nang sundan ako ng tingin ng mga tao.

When Elon approached me, I immediately gave him the water that I was holding. He smiled at me before sitting beside me.

"We're done, actually," Elon said. "Just ask your leader for permission and you're good to go."

"Ang bilis naman," humahangang saad ni Cath.

"A short clip of Bea throwing garbage and saying her lines can be done quickly with the right angle and shots. Nasa edit na lang talaga 'yan kung paano magagawang nakakaengganyong panoorin. Fast and engaging music, effects, quick but detailed transition, you can win. This is for a twenty second TV Ad afterall," mahabang paliwanag niya.

Ngunit imbes na yabang ang maramdaman ko mula sa kaniya, bumilib pa akong lalo dahil sobrang humble lang nang bawat pagsasalita niya.

Hindi katulad ng iba na halatang nagbubuhat ng bangko sa uri nang pagpapaliwanag. Ang kay Elon, naroon ang intensyon na umalalay at magbigay ng opinyon na alam niyang mas magpapabuti ng resulta ng paghihirap ng seaction namin.

And I felt proud. Lalo na nang maging si Cath ay humahangang nakatingin din sa kaniya ngayon.

Elon has a name, a good reputation. Alam 'yon ng majority ng Crestian community. Bilib ang marami sa kaniya, estudyante, propesor, o ang mga kliyente niya. Kahit nga sa ibang university ay kilala siya. Kaya ang makita siyang ganito na hindi lumalaki ang ulo at nais tumulong ay sadiyang kahanga-hanga.

"Dismiss na," anunsyong muli ni Cath.

"Ay desisyon ka? Gusto mong mag-alburoto na naman ang commander," sarkasmo ko.

"Lakas ng loob mo ngayon, ah?" Nginisihan niya ako. "Wala lang si David dito ganiyan ka na."

"Galing pa talaga sa'yo, ha?" ganting asar ko. "Pero seriously, hingin mo muna ang permiso ni David para wala nang masabi."

Umirap pa muna siya sa akin bago nagtungo sa direksyon ni David sa katapat naming bench. He was looking at his camera, maybe reviewing the videos Elon took.

"Are you okay?" he asked when we were finally left alone.

"Ako nga dapat ang nagtatanong niyan sa'yo," sa halip ay tugon ko. "Thank you talaga ng sobra. Nahihiya na talaga ako sa'yo. Hindi mo naman kailangan gawin 'to pero nagpapagod ka kahit na hindi naman kailangan."

"I was the one who offered help, okay?" he reminded me. Elon immediately shook his head on me when I was about to open my mouth to speak. He even leaned closer to meet my eyes.

"People are staring," I commented, short-breathed and baffled by what he did.

"Should we care?" he asked, innocently asking permission.

Tahimik kong iginala ang paningin ko sa buong lugar, kasabay ng pasimpleng pagdistansya sa kaniya. We may not be surrounded in literal terms, but the stares people were giving up were obvious. At ramdam na ramdam ko 'yon, hindi lang ako sigurado kay Elon.

Even the students at the library meters away from me, I could still see it clearly. Mayroon pa ngang mga nakadungaw na estudyante mula sa second floor ng CCS building.

Ni hindi nga kami artista pero kung panoorin ang bawat galaw naming dalawa ni Elon parang mga hindi nagsasawa. At ang mas malala pa, hindi nila itinatago ang bawat pagtitig nila.

But then again, do we really have to care?

"Can I give you a ride home?" Elon asked carefully.

I was taken aback, almost moving my body backwards because of shock. Hindi naman ito ang unang beses na inalok niya ako pero nahihiya pa rin ako.

Sino ba ang hindi? Elon Madriagal 'yan! At hinihingi lang naman niya ang permiso ko para maihatid niya ako sa bahay!

"Did you bring a car?" he asked once again.

Umiling ako. "Wala akong sasakyan. Nag-tricycle lang ako kanina galing sa main."

"Okay lang ba?" maingat niyang tanong, nananantiya. "Dala ko ang motor ko, puwede kitang ihatid hanggang sa inyo."

"Sure ka ba? Sobrang abala na ang nagagawa ko sa'yo," nahihiyang saad ko.

"Why can't I be? It would actually help me be at peace thinking that you'll be home safe."

Muling kumabog sa hindi malamang dahilan ang dibdib ko dahil sa mga salitang sinabi niya sa akin. Bigla akong kinabahan. Kaba na hindi dahil sa takot o ano pang negatibong emosyon. Ngunit ang tukuyin ang rason sa maligalig na pagtibok ng puso ko ay hindi ko rin makapa.

Hindi ako takot. Ang totoo ay ramdam ko ang kaunting saya. Pero nilalamangan ako ng pag-aalinlangan.

I don't know the reason why he's doing this and why he's saying those words to me. Oo nga at may pahaging na siya kanina pero hindi pa rin ako nalilinawan. I know that there's something more.

And I am certain that the confusion I am feeling right now speaks for more than just that, too.

"Don't you have a girlfriend?" I unconsciously verbalized.

Maybe one part of my heart still fears that. To be someone who was treated like a replica of someone else. As if I don't have my own identity.

The corner of his lips lightly rose up, making my heart skip another beat for some reason I'm afraid to know.

"I wouldn't be here beside you if I have one." Naging seryoso ang mga mata niya habang nakababa ng tingin sa akin. "Relax your mind and heart when you're with me, Carmen. I am not going to be that person who would take you for granted, okay? Masyado kang importante at mahalaga para pakawalan na lang basta-basta."

Elon's words made me feel like I'm slowly starting to crawl my way to find my lost value. His words served as the assurance that I am enough, for who I am and for how worthy Carmen is. Isang bagay na hindi naiparamdam sa akin ni Gio tuwing kasama ko siya.

But no matter how good his words are, I still end up doubting the sincerity of those.

Masyadong mababa ang tingin ko sa sarili ko. I always feel unappreciated for the reason that Giovanni made me feel that way. Ilang beses na rin niya akong iniwan na lang basta-basta sa ere. Ilang pagkakataon na rin ba ang dumaan na naramdaman kong kulang ang presensya ko para manatili siya sa tabi ko.

"You don't believe my words, don't you?" nanghuhuli niyang tanong.

"Mahirap, eh," amin ko, nakayuko... nahihiya at pinanghihinaan ng loob. "Nabuo na kasi sa isip ko kung sino ako. Kung hanggang saan lang ako. Hanggang dito lang ako, eh." Ibinaba ko ang lebel ng kamay ko hanggang sa pinakamababang lugar na kakayanin no'n, mas mababa pa sa baywang ko. "Kahit sinong itabi mo sa akin, mataas, sobrang tayog, at mahirap abutin. I am someone who is just a replacement for someone more worthy than my value. No one would dare step that low to reach me."

"I can lie flat on the ground just to be worthy of you, Carmen."

Another booming sound echoed in my ears hearing him say those words. Sobrang linaw nang bawat pagkabog ng dibdib ko sa isip ko. Rinig na rinig ko ang paglakas, sabay biglang paghina ng tibok no'n, malinaw ang detalye na ipinararamdam sa akin kung gaano ako kaapektado sa mga salitang binitawan ni Elon.

"Carmen," masuyong tawag niya. "Just because someone was a big dumbass to you doesn't mean that you have no right to be treated the way you should be. Hindi ako si Gio. Hindi kita tatratuhin katulad ng kung paano ka niya ginago. Tuwid ako titindig sa harap mo... ipakikita sa maraming tao kung gaano ka kahalaga sa buhay ko."

Hindi na ako nagkomento pa. Ang totoo ay gusto kong ipagtanggol si Gio. I was even considering asking for Elon's forgiveness for saying bad words towards Gio. And I know that would be so irrational of me.

Ayaw ko ring ma-offend si Elon. Wala naman siyang sinabi mali. Ang totoo nga ay kinakampihan niya pa ako. Nakasanayan ko na lang din kasi talaga na protektahan at linisina ng pangalan ni Gio, gaano man kalalim o kababaw ang rason.

Ngunit alin man sa mga bagay na naiisip ko na may kinalaman kay Gio ay nasasapawan ng kakaibang pakiramdam na idinudulot sa akin ni Elon.

Parang may inasinan na bulate sa loob ng tiyan ko. Para akong hindi mapakali at bigla ay namawis ang kamay ko. And this time even I can't deny it anymore.

Kinikilig ako!

"Okay na raw. Puwede nang umuwi," pukaw ni Cath sa atensyon namin, ibinabalik ako sa katinuan. "Mauna na ako, ha? Baka mamaya gusto niyo pang mag-loving-loving ni Elon," maloko niyang sabi.

Pinanlakihan ko siya ng mga mata, tahimik na sinusuway siya. Pero bago pa ako makapagsalita ay mabilis na siyang nakalayo sa amin.

"Pasensya na sa isang 'yon," paghingi ko ng paumanhin.

Bahagyang natawa si Elon. "Okay lang. It's actually refreshing to be with other people. Paulit-ulit na lang kasi ang nakikita ko rito sa Summit dahil na rin maliit ang campus at kaunti lang ang estudyante na halos lalaki pa."

No wonder gustong puntahan itong campus na 'to ng mga estudyante galing CBA. Kabaliktaran kasi ang bilang ng populasyon sa main. Mas marami kasi ang babae roon, mas marami ring estudyante dahil minsan doon nagro-room ang mga galing sa ibang campus. Mas marami rin ang mga babae kaya gustung-gusto ng iba ang magpunta sa campus ng mga lalaki.

Nabilis kong kinuha ang mga gamit ko. Ibinigay ko na rin kay Elon ang polo niya na binitbit na lang niya.

"What's that?" Naningkit ang mga mata ko sa pagtangkang makita ang isang makulay na pinto sa pinakadulong pasilyo ng CCS building.

"Comfort room," he answered.

"Bakit rainbow ang kulay ng pinto?"

Kompleto ang kulay ng bahaghari sa pintuan na 'yon. Tuwid lang ang pagkakapinta sa pintuan, simple, pormal, nginit nagpapakilala.

"It was made for the LGBTQ+ Community inside the campus. Mayroon din niyan sa building ng CAFA," sagot niya sa tanong ko.

"Hindi ba parang ang awkward naman yata," ngiwi ko. "What if magsabay-sabay sa pagpasok ang mga estudyante? Nagkasilipan pa kung nagkataon."

"There's actually nothing to worry about. Only one person is allowed to enter the comfort room. It was built with a separate cubicle inside, one for females and one for males."

Manghang tinitigan ko ang bagay na 'yon nang magsimula kaming maglakad rin kami ni Elon. To whoever thought of the idea, I admire that person. Ang sarap niyang palakpak na may kasamang masigabong sigawan.

This move was speaking for acceptance. It was as if telling those student bodies who are part of the LGBTQ community that they have a place in this world.

Hindi ako sigurado sa reaksyon ng iba tungkol sa bagay na 'to. Pero para sa akin, it serves as an encouragement to those students to be who they are because they certainly have a place where they are accepted.

Napahinto ako sa paglalakad nang huminto si Elon sa tapat ng pamilyar na motor niya.

"I'm sorry, for the second time, that I could only offer you a ride using my motorcycle rather than give you a comfortable one using a car," seryoso niyang sabi.

I smiled at him before lowering my gaze to his motorcycle. Hinawakan ko ang upuan no'n, dinadama ang bahagyang lamig no'n. And for some reason, I didn't long for the comfort of the softer seat of Gio's car.

"Having a comfortable ride doesn't guarantee comfort in my heart," I said softly while slowly tracing the surface of the seat. "I'd rather ride inexpensive vehicles and feel what the real meaning of comfort is than be caged in an expensive car with chaos filling my mind and heart."

"In simplest terms, it's Elon over Gio," he said.

"In the most honest terms, it's me over someone else."

------------------------------------------------

A/N: Thank you for reading! 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top