Chapter 18
"Nakabayad na ba lahat? Kailangan na nating bumili ng materials ngayon. And for the donation of old clothes, paki-direct na lang kay Cath since siya ang nagsu-supervise sa mascot at gown. Plus, the collection of payment for the shirt printing pakitapos na para makapag-print na tayo ng shirt," sunud-sunod na utos ni David.
Binalingan ko na lang ng tingin ang matatayog na puno sa gilid ng building ng mga CCS para hindi ko makita ang mukha niya. I know it's not a good habit to dislike someone, but I just simply don't like him. Para kasing mapagmataas ang dating at minsan mawawalan ka na lang ng gana.
May mga gano'n kasi talaga. Tipong wala namang ginagawa sa'yo ang isang tao pero naiinis ka na lang. Kaya mas mainam na ikaw na lang ang umiwas kaysa sa magkagulo pa lalo.
Para siyang problemado at sobrang stress sa mga nangyayari kaya aligaga siya parati. Maging tuloy kami ay nadadamay sa stress niya. 'Yon bang kapag nakakita ka ng isang tao na stress at problemado, naibubunton niya sa iyo kaya ang ending ay ikaw rin ay stress na sa huli.
Kaya imbes na pasamain pa ang mood ko sa panonood sa stress niyang anyo, iiwas na lang ako. At nasisiguro ko na hindi lang ako ang nakararamdam ng gano'n.
"Sis, five hundred," singil sa akin ni Cath.
"Kauupo lang, eh," simangot ko.
Nalukot din ang mukha niya. "Nagmamadali ang boss. Lalo na't kailangan na nating simulan ang shoot."
"Hindi ko nga alam bakit kailangang kasama pa ang ilan sa atin. Eh, sampung lang naman ang kailangan sa shoot kung tutuusin," buntong hininga ko.
"Nabuburyong na rin ako sa totoo lang." Tumalim ang tingin niya sa kawalan, sa malayong direksyon ng library kung saan kasalukuyang nakatayo si David ngayon para sa shoot. "Maghahanap dapat kami ng team ko ngayon ng mga murang mabibili sa downtown, kaso sinasama ako ni commander dahil hawak ko raw ang finance at baka may biglaang kailangang gastusan dito sa Summit."
Kasing lalim ng tuyong balon ang naging pagbuntong hininga ko. "Puwede namang bigyan mo na lang siya ng pera para hindi mo na kailangang magbiyahe papunta roon. May kalayuan pa naman."
"Sinabi ko na 'yan, sis. Kaso alam mo naman ang isang 'yan, dirtador kaya walang bakit at walang pero."
Napailing na lang kami nang sabay. Siguro personalidad na lang din talaga ni David kaya siya gano'n. Ngayon ko lang naging kaklase si David talaga. Pero si Cath, since second sem last year palagi na niyang kaklase ang lalaki kaya mas kilala niya.
Base sa alam ko, istrikto ang magulang niya kaya siya ganito. Sa mga kuwento ni Cath sa akin, grade conscious talaga si David at palaging nagti-take ng leadership. Okay naman sana siya. Kaso ay nagkakatalo sa personalidad niyang ganito. Masyado kasing sarado ang isip at sariling opinyon lang ang pinakikinggan.
Kaya minsan walang punto ang magbigay ng opinyon. Walang saysay na makipag-argumento dahil hindi ka rin naman mapakikinggan.
"Baka break na talaga before the kissing incident of the guy," a girl who was slowly walking in front of me said.
"Or maybe because of the girl?" her friend added. "Some people say she's been hanging out with Elon a lot lately. Even in the previous fun run, there were lots of photos of them together. Ang dami kaya sa group page ng CIU."
"Ang landi, ha?" sagot ng naunang nagsalita kanina. "Hindi na nakuntento sa hottie engineering niya. Gusto pa ng handsome guy from CAFA."
Naramdaman kong napatingin sa akin si Cath na katabi ko. Kibit-balikat na binalingan ko lang din siya ng tingin.
Wala akong imik kaya marahil ay hindi ako napansin ng dalawang nagkukuwentuhang estudyante galing CCS. I calmed myself by taking a deep sigh and letting it out through my mouth. I even slightly shook my head to remove their words in my mind.
Hindi naman kami artista pero bakit ganito na lang kung pag-usapan nila kami? Akala ko titigil na sila pero nandito pa rin at nag-iingay sa pamamagitan nang pag-uusap sa personal na buhay ng iba. Wala naman na dapat sa kanila 'yon at wala na silang pakialam dahil buhay 'yon ng iba at labas na dapat sila roon.
Pero hindi, eh. Imbes na apulahin ang ingay ng bulung-bulungan nila, mas pinagbabaga pa nila 'yon sa pamamagitan nang pagbuo nila ng sari-sarili nilang hinuha kung ano ang totoo. Pero kahit naman dumating ang panahon na ipagsigawan namin ang katotohanan, mananatili silang bingi at paniniwalaan lang ang kung anong gusto nila.
That's how people do it. Be loud by creating accusations and involving themselves in an issue they should never get tangled with in the first place. It's not even their life, so why bother wasting their time gossiping about it.
Pero kapag oras na lumabas na ang katotohanan, mananahimik na at wala ng pakialam na para bang hindi sila dumagdag sa ingay noong nagsisimula pa lang ang issue.
"Ang haba ng hair mo, sis," bulong sa akin ni Cath, pinagagaan ang paligid naming muntik nang bumigat.
"Sira, kaibigan ko lang 'yon," tanggi ko sa pagbibiro niya.
"Pero kagigil 'tong mga bruhildang 'to ha?" inis niyang sabi habang sinusundan ng tingin ang dalawa. "Kung makapagsalita akala mo mas malinis pa sa mineral water."
"Hayaan mo na, hindi naman totoo," suko ko.
Natahimik kaming dalawa ni Cath. Hanggang sa tawagin siya ni David at maiwan akong mag-isa.
I contented myself being alone. And I thought that it would actually be beneficial to me. Kaso ay nagkamali lang ako. Dahil nang maiwan ako, mas lalo lang nagpaulit-ulit sa isip ko ang mga salita na narinig ko kanina mula sa ibang tao.
"Hayaan mo na," bulong ng bagong tinig.
Agad ko siyang tiningala, at hindi na ako nagulat pa nang makita ko siya. This is his home campus and it would be inevitable not to see him.
"Narinig mo?" tanong ko. He nodded his head. I just simply shrugged my shoulders at him. "Kung mayroon lang buton para patigilan sila sa pagtsismis ng buhay ng iba, matagal ko nang pinindot. Nakakarindi na minsan. Lalo na kung hindi naman nila alam ang totoo."
Marahan siyang naupo sa binakanteng puwesto ni Cath. Sinigurado niya pa ang sapat na distansya sa pagitan naming dalawa.
"Hindi nila kailangang malaman. Let them think whatever they want. We're not living for them. We're living for ourselves. We don't need to prove our innocence just to pacify the noise they have created. And we don't even need to validate ourselves to them. Ang mahalaga, alam natin kung ano ang kuwento. Ang mas mahalaga, humihinga pa rin tayo," mahabang lintanya niya.
"I sometimes want to defend myself and answer back their accusation for them to shut up. But I know, by doing that, I would only be adding fuel to the fire. Baka nga hindi pa sila makinig at masamain pa ang mga sasabihin ko kung sakali."
Napabaling na lang ako sa harapan kung saan ang malayong building ng CAFA ang naroon. Kung ikukumpara sa Apex at Main, 'di hamak na mas payapa ang campus na 'to.
Maraming puno na nakapalibot sa buong campus. Mayroon pang grass field sa pinakasentro na nagsisilbing malawak na tambayan ng mga estudyante. Bilang man sa dalawang kamay ang mga gusali sa loob ng Summit, maganda pa rin ang buong campus.
Parang ngang ang sarap mag-aral dito. Bukod kasi sa may kalayuan siya mismong main, hindi mainit ang buong paligid dahil parang probinsya na ang lugar. Wala ring mga malalapit na mall na maaaring pagtambayan kaya malayo sa tukso na ipagpaliban ang pag-aaral.
"I hope I didn't damage your image," alangang sabi ko.
"You didn't damage anything because I have no image to protect, to begin with," he rebutted.
"And your hundred thousand followers said hello," I joked.
I saw how his face crooked. "Those are just numbers, Carmen. I can still paint without those. I'm thankful for the support, of course. Because through them my works got known. People began to recognize me and my hard work. Pero nakakapagod din minsan." Sumandal siya sa lamesang kapares ng kinauupuan naming dalawa. "Hindi ako active sa social media pero hindi naman ako nilubayan ng mga mata ng mga taong nakakikilala sa akin. I am no celebrity but the way they treat me feels like it. Nakakawala ng hangin minsan. Alam mo 'yon, parang ang hirap huminga. I don't mind losing them bit by bit. Makakapagpatuloy pa rin naman ako sa pagpinta kahit na wala ang libong followers na 'yan. Not that I'm invalidating those numbers, but because I know I would still do the only thing I'm passionate about even without those."
Para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan nang sa kaniya na mismo manggaling ang kumpirmasyong okay lang siya. Kung bakit pa naman kasi kailangang panghimasukan pa ang buhay ng iba, eh. Hindi naman nila ikauunlad 'yon. Hindi rin naman nila ikagaganda kaya bakit kailangan pang manghimasok, diba?
It's been going around for weeks now. The rumor involving me, Gio, Elon, and the mysterious girl caught kissing Gio. At kahit ilang linggo na rin ay hindi pa rin ako nilulubayan ng tingin ng mga estudyante sa CIU. At nasisiguro ko na gano'n din kay Gio at Elon.
The secret files and group pages of our university have been flooded by opinions from other people. They never stopped in fact. I have been called names. So do Gio and Elon. Mas marami nga lang ang sa akin dahil na rin siguro sa babae ako. Kesyo malandi raw ako. Na ang harot ko raw at ang ganid ko.
'Yong mga salitang pareho naming iniisip ni Elon ilang linggo ang nakaraan ay siyang naririnig na namin ngayon. Hindi lang iisang tao ang nagsabi no'n sa akin sa comment section ng bawat post sa group na tungkol sa amin. That's why I ended up having a social media break to avoid seeing any of those.
I'm not even the best person to blame, but I ended up receiving all the hate.
Mabuti na lang talaga at hindi nakilala si Ma'am Ria dahil mas malaking gulo lang. At ikakapahamak niya pa kung sakali ang bagay na 'yon.
At isa pa, tapos na rin kasi kaya no need nang ungkatin pa. Kaso katulad ng maraming beses na nagkaroon ng tsismis dito, hindi pa rin humuhupa ang sa amin ni Gio.
"Why are you here anyway?" he asked after a while.
"May ganap ang marketing para sa finals namin. May shoot kami "
"Ano pang mga gagawin niyo ba? Baka makatulong ako," alok niya.
"Mascot. And recording ng radio ad. Plus, 'yong environmental product namin na pinakaproblema sa lahat," pagod na sabi ko.
Kinukuwento ko pa lang isa-isa nakakapagod na, ngayon pa kaya na sinisimulan na naming gawin ang lahat? Mabuti na lang talaga, hinati ang buong section namin depende sa task na kaya naming gawin.
At ang hindi ko lang talaga gets, napunta ako sa paggawa ng mascot gayong wala naman akong ni katiting na talento sa arts. Mabuti na lang din at hindi ako napunta sa group ng product dahil mga henyo ang mga taong nandoon. In short, hindi ako belong.
Basta ang alam ko lang, kailangan kong pumasa sa subject na 'to at kailangan kong itawid ang buong sem para wala akong maiwan na subject bago magsimula ang third year ko na puro major na ang mga subject.
"I can lend you a hand, if it's okay with you," he offered.
Umiling ako kasabay ng pagkumpas ng dalawang kamay bilang pagtanggi. "Hindi na, baka kung saang lupalop na naman ng universe dalhin ang deduction skills ng mga taong makakakita na mali-mali naman."
He chuckled at me at the same time, shaking his head in humor.
Napuno ng magaang pag-uusap ang paligid namin na hindi na namin nagawang intindihin ang paligid namin.
"Thank you for talking to me," sinserong saad ko matapos ay nginitian siya.
"Thank you for still talking to me," he emphasized.
"Bakit naman kita hindi kakausapin?" Tumawa ako habang nagkibit-balikat naman siya.
The corner of his lips rose up, forming a boyish grin that looks so good on his face. My lips slightly parted at the sight of him. And I just found myself lost... and gawking at him.
Hindi na bago sa akin ang kaguwapuhan niya. Heck! Everybody knows how good looking of man Elon is. Isa 'yon sa mga dahilan kung bakit maraming humahanga at nagkakagutso sa kaniya. Pero ngayon, sa kilos niya at sa paglalaro niya sa ekpresyon ng mukha niya, mas lalo kong napatunayan na guwapo nga talaga siya. There's no doubt about that.
Ang ikinapagtataka ko lang... bakit ang tibok ng puso ko ang hindi normal?
Tumikhim ako at ibinalik ng pilit sa normal ang tibok ng puso ko bago iginala ang paningin sa tanawin sa harapan ko para makatulong sa pagpapakalma ko sa sarili.
I must be imagining things again.
"Carmen!" sigaw ni David na gumising sa pantasya ko. "Tulong ka rito, tagahawak ng ilaw! Para naman may silbi pagpunta mo rito," pasigaw na utos niya.
Awtomatikong umikot ang mga mata ko sa inis. Sino kaya ang may kasalanan kung bakit ako nandito, eh, malinaw ko namang sinabi sa kaniya kanina na hindi ako kailangan.
"Is he out of nice words to say?" Elon asked with furrowed eyebrows.
"Trust me, may mas grabe pa riyan." Natawa ako ng bahagya sabay iling dahil sa pagkadismaya. "Sabihan ka ba namang walang kuwenta," naiiling na saad ko.
"Seriously?" he asked, shocked by my words.
I nodded my head but even before I could say any words, David's loud voice resonated in the place again.
"Carmen! Huwag na painportante please!" sigaw niyang muli.
Malalim akong huminga sabay tayo na. At sa pagkagulat ko ay tumayo rin si Elon kasabay ko.
"Saan ka?" nagtatakang tanong ko.
"Sasamahan kita. I'll see what I can do to help." He smiled at me reassuringly.
"Hindi na, Elon, ano ka ba. Nakakahiya at baka may gagawin ka pang importante," tanggi ko.
"And you really think that's enough to stop me?" He smirked. "Beat me, Carmen. Mas gusto kong sumunod sa'yo kaysa pumunta sa kung saan maliban sa tabi mo."
As if a huge gwoka was hit multiple times, the loud beating of my heart reverberated in my ears. Sobrang lakas no'n na para bang nasa tapat 'yon mismo ng tainga ko. I'm out of words as a matter of fact. I don't know how to describe how loud and new it was.
And that surprised me even more. Ni minsan hindi ako nakaramdam ng ganito. Sobrang bago... at sobrang kakaiba.
Higit pa siya sa simpleng malaas na pagtibok lang na para kang kinakabahan. Its rhythm can't be measure. It has an unusual pattern that even I couldn't catch up. Minsan ay sobrang bilis. Ngunit mas lamang ang mga pagkakataon na sobrang bagal lang no'n, malinaw na ipinararamdam sa akin ang epekto ni Elon sa puso ko.
Unable to move, Elon held my hand and guided me towards the direction of our team.
"Is there anything I can help with?" he asked.
Nangunot ang noo ni David. Pinasadahan niya pa ng tingin si Elon mula ulo hanggang paa. "Elon Madrigal?" he said, disbelief was obviously in his voice.
I know he meant no harm nor wanting to be disrespectful, but I felt offended by the way he stared at Elon. Obvious na obvious kasi ang dusgusto sa uri nang pagkakalapat ng mga mata niya sa lalaki.
Alangan na binalingan ko ng tingin si Elon, tahimik na humihingi ng paumanhin sa inasal ng leader namin. Magaan niya akong nginitian, marahil ay nais iparating na okay lang sa kaniya.
"Actually, kailangan ka nga namin talaga," biglang singit ni Cath sa usapan.
"Cath," sa nagbabantang ay sambit ni David.
"What?" she asked in an aggressive tone. "Wala pa nga tayong nagagawa na kahit ano. Kanina pa tayo babad sa initan pero nag-sasayang lang tayo ng panahon. Uwing-uwi na ako, kahit ang iba na hindi naman dapat nandito."
Mas lalong nagsalubong ang kilay ni David. "Anong gusto mong sabihin?"
"Na kailangan natin ng tulong ng ibang taong mas eksperto sa ganitong bagay." Bumuntong hininga si Cath, kinakalma ang sarili. "Hindi nakakababa kung hihingi ka ng tulong ng iba. Especially if that particular field is not your forte, okay?"
Palihim akong napangiti. Bahagya pa akong napatalikod para hindi nila ako mapansin. And Elon saw that, the reason why he shook his head at me with a smile on his face.
Pakiramdam ko lang kasi talaga may isang taong nagawang makapagsabi ng mga bagay na isinisigaw ko lang sa isip ko. Like someone became the speaker of my mind, and Cath became that person.
Ang lakas ng loob ng bruha, in all fairness. Baka napuno na lang siguro ang babae sa sobrang stress niya kay David.
"Take care of my camera," maanghang na bilin ni David sa lalaking katabi ko.
"Noted, bro."
David took his exit with a grumpy face. Habang naiwan sa kumpol namin ay ang mga kababaihang bida sa tv ad namin.
"Oh my gosh! Seryoso ba?!" maarteng tanong ni Bea na kasama pala ngayon.
Magkakaiba kasi kami ng traspo na ginamit kaya hindi ko kilala ang mga kasama ngayon. Unang apak pa lang kasi namin sa Summit ay humiwalay na ako sa kanila. I don't want to acquire more stress in my life seeing how frustrated David was.
Hindi lang din naman kasi ako ang nag-iisang gano'n. Kung tutuusin nga ay kalahati ng bente kwatrong estudyanteng kasama namin dito ay sampo na lang ang natitira ngayon. At sa mga napapanood ko kanina sa kanila, puro lang sila simula, ni hindi man nga lang naabot ang gitna.
In short, nagsasayang lang talaga kami ng oras at enerhiya sa mga bagay na wala namang silbi.
"Shh, focus ka muna sa lines mo," suway ni Cath sa babaeng ang lapot na ng tingin kay Elon. "Clean. Breathe. Recover. Huwag mong ipahiya ang section natin dahil lang sa pantasya mo sa lalaki."
"You just need to be confident with your strides. Carefully pickup the trash then throw it in the bin," dugtong ni Lyka. "Tapos sabay-sabay kayo sa tagline ng campaign natin.."
"Paghilom. Pagsibol ng makabagong kalikasan." Cath gave the girls an okay sign.
Maarteng umikot ang mga mata ni Bea sa mga kausap niya. "Alam ko. Hindi ako ang magiging representative ng 2C kung mangmang ako."
Nagkatinginan kami ni Cath at sabay ring napailing.
Hambog.
"Wait for me here, Carmen. It will be quick," bilin ni Elon sa akin, inaalis ang atensyon ko sa bangayan ng dalawa. Sinama niya ako sa paglalaka sa puwestong iniwan namin.
"Seryoso ka ba talaga?" alangan kong tanong. "Nakakahiya, Elon, ano ka ba. Kaya na nila 'yan. Hindi mo naman obligasyon," sunud-sunod kong tutol.
"I want to make you my obligation, Carmen."
Sa gitna ng mga estudyanteng nakapalibot sa aming dalawa, seyosong binitawan niya ang mga salitang 'yon. Sa kabila ng mga pares ng taingang nakaantabay sa amin, ipinarinig niya 'yon. At sa harap ng mga matang nakamasid sa amin... muli niyang hinawakan ang kamay ko.
Parang nasalanta ng bagyo ang isip ko nang biglang makagulo 'yon dahil sa linyang binitawan ni Elon. Ang pagwawala ng puso kong pansamantala kong nakalimutan dahil sa pakikipagbangayan ni Cath.
Muling nabuhay ang maligaling na pagtibok ng puso ko ngunit sa pagkakataon na ito ay nagawa ko nang ibigay ang kalahati ng atensyon ko sa kaniya.
"H-Hoy..."
Ang intensyon ko ay ang magmatigas at tumutol ngunit nauwi sa isang walang lakas na bulong.
"What?" Maloko niya akong nginisihan. "I don't think you're still together with that guy after what happened with the both of you."
"W-Wala na kami," mahinang pagkumpirma ko sa hinuha niya.
"So, walang magagalit?" muli niyang tanong.
"Pero hindi ito ang ibig kong sabihin," bulong ko.
"I know, but I want to make it clear to you someday..." he trailed off. "And one day... I'll cross the thin line between friend and lovers."
------------------------------------------------
A/N: Thank you for reading!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top