Chapter 17
Hindi ko na nagawang bilangin kung ilang buntong hininga na ba ang pinakawalan ko magmula pa kanina nang makaalis si Gio. Hindi ko lang kasi talaga magawang payapain ang isip ko sa kahit na paanong paraan.
"Ano bang pinagdadaanan mo at parang mauubusan ka na ng hangin sa katawan mo kakabuntong hininga?" tanong ni Mama nang tabihan ako.
"Ma," gulat na tawag ko. "Bakit po gising pa kayo?"
Pinagtaasan niya ako ng kilay. "Ako ang nanay sa ating dalawa, hija. Kaya ako dapat ang nagsasabi niyan sa'yo," sarkastikong biro niya. "May problema ba?" maingat niyang tanong.
Naging mabilis ang pag-iling ko bilang sagot sa kaniya. Na sa sobrang bilis ay naging dahilan 'yon para mabuo ang pagdududa kay Mama.
Sa edad ko, it's always easy for me to open up to my friends. Mas alam kasi nila ang mga nangyayari sa buhay ko. Madalas ko silang kasama kaya alam nila ang mga problema ko. I am with them most of my days and It's always easy to open up my heart to them. Lalo na at kaedad ko sila at alam nila madalas ang mga salitang dapat na sabihin para tulungan akong kumalma.
Tuloy, hindi ko alam kung paano ko bubuksan ang sarili ko kay Mama ngayon. We're not really the "barkada" type of mother and daughter. Pero close kami, may ilang nga lang talaga kapag pag-uusapan ang mga bagay na bumabagabag sa akin.
"Love life ba 'yan, anak?" maloko niyang tanong.
Kusa akong napangiwi. Even just a simple question from my mom sounds awkward to me. "What if you're trapped in a situation where you can't escape at all?" I asked, finally.
"What do you mean?" Mom asked curiously.
I let go of a deep sigh. "I don't know, Mom."
"Maybe you want something, but you're holding back," she guessed.
I nodded my head. "I feel like I'm chained, making it difficult for me to make a decision."
Another heavy sigh escaped my mouth. Palagi na lang akong nauuwi sa ganitong sitwasyon. Palagi na lang mayroong pagtatalo sa isip ko. Walang oras na hindi ako binagabag at ni minsan ay hindi nawala si Gio sa isip ko.
He occupies ninety percent of my mind. My worry for him can't be measured. He's my utmost priority, he weighs even more than myself. Nakasanayan ko na ang gano'n kaya hindi na ako nagugulat pa na sa kabila ng bigat na idinulot nang pag-uusap namin kanina ay siya pa rin ang iniintindi ko.
And for the reason that I love him. I have always been saying to myself that I'm in love with him. Higit isang taon na rin simula nang tila gawin ko 'yong mantra sa tuwing humahanap ng dahilan kung bakit nananatili pa rin ako sa tabi niya.
"May sagot, anak. At alam kong alam mo rin 'yan," makahulugang sabi ni Mama matapos ang panandaliang katahimikan. Marahan niyang hinagod ang buhok ko hanggang sa isandal na niya ang ulo ko sa balikat niya. "Are we talking about Gio, Carmen?" masuyo niyang tanong.
Panandalian akong natigilan ngunit agad ding nakabawi sa kaisipan na mahuhulaan din naman ni Mama ang laman ng isip ko kahit manahimik ako. "Yes, Ma," pagsuko ko.
"Carmen," suyo niya. "I know how attached you are to him and I and your Dad are, too. I've witnessed how much you cared for that kid. And I truly admire you for that, anak. Despite all the truths you've heard and see, you chose to stay beside him and give him strength to carry on. But, Carmen, not everything is about Gio. Not every tick of the clock in your life is dedicated to him."
"Ma, alam mo namang walang ibang kasama 'yon. Kung hindi ko siya iintindihin, sino ang gagawa no'n para sa kaniya. Eh, siya rin itong hindi maalagaan ang sarili niya," pagbibigay riin ko.
Mom sighed heavily. "Try to live a life not centered on Giovanni," she advised. "I know where you're coming from. Nakita ko rin kung paano namatay ang sindi ng pag-asa sa kaniya. Kaya nga tayo nandito para sa kaniya, diba? But being his ally doesn't mean you have to do everything for him. You don't have to wear Gio's armor and hold his sword on his behalf. You'll end up losing yourself at one point if you'll be a soldier on his own battlefield. Puwede kang gumabay, magbigay ng suporta, at tabihan siya kung kailangan niya ng karaman. Pero hayaan mo siyang lumaban para sa sarili niya. Let him conquer on his own because that will heal him."
Mom's words were clear, the same goes with her intention. Nagawa niyang klaruhin ang isip ko mula sa mga bagay na paulit-ulit na bumabagabag doon. Pero may parte pa rin sa isip ko na hindi tuluyang sang-ayon na pabayaan si Gio.
Alam ko na tama ang sinabi ni Mama ngunit takot akong gumawa ng hakbang para isakatuparan alinman sa mga payo niya. I feel like I should be there for Giovanni. I have this urge inside of me to stay with him even though it feels so wrong to force myself with someone whose eyes are only for his love.
Gusto ko kasi na ako mismo ang makasiguro na okay siya. Na wala na siyang problema at makangingiti na siya ng malaya. Pakiramdam ko kasi ay sa ganoong paraan lang din ako makahihinga ng maluwag. Kapag nasiguro kong okay na si Gio at masaya.
"Can I go visit him tomorrow?" paghingi ko ng permiso.
Mom gently smiled at me. "Of course, anak."
"Thank you so much, Mama," ngiti ko.
We stayed at our seats for a couple of minutes more before we headed our way to our own rooms. Ngunit imbes na maghanda na sa pagtulog ay inubos ko ang oras ko sa pagtingin sa mga damit ko roon.
"Grabe, Carmen," pagkausap ko sa sarili ko. "Akala mo naman date ang pupuntahan mo. Eh, sa bahay lang naman ni Gio."
Napasimangot ako sa mga salitang nanggaling mismo sa bibig ko. Pero tuloy pa rin ang pagpasada ng tingin ko sa bawat damit na masasayaran ng mga mata ko. I want to get the best pair of clothes I've got when I face him tomorrow. Kahit na simpleng pagbisita lang naman ang gagawin ko, gusto ko na maayos ang magiging ayos ko.
I took a heavy sigh and finally made a move to get the clothes I'll wear for tomorrow. I settled on simple grey jagger pants that I paired with a loose white cropped top shirt.
Nang makuntento ay saka lang ako nagpunta sa kama ko para matulog. Pero sa halip na tulog ay cellphone ko naman ang inatupag ko ngayon. I composed a message to Gio saying that I'll visit him tomorrow. And after a few seconds, my phone rang with his call.
"You'll visit me?" he asked on the other line.
"Kung okay lang naman sa'yo at kung hindi ka busy," may bahid ng hiyang saad ko.
Hindi naman ito ang unang beses na bibisita ako sa bahay niya pero nahihiya ako. Walang akong ideya kung bakit umusbong ang ganoong klase ng pakiramdam gayong komportable naman ako sa kaniya. Dala siguro marahil ng katotohanang may gusto ako sa kay Gio ng higit pa sa pagiging kaibigan lang.
"Bakit naman hindi okay?" Tumawa siya. "You're always welcome here. And even if I'm the busiest man in the hour, I would still make some time for you."
Muli akong binalot ng pagkasabik na agad napatungan nang panghihinayang. Ang sarap sigurong marinig ang mga katagang iyon sa romantikong paraan. Ang sarap siguro sa pakiramdam na sasabihin ka ng gano'n dahil importante ka at may halaga ka sa kaniya.
Kaso hindi. Dahil lahat ng mga mabubulaklak na salitang isinasatinig niya sa akin ay bilang isang kaibigan lang.
"As a friend, yes, thank you," I said with an obvious hint of sarcasm. Wala namang kaso 'yon dahil manhid si Gio.
"Of course, Carmen."
See? Manhid nga.
***
I blinked my eyes once again, trying to convince myself that whatever I am seeing was just a fruit of my imagination. But no matter how fast or slow I try to make everything go in my favor, it would be useless for what's in front of me is real.
And the reek of paint is just solid evidence of it.
"Napakasama naman," bulong ko sa sarili ko. "Hindi naman kasalanan ni Gio kaya bakit kailangang may ganito?"
"Hindi na bago 'yan ineng," anang matandang tinig sa likuran ko.
Mabilis akong napalingon sa nagsalita at bumungad sa akin ang isang matandang ginang. Puti na ang buhok niya at may hawak na ring tungkod bilang pag-alalay sa paglalakad niya.
"Ano pong ibig niyong sabihin Nay?" magalang na tanong ko.
Malungkot na ngumiiti siya sa akin. "Isang taon na ba 'yon? O isa't kalahati na." Napatingala siya, tila ginugunita ang araw na 'yon sa isip niya. "Nagsimula lang 'yan sa isang salita. Kriminal. Maliit pa nga ang pagkakasulat. Pero 'di naglaon, ang isang salita lang ay dahan-dahang nadagdagan. Ang maliit na pagkakasulat lang ay unti-unting lumaki hanggang sa wala ng espasyo pa ang pader at gate ng bahay ng binatilyong nakatira riyan."
Kusang kumilos ang ulo ko para lingunin ang bahay. Dalawang palapag 'yon at may modernong disenyo. Kung titingnan mula sa labas, tila ba ay isa 'yong larawan ng isang masaya at buong pamilya.
Puno 'yon ng buhay at kulay, malayo sa estado ng totoong nangyayari sa loob no'n. Idagdag pa na maging ang labas na bahagi ay nalalamatan na rin dahil sa kagagawan ng iba. Na ang kapayapaang simbolo sana ng kulay puting dingding, ay puno na ngayon ng kulay itim.
Looking at it from a stranger's perspective, matatakot marahil akong lapitan ang bahay na 'to. Seeing how the words painted on the wall brings discomfort and horror. And from a friend's view, it pains me to read the words people are telling Gio.
Criminal. Killer. Murderer.
Repeated words reminding him of who he is and how he's been tainted.
"Minsan pa ngang pinuntirya ng mga kabataang napapadaan dito ang bahay na 'yan. Aba'y pagbabatuhin ba naman ng malalaking bato, nagkabasag-basag tuloy ang mga bintana." Napailing ang matanda. "Noon pa man marami na ang inggit sa rangya nila. Tingnan mo naman, sa buong baranggay sila lang ang may second floor at sasakyan. Kinaiinggitan ng lahat kaya nang bumagsak, tuwang-tuwa ang karamihan. Higit pa nga ang iginanti at umabot pa sa pananakit."
"Wala man lang po bang tumulong? O umawat?" mahinang tanong ko.
"Wala kang aasahan sa mga tao rito pagdating sa ganiyan. Mabuti na lang at hindi natamaan ang binatilyo." Naramdaman ko ang pagbaling niya ng tingin sa akin. "Ikaw ba ay nobya nitong si Gio, hija?"
Awtomatikong ikinumpas ko ang dalawang kamay ko bilang pagtanggi. Dala na lang din siguro ng pagiging pamilyar sa ganitong katanungan, ay katawan ko na ang sumasagot bago ko pa man maibuka ang aking bibig.
Mahina akong umubo. "Kaibigan ko lang po si Gio."
Malisyosa niya akong nginitian. "Sus, nahiya ka pa. O siya sige, maiwan na kita."
"Ingat po kayo sa paglalakad, 'Nay," paalam ko. "'Nay," habol ko nang may maalala.
"Ano 'yon, hija?"
Naglabas ako ng kapirasong papel sa maliit na bag ko at sinulat doon ang number ko. "Puwede ho ba akong makisuyo sa inyo na kontakin ako gamit ang numerong isinulat ko rito kung sakaliman, huwag naman sana, na may mangyari rito sa bahay ni Gio."
Magaan niya akong nginitian. "Makakaasa ka, hija. Kasama ko naman ang apo ko kaya walang problema." Binigyan niya ako ng isang tapik sa balikat bago tuluyang tinahak ang daan palayo sa akin.
I was left alone in that place, blankly staring at the house in front of me. Para akong tinakasan ng lakas kahit na wala naman akong ginawa na nakakapagod talaga. All I did was listen, but I felt drained.
I felt like all my energy was sucked up from me, making me weak and powerless to even just take a step. Kahit nga ang kumatok man lang para ipaalam ang pagdating ko ay hindi ko magawa. Parang bigla ay hindi ko na kayang kaharap siya sa takot na baka bago pa ako makapagsalita ay luha na ang mauna.
At tila isang sagot na na kusang ibinigay sa akin ang pagbukas ng gate ng bahay ni Gio. His fresh bathed self greeted me. Basa rin ng kaunti ang buhok niya na tinutuyo niya sa pamamagitan nang paggulo niya roon.
"Kanina ka pa?" tanong niya sa akin. He was looking at me behind his lashes for his head was tilted downwards a bit.
"N-Not really..."
I bit my tongue inwardly. Even I sounded too mesmerized in my ears. Para akong na-starstruck sa isang artista. Like how it goes in a movie, everything around me moves slowly.
At kung mas paiiralin ko pa ang imahinasyon ko, pakiramdam ko ay makikita ko na rin maging ang butil ng tubig na mabagal na tumutulo mula sa buhok ni Gio.
Pasimple akong umiling para alisin ang mga bagay na pumupuno sa isip ko. "Aren't you going to do something about this?" I asked, pertaining to the doodled words on his gate.
Mabilis niyang tiningnan ang tinutukoy ko ngunit agad ding ibinalik sa akin. He moved closer to me and encircled his arm over my shoulder. "Hayaan mo na 'yan."
"We can talk about it if you want," mahina kong sabi.
Umiling siya. "I'll paint it later, don't worry too much," he said in assurance.
"You really need to work out that part of you, Gio," iling ko. "Learn how to talk about yourself and express what you feel. Hindi lahat kailangan mong sarilinin. It's okay to open up a bit."
"Speak for yourself, babe," he said.
My face crumpled. "Sabi ko nga dapat hindi na ako nagsalita, eh."
His chuckled echoed in the empty garden of his house. Iginaya niya ako papasok sa loob ng bahay niya. Unlike how it looks from the outside which is full of glamour, the inside is rather dull and dead.
Kababakasan man ng rangya ang mga kagamitan, hindi pa rin 'yon sapat para bigyan ng buhay ang buong kabahayan. Ang iba ay natatakpan ng puting tela na tila ba isang paghahanda sa pag-alis ng nakatira.
Sobrang tahimik ng buong kabahayan. Iilan na lang din ang mga gamit hindi tulad noon na puno at kahit saan ka bumaling ay may makikita ka. Nawin na lang ang isang sofa at ang TV na nakadikit sa dingdin.
Para ka lang pumasok sa isang bahay na bagong bili at wala pa talagang gamit. Gano'n ang estado ng bahay ni Gio ngayon.
"What do you want for lunch? I'll cook for you." He let go of me and went towards the kitchen sink.
"You still have supplies naman, diba?" I asked cautiously.
I don't want to offend him in any way. Baka magkasamaan pa kaming lalo ng loob. Parang si Haze lang talaga siya sa pagkakataon na 'to. He's someone I need to care for. Someone who needs aid and protection.
Kung may sariling pera lang siguro ako, ako na ang bumili ng supplies niya. At kung hindi lang din ma-pride si Gio ay hahayaan niya akong gawin ang bagay na 'yon. Kaso ay hindi. Mas lamang ang pagtanggi niya sa bawat tulong na ibibigay ko pa lang.
Even with the help, my parents are offering him, pagtanggi pa rin ang nasa isip niya.
"I still have enough, Cae," seryosong sagot niya. "Why? You want to buy something from me?" he joked.
"Yes, anything," seryoso kong sagot.
"No thanks, babe. May pera pa naman ako," tanggi niya.
Alam ko naman ang bagay na 'yon. Their family used to be the richest in their barangay. Katulad ng sinabi ng matanda kanina, kinaiinggitan sila ng marami dahil sa rangyang taglay nila. Having a Mom who runs a boutique and a Dad who was once the most influential and successful entrepreneur in their town, Gio's nowhere being poor.
His father owns not just one business and everything is successful. Halos perpekto na ang lahat ng mayroon sila. Only if one incident didn't change their lives.
And I know na kahit walang suporta siyang nakukuha ngayon mula sa kahit kanino, mabubuhay siya ng sagana hanggang sa mga susunod pang taon. But I couldn't help but worry about him too much.
"Marunong ka na magluto? Kailan pa? Eh, puro instant lang naman ang alam mong kainin," biro ko.
"I'm never friends with oils and whatsoever related to cooking," nakangiwi niyang sabi. "But since you're here, I have no choice but to do some experiments in this kitchen."
I snorted. " Ako na. Lumayas ka riyan at baka masunog pa ang buong kusina."
Mabilis niyang binitawan ang hawak niyang kawali para magbigay raan sa akin. "Dapat kanina ka pa nag-alok."
Inilingan ko siya at saka tumayo sa tabi niya. Naghugas ako ng kamay saka sinimulang ibalot ng harina ang manok na kanina pang nakahanda sa kitchen counter.
"Isn't it good to be like this?" he asked.
Nabitin sa ere ang kamay kong bubuksan sana ang kalan. Ngunit maagap na nakabalik ako sa wisyo bago pa man niya mapansin.
Ang totoo ay kanina ko pa 'yon napapansin. At kanina pa rin napupuno ng tuwa ang puso ko maisip pa lang na parang bumalik kaming dalawa sa dati.
Tulad noon na hindi pa magulo ang lahat masaya lang kami. Ang gaan lang sa dibdib na para bang walang pumipigil sa amin na gawin ang mga bagay na nakasanayan namin. Just like how we are before, we're hanging out and just chilling like the good old times.
"Gusto mo pa ba?" pagbibiro ko, pilit na itinatago ang pagkalungkot dulot nang pangungulila sa nakaraan.
"Only if we're not that busy with our own lives," he sighed.
Pinilit ko ang sarili ko na ituon ang mga mata ko sa ginagawa. "How are you with Ma'am Ria?" I asked.
Alam kong hindi ko na dapat binuksan ang tungkol sa bagay na 'yon. Pero hindi ko lang kasi mapigilan maging ang sarili ko. It's like I'm speaking my mind controlled by how used I was with our situation.
Isang sitwasyon na si Ma'am Ria ang nakapaloob.
"Let's not talk about it," he said, dismissing the topic.
I shrugged my shoulders. Binilisan ko na lang ang pagluluto at hanggang sa pagtapos ay tahimik kaming pareho. Tinulungan niya akong maghain sa lamesa. Kain, piniritong manok, at iced tea ang pagsasaluhan naming dalawa.
The first few seconds of our meal were nothing but silence. Naka-focus lang kami sa kani-kaniya naming pagkain. In my mind, I was trying to come up with a topic we can talk about. Topics that would not include the woman he loves. Pero wala, eh. Kahit na anong klaseng pag-squeeze pa ang gawin ko sa utako, napipipe pa rin ako.
"What are your plans with those shits?" I asked, talking about the nasty words painted outside of his house.
He shrugged his shoulders. "Not that it's the first time that it happened. Pipinturahan ko na lang ulit para takpan ang mga 'yon."
I sighed deeply, easing the heavy load in my heart. "I'm not an artsy girl, but I know how to appreciate arts and murals."
"And why are we talking about arts all of a sudden?" he asked with a sly grin on his lips. "Are you finally admitting your relationship with that Elon guy?"
Pinaikutan ko siya ng mga mata ko. "Asa ka. Hindi naman kami no'n. What I'm trying to say is, I loved seeing how paint brings liveliness in a dull wall. Pero sa nakita ko kanina, bumaliktad yata ang pananaw ko."
Matamlay kong pinagmasdan ang nakahimay na manok na hinimay ni Gio para sa akin. Maging ang dalawang balikat ko at laylay na rin.
Hindi ko maiwasang ikumpara ang dalawang likha na nalapatan ng mga mata ko. Ang isa ay sining na nagbigay ng buhay at pagkakakilanlan sa isang blangkong pader na dinadaanan lang. Isang likha na ang dala ay pagmamalaki at kagitingan.
Habang ang isa na kakikita ko lang... isa 'yong likha na ang inyensyon ay manghila ng isang tao pababa. Iyon ang klase ng obra na imbes na galak ay sakit at takot ang idinudulot sa taong nakakakita.
Katulad ko na mas naunang naramdaman ang sakit at awa nang mabasa ang bawat salitang nasayaran ng mga mata ko kanina. At katulad ng iba na mabubuhayan ng takot sa dibdib dahil sa nais iparating ng mga salitang 'yon.
Na ang taong nasa likod ng matayog na pader na iyon ay kung hindi kriminal ay may dugong kriminal. Sa madaling sabi... si Giovanni Acosta.
"Why aren't you taking any legal action? Kahit sa barangay lang," naghahanap ng kasagutan na tanong ko.
"I'm used to it. May mas malala pa ngang nangyari bukod sa bagay na 'yan. Kung puwede nga lang na umalis sa bahay na 'to, matagal ko na sanang ginawa," seryoso niyang sagot.
"Bakit hindi ka kasi maghanap ng malilipatan?" naguguluhan kong tanong. "Find a place where no one would recognize you. Somewhere simple and more affordable than this huge house of yours. Somewhere that could offer you another life. Far from all the miseries you've had. Baka iyon lang din talaga ang kailangan mo, Gio. Bagong simula."
Nakita ko siyang matigilan at maging ang matunog niyang pagbuntong hininga ay umabot din sa pandinig ko. "Hindi puwede."
"Bakit?" salubong ang kilay na tanong ko ulit.
"This is the last memory I have for my Mom. I don't want to let this one go," he said with longing in his voice.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top