Chapter 16

Sobra kong ipinagpapasalamat na linggo ngayon at walang klase kaya tahimik ang mundo ko at walang mga matang nakasunod sa akin ngayon. Akala ko katulad ng mga nagdaang usap-usapan sa campus namin ay agad ding matatapos ang sa amin ni Gio matapos ang tatlong araw.

Pero halos dalawang linggo na yata ang lumipas pero nananatiling kami pa rin ang laman ng bawat umpukan sa kahit saang sulok at kahit saang campus ng CIU. Ang issue na nagsimula sa summit ay umabot pa hanggang sa apex at main.

And I just wanted everything to stop. Only if I could cover my ears to avoid hearing how they say they pity me. And how other people blame me for being with Elon while I am in a relationship with Gio. And only if I could stop them from looking at me. Kaso ang tanging kaya lang ng kakayahan ko ay ang hayaan sila sa gusto nila at magpatay-malisya. Not that I need to prove myself to them. Nakakarindi lang kasi talaga minsan na hindi naman kailangan ang opinyon nila pero kung umopinyon ay sobra-sobra.

"Anak, may naghahanap sa'yo sa baba," anang pamilyar na tinig ni Mama mula sa labas ng kuwarto ko.

I removed the earphone on my ears. Wala 'yong tugtog pero sinadya kong ipasak sa magkabilang tainga ko para makatulong sa akin na mahanap ang focus ko. That's one technique I discovered to help me have a better focus when studying a lesson.

Iniwan ko ang nakabukas na libro ko sa oblicon para puntahan ang pintuan para pagbuksan si Mama.

She greeted me with a smile, something that always gives me comfort whenever things go bad. Mama gently touched my cheeks and slowly combed my long black hair.

"Who is it, Ma? Wala namang nagsabi sa akin na may bibisita?" tanong ko sa kaniya.

"It's Gio, anak." She smiled at me gently. "May problema ba kayo? Ngayon na lang ulit dumalaw rito ang batang 'yon. Nag-aalala na ako sa kalusuhgan no'n. Wala pa namang kasama 'yon sa kanila."

"Okay lang kami, Ma. Busy lang talaga siya lalo na at katatapos lang ng play nila,," pagdadahilan ko.

She gave me a knowing smile, telling me that she's not buying my lies. Ngumiwi ako, huling-huli sa pagsisinungaling. Mom knows me and for sure, every lie that would escape my mouth would be useless. Totoo man ang mga sinabi ko, alam niyang ginagamit ko lang 'yon para magdahilan.

But to tell my Mom about what's happening isn't part of the choices either. Hindi naman niya alam kung ano ang totoo sa pagitan namin ni Gio. I introduced him as my friend, not more than what I really wanted.

Mas mabuti na ang gano'n kaysa naman maging sa mga magulang ko ay magsisinungaling ako. They don't have to know the truth, that way it will hurt me less because my parents are not expecting anything from the both of us.

"Let him stay here until dinner. Bubusugin ko siya," Mom said.

I smiled at her, thankful for how thoughtful she is when it comes to Gio. Alam niya kasi ang kuwento. Alam ng buong pamilya namin dahil nandoon kami nang sa isang iglap lang ay nagbago ang buhay ni Gio.

Katulad ko, sobrang alaga rin niya si Gio. Minsan nga, mas iisipin ng mga to na siya ang anak at hindi ako dahil sa pag-iingat niya sa lalaki. Idagdag pa na halos kupkopin na niya ang lalaki at dito patirahin kung hindi lang siya tinanggihan.

"Sana hindi siya abala ngayong araw," hiling ko. "Namamayat na rin ang isang 'yon."

"Kaya nga alagaan mo, anak. Tayong tatlo lang ng Papa mo ang kayang sandalan ng batang 'yon." Muli niya sinuklay ang buhok ko sa napakasuyong paraan na para bang nilalambing ako. "Alam mo namang mag-isa na lang 'yon."

"Ma..." mahinang usal ko, pinipigilan siyang dugtungan pa ang sasabihin niya.

"Babain mo na," nakangiting utos niya sa akin.

Sabay kaming bumaba ni Mama para puntahan si Gio sa sala.

Hindi nawala ang kabog ng kaba sa dibdib ko. Sa simpleng kaalaman pa lamang na nandito siya ay nagwawala na ang puso ko. Hindi ko napaghandaan ang pagdating niya ngayon dahil wala sa isip kong dadating siya para sa kung anong klaseng rason man ang mayroon siya.

I won't deny the fact that I miss him. Halos dalawang linggo na rin kung susumahin ang huling pagkikita namin. At sa hindi pa magandang pagyayari 'yon nagtapos na napatungan pa ng mga 'di kaaya-ayang kaganap na mas nagpalala ng agwat sa pagitan naming dalawa.

Ang totoo ay umiiwas ako. Lumayo at nagtago sa kadahilanang hindi ko alam kung paano aakto kung makakaharap ko siya. Ni hindi ko rin alam kung saan ilulugar ang sarili ko sa mundo nila na pilit kong sinasawsawan.

"How have you been, son?" I heard my father asked in a friendly tone.

Magkatapat silang dalawa ng upuan. Nasa malawak na sofa si Gio habang nasa pang-isahan naman si Papa.

Gustong ipagbunyi ng kalooban ko ang nasasaksihan kong turing ng mga magulang ko sa kaniya. Na para bang isa na rin siya sa miyembro ng aming pamilya. Pero mas malinaw kong naiintindihan na kahit anong klaseng pagbibigay kulay pa ang gawin ko sa mga nangyayari sa harapan ko, mananatali lang akong kaibigan para kay Gio. Mananatiling kulay puti at itim ang kulay sa mga buhay namin.

Hindi ako si Ria Jimenez. Hindi ako ang babaeng mahal niya.

"Okay lang naman po, Tito Nick. Abala lang po sa pag-asikaso ng mga requirements para sa OJT po namin next sem," magalang na tugon niya kay Papa.

"Oo nga pala at graduating ka na sa susunod na taon," hahangang saad ni Papa. "Saan ba ang OJT niyo?"

"Sa Bataan po, Tito."

Napahinto ako sa paglalakad. Hindi iyon napansin ni Mama dahil diretso na siyang pumasok sa dining area sa kaliwa.

Napako ang tingin ko kay Gio. Hindi ko alam ang bagay na 'yon. Masyado akong nakulong sa kasalukuyan na hindi ko na nagawang isipin pa ang mga mangyayari sa hinaharap.

Malapit nang magtapos si Gio. Kaunting panahon na lang ay mawawala na siya sa CIU. Ilang buwan na lang at magiging malaya na siyang ipahayag sa mga tao ang limim na relasyon nila ni Ma'am Ria na ilang taon na rin nilang tinatago.

Kaunting panahon na lang... mawawalan na ako ng dahilan para kapitan siya. Sandali na lang... magiging isa na lang akong ala-sla sa buhay niya.

"Carmen, hija, ikaw na ang kumausap dito kay Gio pansamantala," pukaw ni Papa sa atensyon ko. "Tutulungan ko lang ang Mama mo sa paghanda ng tanghalian natin ngayon."

Tanging isang tipid na tango lang ang naisagot ko sa kaniya.

Sinadiya kong ibaling sa kung saan-saan ang paningin ko upang magawa kong iwasan na masalubong ang mga mata ni Gio. Hindi ko alam kung paano siya kakausapin ngayon. Dahil pakiramdam ko, wala na rin namang saysay ang kasunduan namin gayong alam na rin ng iba na hindi lang ako ang nag-iisang babae sa buhay niya.

"Carmen," masuyong tawag niya sa pangalan ko.

Gaya ng nakagawian, mabilis na gumuhit ang ngiti sa mga labi ko. Tulad ng nakasanayan, umakto na naman akong parang walang problema gayong pareho naman naming alam ang totoo.

"Sabi ni Mama magpagabi ka na raw rito. She'll cook for you," bungad ko. "Kumusta? Masyadong busy?" magaang tanong ko, pilit na inaalis ang negatibong enerhiyang dala ng bigat na nakadagan sa dibdib ko.

"Alam kong alam mo, Cae. Hindi mo kailangang magpanggap sa harapan ko." Sinuklay niya ang buhok niya gamit ang kamay niya. Sabay baba ng tingin sa akin para salubungin ang aking mga mata. "Hindi ko alam kung saan magsisimula sa pagpapaliwanag sa'yo kung anong nangyari," nahihirapan niyang sabi.

"Huwag mong simulan, Gio," agap ko. Umupo ako sa puwestong binakante ni Papa. Isinandal ko ang likod at batok ko hanggang sa ang puting kisame na lang ang nakikita ko. "Hindi mo kailangang magpaliwanag. Wala kang dapat na sabihin. Hindi ko kailangan at hindi mo rin kailangang linawin sa akin."

Kung kasalanan bang maging sinungaling sa sarili, baka habangbuhay na sintensya na ang aabutin ko. Ilang beses na ba akong nagsinungaling sa ibang tao at maging sa sarili ko? Ilang kasinungalingan na ba ang binigkas ko para lang pagtakpan kung ano talaga ang nararamdaman ko?

Na sa bawat pagsabi ko ng hindi ay oo ang siyang gusto kong sabihin. Na sa bawat pagtanggi ko sa mga salita niya ay ang pag-asang mayroon sa puso ko na gagawin pa rin niya ang mga bagay na paulit-ulit kong hinihindian. Na sa bawat segundo ng ngiting ibinibigay ko sa kaniya ay siya ring tagal nang pagluha ko tuwing ako na lang mag-isa.

Pero may iba ba akong pagpipilian maliban sa ang pasinungalingan ang lahat ng gusto ko talagang mangyari?

Wala. Kaya kahit gustuhin ko man na aluin niya ako at panatagin niya ang loob ko, palagi pa rin along hinihila ng reyalidad na hindi ako ang babaeng mahal ni Gio. Na hindi para sa akin ang pag-aalala niya. Na hindi para sa akin ang pag-aalaga na gusto ko na nakalaan para sa iba.

"Carmen, pakinggan mo ako," pagsusumamo niya.

Hinarap ko siyang muli suot ang isang praktisadong ngiti na madalas kong ibigay sa kaniya. "Makikinig ako, Gio. Handa akong buksan ang tainga ko. Pero hindi mo naman kasi kailangang magpaliwanag dahil wala namang tayo," pagbibigay riin ko. Kusang lumawak ang ngiti ko nang maramdaman kong magtubig ang dalawang mga mata ko. "Hindi mo ako girlfriend. Kaya wala kang dapat na ikabahala. Kahit na anong gawin mo sa likod ko, makipaghalikan ka man sa ibang tao, labas na ako ro'n dahil wala namang tayo."

Nag-iwas akong muli ng tingin sa kaniya. Sinadiya kong hinaan ang pagsasalita ko upang hindi umabot sa kusina ang usapan naming dalawa.

Ayaw kong mabahiran ang malinis na imahe ni Gio sa mga magulang ko. I brought this to myself. I was the one who involved myself in their lives. I may have entered the wrong door when I came into Gio's life, I could blame nothing bout it by myself.

Because it's my fault. End of story.

Kaya kung may dapat na sisihin kung bakit ako nasasaktan, ako lang 'yon at wala ng iba. Not Ma'am Ria who fell in love with his former student. Not even Gio who is in a relationship with a professor.

Not Gio, kissing another woman. But solely me, who fell for him while knowing that I would get nothing in return.

Pero gano'n naman talaga 'yon, diba? Kapag nagmahal ka hindi ibig sabihin nanghihintay ka na ng kapalit. Kasi gano'n ang nararamdaman ko para kay Gio. It's enough for me to love him and do everything I can to protect him. Kahit na ang kapalit ay sakit. Kahit na paulit-ulit ipinamumukha sa akin ng mundo na hindi niya ako mamahalin.

"Gio! Carmen! Lunch's ready!" my mother shouted from the dining area.

"Coming, Mom!" I shouted back.

Tumayo ako na sinabayan din nang pagtayo ni Gio. I was ready to take a step, but he caught me in my arm to stop me from walking.

Nagtatanong ang mga matang tiningnan ko siya. I could see nothing but seriousness in his face as he lay his eyes on every corner of my face as if studying every feature that I have.

And when he finally settled his eyes on mine, it became more intense and serious as if what he's about to say contains no jokes but truth.

"What, Gio?" I asked.

"Huwag mong sanayin ang sarili mo na nakangiti kahit na ang gusto mo namang gawin ay umiyak." Humakbang siya palapit sa akin, pinaliliit ang distansya sa pagitan namin. "Magpapaliwanag ako. At pakikinggan mo ako, Carmen. Please, babe," pakiusap niya.

It was as if I got hypnotized by his words and stares that I ended up nodding my head.

Pareho kaming tahimik nang pumasok kami sa loob ng dining. Nakaupo na sila Mama at Papa sa upuan nila. Pabilog ang lamesa at saktong apat lang ang upuan, sinadiya para sa mga pagkakataong nandito si Gio para bumisita.

May mga ngiti sa labi ng mga magulang ko habang pinanonood nila kami ni Gio na maupo. My parents never treated Gio any different. Kahit na nasaksihan mismo nila ang masalimuot na pangyayari sa buhay niya. They took good care of him and cherished him the same way that they treated me, their daughter.

"Eat well, Gio," my Mom said, smiling at him.

Magaan at maingat ang bawat lapat ng mga mata ni Mama sa kaniya. Umiintindi at ipinakikita kung gaano siya kaimportante at kahalaga sa kabila ng lahat ng nangyari sa magulong buhay niya.

"Thank you, Tita Maddy," nakangiting ganti niya kay Mama.

"Have you visited your Mom?" maingat na tanong ni Papa.

Alangat at nangangapang tiningnan ko si Gio. I know how sensitive this topic is. Kaunting sagi lang sa kaniya tungkol sa bagay na 'to, naapektuhan na siya ng lubos. Na 'yong maayos na lagay niya ay unti-unting mapapalitan ng pagkabasag at pagkadurog.

I shook my head at my Mom, silently telling her to drop the topic Papa started. Pero hindi siya nagpatinag, ako naman ang inilingan niya. There is understanding in her eyes as she looks at me and Gio, making my heart constrict in pain for the guy whom we cherish so much.

"Hindi pa po, Tita. It's been three years since I went to her," mahinang sagot niya sa tanong na ibinato sa kaniya. "I couldn't get myself to visit her. Natatakot ako sa maaaring makita ko kung pupuntahan ko ulit siya matapos ang ilang taon."

Napayuko ako at pilit na itinuon na lang ang atensyon sa pagkain ko. Sa lahat ng bagay na maaaring pag-usapan, ang bagay na 'to ang iniiwasan ko. Maging ako kasi ay naaapektuhan. Pati ako ay nahihirapan sa tuwing makikita si Gio na pilit na nagmamatapang kahit na alam naming pareho na taliwas 'yon sa totoong estado niya.

"She's your Mom, anak. Maiintindihan at maiintindihan niya dahil gano'n ang mga magulang." Kinuha ni Mama ang kamay ni Gio na nasa gilid ng pinggang kaharap niya. "Visit him whenever you're ready. I'm sure she's waiting for you."

"Thank you, TIta," sinserong pasasalamat ni Gio.

"Come over often," bilin ni mama.

We continued to eat in silence. And I felt so thankful that Mom finally dropped the topic about Gio's mom. Hanggang sa natapos ang tanghalian ay hindi na namin muling binalikan ang usapan na 'yon.

Nagpunta kami ni Gio sa sala kung saan kaming dalawa lang ang naroon. Sila Mama at Papa ay umalis na pagkatapos kumain dahil sa kailangan nilang pumasok sa trabaho nilang dalawa.

And I was thankful for that. Dahil ayaw kong marinig nila alinman sa mapag-uusapan namin ni Gio ngayon.

"Ria and I..." he started carefully.

"You really don't have to explain anything, Gio." I gave him an understanding smile. "I know where I stand in your life and that simply means that whatever rumor or truth I heard circulating the whole CIU community, I have no say about that. You don't have to worry about how I feel, Gio. Okay lang naman ako."

"But I'm not okay with it, Cae." He sighed deeply and combed his hair frustratedly. "I feel like I need to explain everything to you. At hindi ako matatahimik hangga't hindi ko naipapaliwanag sa'yo ang totoo."

Malalim akong huminga. "Okay, Gio," I gave in. "I'll listen."

A sigh of relief escaped his mouth before he started talking about whatever that needs to be said for him to finally be at peace.

"We're through, Carmen." Malalim siyang huminga, sa paraan na para bang hinahanapan niya ng kaluwagan ang dibdib niya. "But I want her, Carmen, kaya sinunod ko ang gusto mo. I talked to her and sorted things out."

Parang bigla ay gusto kong hilahin pabalik ang oras para dalhin akong muli sa punto na kausap ko siya. Mga oras kung saan sinasabi ko sa kaniya na ayusin niya ang relasyon nilang dalawa. Parang biglang gusto ko na lang sabihin na huwag na niyang balikan ang babae. Na huwag na niyang kausapin o kung anumang makapag-aayos sa kanilang dalawa.

Bakit ba kasi si Gio ang klase ng tao na kailangang marinig muna mula sa iba bago siya gumawa ng desisyon para sa sarili niya? At bakit parang biglay ay gusto kong pagsisihan ang pagkukumbinsi ko sa kaniya na ayusin ang 'di nila pagkakasunduan gayong alam kong tama lang naman ang ginawa ko?

Does that make me a bad person? Does wanting to be the only girl in Gio's life make me evil?

Kasi sobrang 'yon ang gusto kong mangyari ngayon. Ang maging sentro ng atensyon ni Gio. Maging laman ng puso at isip niya at hindi 'yong simpleng tagapakinig lang ng paghanga at pagsinta niya sa iba.

"Matagal na kaming wala ni Ria. We haven't talked to each other for a while now. And your words were my wake-up call. Kaya sinubukan kong umintindi kahit na mahirap sa parte ko," paliwanag niya.

Ramdam ko ang katotohanan sa likod ng mga salita niya pero malaking bahagi ng isip ko ang hindi naniniwala na 'yon ang buong katotohanan. It was as if he's just saying half of the truth and purposely avoiding uncovering what's the real reason.

"Bakit?" wala sa sariling tanong ko kahit na alam ko na rin naman ang totoo. "Dahil sa pagpipilit niyang makita ang mga magulang mo?"

"Paano mo nalaman ang bagay na 'yan?" salubong ang kilay na tanong niya.

Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya. Wala sa intensyon ko na buksan ang usapin na 'yon. I want to keep it to myself. Pero siguro tama nga sila, itago mo man ay malalaman at malalaman pa rin ng mga tao ang sikretong pinakaiingatan mo.

Katulad ng unti-unting pagbukas ng pinto ng sikretong mayroon si Ma'am Ria at Gio.

"Carmen, sagutin mo ang tanong ko," pakiusap niya.

Kinalma ko ang sarili ko upang hindi na sabayan ang magulong daloy ng sarili niyang emosyon. "She approached me, seeking favor from me. Sabihin ko raw sa'yo na kausapin mo na siya."

"She did that?" pabulong niyang tanong.

"She did," I said to confirm what I just said.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" wala sa sariling tanong niya.

Pity slowly crept into my heart when I saw how his eyes flickered with hope and love. No... it wasn't for me. But for Ria.

Sa hindi mabilang na pagkakataon, nabigo na naman ako. Umasa na naman ako.

"Dahil akala ko hindi naman importante," pag-amin ko. "You know me, Gio. Lahat ibibigay ko sa'yo at lahat ng bagay na papabor sa'yo ginagawa ko."

Natahimik siya ngunit hindi niya inalis ang paningin sa akin kahit na maski isang segundo lang.

"Gio..." muling tawag ko sa pangalan niya.

Malungkot ko siyang nginitian, isang bagay na madalang ko lang ipakita sa kaniya dahil hangga't maaari ay postibong reaksyon at ngiti ang ibibigay ko sa kaniya.

"I have to let go of our deal now," marahang sabi ko. "It's useless now, Gio. Marami ng may alam at hindi na ipagtataka ng mga tao kung maghihiwalay tayo. You just need to hide expertly just like what you always do to protect Ma'am Ria and yourself."

Hindi siya agad nakasagot. He bowed his head to avoid my eyes and even that action just deepened the scar on my heart.

"I need you, Cae. Huwag mo akong iwan," pakiusap niya.

My hand quivered. I was astonished by the last words he said. Ramdam na ramdam ko ang takot sa boses niya at pakiramdam ko pati ako nahihirapan din

Malalim akong huminga, kinakalma ang sarili bago pa man ako tuluyang malunod sa hukay nang pag-iisa.

"I won't leave you," paniniguro ko. "At least, that's a promise that I meant fulfilling. I'm your friend after all."

We both looked at each other's faces. Nasa kaniya na lang ang buong atensyon ko kaya nagawa kong mapanood ang lahat ng kilos niya. Kaya nang makita ko siyang tumayo para lapitan ako, hindi na ako nagulat pa nang marahan niyang hawakan ang pisngi ko.

At doon ko lang napagtantong... umiiyak na naman pala ako.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top