Chapter 15

Pilit kong kinalma ang sarili ko nang wala na namang mabungarang mensahe sa screen ng cellphone ko 'di tulad ng gusto ko sanang mangyari ngayon. Sinikap kong gawing limitado ang bawat pagkilos ko para hindi mapansin ni Clarisse.

Pero kahit anong klaseng pagtatago pa yata ang gawin ko, makikita at makikita niya dahil kanina pa tutok sa akin ang atensyon niya. Kaya hindi na ako nagulat pa nang tumikhim siya para kuhanin ang atensyon ko.

"Oh, ano na ngayon? G-in-host ka na naman?" sarkastikong tanong sa akin ni Clarisse.

Napaiwas ako ng tingin sa kaniya. As much as I want to keep my mouth shut, I know that I can't lie to this girl. Kahit na ano pang gawin ko, mahuhuli at mahuhuli niya pa rin ako. She knew me well and lying is not an option to us.

"Nanlamig na naman bigla, eh," walang pagkukunwaring sagot ko. "Huling paramdam noong play nila. Hanggang ngayon wala pa rin."

Napabuntong-hininga ako. There's no use trying to protect him this time. Dahil matagal ko nang tinanggal ang maskarang nagtatakip sa kung ano nga ba ang totoong estado naming dalawa. Ni hindi ko na tinangkang pagtakpan siya dahil wala na rin namang saysay.

And that's one of the most rightful things I did so far, to let my girls know how it is going with my life. Dahil nagkaroon ako ng hingahan sa katauhan ng dalawa. Nagkaroon ako ng sumbungan at mapagsasabihan kung dumating man ang punto na hindi ko na kaya ang magkimkim.

"Gago talaga," galit na bulong niya, sinasadiyang hinaan ang boses para hindi ko marinig.

"Nakakagago kasi ang magmahal. Lalo na kung 'yong taong pinapangarap mo ay nakatingin sa iba," sagot ko sa kaniya.

"Hirap ka namang bitawan."

Muli akong napabuntong-hininga. Bakit lahat ng sinasabi nila totoo at walang palyang ipinararamdaman sa akin ang mga pagkukulang ni Gio. Palaging ipinakikita sa akin na mali ako.

"Ako lang ba? O talagang pinagtitinginan tayo ng mga tao?" salubong ang kilay na tanong ni Clau sa akin.

Sa sinabi niyang 'yon ay napatingin ako sa paligid namin para tingnan ang sinasabi niya. And that's when I see it, the stares people are giving me.

Maiintindihan ko pa kung paisa-isa lang ang tumitingin sa gawi namin. Kaso hindi. Halos lahat ng dinadaanan namin ay nililingon ako at karamihan sa mga tingin na ibinibigay niya ay may bahid ng pagtataka at awa. Pero ang mas lalong nagpagulo sa isip ko ay ang tingin ng iilan na para bang isinisisi nila sa akin ang isang bagay na wala akong malinaw na ideya kung ano.

Parang iisa ang laman ng isip nilang lahat habang sinusundan ako ng tingin. Pero bakit? Wala akong makitang dahilan dahil tahimik lang naman ang buhay ko rito maliban na lang kung nai-involved ako kay Gio.

"May alam ba silang hindi natin alam?" naguguluhan kong tanong.

"Hindi malabo, Carmen," sagot ni Clau.

"Weird," komento ko.

Hanggang sa pagpunta namin patungo sa cottage ay hindi pa rin ako nilulubayan ng tingin ng iilang mga estudyante na karamihan ay mga architect students na galing sa Summit.

Ang seryosong mukha ni Haze ang bumungad sa amin nang pumasok siya sa loob na inookupa namin ni Clarisse matapos ang ilang minuto nang marating namin ni Clau ang lugar. Another term has started after a week of break from the foundation recently.

Finals na, ibig sabihin ay malapit na matapos ang academic year namin at iisa lang ang gustong ipahiwatig no'n, tambak na naman ang mga requirements at paspasan na naman ang review para sa exams.

Haze sighed, and let her body plopped on the wood bench of the cottage. Nakahiga na siya ngayon at nakatakip ang isang braso sa mga mata. Malalim din ang paghinga niya na para bang sa ganoong paraan pilit na kinakalma ang sarili niya.

"Anong nangyari, sa'yo?" tanong ko sa kaniya.

Tumingin ako kay Clarisse na nanghihingi ng tulong para malinawan kung bakit ganito umakto ang kaibigan namin. Nagkibit-balikat lang siya sa akin, wala ring ideya sa nangyayari.

"Hoy, okay ka lang ba? Anong nangyari?" segundang tanong ni Clau sa naunang tanong ko.

Haze grumpily sat down and looked at me wearing a serious expression on her face. "There's a rumor going around the campus," she started.

"Rumor? Tungkol saan?" tanong ni Clau.

"A student saw Gio with a woman exiting a condominium unit," Haze continued.

Naramdaman ko ang tingin na ibinigay sa akin ni Clarisse matapos 'yon sabihin ni Haze.

I tried to be passive about the topic. Pero sarili kong puso ang kumakalaban sa akin ngayon. Kahit na may ideya ako sa katotohanan sa likod ng usapang 'yon ay hindi ko pa rin mapigilang isipin na naloko ako.

Hindi naman ito ang unang beses na nakita ko siyang may kasamang iba pero bakit parang walang pinagkaiba ang sakit na dala sa akin? Parang may biglang dumagaan sa dibdib ko dahilan nang pagbigat ng nararamdaman ko ngayon. Kalmado ang tibok ng puso ko pero ang lakas no'n ay kakaiba sa paraan na rinig na rinig ko na 'yon sa kabila ng ingay sa paligid namin.

An image of Gio crossed my mind and even if I tried to not think of the worst... whatever I have in mine is downright unpleasant. Agad akong binalot ng pag-aalala para sa kaniya. Paniguradong nakarating na sa kaniya ang bagay na ito. Kung hindi man, mas ipagpapasalamat ko pa para hindi na magulo ang maingay na niyang mundo.

"Saan mo nalaman?" kabadong tanong ko.

"Balita sa Summit, sa mga archi at CCS. Halos lahat alam ang bagay na 'yon. May nakakita yatang CAFA student na same floor ng condo ng babaeng kasama ni Gio," paliwanag ni Haze.

"What condominium, Haze?" I asked, trying to ease my heart that was beating so loud.

"Bask Tower."

I heard a ringing sound in my ears hearing those two words. It was like a confirmation of what I have in mind. And I knew for sure that I was right.

Paanong hindi ko makikilala ang condo na 'yon, eh, madalas na laman 'yon ng usapan namin ni Gio tuwing napapasok si Ma'am Ria sa usapan naming dalawa. They mostly spend time together at her place kaya umpisa pa lang ay alam ko na agad na totoo ang balita mula kay Gio na may kasamang iba.

"Don't tell me it's Ma'am Ria?" hinuha ni Clau.

Mas lalo akong nawalan ng imik, silently giving them the answer. There's no point in denying something we all knew the answer to. Hindi naman nab ago sa aming lahat ang bagay na 'to. Pero hindi ibig sabihin ay hindi na nakakabahala dahil may mga taong maaaring maapektuhan.

"Siya nga," pag-amin ko. "They had an after party to celebrate the success of their play. Kaya hindi malabo na nakita nga sila na magkasama. Malulusutan naman 'yan. Maipapaliwanag naman na si Ma'am Ria ang adviser nila sa TADS at si Gio ang presidente ng org."

Inilingan ako ni Haze, pinasisinungalingan ang gusto kong iparating. "Hindi kita kung sino ang babae kaya walang problema sa bagay na 'yon. Mabuti na lang din at kalilipat lang niya sa unit niya noong nakaraang linggo kaya hindi niya kilala ang mga kapit bahay niya."

"Eh, bakit ganiyan ang reaksyon mo? Para kang pinagbagsakan ng buong mundo," puna ni Clarisse.

Alangan na tiningnan ako ni Hazel na para bang takot siyang sabihin sa akin ang totoo. Naroon ang pag-iingat sa mga mata niya at ang pag-aalangan kung magsasabi ba ng totoo.

Maliit ko siyang nginitian para ipakita na okay lang. Habang sa loob-loob ko ay pilit kong pinakakalma ang puso kong balot na ngayon ng takot.

"Okay lang sana kung simpleng pagbisita lang ang dating ng dalawa. Kaso alas-tres na raw nang lumabas sa unit ang dalawa. At kung totoo mang after party nga ang ipinunta niya roon, hindi na siya inabot ng madaling araw dahil alas-dose pa lang tapos na, 'yan ang sabi sa akin ng ka-org kong kasamahan din nila. At ang malala pa..." pambibitin niya.

Mas lalo kumabog sa kaba ang dibdib ko nang mapuno ng hindi kaaya-ayang imahe ang isip ko. Wala pa ma akong kumpirmasyong naririnig mula sa kaniya, pakiramdam ko ang sakit na. Imahinasyon pa lang ang nagdidikta sa akin ng buong istorya pero parang may pimipiga na sa puso ko gamit ang kamay niyang nakabaon maski ang matatalas na kuko.

Dumagundong ang malakas na pagtibok ng puso ko nang makitang bumukas ang bibig ni Haze para magsalita. Ngunit tila nabingi ako at may tumatakip sa tainga ko bilang pagprotekta para hindi ko 'yon marinig. Ngunit gaya ng inaasahan... pilitin ko mang magbing-bingihan ay rinig na rinig ko pa rin ang katotohanan mula sa mga labi ni Haze.

"The two were seen kissing in the hallway," Haze said, filling up the empty space of the puzzle.

'Yon ang eksaktong imaheng nabuo sa isip ko kanina bago pa man siya magsalita. Sa isip ko pa lang ay ang sakit na. Ngunit iba pa rin pala kapag nanggaling na mismo sa bibig ng ibang tao ang buong nangyari.

This is something I already foresee. Something inevitable because those two have real feelings for one another. Unlike how Gio and I are faking it. Wala akong ideya kung paano sila kapag wala ako. On how their romantic relationship goes.

At ngayon na may nakapagsabi na sa akin ng ganitong klaseng bagay, bigla ay gusto ko na lang hilingin na bumalik sa punto na nanghuhula lang ako at walang alam sa kanilang dalawa. Kuntento naman na ako na alam kong mayroong sila sa likod ko. Perp ang may malaman ng higit pa roon ay hindi na yata kaya ng puso ko.

"'Yan na nga ba ang sinasabi ko, eh," Clau said disappointedly. "Walang magandang maidudulot sa'yo ang taong 'yon."

"Clarisse," sita ni Hazel sa kaniya.

"Eh, totoo naman kasi! Wala naman siyang nagawang tama sa kaibigan natin at puro pasakit lang ang idinulot!" sigaw ni Clarisse.

Malinaw ang inis at prustrasyon sa boses niya at pinatutunayan 'yon ng pamumula ng mukha niya. Hindi ko makuha sa sarili ko ang pahupain ang galit niya dahil ako mismo hindi rin alam kung paanong gagawing payapa ang takbo ng isip ko.

Gusto kong ipagtanggol si Gio mula sa kanila. Pero alam kong sa pagkakataon na ito ay wala na akong maibibigay na magandang rason at ubos na rin ang magagandang salitang maaari kong gamitin para huwag ng pasamain pang lalo ang imahe niya.

"Clarisse, kumalma ka. Walang patutunguhan 'yang galit mo kahit na naiintindihan ko ang pinaglalaban mo. Alam natin ang totoo, Clau. Kaya walang saysay ang paghihisterya mo riyan dahil una pa lang... wala namang karapatan si Carmen kat Gio," kalmadong wika ni Hazel.

Napayuko ako sa pagkapahiya. Lahat ng sinabi ni Haze ay totoo. At malinaw rin ang bagay na 'yon sa akin kaya gustuhin ko mang magreklamo at umaktong may karapatan ay nanatili lang tikom ang bibig ko. Dahil wala akong karapatan. Malaya man akong masaktan... wala ako sa lugar para magreklamo at gumawa ng eksena.

"Carmen naman kasi! Bakit mo pa ipinagpipilitan na tulungan silang dalawa! Tingnan mo, ikaw na naman ang talunan ngayon," inis pa ring lintanya ni Clarisse. "Ano ngayon kung professor si Ma'am Ria at boyfriend niya si Gio? Problema na nila 'yon at dapat labas ka na ro'n! Tapos ngayon ikaw pa ang naiipit sa kanilang dalawa at sa gulo nila!"

Gusto kong kalmahin si Clarisse. Pero ubos na ang lakas ko sa pagkumbinsi pa lang sa sarili ko na okay lang ako para kalmahin pa siya. Masyadong magulo ang takbo ng isip ko. Hindi pa nakatulong ang ingay na noon naman ay hindi sagabal kapag nag-iisip ako.

Wala akong karapatang magreklamo. Sa bagay na 'yan palaging nauuwi ang dulo ng mga nasa isip ko. Walang kami ni Gio. Lahat ng nakita ng lahat ay pagkukunwari lang paraapagtakpan ang kung anong mayroon sila dahil bawal. Alam ko iyan noon. At dapat malinaw rin ang bagay na 'yan sa akin ngayon.

Pero bakit parang hindi ko kayang pigilan ang sakit? Bakit parang mas lalo na namang lumawak ang sugat na matagal ng naroon? Parang nas lumala pa ang hapdi at kirot. Mas lumalim pa ang sugat... sinisimot ang lahat ng mayroon ako.

"Tumatawag si Gio," imporma ni Hazel.

Napalingon ako sa cellphone kong nasa ibabaw ng bamboo na lamesa. Maingay ang pag-vibrate ng aparato habang malinaw na ipinakikilala sa akin kung sino ang tumatawag.

"Huwag mong sagutin," utos ni Clarisse sa tono na may pagbabanta.

"Wala akong balak," mahinang tugon ko.

Hindi ako nakahuma kaagad nang walang anu-ano'y kinuha niya ang cellphone ko at pinatay ng tuluyan, hindi lang ang tawag kundi maging ang phone ko mismo.

"Clarisse," sa nagbabantang tinig ay saad ni Haze.

"Save it, Haze," kalmado, ngunit puno ng kaseryosohang saad niya. Sobrang layo sa kaninang estado niyang halos magwala na. "I need to protect our friend here. At least, I need to do that for her. Walang kakayahan ang baliw na 'yan para protektahan ang sarili niya. Si Gio lang naman ang palaging inaalala ng isang 'yan na kahit ang sarili na niya ang naisasakripisyo niya, okay lang sa kaniya. Kaya kung hindi niya kaya, ako ang gagawa. Ako ang kikilos para isalba pa ang natitira sa kaniya."

"Baka hindi siya 'yon..." umaasang tanong ko nang mahanap ang tinig matapos ang pananahimik.

I badly wanted to deny the reality. Pero paano ko gagawin 'yon kung malinaw rin naman sa isip ko na totoo ang lahat ng bulung-bulungan ng mga tao. Isama pa na kahit ako, alam ko rin ang totoo sa sarili ko.

"Kilala si Gio sa buong campus, Carmen. Ikaw lang yata ang hindi nakakaalam ng bagay na 'yon. Kaya walang dud ana kilala ka rin dahil dikit ang pangalan ninyong dalawa. You're known as a couple not just here in main but all-over other campuses. Hindi lang dahil sa siya ang president ng TADS kundi dahil sa pinagbidahan niyang palabas noong freshmen pa lang tayo. Kaya huwag mo nang ipilit 'yang gusto mo dahil si Gio talaga ang taong 'yon," seryosong saad ni Hazel.

Kaya pala. Kaya pala kung tingnan ako ng mga tao kanina ay may awa sa mga mata ng iilan sa kanila. Kaya pal ani minsan ay hindi nila ako nilubayan ng tingin.

Hindi ko masabi na hindi ko inaasahan ang bagay na ito. Pero as much as possible, iniiwasan ko. Kaya nga inako ko ang pagtulong kay Gio sa pamamagitan nang pagpanggap na kami para hindi sila pagdudahan ng mga tao.

Kaya nga pinasok ko ang mundo nila para protektahan sila kahit na hindi naman nila hinihingi ang bagay na 'yon. I openly offered myself to them to save them both and for Ma'am Ria and Gio to be free to love without getting caught.

At ngayon na nangyari na, hindi ko alam kung dapat ko bang ipagpasalamat na hindi nakilala si Ma'am Ria. Pero hindi ibig sabihin na hindi masakit. Dahil nakakalunod ang tila pagpaapahirap sa aking huminga ng paninikip ng dibdib ko.

Hindi ko naman siguro kailangan ng karapatan para masakta, diba? Siguro okay lang naman kung may papatak na luha sa mga mata ko kung hindi ko na kakayanin, diba? Hindi rin naman siguro mali kung hahayaan kong bumigay ang sarili ko kahit na hindi naman totoo ang namagitan sa amin ni Gio.

Kahit 'yon lang sana hindi ipagdamot sa akin. Kahit ang pag-iyak na lang.

"Luwagan mo na ang kapit mo sa kaniya, Carmen. Ako na ang nakikiusap sa'yo," hirap na wika ni Clarisse sa akin.

Hindi pa rin ako nakaimik. Sa isip ko, pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko na okay langa ako.

"Ano man ang dahilang mayroon ka kung bakit hindi mo siya mabitaw-bitawan, hayaan mo na. I know you want to shield that man from pain, but learn how to validate your own feelings too, Carmen," Haze added. "Oo nga at may pinagdadaanan siyang hindi alam ng karamihan. Sige, sabihin na natin na may sarili siyang laban. Pero isip mor in ang estado ng puso mo. Pagtuunan mo rin ng pansin ang nararamdaman mo. Not everything is about him and his feelings. You also have a heart. You also have your own battles to deal with. You are hurt and you need to patch those bruises to heal."

Alam ko naman 'yon. At sa mga nakalipas na araw ay unti-unti na 'yong lumilinaw sa akin. Pero isang kislap ng imahe lang ni Gio na tiklop-tuhod na umiiyak sa gitna ng kalsada habang basing-basa ng ulan... nanghihina na agad ako. Binabalot na agada ko ng awa at lumalambot na ang puso ko.

"Paano si Gio?" takot na tanong ko.

I began to feel uneasy and signs about it shows making both of the girls hold both of my hands that were rubbing the bamboo table with my index fingers at the same time.

"Anong paano siya?" may bahid ng inis na tanong ni Clarisse. "Paano ka?" pagbibigay riin niya sa huling salita.

"I can manage. Mabilis lang naman akong makalimot. Bukas o sa mga susunod na araw makakalimutan ko rin 'to," sunud-sunod na sabi ko. "Hindi ko puwedeng iwan si Gio. Walang ibang magkakalma sa kaniya. Wala ibang magpapatibay ng loob niya kung pati ako lalayo sa kaniya."

"Kasama niya si Ma'am Ria," mabilis na sagot ni Hazel.

"Wala siyang alam. Walang ibang may alam."

"Ano ba kasing mayroon siya at hindi mo siya kayang pakawalan?" tanong ni Clarisse.

Mabilis na umawang ang mga labi ko para sumagot pero maagap ang naging pagpigil ko sa sarili ko. Hindi puwedeng sa akin manggaling ang gano'n kasensitibong bagay. At hindi dapat basta-basta na lang ipaalam sa iba.

I don't want them to end up just like how Gio's neighborhood has been treating him. Sobra na ang mga naranasan niya sa mga nakalipas na taon mula sa mga taong hindi nagawang kilalanin ang malaking pinagkaiba ng mga bagay-bagay.

Ayaw kong mas madagdagan pa ang taong manghuhusga sa kaniya at ikokonekta siya sa kasalanang labas naman siya. Ayaw kong isipin ng mga tao na marumi at makasalanan siyang tao dahil lang sa kasalanan ng ibang tao na hindi rin naman niya ginusto.

Dahil hindi gano'n si Gio.

"Hindi ka namin pipilitin na sabihin sa amin kung bakit sa kabila ng sigaw ng mundo na iwan mo na siya, kumakapit ka pa rin sa kaniya," seryosong sabi ni Hazel sa akin. "Pero nakikiusap ako sa'yo bilang kaibigan mo, ingatan mo rin ang sarili. Don't just try to save someone dear to you, save yourself too."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top