Chapter 13
"Okay ka lang ba?" maingat na tanong ni Elon nang mahanap ko ang lugar na pinagtatambayan nila para hintayin ako.
Hindi ko alam ko ako pa rin ba 'yon o sadiyang nakasanayan ko na lang talaga kaya kusang pumorma ang isang ngiti sa mga labi ko para ipakita sa kanila na walang problema.
"Pangit mong artista," ismid ni Clau sa akin.
Pinaukutan ko na lang siya ng mga mata imbes na makipagtalo pa. Isinampay niya ang braso sa balikat ni Ulick sa kabila ng tangkad nito matapos ay inakay palayo. Naiwan kaming dalawa ni Elon na kapuwa tahimik lang at nagpapakiramdaman kung sino sa aming dalawa ang unang magsasalit.
"You don't look fine to me so I won't ask if you're okay," he said.
Elon was behind me and I don't have the slightest idea what he's doing right now. I could feel his movements, but I don't have any courage to look at him. I just remained rooted to where I was a few steps away from him.
Hanggang sa ang mahina niyang paggalaw ay unting-unting lumakas sa pandinig ko, senyales na papalapit na siya sa direksyon ko. Thinking that he just wanted to stand beside me, I didn't make any move. Until I found myself coated by the warmth of his embrace.
"You need comfort, Carmen. And I can give it to you," he tenderly whispered. "I can give you the reassurance that your boyfriend can't provide you."
"Elon..." I whimpered in disapproval.
I don't want him close to me, not any other man. Dahil ayaw kong hanapin sa kanila ang mga bagay na gusto kong maranasan mula kay Gio. I don't want to treat them the same way I was treated because it's awful.
Hindi ko alam kung bakit ganito sa akin si Elon. Wala akong ideya kung ano ang intensyon niya at takot akong alamin ang bagay na 'yon. Not with a good man that he is, hindi siya bagay sa akin.
Mas hinigpitan niya ang yakap na iginagawad niya sa akin mula sa likod nang tangkain kong lumayo. He even put his chin above my head showing me the big difference we have when it comes to our height. And that pushed me to lean my head back and rest it over his chest, finding how comfortable it was to be locked up in between his arms.
"Why did you do that, Carmen?" he asked. "Why did you put yourself in that situation?"
"You were listening," I said in a voice full of certainty.
"I was worried about you," he corrected. "I followed you to make you that everything's fine."
"What did you hear?" I asked consciously.
I heard him sighed. "Everything, Carmen. From start to finish."
Ako naman ang napabuntong-hininga. Ngayon, wala na talaga akong takas mula sa mga nalalaman niya. Ang bagay na itinatago ko, alam na niya.
Dapat kinakabahan ako ngayon dahil maaaring ikapahamak ni Gio ang bagay na 'to. Pero hindi ko makapa sa dibdib ko ni katiting takot sa maaaring kahinatnan ng pagtuklas ni Elon sa bagay na 'to.
Hindi ko rin alam kung bakit. I don't trust him, but for some reason I am confident that he would never spill any of what he heard to anyone. Hindi naman siguro siya gano'ng tao. At may kumpiyansa akong mananatiling sikreto ang mga nalaman niya.
"Bakit ka pumayag sa gano'n?" maingat na tanong niya sa akin.
Dala ng kawalan ng lakas na humiwalay sa kaniya dahil sa naging palitan namin ng mga salita ni Ma'am Ria, napasandal pa ako lalo sa kaniya. Walang reklamo na mas hinigpitan niya pa ang pagkakapulupot ng dalawang braso niya sa balikat ko at 'di alintana ang hiya na inabuso ko 'yon.
Mabuti na lang talaga at nasa gilid na parte kami covered court at mataas ang pader ng paligid ng buong court kaya natatakpan kami at walang nagpupunta sa gawi namin. Dahil do'n ay napanatag ako bagaman naroon pa rin ang hiya sa loob ko.
"It was an accident. I was the one who offered help and Gio agreed to it. Kaya wala akong dapat sisihin kung bakit nasasaktan ako maliban sa sarili ko," mahinang sagot ko sa tanong niya sa akin.
Pareho kaming natahimik dalawa ni Elon, wala rin kaming kilos at nanatili lang kami sa ganoong posisyon. Pero mabilis akong napabalikwas papalayo sa kaniya nang bilang nagliwanag ang paligid dahil sa flash ng camera.
Parang bigla akong inapoy ng lagnat nang makitang si Haze 'yon na tutok na ang mga mata sa camera niya ngayon. May maliit na ngisi sa mga labi niya habang pilya ang mga mata nang mag-angat siya ng tingin sa amin.
"Aba, dito pala kayo nagtatago, ha?" malisyosa niyang tanong. "Hmm, tama nga sa Clau." Tumang-tango pa siya na para bang sang-ayon talaga sa kaibigan namin.
"Tama saan?" naguguluhan kong tanong.
Tumaas ang sulok ng labi niya, nasisiyahan sa laman ng isip habang malisyosang tinitingnan kaming dalawa ni Elon. "Team CaEl looks way better than CaGi."
Nagsalubong ang dalawang kilay ko. "Cael? What? Cagi?" naguguluhan kong tanong.
"Carmen plus Elon equals CaEl. Carmen plus Gio equals CaGi."
My eyes grew bigger in bewilderment. At kailan pa nabuo ni Clarisse ang kalokohang 'yon at bakit maging ang seryoso at matinong si Hazel ay nabasbasan niya ng kalokohan?
"In short," Haze added. Tinaasan ko siya ng kilay bilang hudyat na ituloy niya ang sasabihin niya. "Mas bagay nga kayo."
Pinanlakihan ko siya ng mga mata para patigilin siya sa mga kabaliwang lumalabas sa bibig niya. "Kabaliwan mo, Haze, magtigil ka nga!" sita ko.
She just made face at me before leaving me and Elon.
The air became thick and awkward all of a sudden. Para akong naka-neck brace sa hirap na lingunin siya dahils a nangyari. Wala akong mukhang maiharap kahit na siya naman ang nag-initiate ng yakap na pinagsaluhan namin.
I heard him cleared his throat and I just found myself doing the same.
"Tara na sa loob," imbita niya.
Tumango ako pero wala ng lakas ng loob na lingunin siya dahil sa ilang. Nauna akong maglakad papasok sa loob ng court at agad ko ring naramdaman ang pagsunod niya sa akin. Marami ng estudyante sa loob ng court. They were in their own circle and everyone's chattering at the same time producing so much noise for my take. Sabayan pa ng maingay na tugtog sa apat na speaker sa harap at likod na tumutugtog para sa warm up bago ang takbuhan.
I saw Clarisse with Ulick beside her waving her hand to get my attention. Nasa likod lang silang dalawa kung saan kaunti lang ang tao kaya mabilis lang silang makitang dalawa.
Mabilis namin silang nilapitan ngunit sa iba na nakapako ang paningin ni Clau. Busangot ang mukha niya at matalim ang pagkakatinin sa direksyon sa likuran namin ni Elon.
"Sino na namang sinisimangutan mo r'yan?" tanong ko sa kaniya.
Mas lalong nalukot ang mukha niya. Ngumuso siya sa direkson sa likod ko kaya napatingin ako roon. I was greeted by a bunch of girls surrounding the high and mighty Marigold. Isa sa mga sikat na estudyante sa CIU. She's a vlogger, I think. And she's also does cameos in teleseryes and modeling for brands.
"Akala ko ba kinakaibigan ka niyan? Ayaw mo no'n, may kaibigan ka ng sikat?" biro ko.
Inirapan niya ako. "Ekis sa mga taong sa social media lang mabait." Umakto siyang nasusuka sabay paikot ng mga mata sa direksyon ni Mari. "Nilalapitan lang naman niya ako dahil kilala ko si Elon. Kumakapit para mapalapit din sa kaniya kahit hindi naman siya kilala ni Elon. Kahit nga si Ulick gusto rin yata. Balakin ba namang kunin as photographer niya para sa photoshoot niya para sa isang brand. Imagine, she's a stranger to these men," tukoy niya sa dalawang lalaki na kasama namin. "Pero kung umakto akala mo kaibigan at kilalang-kilala niya talaga."
Kumawala ang tawa sa mga labi ko. And even the two men with us failed to surpass their laughter. Kahit sino kasing makaririnig sa kaniya ay mararamdaman ang iritasyon niya para kay Mari.
"Galit na galit?" ngiwi ko.
"Kairita, eh." Muli na naman siyang umirap sa babae. "Akala mo kung sinong mabait sa social media, may pa-motivational posts pa pero in real life naman ang sama. I even saw her spit on a crestian just because he tried to give him flowers and chocolates. Mapili akala mo naman maganda!"
Napakibit ako ng balikat. I witnessed that actually, kaming tatlo. Magkasama kasi kami sa cottage that time at kaunti lang din ang tao. The crestian Clau was talking about is a student of CIU. Hindi siguro pasok sa standard ni Mari kaya niya ginawa 'yon. Which is something she shouldn't have done.
Puwede naman i-reject ng maayos pero bakit kailangan pang duraan? Kung puwede nga lang i-expose ang kamalditahan niyan ginawa na ng isa sa amin. Pero hindi kasi namin inuugali ang manghila pababa ng isang tao lalo na kung wala naman kaming mapapala.
Karma know its way. At siya na ang bahala kay Mari. We'll just wait for Mari's dark side to reek for the whole public to know. There's no rotten fish who don't stink anyway.
"Kalmahan mo lang, Clarisse," awat ko sa kaniya. "Baka mamaya sugurin mo na 'yan."
Umismid lang siya matapos ay tunalikuran na ang direksyon ng babae. Binalingan niya si Ulick na nailing na lang sa kaibigan niyang galit na galit.
No wonder why Mari is persistent in befriending Clau. Pagitnaan ka ba naman ng Ulick at Elon. Talagang kahit sino maiinggit at magpipilit na makipag-close kahit na hindi naman niya kilala ang mga 'yon.
Social media is the best avenue to create a persona that everyone would like. A good image that would make people end up kissing your feet. A character which is a contrary of who you are in real life. Lalo na kung kilala ka at may pangalan ka. Kung sikat ka at sinusubaybayan ng madla. It's easy to portray an image because they don't see who you are and how you act in reality.
At minsan, kahit na lapagan mo pa ng katotohanan ang mga tong sumusuporta para sa taong 'yon na hinahanggang personalidad sa social media, hindi pa rin nila paniniwalaan.
Not everything people see in social media is real. Not even those good deeds. The reason why people needs to be critical and accept the reality of life. The truth that was concealed by people who keeps acting as the total opposite of what's real.
"Is everyone ready to get painted?!" the emcee shouted, interrupting my train of thoughts. "The race is about to start, Crestians! But before that, we'll do some warmup first."
Ngumiwi ako. Sinimulan ko ang pasimpleng paglalakad patungo sa likuran ni Elon na katabi na ngayon ni Ulick. Habang si Clarisse naman ay nananatili lang sa unahan ng dalawang lalaki.
"What are you doing, Carmen?" tanong ni Ulick nang linunin niya ako.
Nilagay ko ang hintuturo ko sa tapat ng mga labi ko para senyasan siya na tumahimik. "Nagtatago ako, Ulick. Nakakaloka ang warmup ng mga 'yan, ayaw kong makisali."
"Napaka-kill joy talaga nito," pagsusungit ni Clau.
Inirapan ko lang siya at ipinagpatuloy ang pagtatago sa likod ng malalaking bulto ng dalawang lalaki sa harapan ko.
The routine started from the basics down to the embarrassing ones. Kaya ko naman talagang sabayan, kaso ay nahihiya lang talaga ako. Simple things like these embarrasses me, unlike Clarisse na bigay na bigay sa pag-ikot ng baywang niya.
I shook my head and lowered my gaze only to burst into a pit of laughter when I saw how Elon and Ulick's hip slowly move in circle just like Clarisse's. Agad kong tinakpan ang bibig ko ng bahagyang lumingon si Elon sa gawi ko.
Inilingan ko siya bilang pagtanggi. Mas idiniin ko pa ang pagkakatakip ng palad ko sa bibig ko. I tried to erase the image of his hip doing circle in my mind. But I couldn't. Not when I am facing his butt.
"You're laughing at me," Elon said with his distorted face.
"Hindi kaya," mabilis na tanggi ko. "Ano lang..." Napakamot ako sa pisngi ko habang patuloy pa ring nagpipigil na matawa dahil sa nasaksihan ko. "Ang cute kasi."
Napakagat ako sa ibabang labi ko ngunit hindi pa rin 'yon sapat para mapigilan ang malawak na ngiting nabuo sa mga labi ko. I should find it disgusting, but his butt looks really cute.
Imagine someone who looks really respectable doing hip exercise wearing a jagger pants. Bakat din ang puwetan niya kaya ako ang nahihiya para sa kaniya.
"Stop laughing, Carmen," he plead.
I saw his whole face turned red. Ni hindi na rin niya nagawang sabayan ang mga nagle-lead ng exercise sa stage ng gym dahil abala na siya sa pagpapatigil ng pagtawa ko sa kaniya.
"How to unsee, Elon." I laughed once again.
"Students, please head towards the gate for us to finally start the race," the emcee announced.
Inilingan na lang ako ni Elon. Lusot!
Sabay-sabay na naglakad kaming tatlo nina Clau, Elon, at Ulick patungo sa direksyon ng gate. Wala sa dinadaanan namin si Haze na kahit na gusto naming isama ngayon sa amin ay hindi puwede. Siguro kapag pagablik na rito para sa finish line puwede na.
"The race starts in 3... 2... 1!" the emcee shouted.
The three of us started to jog our wat to start off the race. Nasa unahan kami pero sa gilid lang kaya marami ang nauuna na sa pagtakbo.
We took our time to jog and later on turned into walk. Kaming dalawa lang pal ani Clarisse dahil abala na sa pagtakbo ang dalawang lalaki. Ngunit mabilis din naman nila kaming binalikan.
"Sumali pa kayong dalawa kung hindi rin naman kayo tatakbo," sabi ni Ulick sa amin.
"Mahalaga ang certificate para sa PE, U," dahilan ni Clarisse.
And I couldn't help but agree. Hindi naman mandatory ang pagsali sa color fun run sa totoo lang. Pero parang gano'n na rin dahil may plus points ang pagsali sa ibang subject namin. At sino ba naman ako para tanggihan ang plus points. Pagtakbo lang naman ng limang kilometro ang kailangang gawin.
"Come on, Clau. Kahit mabagal na takbo lang. It's good for you. Pagpabalik na tayo maglakad," kumbinsi ni Ulick sa kaibigan ko.
"Come, I'll help you," Elon said to me.
Nagpunta siya sa gilid ko habang ang isang kamay niya ay inilapat niya sa likuran ko ang kamay niya para magawa niya akong isabay sa pagtakbo niya. Ulick din the same to Clau.
Tuloy ay nakaagaw na kaming apat ng atensyon. Sakop namin ang kalahati ng buong two lane road na binabaybay namin para tapusin ang race. Some has this fascinated look on their faces while the others were surprised, probably because of the appearance of Elon.
Sa kaniya halos nakatingin ang lahat. He's not covering his face unlike how his usual get-up goes. Wala siyang sombrero kaya kitang-kita ang mukha niya ngayon.
"Bakit kasi hindi ka nag-sumbrero?" ngiwi ko.
Nagbaba siya ng tingin sa akin at kumindat. My heartbeat fastened at that action. Hindi 'yon kasing bilis ng tibok kapag si Gio ang kaharap ko. But it was fast enough for me to notice the difference of my normal state to now.
But I stopped myself. I controlled my heart and did my best to stop it from beating unnaturally. Hindi puwede.
"I gave you my jacket because you were cold earlier, Carmen," he informed.
Nagbaba ako ng tingin sa suot ko. Right, he let me borrow it.
Pansamantala akong huminto sa pagtakbo ngunit sina Clau at Ulick ay patuloy pa rin. Elon also stopped and watched me as I took off his jacket. Ibinigay ko 'yon sa kaniya na tinanggap niya naman agad.
But instead of wearing it, he just held it using his one hand. He quickly tilted his head towards the track we need to take as a signal for us to continue the race. I nodded my head in response.
"People just won't look away," mahinang bulong ko.
"Would you be fine?" he asked instead.
Naguguluhan ko siyang tiningnan. "Bakit?"
"Your known in the campus for having an engineering student boyfriend. You're taken basically. Baka pag-isipan ka nila ng masama ngayong magkasama tayong dalawa," mahabang eksplina niya.
Pasimple kong inikot ang tingin ko sa paligid namin. Hindi mabilang sa iisang kamay lang ang ang pares ng mga mata na nakatingin sa amin ngayon. At mukhang hindi na lang si Elon ang dahilan ng pagtingin nila. Maybe they were able to recognize me now. Especially, Elon.
Wala naman akong nakikitang panghuhusga sa mga mata nila pero ang kaguluhan ay hindi maipagkakailang naroon.
Malalim akong huminga at kinumbinsi ang sarili ko na okay lang at hindi ito magsisimula ng kaguluhan. We're just students also at hindi naman siguro nila ibi-big deal ang bagay na 'to kahit kilala kami ng iilan.
"Hindi natin kontrolado kung paano sila mag-isip kaya hindi tayo sigurado kung ano ang iniisip nila ngayon pa lang. Maybe in their heads they're judging me, and maybe not." I shrugged my shoulder. "Sila lang ang may alam. And we have no power to control their judgments because it's theirs. Basta alam ko naman ang totoo. Alam mo rin. Bahala na sila sa gusto nilang isipin."
"What if they call you names?" may bahid ng pag-aalalang tanong niyang muli sa akin.
"Like what? Na malandi ako kasi dala-dalawang lalaki ang kasama mo? Na ang harot ko kasi kahit may boyfriend akong tao pero sumasama pa rin ako sa ibang lalaki?" matapang na tanong ko.
Mukhang nailing siya dahil doon kaya mabilis siyang nag-iwas ng tingin sa akin. Pero agad din niya akong tiningnan ulit.
"What if that happens?" he carefully asked.
"Bakit totoo ba?" makahulugan kong tanong. "Mahirap kasi sa panahon ngayon, kapag may jowa ka hindi ka na puwedeng sumama sa iba. Katulad ko na boyfriend si Gio. Tapos ngayon nakita nila akong kasama ka, hindi malabong mag-isip talaga sila ng iba. Pero dapat ba may pakialam ako? I could get myself affected but I'd rather chose not to. Ako lang ang mapapagod kung iintindihin ko sila. I know the truth and feeding it to them wouldn't guarantee that their judgments would subside. Kaya bahala sila."
"Maybe I should distance myself to you," Elon uttered.
Nawalan ako ng imik. Hindi ko alam kung bakit 'yon pumasok sa isip niya. But I couldn't deny the fact that maybe that can also be considered as one of the best options. Not because I want to escape the public's unnecessary opinions but because I want to give myself enough time to think over what I really want to do for myself.
I want to have sufficient space for myself to think through thinks. I want to free myself from Gio. And that doesn't mean that I will entertain another man again. Parang ginamit ko na rin siya kung gano'n. Ayaw kong ibaling sa kaniya ang atensyon ko.
"Maybe that's the right thing to do, Elon," I answered.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top