Chapter 12

Unang araw matapos ng hiling ko kay Gio, at ito ako ngayon, hulog sa malalim na pag-iisip kung tama ba ang naging desisyon ko. I already made up my mind to free myself from him after.

Siguro nga tama sila. Na dapat higit sa lahat sarili ko muna. Maybe I should try to live on my own without any trace of Gio. Hindi ko idinedepende sa kaniya ang lahat. Pero dahil sa mga nakaraang buwan, palagi siya ang inuuna ko at ang kasiyahan niya.

I want to prove to myself that not everything revolves around Giovanni. That I could do something for myself also.

"Sana pala nagdala akong jacket," Clarisse said through gritted teeth.

Gusto ko man siyang segundahan, hindi ko nagawa dahil maging ako ay tinakasan na rin ng lakas na magsalita dahil sa lamig na dala ng pang-madaling araw na hangin. Bakit kasi namang nakalimutan namin ang bagay na 'yon?

Both of us, including Haze who went out of her own way to do her job as a photojournalist, were only wearing a white shirt for our tops. Pare-pereho rin kaming naka lenggings na hanggang tuhod kaya damang-dama namin ang lamig ng hangin ngayon.

Nasa labas pa lang kami ng univ at wala pa masyadong tao dahil maaga pa para ng ilang minuto bago ang magsimula ang race. Mayroon ng iilan sa loob pero mas pinili namin sa waiting shed sa labas dahil hinihintay rin namin si Ulick at Elon na inimbitahan din ni Clarisse.

"Sana pala nagkape muna ako bago tayo umalis kanina," nakangiwing saad ni Clarisse.

Umirap ako sa hangin. "Sana kasi gumising ka ng maaga, diba? Wala ka pa ngang ligo, eh," sabi ko.

Malakas niyang tinapik ang balikat ko kaya tinaliman ko siya ng tingin bilang sagot. "Huwag ka ngang maingay, marinig ka pa ni Ulick. Aasarin na naman ako no'n."

"Eh, totoo namang wala kang ligo, Clarisse. Huwag kang magmalinis dyan."

Inirapan niya ako. "Duh, malamig ang tubig—"

"May heater sa condo ni Haze."

Sinamaan niya pa ako lalo ng tingin. "Basta malamig ang tubig. Isa pa, maliligo rin naman tayo mamaba pagkauwi kaya tipid na rin."

"Sinong niloko mo? Mga palusot mo, Clarisse," sarkasmo ko.

Pabiro niyang hinila ang nakatali kong buhok dahilan para ambahan ko siya ng suntok. We both glared at each other but within ourselves, we knew that everything was just a joke. This is how we usually act, like beagles and rascals who would always cause trouble.

Kaya siguro si Haze na ang pinakamatino sa aming apat. Siya lang naman kasi ang aawat sa amin ni Clarisse tuwing nagsasabong na kaming dalawa.

Naputol lang ang masamang tingin namin sa isa't isa nang mula sa malayong distansya ay narinig namin ang dalawang tinig na kanina pa namin hinihintay. They were approaching us while chatting to one another.

Mabilis na umayos ng tindig si Clarisse nang makalapit na ang dalawa. Maging ang praktisado niyang ngiti ay nakahanda na rin nang harapin si Ulick at Elon. Napailing na lang ako. Dapat si Clarisse ang isinasama sa TADS dahil sa husay niya umarte at magpapalit-palit ng emosyon.

Parang kanina lang malditang umiirap sa akin. Tapos sa presensya lang ng mga bagong dating ay akala mo napakabait.

"Good morning, gentlemen," bati niya sa dalawa.

"Good morning, Clau," Ulick greeted back.

Elon greeted her too but she didn't give much attention to him. Ibinigay na niya ang buong atensyon niya kay Ulick na maging ako na kaibigan niya at kanina niya pa kasama ay naetsapwera na lang din.

"May gusto ba 'yan kay Ulick?" tanong ni Elon sa akin, marahil ay nahihiwagaan sa akto ni Clarisse ngayon sa harap ng kaibigan niya.

"Wala," mabilis kong sagot. "Baliw lang talaga 'yan."

Ipinagkibit-balikat na lang niya 'yon.

Totoong walang gusto si Clarisse kay Ulick, at least 'yon ang sinasabi niya sa amin. Masyado lang talaga silang malapit sa isa't isa dahil na rin sa tagal nang pinagsamahan nila na nag-ugat pa magmula pagkabata. Isama pa na may girlfriend na si Ulick for two years na kaya malabo talaga silang magkagustuhan.

I don't know their whole story though. Hindi naman kasi makuwento si Clarisse. Mas gusto lang niyang nakikinig sa kuwento ng iba kaysa sa paglalahad niya ng sarili niya. Kaya kung ikukumpara sa dalawa, mas kilala ko si Hazel kaysa sa kaniya.

And it's totally fine. Hindi naman lahat ng bagay kailangan ko. I only need to know a few facts about them. Enough for me to give my trust to them. At hindi ko rin naman puwedeng kilalanin siya at i-extract ang kuwento ng buhay para masabi na kilalang-kilala ko na siya.

The friendship the three of us have, isn't that shallow for us to force ourselves to know what story each of us have. Maghihintay kami kung kailan handa nang mag-open up ang isa. Makikinig kami kung sino ang may kuwentong dala. At magbabahagi kami sa isa't isa kung hindi na namin kaya.

Pagyakap ng mainip na tela sa dalawang balikat ko ang pumutol sa tren ng kaisipan sa isip ko. The familiar woodsy and dark musk scent of his perfume immediately filled my nostrils At nang magbaba ako ng tingin sa bagay na 'yon ay nakumpirma kong ang itim na jacket 'yon ni Elon na kanina ay suot niya.

"You look cold," he commented.

Inayos niya ang pagkakapatong ng jacket niya sa balikat ko. Isinuot ko 'yon ng buo. Nakakahiya man, pero nilalamig kasi talaga ako. At dahil malaki para sa akin ang jacket niya, umabot na 'yon hanggang sa hita ko at nakapaloob na rin sa manggas ang dalawang kamay ko.

"Thank you," I said.

"Breakfast? Kumain ba kayo?" tanong niya ulit.

"We ate enough. Kayo?"

"Kumain din kami."

Dead air followed that. Ang hirap umisip ng mapag-uusapan kapag siya ang kasama ko. Unlike whenever I'm with Gio, conversation flows like a calm river.

Kung sabagay, magkaiba naman kasi silang tao at magkaiba ang papel nila sa buhay ko kaya magkaiba rin ang napag-uusapan namin.

"Pasok na ba tayo sa loob?" Ulick asked both Elon and me.

Binalingan ko si Clarisse na pinupuntirya na ngayon ang sky flakes na marahil ay dal ani Ulick. Nakaipit na rin sa braso niya at tagiliran ang tumbler na nakita ko kaninang hawak ni Ulick.

"Walang hiya ka talaga, Clau," nakangiwing sabi ko.

Inirapan lang niya ako bilang sagot. Naiiling na humarap na kami sa gate papasok ng Apex dahil doon magsisimula ang opening para sa race. Sabay na naglakad kami ni Elon papasok sa loob habang nasa likod namin ang dalawa.

The whole surrounding is quiet as it's still almost empty. Parating pa lang halos ang mga estudyante O di kaya'y nandoon na sa gym kung saan magsisimula.

Napahinto ako sa paglalakad nang maramdamam ko ang pag-vibrate ng phone ko na nakalagay sa manipis na leather belt bag sa baywang ko. I silently took my phone out and was puzzled when an unregistered number popped out.

But what confused me more was the content of the message that I received.

From: 09*********

Puwede ba kitang makausap? Kahit mabilis lang. Please...

"Carmen," tawag ni Clarisse sa akin mula sa likuran kaya nawala sa cellphone ko ang atensyon ko.

"Oh?" I asked, not looking back at her.

"Lingunin mo ako, gaga," masungit niyang sagot.

I stopped in my tracks to face her just like she wanted. "Ano ba 'yon?" salubong ang dalawang kilay na tanong ko.

Sinenyasan niya ako na lumapit sa kaniya kaya agad ko siyang sinunod. And maybe Ulick felt that it was something private that he excused himself to join Elon who was in front of us.

"What is it, Clau? Kailangan ko na bang kabahan?" I asked, uneasy by the seriousness written in her face.

"Hindi ako ang pinakamabait na kaibigang mayroon ka kaya kong manabunot," puno ng kamalditahang saad niya.

"Ano bang pinagsasabi mo?" naguguluhan kong tanong.

"Sumbong mo sa akin kapag inaway, awayin ko rin para sa'yo," seryosong banta niya.

"Sino ba kasi?"

Imbes na sagutin ang tanong ko, nakasimangot na hinarap niya ang direksyon sa kanan kung saan tabo-tabi ang malalaking puno. Naningkit ang mga mata ko sa pag-aninag kung anong mayroon doon at nang makita ang pigura ng isang tao ay mas lalo akong naguluhan nang hindi makilala ang taong 'yon.

"Sino 'yon?" mahinang tanong ko sa kaniya.

Narinig ko ang rahas sa pinakawalan niyang buntong hininga. At sa timbre pa lang nang pagsasalita niya magmula pa kanina ay may hinuha na ako. Pero bakit?

Ni minsan hindi naman kami nag-usap. Kahit nga nagkakasalubong ang landas namin sa alinmang campus, eh, hindi kami nagtitinginan man lang. Why now? For what reason?

"Sige na, habang madilim pa," pagtataboy niya sa akin. "We'll wait outside the gym."

Napabuntong hininga na lang ako ulit. Mukhang kilala rin niya ang taong 'yon.

Walang pagmamadali na nilapitan ko siya. At sa ilang hakbang pa lang ay agad nang nanuot sa ilong ko ang amoy strawberry niyang pabago na larawan ng pagiging mahinhin niya.

And even at distance, I can already see her beauty. Kahit na simpleng kulay asul na summer dress lang siya na plain at walang disenyo ang ganda na niya. She looks so angelic. At maging ang pagiging morena niya ay mas nakadahdag pang lalo sa kagandahan niya na gandang Filipina talaga.

"Ma'am Ria," mahinang pagtawag ko sa pangalan niya.

Nginitian niya ako ng magaan. She even extended her arms for a shake hands but I just shook my head in response. Ayaw ko. At ayaw kong maging hipokrita sa pag-arteng okay lang ako sa kaniya pero sa loob ko hindi naman talaga.

"I texted you," she said, slowly taking back her arm. "Hindi mo yata napansin."

Nagbaba ako ulit ng tingin sa phone ko na hanggang ngayon ay hawak ko pa rin. "Ikaw pala 'yon," mahinang bulong ko.

"Oo. Hihingi lang sana ako ng pabor sa'yo," maingat niyang panimula.

Sa simpleng salita niya, bigla akong kinabahan. Wala pa man siyang sinasabi pero pakiramdam ko ang sakit na. Maaliwalas naman ang paligid namin at malamig ang lapat ng hangin sa balat ko pero ang dibdib ko... sobrang naninikip na.

"Ano po 'yon ma'am?" magalang na tanong ko.

Nakita ko siyang malalim na huminga na para bang kinakalma niya ang sarili niya. "Puwede mo ba akong tulungan kay Gio?"

Mabilis na umangat ang kanang kilay ko. I expected it to have a connection with Gio and I shouldn't be surprised anymore. I already readied myself to it. Pero iba pa rin pala talaga kapag narinig mo direkta mula sa kaniya.

Ang kaninang paninikip lang dibdib ko, parang pinipiga na talaga ngayon. I forced myself not to step backward to save myself from any possible pain. Alam ko, isang daang porsyente, na alinmang may kinalaman sa kanila ni Gio ay masasaktan ako.

"Hindi niya kasi ako kinakausap nitong mga nakaraan. Na-offend yata siya sa naging tanong ko kaya hanggang ngayon ini-ignore niya pa rin ako." Humakbang siya paabante para lapitan ako ngunit naging maagap ang pag-iling ko, sabay atras palayo. "Sorry," hingi niya ng paumanhin.

"Ano... hindi lang ako sanay kaya distansya na lang muna tayo," sabi ko. "Ano bang pinag-awayan niyo?"

"Hindi ko rin alam sa kaniya. I just simply asked him to invite me over dinner to their house, for him to introduce him to his family. After that, wala na. He walked out of the diner," kuwento niya.

Nagpantig ang tainga ko. Pakiramdam ko dinala ako sa lugar na iyon at araw na 'yon at pakiramdam ko naririnig ko ang lahat ng sinabi ni Ma'am Ria kay Gio.

Kumuyom ang mga kamay ko sa biglaang pagbugso ng iritasyon at inis sa dibdib ko. Wala ako roon pero pakiramdam ko nararamdaman ko rin ang mismong nararamdaman ni Gio. Ang inis. Ang galit. At ang poot na sigurado akong bumabalot sa kaniya nang mga sandalling 'yon, lahat ay damang-dama ko ngayon.

Biglang naging klaro sa akin ang lahat. Ang mga pagbabagong nangyari kay Gio na noon ay hinuha ko lang na siya nga ang dahilan, nilinaw niya ngayon dahil sa mga sinabi niya sa akin. No wonder why Gio became so affectionate suddenly. Because he was longing for Ma'am Ria's care. He was missing her to the point of thinking I was her.

Masakit? Oo. At sobrang nakakaloko kahit na inaasahan ko na ang ganito. I was undeniably used but I can do nothing about it. Kasi ginusto ko rin. Dahil hindi ako nagreklao ay hinayaan ko lang si Gio na gamitin akong pansamantala para punan ang presensya ni Ma'am Ria sa buhay niya.

"Kaya mo ba akong tulungan? Puwede mo bang sabihin sa kaniya na kausapin na ako?" umaasang tanong niya sa akin.

Nag-init ang dalawang sulok ng mga mata ko ngunit tinibayan ko ang loob ko para walang luhang bumagsak mula roon. Hindi puwede. Hindi sa harap niya dahil ayaw ko nang mas ibaba pa ang sarili ko sap ag-iyak sa harap ng babaeng dahilan kung bakit ako nasasaktan.

"Mali kasi, Ma'am," dismayado kong simula. "You've asked the wrong question to Gio. You've knocked on the wrong door. You could've just contented yourself with whatever he can give you. You shouldn't have asked for more. Sa lahat ng hihilingin mo sa kaniya, 'yon pa talaga kung saan ang lalim ng sugat niya." Marahan ko siyang inilingan, tinatanggihan ang pabor na hinihingi niya sa akin kahit na kaya ko siyang tulungan. "I'm sorry, Ma'am. I can help you with anything but not on this matter. Hintahin niyo na lang pong maging okay si Gio."

Walang lingon ko siyang tinalikuran ngunit isang hakbang pa lang ang nagagawa ko ay muling na siyang nagsalita dahilan para mapahinto ako sa paglalakad.

"Sigurado ka bang 'yan ang dahilan mo kaya ayaw mo kaming maayos dalawa? O baka naman gusto mo lang solohin ang atensyon niya kaya kahit kaya mo naman ay umaayaw ka?" seryoso niyang tanong. "Admit it, Carmen. You like Gio. You want him. You crave for his attention."

Naramdaman kong gumuhit ang sakit sa mga palad ko nang mas lalo pang dumiin ang pagkakakuyom ng kamao ko. I even bit my lower lip with force to stop myself from shouting at Ma'am Ria out of respect and also because I don't want to start a commotion.

Ang pinakaayaw ko sa lahat ay ang pinagbibintangan ako sa isang bagay na hindi ko naman intensyon. At sobrang hindi matanggap ng loob ko na pinararatangan niya ako ng isang bagay na kailanman hindi ko gagawin para sa sarili ko.

"I could be selfish if I want to. I could beg Gio to choose me. Kayang-kaya kong gawin ang lahat ng bintang mo, Ma'am Ria," pagbibigay riin ko. "Pero hindi ko ginawa at hinding-hindi ko gagawin. I want Gio? Noon pa. I crave for his attention? Heaven knows how much I want to be the sole owner of his attention. But I won't choose to be selfish and cage him with me. Hinding-hindi ako maghahanggad ng higit pa sa kung ano lang ang kaya niyang ibigay sa akin."

Umalpas ang sunud-sunod na mainit na likido sa magkabilang pisngi ko nang hindi na makayanan pa ang pagpipigil sa sobrang pagka puno ng mga emosyon sa dibdib ko.

Wala akong ibang ginawa kundi magparaya para sa kanilang dalawa. Alam kong ilugar ang sarili ko at malinaw sa aking kung hanggang saan lang ako. I'm not even wanting to cross the line between Gio and I. Dahil kung ako lang, mas gusto kong kumawala kaysa sa ipilit ang sarili ko sa mundo nila.

I shouldn't be that cruel to myself. Pero sa ipinapalabas niya ngayon ay naghahabol ako. Na ni minsan hindi pumasok sa isip ko dahil alam ko ang hangganan ng papel ko sa buhay nI Gio.

I contented myself with what he could give me. Hindi na ako nagpumilit. Sa bawat pag-iwan niya sa akin ay hindi ako naghabol kahit minsan. Nakuntento na ako sa tira-tirang atensyon, sa kakarampot na oras na kayang ibigay sa akin ng lalaking mahal ko.

I never complained because I know what Gio really wanted. Who he really loves and that's definitely not me but Ma'am Ria. And I would never be her. Not even in this lifetime.

"Ang suwerte mo, Ma'am Ria," pagod na sabi ko. I gritted my teeth to stop myself from letting out a sob. Ayaw ko nang mas ibaba pa ang sarili kong mababa na umpisa pa lang. "Ikaw 'yong mahal, eh. Ikaw 'yong nasa posisyong gusto kong angkinin. Pero marunong akong makuntento. Kaya sana ikaw rin. You should know better, Ma'am, because you're the girlfriend here and not me."

"Eh, hindi nga niya sinasabi sa akin!" halos pasigaw na sagot niya sa akin.

I could feel her frustration and I could also feel the same way. Magkaiba nga lang kami ng rason. Sa magkaiba pinanghuhugutan ngunit ang sentro ay sa iisa lang.

Kay Gio.

Tinuyo ko nag magkabilang pisngi ko. Nang masiguro kong wala ng bakas ng luha mula roon ay matapang ko siyang hinarap.

There were also unshed tears in her eyes due to frustration and maybe because she's also in pain.

"Sigurado ka bang kapag napakinggan mo ang sasabihin niya, hindi magbabago ang tingin mo sa kaniya? Kaya mo ba siyang tingnan ng kung paano mo siya tingnan ngayon?" naghahamon kong tanong. "Si Gio... sobrang sugat-sugat ang pagkatao no'n. Sobrang hina na ng loob no'n na isang pitik lang bibigay na siya panigurado."

Muli akong pinaligiran ng luha at gustuhin ko mang pigilan 'yon ay hindi ko na nagawang mapagtagumpayan. I let them escape my eyes. I allowed them to stream on my cheeks for Ma'am Ria to see how important Gio is to me.

"Kaya ingat na ingat ako sa taong 'yon na kahit madurog ako hindi ako kailanman nagrereklamo." Marahas kong pinunasan ang mga luha ko. "Gano'n ko kamahal si Gio. Kaya sana, anuman ang malaman mo tungkol sa kaniya... mahalin mo pa rin siya."

Hindi ko na siya hinyaan na makasagot pa sa akin. I just turned my back at her and walked away, leaving her confused with my words.

But to hell I care. Kailangan ko munang buuin muli ang sarili ko bago ko magawang harapin si Gio. Kailangan ko munang tipunin ang tapang ko para may magawa akong ipahirap sa kaniya oras na siya naman ang panghinaan ng loob.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top