Chapter 11
"Saan na naman tayo ngayon?" tanong ko sa kaniya.
Matapos ang pagpapalagay namin ng hena sa booth nila Elon ay bigla na lang niya akong hinila patungo sa kung saan.
We've already spent hours together but Gio seems to still have plan for our day. Papalubog na rin ang araw dahil halos alas singko na. At pakiramdam ko biyaya ang araw na 'to na pumawi sa lahat ng lungkot nanidinulot sa akin ni Gio nitong mga nagdaang araw dahil bawing-bawi ang lahat ng 'yon sa oras at atensyon na ibinibigay niya sa akin ngayon.
We still haven't talked about what he did, nor why we're still together right now when he's supposed to be with the person he adores. But to voice out, my concerns and questions weren't even a choice because I'm so afraid of what I might hear to even ask.
"Gio, saan ba kasi tayo pupunta?" nagtataka kong tanong sa kaniya. Kanina pa kami naglalakad na umabot pa sa puntong papalabas na kami ngayon ng main campus.
"Kakain tayo. It's almost dinner, Cae," he finally answered.
"May canteen naman sa loob. Doon na lang kaya?"
Inilingan niya ako. "Jollibee tayo," aya niya.
"Lalayo pa tayo, Gio," giit ko.
"Mas maganda na 'yong malayo tayo sa mga mata ng mga tao, Cae."
Napahinto ako sa paglalakad dahil doon kaya awtomatokong napahinto rin si Gio para lingunin ako. Nakalabas na kami ng campus at wala na ring masyadong mga estudyante sa parte na ito hindi tulad sa loob na halos walang lugar para sa espasyo.
Agad kong napagtanto ang gusto ibig niyang sabihin kaya wala pa mang minutong lumilipas ay agad na akong napuno ng sakit.
"Hindi ako si Ma'am Ria Gio para itago mo sa mga tao," may hinanakit na saad ko.
Hinayaan ko ang sarili ko na magpalamon sa sama ng loob dahil sa mga narinig ko sa kaniya. I knew the reason behind his words, of course, I would. Dahil sa lahat ng mga nangyayari sa buhay niya, alam ko. I knew almost everything about him that makes it difficult for me to act as if I wasn't hurting.
Lahat ng narirrinig ko, alam ko kung sino ang pinatutungkulan niya, wala namang iba. At hindi maganda sa pairamdam sa parte ko ang huling mga salita niya dahil pakiramdam ko ibang tao ang iniisip niya samantalang kasama niya ako.
Walang dahilan para magtago kami sa mga mata ng kung sinumang makakikita sa amin dahil alam ng lahat na may relasyon kami. Kaya pakiramdam ko, sa buong araw na magkasama kaming dalawa ay ibang tao ang nasa isip niya at hindi ako.
Disappointment filled me. Walang hirap na naiparamdam niya sa akin na hindi pa rin sapat ang presensya ko para mapunan ang araw niya. Na sa kabila ng lahat ng nangyari at ang mga ginawa niya... si Ma'am Ria pa rin ang hinahanap-hanap niya.
Ang babaeng mahal niya man ngunit hindi puwede. Gustuhin niya man kaso mali.
"Hindi mo ako kailangang itago sa mga mata ng tao dahil alam naman nila na tayo. Hindi mo kailangang umakto na para bang kasalanan na makasama ako kahit na hindi naman." Mapait ko siyang nginitian kasabay nang pagbalatay ng pagkapahiya at pagsisisi sa mga mata niya. "I'm your girlfriend here, Gio. At least, that's what people know."
Hindi ko na siya hinintay na sumagot pa. Nagpatiuna na ako sa paglalakad patungo sa fastfood chain na gusto niyang kainan namin nang hindi siya nililingon.
'Yong kaninang saya na dinala ako sa pinakamataas na punto ng buhay ko sa araw na ito ay bigla akong ibinagsak sa lupa nang walang babala dahilan para mas lalo kong maramdaman ang sakit at pagkadismaya.
Umasa ako na sa araw na ito, sa aming dalawa lang iikot ang mundo namin. Pinaniwalaan ko ang isang bagay na hindi naman pala magkakatotoo.
"Kukuha lang ako ng makakain natin," sabi niya nang makahanap kami ng bakanteng puwesto sa loob ng establisyimento.
Hindi ko siya pinigilan nang tumayo siya para bumalik sa pila para sa order naming dalawa. I remained at my seat, watching the building traffic along the highway in front of me. Dalawang palapag ang establishment at ang nasa second floor ang napili naming dalawa. Nandoon kami sa parte na glass wall ang kaharap namin at magkatabi ang upuan naming dalawa.
Ilang sandali lang din ay bumalik siya dala ang isang tray na may lamang pagkain naming dalawa. He ordered me a jolly spaghetti with cheesy yumburger and a sprite for drink, my usual meal. Kapareho lang 'yon halos ng order niya kung maliban sa fried niya. Hindi kasi siya mahilig sa burger 'di tulad kong 'yon ang comfort food.
Hindi na ako binigyan pa ng pagkakataon na makapagtanong dahil nagsimula na siya sa pag-asikaso sa akin.
"Kaya ko na, Gio," pag-ako ko.
He just winked at me before he continued to unwrap my burger. Nang matapos na ay ibinigay niya sa akin 'yon. "Here you go, babe."
That endearment...
Napabuntong-hininga na lang ako. Bakit ba kasi padating sa lalaking 'to ay napakarupok ko? Bakit kapag si Gio na ang bilis niyang nako-kontrol ang mga emosyon at maging ang takbo ng utak ko? He could effortlessly take over me and remove whatever I have in mind.
Kaya ngayon, imbes na magtanong ay nagpapatangay na naman ako sa pag-aalaga na ginagawa niya sa akin, na ngayon niya lang ginawa.
"Anong ginagawa mo?" kunot ang noong tanong ko.
"I'm mixing it for you," he answered, referring to my spaghetti that he's mixing right now. "Here." He placed it in front of me.
Nang matapos siya ay ang sarili niyang pagkain naman ang pinagtuunan niya ng pansin. He placed the fries in between our plates and dipped one piece before taking it close to my mouth.
"You're acting weird, Gio," puna ko.
"Why? This is how I usually am, Carmen," he said again.
I immediately bit my lower lip to stop myself from saying a single word. Iba na naman kasi ang naging dating ng sagot niya sa akin. At kung hindi ko pa pipigilan ang sarili ko, I'll only end up deepening the scar that is already in my heart.
Utang na loob ko na lang 'yon sa sarili ko, ang 'wag nang mas lalo pang saktan ang sarili ko dahil kahit papaano ay karapatan ko pa rin naman ang irespeto ang sarili ko. Kahit hindi na saya, kahit respeto na lang ang matira.
"Anong oras kayo bukas pupunta sa Apex?" tanong niya maya-maya.
He was referring to the color fun run the girls and I are going to attend tomorrow before the sunrise. Kaya kami nagplano ng dalawa na mag-overnight sa condo ni Haze dahil malapit sa Apex.
"Around quarter to five siguro. Kailangan ni Haze na maaga dahil magco-cover siya for Elite magazine," sagot ko.
I began to eat the spaghetti that he mixed for me, gano'n din ang ginagawa niya ngayon. Like a planned skit, we both raised our hands that were both holding a fork with twisted pasta on it. Sabay rin ang ginawa naming pagsubo at maging ang pagbaba ng kamay ay sabay rin.
"Ikaw? Mag-a-attend ka ba?" tanong ko.
Umiling siya sa akin. "Hindi na makakasama nag buong org. Busy kabi bukas the whole day for the preparation and dry run. Kaya baka hindi kita matawagan o ma-text man lang."
"Okay lang," mabilis kong sagot.
At siguro dahil sa sobrang bilis no'n kaya nilingon niya ako na salubong ang dalawang kilay at nagtatanong ang mga mata. Alangan na nginitian ko lang siya. I mentally slapped the back of my head. Ine-expose na naman ako ng sarili kong bibig.
Totoo naman kasi na okay lang sa akin. Hindi na rin naman na bago nag hindi niya pagpaparamdam dahil noon pa man bilang lang ang pagkakataon na nagkakausap kami sa telepono. At kung mangyayari man 'yon, madalas ay ang pagtatanong lang ng lokasyon kung nasaan ako. It doesn't even last to ten minutes at maximum kaya paano ko hahanap-hanapin ang bagay na 'yon?
Sa mga pangako niyang hindi natutupad lang naman sumasama ang loob ko. Dahil ang mga bagay na 'yon ang inaasahan kong tutuparin niya kahit papaano.
"You'll watch the play right?" he asked.
"Oo nga," natatawang sagot ko. "We already planned it out, including Ulick and Elon."
It's actually Clarisse who planned it. Sinabihan na lang niya kami kanina na she coordinated with the two guys to join us for the play at the end of the foundation. Kanina lang niya ipinaalam sa amin sa bahay. And it's fine with Haze and I.
Kilala naman naming pareho si Ulick kaya walang problema. In Elon's case, we'll make it work somehow for Haze.
"Mukhang close na kayo, ah?" puna niya sa akin.
"Nino?" naguguluhan kong tanong.
"That Elon..."
Nagkibit-balikat ako. "Hindi naman. We just met for a couple of time kaya siguro napalagay na ang loob namin sa isa't isa."
"You like him?" he asked in his most careful voice.
In my mind, there is already an answer made for his question. Hindi naman 'yon mahirap na tanong dahil kilala ko na ang sarili ko. But I took my time to analyze what I really am feeling towards that guy. I let silence fill us and gave myself an ample amount of time to formulate the right answer for him.
And maybe he took it differently. The silence I offered... he took it as an answer which was the opposite of what I really feel.
"Gusto mo siya," puno ng kasiguraduhang saad niya.
I don't know what has gotten into me that instead of answering the truth in my mind, I began to talk hypothetically to him. "What if I like him? Would you do something?"
Matapang na sinalubong ko ang mga mata niyang mataman ang lapat sa akin. Magkasiklop ang dalawang kamay niya ibabaw ng lamesa habang tinitingnan ako.
He looks like he's contemplating on his answers and I don't know what there's a need for that.
"What if I don't want you to like any other man?" he asked mysteriously. "What if I want it only to be me in your life?"
Ako naman ngayon ang nawalan ng imik. What he asked was something I never expected from him. Dahil bakit? Sa anong dahilan?
Dahil kung tama ang memorya ko sa mga nagdadaang usapan sa pagitan naming dalawa, walang problema sa kaniya kung maghanap man ako ng iba. He said he'd freely let me go for me to find the happiness he said I deserved.
Pero bakit nagbago yata ang ihip ng hangin at iba na ang naririnig ko sa kaniya. Bakit parang sa mga naririnig ko ngayon, kabaliktaran na ang ipinahihiwatig niya.
Malalim akong huminga habang sa malamlam na mga mata ay nakatingin ako sa kaniya. Kusang kumilos ang kaliwang kamay ko. I slowly slid it in between his arms until I was finally able to hold his hand. Mabilis niyang hinigpitan ang pagkakahawak ko roon kaya napangiti na lang ako... sa mapait na paraan.
"You need to be clear, Gio," panimula ko.
"Hmm?" nanghihingi ng kalinawang tanong niya.
"About what you want, what your intention is, and who you really need."
Mabilis na namasa ang dalawang mga mata ko sa bigat na unti-unting pumuno sa dibdib ko. Hindi ko pa man nakakalahati ang sasabihin ko, nasasaktan na ako. Wala pa man ako sa gitna ay pinanghihinaan na ako ng loob.
"You need to help yourself understand what you really feel, what your heart is looking for. Hindi puwedeng palagi na lang tayong nagkakapaan kung paano patutunguhan ang isa't isa." I bitterly smiled at him. "Ipakita mo sa akin kung hanggang saan lang ako. Ipaintindi mo sa akin ng hanggang saan ang puwede kong asahan mula sa'yo. Dahil alam mo, Gio?" Warm liquid fell from my cheeks, exposing to him how hurt I am with whatever is happening. "Sa mga ipinakikita mo sa akin ngayon at sa mga nakaraang araw, hindi ko na alam kung ano ang puwede kong asahan mula sa'yo. Nahihirapan na akong ilugar ang sarili ko."
Ang kaninang tahimik ng paligid ay mas lalo pang naging tahimik dahil sa mga sinabi ko. His eyes softened more as he began to dry my wet cheeks. Pero maagap ko siyang napigilan dahil ayaw ko nang bigyan pa ng lugar sa puso ko na umasa sa mga kilos niyang wala namang kasiguraduhan.
I have to dry my tears on my own. Hindi ko puwedeng iasa ang bagay na 'yon sa iba, mas lalo na sa kaniya. Sarili ko lang din naman ang pahihirapan ko kung sa dulo ng lahat ng 'to ay hindi pa rin ako ang pipiliin ni Gio.
I'd rather cry and comfort myself than wait for someone to dry my tears away.
"Nag-away kami ni Ria noong araw na 'yon," pagkukuwento niya.
Hindi ko na naramdaman pa ang gulat. I expected it already. Lalo na sa mga pagbabago niya. Malinaw na 'yon sa akin at itinatak ko na 'yon sa isip ko.
"Alam ko, Gio," seryosong sabi ko."Sa mga pagbabago mo pa lang alam ko na. And I want you to stop doing things to me that you don't usually do on a daily basis. Hindi. Ako. Si. Ria." madiin kong sabim "Malayo ako sa kaniya and I would really appreciate it if you'll know the difference between us. Because I know I deserve that, Gio. I deserve to be treated like how I am supposed to be... as who I am, as Carmen Rosales."
Marahan kong binawi ang kamay ko mula sa kaniya. All throughout the day, including the past days, I've spent with him, I always felt like he's treating me that way with another person in his mind.
Na lahat ng ginawa niya. ginawa niya 'yon dahil 'yon ang gusto niyang gawin kasama si Ma'am Ria. That's why everything felt foreign to me. Dahil hindi naman para sa akin ang lahat ng 'yon.
Even that confusing kiss, para pa rin kay Ma'am Ria at hindi para sa akin.
He sighed first before facing me again. We stayed like that for a few seconds, parehong naghahanap ng tiyempo kung kailan wawakasan ang tahimikan.
"Bakit?" lakas-loob na tanong ko. "Bakit mo ginawa 'yon?" tukoy ko sa ginawa niyang paghalik sa akin kanina.
Kinuha ulit ni Gio ang kamay ko ngunit naging maagap ang pagbawi ko. But Gio being Gio, held it again much tighter than the earlier one.
"Gio naman," nahihirapang saad ko. "Isipin mo 'yong babaeng talagang gusto mo."
Dapat masaya ako. Dapat okay lang sa akin at dapat hindi ako nagrereklamo. Kaso mas nilalamangan ako ng katotohanang palabas lang ang lahat ng ipinakita namin sa madla kanina. Na lahat ng nasaksihan niya nila ay kasinungalingan, malayo sa katotohanang gustuhin ko man ay mananatiling imposible dahil ako lang naman ang nagmamahal sa amin dalawa.
"Ask me again, Cae," seryosong utos niya sa akin.
"What do you mean?" I asked back, confused by what he wanted me to do.
"The question you asked earlier... ask me again. I'll give you my answer," he said, seriousness is evident in his voice.
Nagsalubong ang kilay ko nang hindi masundan ang tinatahak na direksyon ng pag-uusap namin. Kung alin ba sa mga naitanong ko na ang dapat na itanong ko sa kaniya ngayon.
Ngunit hindi rin nagtagal ay unti-unting luminaw sa akin ang lahat. Ang mga salitang gusto niyang marning mula sa akin, naalala ko na ngunit ang kahulugan ay naroon pa rin. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya ngayon. Hindi ko alam kung bakit siya ganito at talagang naguguluhan ako sa mga akto niya dahil masyadong malayo sa nakasanayan ko.
Hindi kami ganito. Hindi kami naghahawakan ng kamay. Ngunit makailang beses na niyang nagawa 'yon sa mga araw na nagdaan. At ang nangyari kanina... ni sa hinagap hindi ko naisip na mangyayari 'yon. At hanggang ngayon ay malinaw sa memorya ko ang nangyari.
Even the softness of his lips still lingers on mine. And damn me to hell for wanting more of it despite having no assurance about what he really wanted from me.
"Ask me, Cae," he pleaded.
Humugot ako ng isang malalim na hininga, binibigyan ng pansamantalang kapayapaan ang isip ko kahit imposible na. "Paano kung ayaw ko na?" tanong ko muli sa kaniya.
Masuyo niyang sinapo ang pisngi ko gamit isang kamay niya para magawa niyang masalubong ang mga mata kong pilit ko iniiwas sa kaniya.
He smiled at me genuinely. Gio's eyes were careful as he looks at me. Na sa sobrang ingat ay maging ako ay naaapektuhan. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa uri ng tingin na ibinibigau niya. Napupuno ang puso ko ng kakuntentuhan, dinadaig ang kaguluhang pumupuno sa isip lo dahil sa mga nangyayari ngayon sa pagitan naming dalawa.
"Paano kung gusto kong nasa tabi kita?" maingat na tanong niya. "Paano kung ayaw na kotamg lumayo sa akin? Paano kung hihilingin ko sa'yo na huwag mo akong iwan? Mapagbibigyan mo ba?"
Pinagkunutan ko siya ng noo ngunit sa mabilis na sandal lang ay agad ko ring naintindihan ang gusto niyang sabihin sa likod ng mga pahaging niya.
Ang hindi ko lang maintindihan, kung bakit sa lahat ng pagkakataon au ngayon pa na sobrang gulo na ng takbo ng isip ko dahil din sa kaniya.
Malalim akong huminga sa kaniya. "Puwede bang ako na lang ang humiling sa'yo?" umaasang tanong ko.
Pinakatitigan niya ako ng mabuti, hinihintay ang sasabihin ko pero tinakasan na ako ng lakas na makapagsalita. Nagsalubong ang dalawang kilay ko nang mas lalong maguluhan. Hindi ko na alam kung ano ang gusto ko ngayon, kung matagal ko nang pinaniniwalaang kasiyahan o ang tunay na kaligayahang sinasabi sa akin ng mga kaibigan ko.
"Oo naman. Ikaw pa ba? Ano ba 'yon?"
Huminga ako ng malalim, kinakapa sa puso ko kung sapat na ba ang tapang na mayroon ako para isatinig ang laman ng isip ko. Wala sa sariling humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay niya na para bang anumang sandali ay babawiin niyan 'yon mula sa pagkakahawak ko.
"Puwede mo ba akong bigyan ng isang linggo? Hindi... kahit limang araw lang," mahina kong dugtong.
Nagsalubong ang kilay ni Gio, naguguluhan sa kulang-kulang na mga salita ko.
"Limang araw na ano, Carmen?"
"Limang araw na ako lang ang iisipin mo? Limang araw na walang Ma'am Ria. Limang araw na ilalaan mo para sa akin lang. Puwede ba, Gio? Na magpanggap kang totoo ang nararamdaman mo kahit na sa loob ng mga sandali na 'yon lang?" Mabilis akong napakurap sa pagbabakasakaling mapipigilan ko pa ang pag-alpas ng luha sa mga mata ko ngunit kabiguan ang napala ko. "Puwede mo bang iparanas sa akin kung ano ang pakiramdam na totoo tayo? Kahit saglit lang. Kahit kathang-isip lang. Para kapag natapos na ang limang araw na 'yon... magagawa na kitang bitawan."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top