Chapter 1
I savored the mellow music from the earphones I have from both of my ears. Despite the heat of my surroundings, I remained still to where I was lying. Kung bakit ba naman kasi naunahan ako sa tambayan ko, eh. Wala tuloy akong ibang pagpipiliin kundi ang piliin ang isa sa mga pakalat-kalat na bench sa Heroes Park, isa sa mga tambayan ng mga estudyante ng Crest International University.
May bubong man ang kahoy na lamesang kapares na hinihigaan ko dahilan para hindi ako direktang matamaan ng araw, mainit pa rin ang paligid dahil sa singaw ng semento. Four hours of break really sucks. Lalo na kung wala kang kasamang kaibigan sa iisang course. Wala tuloy akong mapaglibangan at makausap man lang. Ang tulog na plano ko ay napurnada pa dahil may tao sa cottage na puwesto ko madalas.
"Miss, puwedeng makiupo?" tanong ng baritonong boses na hindi ko kilala. At dahil mahina lang ang kanta ay rinig na rinig ko pa rin ang boses niya.
Tumaas ng bahagya ang kilay ko nang marinig malalim na boses ng lalaki. He sounded mature for her age. Like he's a legit adult out of his teenage years. Napangiti ako sa naisip. My ideal man has always been someone older by age and mindset. Someone who could lead someone immature like me.
Tumango ako kahit na hindi ko naman siya kilala. Normal naman na ang ganito sa rami ba naman ng estudyante ng CIU. Madalas na may makikiupo sa puwesto mo kahit na estrangherp lalo na kung mag-isa ka lang.
I don't mind sitting with a stranger anyway. As long as magagawa ko pa rin ang mga kailangan kong gawin. Especially now that what I wanted was to sleep, no need for me to face him.
"Your phone's ringing, Miss," imporma niya.
I opened my eyes, but my body remained still. Nang sa tingin ko ay tumigil na ang pag-ring ng cellphone ko ay saka lang ako kumilos. Tinanggal ko ang earphones ko sa magkabilang tainga matapos ay umayos na ng upo.
"Tatlong oras pa," nakasimangot na saad ko.
Binalingan ko ang bag ko nang muling mag-ingay iyon. Hindi ko pa man binubuksan ang cellphone para kumpirmahin kung sino ang gumagambala sa katahimikang gusto ko dahil iisa lang naman ang laman ng contacts ko roon.
"Hindi mo ba sasagutin?" the one I was sitting with asked.
"Sagutin ko na ba?" nakangiwing tanong ko pabalik.
"Huwag mong sagutin kung hindi mo gusto."
Nangalumbaba ako at sa unang pagkakataon ay hinarap ang estrangherong kasama ko. Agad na naramdaman ko ang bahagyang panlalaki ng mga mata ko at ang pag-awang ng bibig ko nang makilala kung sino ang kaharap ko.
Who wouldn't know this man? Elon Madrigal of College of Architecture and Fine Arts. His mural painting at side wall of the main campus of our university went viral. It was picture proudly displaying different landscapes of the Philippines. At ang balita ko ay halos kalahating buwan niya iyon ipininta sa pagitan ng pasok niya. There was also a picture of him covered with paint and was still painting until midnight. And people admired him because of that.
Hindi makapaniwalang pinasadahan ko siya ng tingin. He's wearing his usual white cap that I often seen on his Instagram posts. It has no other designs aside from the two rings on the right corner of it. Pero ang hot ng dating kapag siya ang may suot. Bukas rin ang kulay grey na checkered polong suot niya kaya kita ang kulay puting tshirt na panloob niya.
"Elon," manghang tawag ko. Nakayuko siya sa sketchpad na nasa lamesa at abala sa ginagawa.
Nakakahiya man umakto ng ganito sa harapan niya, hindi ko mapigilan dahil tagahanga ako ng mga ipinipinta niya. At kung mayroon mang tao na talagang aminado akong inii-stalk ko sa kahit saang social media, siya iyon.
Bukod kasi sa magaling talaga siyang puminta ay may itsura rin siya. He got a tan skin tone with a black wavy hair that he rarely let everyone show unless he's inside of his classroom. Iyon ay base sa mga tsismis ni Clarisse na kaibigan ko sa akin. Nasa pagitan ng malaki at singkit ang mga hugis ng mga mata niya na bumabagay sa kulay no'n na kayumanggi. He also has a perfectly shaped lips and eyebrows. At ang ilong niya ay hindi matangos na matangos ngunit hindi rin pango.
"Kilala mo ako?" salubong ang kilay na tanong niya sa akin.
Lumunok ako para alisin ang bara sa lalamunan ko at para maiwasan ko ang pumiyok. "Sino ba naman ang hindi makakakilala sa iyo? You gave pride to our university through your artworks. Kung puwede ko nga lang iyong iuwi sa bahay namin ginawa ko na. Kaso imposible na mag-uwi ng pader kaya hanggang tingin na lang ako sa ipininta mo," daldal ko.
Maghakawak ang dalawang kamay na ibinaba ko iyon sa lamesa. Pakiramdam ko ay nagninigning ang mga mata ko habang tinitingnan siya. Para akong may kaharap na artista gayong normal na estudyante lang din naman siya.
Pero sikat kasi siya. Hindi lang sa Crest International University kundi maging sa mga karatig na unibersidad. He also has over a hundred thousand followers both on Instagram and Facebook kahit na madalas ay puro artworks niya ang mga post niya. Isang beses sa ilang buwan nga lang siya kung mag-post ng picture niya.
But girls love those mysterious type of men and that includes me. Kung hindi lang siguro alam ng karamihan na kami ni Gio ay baka hindi ko na pinigilan ang sarili ko na magkagusto sa taong ito. Pero kailangan kong pigilan kahit simpleng paghanga lang para wala ng komplikasyon.
"You like paintings?" tanong niya na mabilis kong inilingan.
"Hindi naman. Pero iyong mural na gawa mo kasi masyadong maganda na kahit ang mga katulad kong wala namang interes sa painting ay nakuha ang atesyon."
Napangiwi ako nang mapagtantong nagiging madaldal na ako. Bakit kay Gio hindi naman ako ganito? Palagi akong ingat at palaging pili ang bawat sasabihin ko.
"I could give you the smaller version of the mural," Elon offered.
Mas lalong kuminang ang mga mata ko sa antisipasyon. "Talaga?" walang bakas ng hiyang tanong ko kahit na iyon ang talagang nararamdaman ko.
Ngayon pa lang kami unang nakita at nagkausap. Ni sa hinagap ay hindi ako napalapit sa kaniya. Pero kung umakto ako sa kaniya ay para bang magkakilala na kami mula pagkabata. Nahihiya ako sa totoo lang. Pero hindi ko mapigilan ang sarili ko sa kadadaldal.
"Kung gusto mo lang naman. Nauna ko iyong ipininta kaysa sa nasa mural sa main campus."
"Bakit ka nga pala nandito sa main?" tanong ko, tuluyan nang isinasantabi ang hiya. "Sa summit ang mga CAFA, diba?"
Aba, minsan ka lang naman mabibigyan ng pagkakaton na makaharap ang taong hinahangaan mo kaya lulubusin ko na. Anong malay ko na huling beses na pala ito. Sa lawak ba naman ng populasyon ng university na ito, mababa ang porsyentong masusundan pa ito.
Lalo na apat ang campus ng CIU, Main Campus, Apex Campus, Summit Campus, at ang pinakadinadagsa ng mga kababaihan na Engineering Campus. Sa dalawang taon ko rito, Main at Apex pa lang ang napupuntahan ko. Si Elon naman ay sa Summit dahil doon ang campus ng college nila.
"May seminar kami sa student center mamaya," sagot niya. "Ikaw? Diba, sa Apex ka?" balik na tanong niya.
"Paano mo nalaman?" hindi naitatago ang gulat na tanong ko. "Kilala mo ba ako?" makapal ang mukhang dagdag ko.
Hindi ko na nagawang pagtuunan ng pansin ang tanong niya dahil mas nakuha ng ideyang maaaring kilala niya ako ag buong atensyon ko. Kulang ang salitang gulat para isalarawan ang nararamdaman ko ngayon. Ngunit higit doon, mas nangingibabaw ang kilig dahil sa katotohanang iyon.
He stopped sketching and closed the sketchpad in front of him. At doon ko lang napansin ang mga kalat na pintura sa kamay niya. And even that made him look hotter in my eyes.
Jusme! Bakit ba babaeng-babae ako sa harap ng guwapong ito?
"Nakasabay lang kita sa shuttle nong pasimula pa lang sem."
Mas lalong nanlaki ang mga mata ko. "Nakasabay kita? Bakit hindi ko yata napansin?" Kung pasimula iyon ng semester nang makasabay ko siya, ibig sabihin ay dalawang buwan na ang nakalipas mula ng araw na iyon.
"Nasa harap ka kasama siya."
"Sinong siya?" naguguluhan kong tanong.
"Siya." Lumagpas ang paningin niya, mula sa akin patungo sa likod ko.
Kunot ang noo na tumingin din ako sa likuran ko. Kung kanina ay ang dahilan ng panlalaki ng mga mata ko ay ang presensya ni Elon, ngayon ay dahil na sa lalaking papalapit sa amin ngayon. Malakas na kumabog ang dibdib ko, sa mabilis at maingay na paraan dahilan para rinig na rinig ko iyon na para bang nakatapat sa tainga ko ang dibdib ko.
Pero hindi dahil sa kaba. Kundi dahil sa kung sino siya.
Ganito naman palagi. Sa tuwing malapit siya ay nagwawala ang sistema ko at nagiging dominante ang totoong nararamdaman ko. His mere presence affects my whole being. With the sight of him, the beating of my heart goes out of control.
"Gio," sambit ko.
"Boyfriend mo?" usisa ni Elon sa mahinang tono.
"Hindi- I mean, oo," utal na sagot ko.
Kusang kumilos ang katawan ko para tumayo nang sagayon ay magawa kong harapin si Gio ng buo. Nang makalapit ay sinipat lang niya ng mabilis si Elon sa likuran ko bago ako naman ang hinarap.
"I called you," ang unang salitang sinabi niya.
Binalingan ko ang bag ko kung nasaan ang cellphone cellphone kong ginagamit ko lang para kontakin si Gio. The other phone I used earlier was an old phone that I'm using as my main one. Ang bagong nasa bag ay hindi ko masyadong ginagamit kung hindi lang din naman dahil kay Gio.
"Hindi ko napansin," dahilan ko.
Muli niyang tiningnan si Elon at kusang napasabay ang paglingon ko. Elon was now back to drawing another craft quietly.
Sabay na ibinalik namin ang tingin namin ni Gio sa isa't isa. Ngunit ang kaninang walang emosyon niyang mukha ay napalitan ng ngisi at mapanlokong ngiti. Irap ang naging tugon ko. At dahil hindi matanggap ng sistema ko na niloloko niya ako sa ibang lalaki ay sinipa ko siya ng mahina sa binti.
"Sira ulo," bulong ko.
"Tara. Kain tayo," aya niya.
Tumango ako agad, hindi na pinag-iisipan pa ang isasagot sa kaniya. "Susunod ako."
Tinanguan niya ako at tumalikod na para siguro puntahan ang sasakyan niya. Habang ako naman ay sinimulang iligpit ang sapin sa ginamit ko sa bench. Tinupi ko ang manipis na blanket na pinansapin ko. Lagi ko iyong dala-dala dahil palaging matagal ang mga break ko kaya mas gusto kong humiga at matulog kahit sandali.
"Alis na ako," paalam ko kay Elon bagaman hindi ako sigurado kung kailangan pa ba iyon. "Thank you sa time, Elon."
"Your name." Tumigil siya ulit sa ginagawa.
Dahil nakatayo ako habang siya naman ay nakaupo, tiningala niya pa ako para lamang magawa niyang masalubong ng direkta ang mga mata ko.
Because the sun was behind me and I was shielding his face from it, I have the best view of Elon's face. His presence sparked my playful imagination. Pakiramdam ko tuloy isa akong fan na nanghihingi ng pirma ng iniidolo niya. His eyes were sparkling as he looks at me as if wanting something that I could give him.
Iyong klase ng tingin na parang pusang naglalambing. At dahil sabi nga ni Clarisse Paraso, ang kaibigan kong numero unong basher ko, na marupok ako ay wala pa man siyang hinihingi pakiramdam ko ay bumibigay na ako.
"Anong mayroon sa pangalan ko?" naguguluhan kong tanong.
"I want to know your name, miss," he said sweetly making me melt even more.
Dang you girl, for being marupok!
Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko na alam kong hindi dahil sa init ng panahon. Maging ang tainga at leeg ko ay ramdam ko na rin ang pag-iinit.
"B-Bakit?" Bigo akong mapigilan ang pagkautal.
Mas lumawak ang ngiti niya sa akin. "How would I follow you on Instagram and add you on Facebook without knowing your name?" His smiled turned from an innocent one into a sly one before he added, "I only know how to paint. I have no talent in stalking people on different social media sites. So, do me a favor. Tell me your name and make it easy for me to know you more."
My jaw fell and the beating of my heart grew even crazier. Krimen ba ang kiligin sa lalaking hindi mo naman karelasyon? Hindi naman siguro, diba? Okay lang namang kiligin kay Elon dahil kakili-kilig naman kasi talaga?
Elon, dahan-dahan lang. At Carmen, kalma lang! Pangalan lang ang tinatanong pero pakiramdam ng ambisyosang ako ay higit pa roon.
"Carmen," pigil ang hiningang pagpapakilala ko.
He extended his hands in front of me. "Carmen?"
"Rosales. Carmen Rosales," sambit ko sabay abot sa kamay niya.
"Nice to finally know your name, Carmen. Elon Madrigal here."
***
Tahimik na iginala ko ang paningin ko sa buong lugar kung saan hindi nawawalan ng tao ang paligid. Mas puno pa ng ng tao kapag may pasok ang mga estudyante kaysa tuwing weekends na bilang lang ang nagpupunta rito.
Pero taliwas sa iba na gusto ang katahimikan, mas hinahanap ko ang maingay na kapaligiran. I find it peaceful that way. Mas nakakapag-isip ako at mas napagtutuunan ko ng pansin ang mga laman ng isip ko.
I sip on my taro flavored drink with tapioca pearls once again to quench my thirst. Baki ba kasi natapat sa tanghali ang Physical Education subject namin, eh. Isama pa na badminton ang sports naming ngayon hindi katulad noong first year na sayaw ang activity namin. Tuloy ay mas doble-doble ang pagod at pawis na pinagdadaanan namin. To think na may afternoon class pa kami at major subject pa.
Isama pa na hindi natuloy ang balak ko sanang pahinga dahil sa biglaang pag-uusap na namagitan sa amin ni Elon.
"Free ka ba mamaya?" tanong sa akin ni Clarisse.
"Bakit?" tanong ko pabalik.
"A friend of Ulick needs help. Baka lang naman puwede mo siyang tulungan."
"Hindi ko yata gusto ang ideya na iyan," natatawang saad ko.
Ulick is a Film student, a friend of Clarisse since they both go to the same extension campus of our university while I go to Apex. Magkaiba rin kami ng course kaya himala na nagtagpo ang schedule naming tuwing after lunch kaya nakakapagkita pa rin kami kahit papaano.
"The last time I heard from Hazel their final requirement was to produce a music video," I stated.
Hazel's a Film student, too, like Ulick. Magkaiba nga lang sila ng year dahil mas ahead si Ulick ng isang taon. Clarisse, Hazel, and I were all second-year students.
"Kaya nga baka lang naman makatulong ka. Desperado na ang loko dahil wala pa siyang nasisimulan hanggang ngayon. At hindi siya film student, huwag kang mag-alala. Alam ko namang malabo kang maging artista kaya nga hindi mo nasundan si Gio sa club nila," paliwanag niya.
"Magkakasawaan kami kung hanggang doon sasamahan ko siya. And girl, wala pa ngang midterms, final na agad ang problema niya?" natatawang tanong ko.
"Wala tayong magagawa. Kabaliktaran natin ang mga lalaking iyon. Mas masisipag pa sa atin na chill is life ang motto." Sumimangot ang mukha niya sabay kagat sa pizza pinagsasaluhan naming dalawa. "Ano? G ka ba?"
Hinalungkat ko sa isip ko ang schedule ko para mamaya. "Hanggang seven ako mamaya. May law ako."
"Sabihan ko na lang. Chat na lang kita kung mahihintay ka niya hanggang uwian mo."
"Hindi mo man lang ba tatanungin kung papayag ako?" nakabusangot na atungal ko.
"Pumayag ka na. Tulungan mo na iyong tao. Malapit na iyong makalbo sa sobrang stress sa acads niya."
Tumango ako sa kaniya at pinagtuunan na lang ng pansin ang parte ko sa medium size pizza na binili namin. It was divided into half, peperoni and hawaiian. Mine was the latter while Clarisee prefers peperoni. We mostly differ in preferences, even in taste of food. Kaya nakagugulat na naging magkaibigan kami.
Sabay na nilingon naming ni Clarisse ang phone ko nang umilaw iyon. Gio's name welcomed my eyes. My eyebrows automatically arched when Clarisse made vomiting sound as if disgusted by the call of Gio. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya, iniignora ang tawag ng lalaki.
"Diring-diri ka niyan?" pang-aasar ko.
"Oo," diretsang amin niya.
Nginiwian ko siya at binaling muli ang aparato nang mulig mag-ring iyon. I honestly don't want to answer his call lalo na at alam ko kung anong kailangan niya ngayon. It's lunch time and I wanted to give this time for myself. Sayang ang apat na oras na break kung sasaktan ko lang ang sarili ko kapag nakipagkita ako kay Gio.
Mukhang napansin naman ni Clarisse ang intensyon kong hindi sagutin ang tawag. "Nag-away kayo?"
Natatawang umiling ako. "Hindi. Nagkakasawaan na kami," pagbibiro ko.
Tinaasan niya ako ng kilay. "Bakit ka nandito?" pag-iiba niya ng usapan. O mas tamang sabihin na pagtatahak niya ng daang magbibigay sa kaniya ng tamang sagot. "Dapat nasa cottage kang paborito mong puwesto at natutulog ngayon."
Bumuntong hininga ako at hindi na nagawa pang itago sa harap niya ang pagkadismaya at lungkot. Akala ko rin magiging normal ang bakanteng oras ko matapos ang tagpo sa pagitan naming ni Elon kanina. Kaso ay nauwi lang sa ganito.
Mabuti na lang talaga at nakita ako ni Clarisse na katatapos lang ng klase ngayon. Mabuti na lang at kahit papaano ay may kasama ako.
I don't mind being alone. But to be left alone was what's making me sad and disappointed. Hindi naman ito ang unang beses pero kahit ilang ulit yatang mangyari ay hindi magbabago ang mararamdaman ko. Mas natatakot pa akong masanay sa gantitong klase ng pakiramdam dahil baka hindi ko na mabigyan ng halaga ang sarili ko.
"Sinundo ako ni Gio. Nagyayang kumain ng tanghalian tapos dinala ako rito. Kaso..." pambibitin ko.
"Kaso?" inip na tanong niya. Pero ang mata ni Clarise ngayon ay may bakit na ng iritasyon at maging ang kilay niya ay salubong na.
"Kaso tumawag siya. Alam mo naman si Gio, pagdating sa kaniya nakakalimot na. Wala ng ibang iniisip kung kung paano sila magkikita." Muli akong bumuntong-hininga, iniibsan ang bigat sa dibdib kahit imposible naman na. "Umalis siya limang minuto bago ka dumating. Ako naman itong tanga, umasang matutuloy ang plano niya para sa aming dalawa. Kaya ang ending, naiwan akong mag-isa."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top