XXI: Karma

XXI: Karma


The room was so bright and messy when I woke up.

Nagkalat sa paligid ang supot ng mga junk foods, plato, baso, petals, mga kalat ni Nein sa pasurpresa n'ya kagabi at iba pa. I always wake up in this type of view after parties, but what surprised me is waking up with my head laying on Nein's shoulder.

What's more surprising is not being able to move my head much because of a mild case of stiff neck.

Damn! Nakatulugan namin ni Nein ang panonood kagabi.

Speaking of the devil, he's silently sleeping beside me, his head facing the ceiling while seated on the couch. Nakanganga pa s'ya and he looks so cute with his messy hair.

I took my phone and was about to snap a picture of him nang makita ko ang oras sa phone ko.

Shoot! It's 9:30am! 1 hour late na kami sa first class!

Dali-dali kong ginising si Nein at naalimpungatan pa ito sa pagka-taranta ko.

"Move your ass! Late na tayo!" bulyaw ko nang magising ito.

He rubbed his neck which seems to hurt as well and checked if he has 'tulo laway' on his face. Good thing wala. "Screw class, magtanan na tayo," he said, still sleepy.

Kinuha ko ang remote at binato sa lalaki. "Ulol! Patayin mo na yung TV at magayos na."

Ngayon pa lang yata n'ya narealize na nakatulugan namin ang panonood kagabi. Sinunod nito ang aking sinabi at inihatid ako pauwi sa bahay nila Khio. Binilisan ko lang ang pag-aayos, mabuti na lang hindi ako ma-makeup na tao kagaya noon. Still, hindi nawala ang pulbo at lipstick sa bag ko, no need to do my brows 'coz they're naturally on fleek. I didn't bother to eat.

Paglabas ko ng bahay, nandoon kaagad si Nein, looking as attractive as usual. Chill lang ito at hindi alintana na late na kami. Nakuha pa nitong mag-drive thru sa McDo para ibilhan ako ng burger, fries at coffee.

Mabuti na lang sakto ang dating namin para sa second class.

Sumunod na klase ay Arts Appreciation. Binigyan kami ng professor ng assignment para kumuha ng mga pictures para sa intrams next week. Icocompile namin ang mga ito sa isang scraftbook.

Before the prof exit the room, he announced that there won't be any classes this afternoon. Magreport daw kami sa respective clubs namin at alamin ang mga gagawin para next week.

Medyo na-excite tuloy ako. Mukhang engrande kasi ang ganap next week, base sa mga nasimulang decorations na nadaanan namin ni Nein kanina on the way here. Students were busy around the hallways.


"What do you want for lunch, my Pie?" sweet na tanong ni Nein sa akin.

Hindi nakatakas ito sa tenga ni Jiv at agad na nang-asar pagkaupo na pagkaupo pa lang namin dito sa cafeteria. "Uuuy! May nagliligawan na! Sana all 'diba Jaime?"

"Iligaw ko mukha mo, peste ka," asar na banat ng huli.

"Kunyari ka pa Jaime eh," ngiting-asong asar din ni Olive. Dalawang 'to talaga.

"Isa, Olive," sita ni Jaime.

"Sige, ako nalang magsa-sana all para sa inyo. Tumahimik na kayo at madami nang pila," singit ni Khio. Sasabihin ko pa sana na may girlfriend na nga sya, bakit s'ya magsa-sana all? Pero nauna na ito sa linya ng bilihan.

"Inggit lang 'yon," wika ng katabi ko na si Nein. "What's your order, sugar pie honey buns?"

"Ewww! Pwe!" singit ni Jaime at umaktong nasusuka.

"Bakit Jaime, buntis ka? Talaga? Ready na ako! Yes! I'm a dad-" tinakpan ni Jaime ang bunganga ni Jiv dahil halos sumigaw na ito. Nagtitinginan tuloy ang mga tao.

"Tara na nga, Olive, iwan na natin yang si Jiverish." Hinila ni Jaime si Olive at sumunod kay Khio.

"Ikaw na bahala," I answered with a smile to Nein.

"Gotcha!" he answered with a wink.

Nang makaalis na ang lalaki, napansin ko ang ilang nagbubulungan at napapatingin sa akin. Isa sa kanila ay kaklase namin na nasa kabilang table. They gave me a thumbs up and a wide smile on their face as if to show support.

Support for what?

Nein went back with a grand burger, a plate of pasta and when I say a lot, I mean A LOT LOT LOT of bottled pineapple juice. "Baon mo mamaya sa club." He winked at me when he saw my puzzled look at the number of bottled pineapple juices.

"What are you? Her dad?" bitter na tanong ni Jaime. She even rolled her eyeballs.

"Ganon ba sayo ang tatay mo?" singit ni Khio na tila dinedepensahan si Nein. Okay? Weird.

Natigilan si Jaime at nagiba ang ekspresyon. Oops! Out of the line, Khio.

Nagsimulang bumanat si Jaime ng mahaba. Naglecture lang naman si Jaime about sa pambabara ni Khio kanina. Hindi rin nagpatalo si Khio at nakipagbangayan din. Both are equally smart, by the way. Habang kaming apat, nakikisabat lang para sumoporta o mang-asar.

"What I'm saying is just let the two 'love birds' be. Huwag kang bitter d'yan dahil hindi mo masagot si Jiv dahil strikto ang tatay mo. Choice mo 'yan. Either maging sunod-sunoran ka sa tatay mo o buwagin mo ang utos ng tatay mo. It's that simple, Jaime, we don't have to argue this far."

Lahat kami napanganga sa banat ni Khio. Ang daldal n'ya ngayon ah! It's strange that he seems to support Nein in courting me. This is not the kind of reaction I am expecting.

Tch! Where's his girlfriend anyway?

It's not that ano... it's just... bakit pinipili ni Khio na sumama sa amin kesa samahan ang girlfriend nya? Not to mention the kiss. He's such a bad boyfriend.


Nang matapos kaming kumain, nagtungong soccer field si Khio, si Nein naman sa gymnasium at si Jiv sa history club na kasalukuyang nagseset-up ng kanilang booth. Naiwan kaming magkakasama nila Olive at Jaime.

Dumiretso kami sa gazette office only to be asked to clean the new University President's office. Tatlo lang kami dito and I'm clueless as fuck as to how to clean this! I mean duh! I grew up from a mansion!

Jaime and Olive were laughing at me dahil hindi ko alam ang ginagawa ko kaninang naglilinis ng glass window gamit ang basang pamunas. Bakit ba kasi wala silang duster dito? Buti pa kila Khio meron.

Grabe! Pati CR pinalinis sa amin! Nasaan ang janitor ng school na 'to? Mabuti na lang malinis naman ang CR, OA lang talaga ako sa idea na maglilinis ako ng CR. Never have I imagined na balang araw magagawa ko ito.

For now, lulunukin ko muna ang pride ko. Maghintay kayo kapag nakagraduate ako.

Wait, pagka-graduate ko ano nga ba ako?

Dang it!

Napaisip tuloy ako kung anong kurso ba talaga ang gusto ko. Noong si Pacifica West pa ako, nakatatak na sa isip ko na kukuha ako ng Business Management para maging proud si dad at paniguradoong wala din naman akong ibang choice kundi iyon.

Nagyon, well, wala pa rin akong choice. Pero ano nga ba talaga ang gusto ko?

Habang nagwawalis ako sa puting tiles ng floor, inaalala ko ang mga bagay na mga gusto kong gawin.

Magparty.

Nagpabida.

Manalo.

Magwaldas ng pera.

Magpageant (Sadly, hindi ko na kayang gawin ito dahil sa stage freight ko).

Ano pa ba?

Napaka-walang kuwenta ng buhay ko pala noon.

My thoughts were interrupted by a sudden noise coming from where Olive is. Sumunod dito ang sigaw ni Jaime, "Oh my gosh, Olive!" Natataranta ang tono nito at bakas din ang kaba.

Napamura na lang ako nang makita ang malaking kulay puting vase sa sahig na nasa side table kanina. Aside from that, madaming dugo sa hintuturo ni Olive pero kahit na ganon ay walang tigil ito sa pagpupulot ng mga nahulog na mga parte.

"Dali, tulungan n'yo ako, itapon natin. Mura lang naman siguro 'to." Sinubukan ni Olive na huwag mataranta pero nabigo ito.

"Anong mura? May ganya kami sa bahay and it only costs 20 thousand dollars!" Hindi na alam ni Jaime kung tutulong ba kay Olive o matataranta na lang.

Iniwan ko ang pamunas at dinalohan si Olive. We both tried our best to pick up the pieces while Jaime tried her best to finish off our work.

"Kalma, Olive, vase lang yan. Not like makikick out tayo just because of a..." napalunok ako, "20,000 dollar vase."

I saw Olive gulped, too. Oh, we're screwed.

Shoot! Pati ako nagkaroon na ng sugat dahil sa mga bubog.

Hindi namin inaasahan ang mabilis na pagbukas ng pinto ng office. Napatalon kaming tatlo nila Olive at Jaime dahil dito. Shoot talaga!

"Tita! I even transferred here just for him tapos he's just going to break up with me pala? –" she was about to say more but the lady in front of her stopped walking upon seeing the scene inside.

Both of them had a shocked expression on their pretty faces. Si Hariet mukhang ang basag na vase sa floor ang inaalala, samantalang ang babae sa harap- "Oh dear! Your wounds are bleeding!"

Patakbong tinungo kami ng babaeng nasa kanyang late 40s. Kung tama ang hula ko, ito ang bagong university president.

She kneeled in front of me and Olive as she took my slightly bleeding hand and inspected it. She looked very worried and her touch was so gentle that it calms me from being scared to be kicked out just because of a vase.

"Tita, your vase," Harriet interrupted, "it's broken!" wika nito habang iritang nakaturo sa basag na ornament sa ground na parang sinasabing 'mas importate pa ba yang mga sugat nila kaysa sa vase?'

"Harriet, it's a vase, it's meant to be broken like a promise," paliwanag ng babae. Wait, ito na ba talaga ang bagong president? But what? She's Harriet's aunt and uuuh... who broke up with Harriet? Don't tell me...

Whatever! Bahala sila.

Kinuha ng tita ni Harriet ang branded na handbag at may hinanap dito. "Wait, I think I have some band aids here." Wala pang ilang segundo, nahanap na nito ang tinutukoy at ibinigay sa amin ni Olive ang kaparehong band aid na bigay sa akin ni tita Minerva.

Disney princess band aids?

I guess no one's really old enough for Disney.

I took the Cinderella band aid and thanked her but Olive did not take hers and bowed her head instead. "S-sorry po sa vase. Handa po akong tanggapin ang parusa, hindi po kasali dito ang mga kaibigan ko," paumanhin ni Olive, almost looking like she's about to cry.

The lady shook her head, still managing to look classy, and said, "Don't be sorry. Accidents happen sometimes. It's all normal."

"Tita, ang mahal ng vase na 'yan! Binili pa natin 'yan sa Thailand!" Harriet exclaimed.

Nagiba ang malambot na ekspresyon ng babae sa harap namin dahil halatang hindi nito nagustohan ang tono ng kanyang pamangkin. "Sinisigawan mo na ba ako ngayon, Harriet?"

Biglang natahimik si Harriet. For a second, she looks like a tamed puppy and right after that, she looks like a tiger again, glaring at me and my friends. Parang sinasabi ng kanyang tingin na maghanda kami sa susunod na magkita kami. Pagkatapos non, nag-walk out ang talong babae.

Now, I have a sensible reason to hate her.

"Thank you po, mam, but really, Olive needs to be punished," basag ni Jaime sa ilang segundong katahimikan.

Napalingon ako sa kinatatayuan ng babae at binigyan ng silent 'Huy!' look. Sinagot lang ako nito ng silent 'What?' look pabalik.

I heard the lady in front giggle. Her voice sounds so soft. "Huwag kayong magalala. Okay lang talaga." She smiled at us gently at tinulungan kami ni Olive tumayo. "Now, go take care of your wounds. Ipapatawag ko na lang 'yung janitor para umasikaso dito. In the first place s'ya naman talaga dapat ang naglilinis dito at hindi kayo. Naabala pa kayo, pasensya na."

S'ya pa talaga ang nag-sorry.

"Kami na lang po, mam, since the job is about done naman na at para makabawi na rin kami sa nabasag na vase," wika ko.

She once again shook her head and took both of my hands. Banayad ang tingin nito sa aking mga mata. "Next time someone commands you to clean the University President's room, tell them to do it themselves. You have a life to live and you girls should be out there enjoying." Makabuluhan ang bawat salita nito.

I can't explain why but I have this weird feeling about her. I don't know if it's because she's insanely nice or something but I feel so warm with her, like... like something's screaming inside me but I don't know what it is.


Khio's POV

"Hindi mo ba ako naririnig? They broke tita's vase and tita's just letting them go! Can you imagine?" reklamo ni Harriet nang paulit-ulit habang naglalakad ako papunta sa locker room para magpalit dahil tapos na ang practice.

"You know my tita, right? She's always mad at me tapos sila ganon-ganon na lang?" pagpapatuloy nito.

Gusto ko sanang sagutin ang huling sinabi nito na kaya laging galit sa kanya ang kanyang tita ay dahil sa masamang ugali nito pero pinabayaan ko na lang s'yang magsalita hanggang sa naiwan ito sa labas ng locker room.

Nakakasawang pakinggan ang boses n'ya.

"Dude, ang chiks nung bumubuntot sayo, bakit hindi mo patulan?" asar ng isa sa team mate ko.

"Kung tipo mo, ligawan mo, huwag mong ipasa sa akin dahil hindi ako interesado sa mga mabaho ang ugali," walang ganang sagot ko.

Paglabas ko ng locker room, nandito pa rin si Harriet. Nagpatuloy ito sa pagsabi ng mga hinanakit at hinayaan ko lang ito na parang hindi nakikita hanggang sa napuno na ako.

"Wala ka bang kaibigan? Ako pa talaga ginugulo mo," inis na wika ko.

"I don't need friends. But anyway, back to the story," maarteng wika nito na lalong nakapagpainit ng ulo ko. "Kulang pa yung sugat na nakuha nung Olive at Pacifica na 'yon. They could've just bled to death-"

Hindi ko na pinatapos ang sasabihin nito at tumakbo papunta sa office na tinutukoy ni Harriet. Binilisan ko ang takbo at wala akong pakealam kung pagtinginan pa ako ng mga tao.

Napadaan ako sa parking lot at napansin na nandoon ang hinahanap ko kasama ang Syam na buhay na madaming sikreto. Nilapitan ko ang dalawa. Wala akong pake kung maistorbo ko man ang date nila.

"Sigurado kang hindi masakit 'yang sugat mo?" tanong ni Syam.

"May sinabi ba ako na hindi masakit? Ang hapdi kaya! Idagdag mo pa yung sakit ng leeg ko dahil sa kagabi," wika ni Pacifica at sinubukang igalaw ang leeg pero mukhang nahihirapan ito. Kaya pala hindi n'ya masyadong nagagalaw ang leeg n'ya kanina pa. I wanted to ask but I couldn't.

Bahagyang natawa ang lalaki at hinila si Pacifa palapit sa kanya. Dito na ako napatigil sa paglalakad. "Ikaw naman kasi, napaka wild mo kagabi, sabi ko let's be gentle eh."

Nagpantig ang aking pandinig nang marinig ko ang mga salitang 'yon mula kay Syam. Hindi ako nakagalaw ng ilang segundo. Mabuti na lang at hindi nila ako napansin dito sa likod.

Halos manginig ako sa galit. Halos suntokin ko ang sasakyan ng PE instructor namin dahil sa halo-halong emosyon.

Bakit ba nangyayari 'to sa akin?

Napatawa ako ng mapakla.

Ito na yata ang karma ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top