XX: Be Mine
XX: Be Mine
"HAHAHAHA pahiya yung paKhio na yon! HAHAHAHA!" Ang lakas ng tawa ni Nein habang nagpaparking sa tapat ng bahay nila tita Minerva.
"Tsk! Hindi maka-move on," bulong ko sa ere. Kanina pa 'yan biglang natatawa simula pag-uwi namin galing sa RSU.
Mukhang hindi pa tapos si Nein at binuksan ang pinto ng kotse sa tabi n'ya at sumigaw, "PaKhio! Gago HAHAHAHAHA!"
Luh! Hindi na nahiya kila tita Minerva. "Nein!"
He looks so happy about it. Ang babaw ng kaligayahan.
Namalayan ko na lang ang sarili ko na nakangiti habang nakatitig sa kanya. Nakangiting napatingin naman sa akin ang lalaki habang nakasandal ang siko sa bintana ng kanyang Aston.
Kasabay ng pagkawala ng aking ngiti ay ang pag-iba ng ibig sabihin ng ngiti ng lalaki. He looks so soft and gentle.
Why so cute when smiling, Nein? Lalong sumisingkit ang mata n'ya kapag ngumingiti s'ya.
"Yes, I will marry you, my pie," banayad ang boses na wika nito.
"Ha?" kinuha ko ang tissue sa harap ko at binato sa mukha n'ya. "Ulol! Baba na ako. See you later at wag mong kakainin yung samgyup habang wala ako."
Natawa ang lalaki. "Oo, sayo lang 'yon."
Isinara ko ang pinto ng sasakyan ni Nein at deretsong pumasok sa loob ng gate nang walang lingon-lingon. Excited na ako sa samgyup ko!
Magbibihis lang ako nang mabilis at pupunta na rin sa bahay ni Nein. Mabuti na lang wala si Khio paguwi ko pero wala din pala akong pake dahil may samgyup ako!
Pinayagan naman ako ni tita Minerva na magsleep-over kasama ni Nein. This is not our first sleep over though. Not the second, nor third or fourth. Madalas kaming magsleep-over ni Nein noong bata kami at noong senior high kasama ang mga barkada namin.
Napangiti ulit ako nang maalala ko noong mga bata kami.
Blangko ang ekspression at tila isang estatwa na nakatitig ang babae sa repleksyon ng bintana sa harap ko. Maulan ang gabi at parang ito na ang umiiyak para sa akin dahil hindi ko na yata kayang umiyak pa.
"Ito na ang gamot mo, 'nak," wika ng personal nurse ko. Itinabi n'ya ang gamot at tubig sa katabing mesa. Saglit na tumigil ang nurse para silipin ang tinitignan ko sa baba. "Meron pala ulit si Nein. Mabuti naman. Makakatulong sya sa pagrecover mo sa trauma-"
"Lumabas ka na nga, puwede?" baling ko sa makulit na nurse.
Ngumiti lamang ang babae at nagbow, pagkatapos ay umalis na din. Muli akong bumaling sa bintana. Tuwing nakikita ko ang ngiti at saya sa mukha ng Nein na 'yon, naiirita ako. Mali, naiingit ako.
Nakangiting parang timang ang labindalawang taong gulang na Nein na sinalubong naman ng isang maid dala ang isang payong. Bitbit nito ang kanyang malaking bag na malamang mga damit at kung anu-ano pa para makitulog na naman dito.
"Hi, Pie!" puno ng siglang bati nito pagdating sa aking kuwarto.
"Stop calling me that." Tinalikuran ko s'ya at binuksan ang aking libro para mag-aral. Ayaw ko nang masaktan ulit ni papa dahil hindi ako ang nangunguna sa klase.
"Eh your name is so long. Ang hirap pa iprenuwns," he said jokingly.
"Pronounce," I corrected him.
"Joke lang! Ito naman, ang seryoso. But anyway, what shall we play tonight? – Oh wait, have you eaten yet?"
Nagsimula na naman s'ya sa pangungulit. I took my headphone and played a loud, relaxing piano music.
Nagfocus na lang ako sa pagaaral. Bahala na si Nein dyan. Titigil din yan.
Kung palayasin ko 'yan gaya ng ginawa ko noong una n'yang ginawa ito, baka saktan ako ulit ni Dad. Malamang, partner sa illegal na gawin ang mga ama namin.
Akmang kukunin ko ang libro ko sa dakong north-west ko nang hindi ko napansin ang iaabaot sana na pagkain ni Nein. Gumawa ng malakas na ingay ang pagkabasag ng plato na may laman na paborito kong chocolate-dipped strawberries. Maliban doon, natapunan din ng juice ang mga notes ko sa ibat-ibang subjects. Ilanga raw koi tong sinulat.
"Ano ba!" Malakas kong itinulak ang dahilan ng pagkabasa ng aking mga notes at pagkatapon ng aking mga strawberries sa sahig.
Nanlilisik ang aking mga mata sa galit. Hindi ko alam pero natutuwa akong makita na mabura ang ngiti sa labi ng nakakairitang Nein na ito na kasalukuyang nakaupo sa sahig.
"Sorry..." paumanhin nito.
"Hinahayaan na nga kitang manggulo dito tapos maninira ka pa! Magulo na nga buhay ko, manggugulo ka pa!"
Patakbo akong umalis sa aking kuwarto at nagtungo sa garden kahit na madilim na at umuulan. Nagtago ako sa paborito kong cottage sa gitna ng grass maze.
Ang sama sa pakiramdam ng gusto mong umiyak pero walang lumalabas ng luha. Parang pinipiga ang puso ko pero hindi ako makasigaw para humingi ng tulong.
Wala nang nangyaring maganda sa buhay ko. Kung tingin nila natutuwa akong maging una lagi sa klase at mga contest, hindi dahil grabe ang pressure na ibinibigay sa akin ng pagkatalo at consequence na idudulot nito.
I always win because I always have to. Falling means Dad can get a reason to hurt me.
Hindi nagtagal, sumunod din si Nein dito sa kinaroroonan ko. Malamang kabisado na n'ya ang daan sa maze dahil palagi ko syang inililigaw dito para malubayan n'ya ako saglit.
Unlucky me, matalino si Nein at sa ikatlong ginawa ko 'yon, kabisado na n'ya agad ang pasikot-sikot dito.
"I won't say sorry about the strawberries and notebooks, but I think I need to apologize for coming here all the time. It's just that you seem so lonely. I can't tell your dad to stop hurting you but at least let me make you smile," Nein said, so calm and innocent.
"You can't make me happy! Just leave me alone!"
"I can't because you're not letting me. A lot of people wants to reach out to you but you're not letting them. Instead, your locking yourself up in pain."
Napatigil ako sa kanyang sinabi.
He's right.
This was the time I realized how much people wants to be my friend. They were reaching out but they can't reach the walls I have built.
So, I started having friends. However, I discovered that they only want to befriend me because I am rich, smart and famous. Without those traits, they'd leave me.
What Nein said that night was the reason why I started having a lot of friends and acted like a fame-freak but he's also the only person who stayed no matter what happened to me, sila ni tita Minerva.
Suot ang mahabang pajama ko, tumawid ako sa kalsada para pumuta sa bahay ni Nein. This house is so small compared to their mansion. Well, semi-mansion na ito pero mas maliit pa rin talaga ito nang malayo.
He must've miss his brothers and parents. Kahit na gumagawa ng illegal ang mga magulang nila, hindi sila nagkukulang sa pagmamahal sa mga anak nila. Nein's parents are nice people but they had to inherit their business from their parents even though they are not in favor of it.
Pagpasok ko sa loob ng bahay, walang sumalubong sa akin na Nein o samgyup sa table ng sala.
Nagulat ako sa fairy lights sa handle ng hagdanan at mga pictures namin na nakadikit sa wall pataas. Wala naman ang mga 'to noong huling punta ko dito, 'diba?
Anong pakulo na naman 'to?
"Nein! Bumaba ka nga! Ang dami mong arte, magssleepover lang naman!" Sinigurado kong maririnig ang boses ko sa taas dahil paniguradong nandoon s'ya.
Ngayon ko lang narealize na ito pala ang unang beses na ako ang pupunta sa bahay ni Nein para magsleepover. Madalas kasi ay sa bahay kami magsleepover o sa mga barkada namin.
"Hay!" Mukhang walang balak bumaba ang lalaking 'yon.
Fine! Sasakayan ko na lang ang trip n'ya.
"There better not be something scary up there," bulong ko sa sarili.
Isa-isa kong tinignan ang mga litrato sa asul na dingding.
Wala ako sa unang litrato. Makikita lamang ay si Nein at ang mansyon namin. Sa baba, may nakalagay na "First Sleepover. She kicked me out of the house tho."
Humakbang ako sa susunod na hagdan na katapat ng ikalawang picture. Mga litrato ito ng grass maze namin sa mansion. 'This is the second time she did this so I took a picture of the maze and made a map out of it.'
Clever Nein. Kaya pala hindi na nawala sa ikatlong beses.
Ang ikatlong larawan ay ang pinaka-unang litrato namin na magkasama. Sa mansion ito sa Olidad noon. Kinuha ito noong isang araw na nagsleepover kami at nagselfie s'ya na maroon ako sa backround na nagaaral.
'I spilled the glass of milk on her notebook and spoiled her strawberries. It's her fault tho.'
Yup, ito ay ang araw na iyon.
Lahat ng pictures namin na magksama ay nandito. Pati 'yung meron sila Reighn, Rio at iba pa naming barkada nandito. Ang nakakatawa, nidrawingan n'ya ang mga mukha nila ng may mga bigote at sungay.
I remember the hell I was in to back in Olidad. Akala ko ang sarap ng buhay ko sa pagparty, paggasto ng pera, manalo lagi at kung ano pa pero sa huli narealize ko na hindi ganon ang buhay na gusto ko.
Pagdating ko sa second floor, nakita ko kaagad ang kuwarto ni Nein na may mga fairy lights sa paligid nito. Napairap ako sa kabaliwan ng lalaki.
"There's probably something scary in there." It's not the first time he did this. Maliban na lang sa mga pictures pero ginawa na nila ito noon nila Rio. May naghihintay na gugulat sa akin sa loob ng kuwarto, pustahan.
Dahil alam ko na ang susunod na mangyayari, hindi na ako magugulat at matatakot this time.
Dahan-dahan kong pinihit ang knob ng pintuan para masigrado ko kung anong nasa loob.
Inaasahan kong nakapatay ang ilaw pero tumakas agad ang malakas na ilaw galing sa kuwarto pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto. Amoy na amoy din ang halimuyak ng paborito kong bulaklak – lavenders.
Okay, anong meron? I fully opened the door and what I saw wasn't what I was expecting at all.
Sumilay ang mga balloon sa floor at dingding. May mga litrato ulit sa walls at nagkalat ang matitingkad na petals ng lavender sa sahig. Sa veranda, noroon ang binili namig samgyup kanina at iba pang mga masasarap na pagkain.
Walang nanggulat sa akin na Nein gaya ng nangyari noon, pero may kumata naman na Nein sa aking harapan habang hawak ang aking kamay. Mabagal ako nitong hinila papunta sa corner na mayroong nakalagay na 'Be Mine".
He's singing 'Mundo' by IV of Spades.
Damn! His cold voice, so soft it touches my heart.
Corny man, sobrang saya ko dahil sa ginawa n'yang ito. It makes me feel so special.
"Aking sinta, ikaw na ang tahanan at mundo. Sa pagbalik, mananatili na sa piling mo," he's just staring at me while I'm blushing.
"Mundo'y magiging ikaw."
Damn! This better not be a prank.
He has always been here for me. Never n'ya akong iniwan kahit na anong mangyari.
Naging masungit ako. Naging mabait. Naging wasted. Naging loser. Hanggang sa nawala ko lahat at nagsimula muli, nandito pa rin sya. Hindi n'ya ako iniwan.
"Limutin na ang mundo
Nang magkasama tayo
Sunod sa bawat galaw
Hindi na maliligaw
Mundo'y magiging ikaw"
His hazel brown eyes are sparkling through the light of the room. He never let go of my hands.
He inched a little bit closer and I can't help but admire his damn features. How could he be so cute and hot at the same time?
He looks even more attractive than before.
"Pacifica," ito ang ikalawang beses na tinawag nya ako sa aking pangalan. I remember the first. "I love you. I always have. I will never let you go. I will never let anyone steal you away from me."
Nakita ko ang paglunok n'ya saglit at tinignan ang magkahawak naming kamay tsaka bumalik ang tingin sa mga mata ko. "Plano ko sanang sabihin ito sayo pagkatapos ng gulo na kinahaharap natin pero hindi ko hahayaan na maagaw ka n'ya sa akin. Hindi ako papayag, Pacifica. Hindi ko kayang makita ka kasama ang iba."
Hindi ko alam kung epekto ng ilaw sa paligid pero parang naluluha si Nein.
"Pacifica, let me be your world. Let me be the one to make you happy forever. Let me be the one who wipes away your pain," lalo pa syang lumapit, halos magdikit na ang mga ilong namin.
Damn!
"Let me court you, my Pie."
Shit! Shit! Shit!
Never ko naimagine na aabot kami sa ganitong stage. I never saw Nein as a potential love-partner, but I feel so happy with him. Alam ko na mapapasaya n'ya ako at hinding hindi nya ako iiwan.
Kaya naman...
Sinuntok ko sya nang malakas sa braso.
"Aray!" Napalayo ang lalaki ng konti habang hawak ang sinuntok ko.
"Court lang naman pala! Ano yung nakalagay sa wall na Be Mine? Baliw ka ba?" natatawang bulyaw ko sa kanya.
Abot tenga ang aking ngiti ngayon at ganon din s'ya. Nawawala na naman ang mga mata n'ya.
"Eh dapat kasi aayain na kitang magpakasal pero sabi ni Uno na ligawan muna kita. Sorry na." He pouted and took my hands again. "So ano, future Missis Wanjo?"
I remembered Khio... but I also remember everything that Nein did for me.
Khio's POV
Binuksan ko ang Messenger ko dahil sa text ni Hariet na magusap daw kami ulit.
"Bakit ba ang kulit mo?," reply ko.
"We never had a closure! You just stopped talking to me!" sagot naman nito.
Niseen ko na lang ang huling chat nito. Kanina pa kami paulit-ulit sa usapang ito pero hindi n'ya yata naiintindihan.
Sumama lang naman ako sa kanya kaninang lunch break para linawin ang lahat sa kanya. Kagabi pa ako nito kinukulit kaya hinayaan ko na lang na tangayin ako kanina. She even transferred to RSU for me.
Sinara ko ang messenger at binuksan saglit ang facebook ko para pumatay ng konting oras. Nakita ko lang naman ang nakakasukang post ni Jiv na walang suot pantaas.
Nagreact ako dito ng 'haha' at nagcomment, "@Raffy Tulfo in action". May 109 reacts at 45 comments na ito ngayon kahit trenta minutos pa lang ang nakalipas matapos mapost. Famous din pala ang ugok na 'to.
Nagscroll pa ako sa ibang nagcomment at nakita ang pangalan ni Syam. Ang nakakuha sa attention ko ay hindi ang comment n'ya na "Fafa" kundi ang profile picture n'ya na kasama si Pacifica.
Hindi ko friend dito sa facelook ang Syam na 'yon kaya hindi ko ito nakita sa news feed ko. Pumunta ako sa timeline nito at binuksan ang profile picture para makasigurado.
Si Pacifica nga ang kasama n'ya. May hawak itong bouquet ng bulaklak habang nakapajama. Nakahawak ng kamay ni Syam sa kanyang bewang habang ngiting-ngiti.
Posted 20 mins ago
"My Pie, My Pacific Ocean, My world <3"
*insert picture*
205 reacts. 106 comments.
Ngayon ko lang napansin ang pagmention sa akin ni Jiv, Olive at Jaime sa comment section ng litrato.
Olive : @Khione pinsan mo lumalandi na oh HAHAHAHA
Jaime: @Khione please bless the wedding, protective cousin.
Jiv : Congrats to the love birds! Sana all na lang, diba @Jaime?
Ps. @Khione tama na ang paka-protective, hayaan mo na silang magmahalan LOL J
Napatawa na lang ako bila nang mapakla. "Tama, isa lang akong over-protective na pinsan."
Why am I even hoping?
Nagtipa ako sa aking keyboard.
"Congrats sa inyo."
Tangina! Bakit ang sakit?
Auhtor's Note:
Balik 2 Chapter per week tayo. Hindi ko kinakaya ang three per week. Update will be scheduled as Monday and Thursday or isahan kapag nalimot ko ehe :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top