XVII: Normal Day

XVII: Normal Day


"Gago ka Jiv! Natatapon yung kape mo!" tarantang bulyaw ni Nein habang drive ang isa pa nitong sasakyan kasama kaming lima papunta sa school. He's driving his old blue BMW 'coz we won't fit in his Aston.

Agad na natauhan si Jiv at inayos ang pahalang na hot chocolate na galing pa sa moonbucks. "Shit! Sayang 500 ni Nein!"

"Ulol! ¼ lang ang natapon kaya mga 125 pesos lang ang nasayang. Salamat sa pagsayang ng 125 ko, bro," wika ni Nein na sinusubukang maging sarcastic pero halata naman sa tono nito na wala lang sa kanya ang 125.

Nakagastos s'ya ngayon ng tatlong libo dahil sa libre n'ya sa amin. Nein is so generous with his blessings, he doesn't seem to care much kapag may nasasayang.

Natatawa lang kaming tatlo nila Jaime at Olive sa dalawa sa harap. Ako sana sa shotgun seat pero inunahan ako ni Jiv nang matapos kaming bumili ng coffee sa moonbucks.

"Huwag nyong ubusin yang mga kape nyo muna, guys, para pagdating natin doon sa school may props tayo," ika nito habang nagseselfie kasama ang hot chocolate nya.

I heard Jaime whispered something pero hindi ko ito naintindihan. Probably a hate comment for Jiv. Si Olive naman na nasa right ko ay hindi makapaniwala sa hawak na kape. "Seyoso 500 na 'to? Diamond ba ang ginamit na asukal dito?"

"Don't be stupid, Olive," irap ni Jaime.

Nilingon ko si Khio na nasa likod ng sasakyan mag-isa. "Sure ka ayaw mo talaga? Masarap talaga ang coffee nila sa moonbucks, promise." Nginitian ko ito sa gitna ng bored face n'ya.

Binaling nito saglit ang tingin sa akin at bumalik sa pagnonood ng mga nadaraanang estraktura. "I don't fancy things like those."

"Okay."

I sipped from my cup of coffee and tasted the nostalgic luxurious life I once had.

"Psst..." siniko ako ni Jaime. Nilapit nito ang bibig sa taenga ko at bumulong, "Buti napasama mo yan sa atin."

Nagkibit-balikat ako at muling humigop sa kape ko. "Kaya nga eh," maiksing sagot ko.

Si Olive naman ang sumunod na bumulong. "Mukhang in good terms na kayo ng 'pinsan' mo ah?" wika nito, emphasizing the word 'pinsan'.

"Uh-huh. We kinda had a good talk last Saturday."

"Hoy, hoy!" Jiv looked back, pointing his finger at us girls. "Ishare nyo naman yang mga chismis nyo sa aming mga lalaki."

I saw Jaime on my peripheral view as she rolled her eyes and whispered again. "Nyenye. Doon ko na sa new crush mo."

Ooooh! Looks like someone's jealous at somebody!

I was about to tease her when Olive did it first. "Girl talk 'to, Jiv. May period daw si Jaime. Bilhan mo daw s'ya ng napkin," she said talking to the kid in front.

"What? Olive!" Nakakunot ang noo ni Jaime habang naka-awang ang labi.

"Sige ba! Alam mo naman na kaya kong gawin lahat para sa Jaime ko. Daan ako sa cafeteria mamaya kahit na may hawak pa akong moonbucks hot chocolate," ngiting wika naman ni Jiv. Anong connect ng moonbucks na naman dito?

Nagsimulang magbangayan ang dalawa at si Olive naman ay tuwang-tuwang nakikisabat. Sa kabilang banda ay tawang-tawa ang driver namin sa LQ scene nila Jiv at Jaime.

"Doon ka na sa new crush mo!"

"Tch! Ingay," rinig kong bulong ni Khio sa likod.

Hindi ko na napigilang mapangiti. This is perfect! I finally found friends I can treasure. My old fake friends are nothing compared to them. Even that Rio is nothing compared to-

Ehem...

Gaya ng gusto ni Jiv, lumabas kaming anim nang sabay-sabay sa sasakyan habang hawak ang mamahaling inumin namin at mga bag namin sa likod. Even Khio played along. Even without a pricey coffee, he still looks cool with his soccer ball on his left hand. Pati hangin sumasabay sa trip namin.

Feeling ko ang cliché nito. Kasalanan ni Jiv.

We eventually caught the attention of everyone around us. Saktong kaka-baba lang din ni Iris sa sasakyan ng pamilya nya. I caught her deep, sharp glares but I looked away and payed attention to the hallway.

"Pakiramdam ko para tayong yung mga cool kids sa mga panood. Sakto, tatlong babae at tatalong lalaki. By pair tayo," tuwang-tuwang wika ng may pakana nito.

Hindi ko na napigilang magcrige sa sinabi nya. No way! Kung tingin nya kay Jaime s'ya, ibig sabihin I have to choose between Nein and Khio at isa sa kanila ay kay Olive.

What am I thinking? Sinasabayan ko pa talaga ang trip ni Jiv.

Pagdating namin sa klase, may oras pa para ubusin ang mga kape namin. Nakakahiya tuloy. Parang ibinibida lang namin.

We had quizzes in three subjects today. Lunes na Lunes. Haaay! Mabuti na lang nagreview ako kagabi kaya perfect ko ang dalawa at two mistakes naman sa isa.

Agri is not my cup of tea but Pacifica is still Pacifica.

Kahit na magkatabi lang kami ni Olive at sa harap nya lang si Jaime, hindi kami nagkokopyahan. We would never barter integrity for good grades. Isa pa, hindi na namin kailangan no'n dahil masisipag naman kaming mag-aral na anim. Surprised nga ako kay Nein dahil sineseryoso na talaga n'ya ang pagaaral.

Although hindi ko gusto ang course na ito, I still have to do my best para kila tita Minerva at tito Roel.

We all went to the cafeteria for our lunch. Grabe, nagutom ako sa quiz!

I ordered carbonara and pineapple juice. Umay na ako sa rice. Sa mansion sa Olidad hindi ako madalas kumain ng rice noon.

"Mabubusog ka na n'yan?" tanong ni Jiv sa akin na ngayon lang napansin kung gaano kaliit ang kinakain ko. Palibhasa busy noong nakaraang linggo.

Bilang bida-bida, si Nein na ang sumagot para sa akin, "Yup. Alam n'yo, vegan yang si Pie noon. Nasusuka s'ya kapag nasosobrahan ng unhealthy foods."

Well, it's true. Body-conscious kasi ako noon. But now, I can enjoy any food that I want. Wala na akong pake-alam sa sasabinhin ng iba kung tumaba ako 'noh!

"Kaya mukhang kawayan," singit naman ni Khio. I glared at the guy but with not much intensity. Mahirap na at baka gawin pa akong bonsai.

"You know, puwede kang kagkaroon ng nutrient deficiency if you keep that up. You keep drinking pineapple juice too. Okay lang yung minsan pero too much will affect your health. I've read in the internet that-" concerned na pageexplain ni Jaime pero sinabat ito ni Khio.

"Shut up, Jaime. Everyone knows about your addiction to yakult," walang ganang ani Khio.

"At ikaw, tingin mo mabuti ang pag-inom ng Blue parati?" asar naman ni Nein. Oh no, here we go.

Bumaling ang tingin ng lalaki sa aking harap na si Khio sa lalaki sa aking tabi. "At ikaw, Syam, tingin mo mas nakakabuti sa kalusugan ang Gatorade? Utot mo."

Hindi ko napigilang mapatawa sa sinabi ni Khio sa huli. First time ko marinig ang ganong salita sa kanya.

Nein, knowing na napahiya sya sa akin, defended himself and his fart. "Huwag mo ngang dinadamay ang utot ko dito. Nakaka-bango ng utot ang Gatorade, ang Blue hindi. In short, mabaho ang utot mo." Tawang-tawa si Nein habang inaasar si Khio. Nagpatuloy sila sa pag-sagutan habang patuloy lang ako sa pag-kain.

"FYI, healthy ang yakult! It's good for the tyan." Jaime rolled her eyes and drank from her beloved yakult.

"No way!" singit naman ni Olive. "My Chucky is the best! Itry n'yo kasi para malaman n'yo kung gaano ito kasarap."

"I admit," tumayo si Jiv sa kanyang upuan at inayos ang kanyang suot na glasses. Nagkaroon ng panandaliang katahimikan sa table namin dahil dito. "masarap ang chocolate pero ibang level ang coke, lalo na kapag in can," kinuha nito ang inumin sa table at uminom dito. Pagkatapos, lumikha ito ng tunog na gaya sa mga commercial ng inumin like "Ahhh..." Tinaas baba pa nito ang kilay habang nakatingin kay Jaime.

"Yuck!" bulong naman ng huli.

Being the nerd that Jaime is, nagpatuloy s'ya sa pagexplain ng mga bad effect ng mga paborito naming inumin at nagdulot lang ito ng mas mahabang diskusyon o pag-aaway. Lalo tuloy umingay dito sa cafeteria at lalong dumadami na ang nagtitinginan sa amin.

"Seriously?" I shook my head while listening to them.

Pati si Khio nakisali na. Now I know na ayaw magpatalo ng lalaking ito kay Nein at ganon din si Nein kay Khio.

Well, this is just a normal day. Lalo pang gumulo dahil kay Jiv.

Natapos ang lunch break namin pero hindi ang diskusyon nila. Konti na lang mayroon nang mag-aaway sa kanila- si Khio at Nein. Nadagdagan lang din nito ang LQ ni Jiv at Jaime. And Olive, she's extra hyper today.

Sa huli naming klase, hinati ng professor namin sa PE ang klase. Random ang pagpili ng grupo at ang gagawin lamang namin ay maglalaro ng volleyball.

Nahiwalay kaming anim sa magkaibang grupo. Si Olive, Jaime at Nein ay sa kabila at kami naman ni Jiv at Khio ang magkasama. Syempre kasama namin ang tatlo pa naming kaklase na sila Shane, Ashley at iba pa.

Wait, tama ba nahulaan kong pangalan nila?

"PaKhio!" tawag bigla ni Nein kay Khio bago magsimula ang game. "Let's settle our last volleyball game here. No more kicking the ball!" halatang nagaasar na wika ng lalaki.

Pumakla ang itsura ni Jaime bigla dahil sa naalalang pangyayari sa farm nila Khio noon.

Walang sinabing salita si Khio pero sa matalim na titig nito kay Nein, I know they're going to be such kids again. Men and their weird way of bonding.

Dahil doon, excited na excited namang nag-react ang mga babae naming kaklase. Habang ang mga lalaki, nagpustahan pa yata.

Pumito ang professor, hudyat ng simula ng game. Si Jiv ang may hawak ng bola para sa unang service. Gaya ng inaasahan, hindi man lang umabot sa kalahati ang nilipad ng bola.

"Okay lang 'yan, Jiv, mahal ka pa rin ni Jaime," biro ko sa lalaki.

Ako ang sumunod na nagserve. Habang papaluin ko ang bola, nakita ko na pinapanood ako ni Khio. Inaaral n'ya siguro kung paano magserve dahil sya na ang susunod.

Malinis ang paglipad ng bola hanggang sa kabilang court. Sinalo ito ni Nein bilang libero nila at kontroladong pinasa ang bola sa isa sa kasama nilang hindi ko alam ang pangalan.

Sa pagbalik ng bola sa court namin, saktong ako ulit ang direksyong pinuntahan ng bola. I readied myself and passed it to the other court.

Madali itong nasalo ni Olive at ipinasa kay Nein na ibinalik sa amin. I thought about spiking the ball to give the first score to us.

Tinakbo ko ang bola na papunta sa pagitan namin ni Khio na nasa tabi ko. Tumalon ako ng sakto lamang para mapalo nang malakas ang bola and boom! The first score goes to our team.

I saw Khio carefully looking again kaya nginitian ko ito. "That is called a spike. Lakasan mo lang ang pagtama sa bola at siguraduhing hindi 'yon lalagpas sa line ng court."

"I'm not asking," pagkukuwari nito kahit na kita ko naman na namamangha s'ya sa ginawa ko.

Nagsicheer ang mga kaklase namin sa bench na parang nanonood ng totoong laban. Shems! Medyo kinakabahan na naman ako.

"Yeah! Yan ang Pacifica namin!"

"Astig!"

"Go Nein, kaya mo yan!"

"Khio! Cute ka pa rin kahit na mukha kang poste dyan!"

Napatingin si Khio sa babaeng nagsalita at sinamaan ito ng tingin. Natawa tuloy ako.

"Tch!" inis na wika nito at agad na pumwesto nang pumito ulit si ma'am.

Si Olive ang magseserve kaya alam ko na papasok ang bola. "Go Olive!" cheer ko sa aking kaibigan.

Pansin ko sa gilid ng aking mata si Jaime na nasa front line nila na walang pake-alam sa mga nangyayari sa court. Mas malala pa ito sa poste.

This time, kay Ashley lumanding ang bola. Nasobrahan ng babae ang pagsubok na istop ang bola kaya limipad ito nang napaka-taas at lumanding sa gitna ng net. Masyadong malayo ang net mula sa akin kaya hindi ko na nagawan ng paraan para ibalik sa kabila.

The second point goes to them.

"Nice game! Keep that up. Ang mananalo ay kakalaban sa next winner ng next batch ng players at may free Jollibee mula sa akin." Nagsihiyawan kaming lahat sa anunsyo ng guro.

Nice! Miss ko na din ang Jollibee. Hindi kasi mahilig sa fast food sila Khio at tito Roel kaya matagal na akong hindi naka-kain no'n. The Velmar, despite of having the money, still prefer simple living.

I'm all fired up!

Binaling ko ang tingin kay Khio na hawak na ngayon ang bola para magserve. "Khio," tawag ko dito.

Agad naman n'ya akong tinignan with his furrowed brows. "Ano?"

"I want that Jollibee," seryosong wika ko dito.

Kumurba ang maliit na ngiti sa labi ng lalaki. "Don't worry, I'll get that price for you." His tone was confident and his voice... so manly.

Shems!

I felt my cheeks turn hot, my heart all happy, until a whistle from our teacher brought me back to reality.

What the heck, Pacifica!

Ngumisi si Khio kay Nein bago hinagis ang bola sa taas. Tumalon ito ng konti (sana lahat matangkad) at malakas na tinamaan ang bola.

He imitated my move from earlier. Fast learner pala itong lalaking ito.

Mamamangha na sana ako nang mapagtantong masyadong malakas ang pagpalo ni Khio sa bola. Sobrang bilis at lakas nito na halos hindi na nakagalaw ang nasa kabilang court para tamaan ito.

Sa kasamaang palad, malakas na bumagsak ito sa pisngi ni Jaime bago pa man nito makita ang paparating na bola. De ja vu.

Bumagsak ang babae sa magaspang na semento. Mabuti na lamang sa pisngi nito ito tumama dahil nakatingin si Jaime sa ibang direksyon kanina kaya hindi dumugo ang ilong nito gaya dati at wala na rin itong suot na glasses kaya wala ring bitak na salamin ngayon.

"Jaime!" tarantang sigaw namin ni Olive nang makita ang kaibigan namin sa sahig, walang malay.

"Dalhin n'yo sa clinic! Dali!" Natataranta na din si Miss Ochona na hindi alam ang tatawaging magbubuhat.

Nakapalibot na ang lahat ng mga kaklase namin sa walang malay na si Jaime at nagkakagulo na.

Biglang may humawi sa amin ng mga kaklase ko at nang tinignan ko ito, nakita ko si Jiv na hindi maipinta ang mukha. "Tabi!"

Nang marating nito si Jaime, inaasahan namin na bubuhatin nito ito ngunit inalis lamang n'ya ang salamin at inipit ang ilong ni Jaime gamit ang dalawang daliri.

Is he trying to-

Pinaglapat ng lalaki ang mga labi nila ng babaeng gusto n'ya at sinubukan itong bigyan ng Mouth-to-mouth resuscitation.

Natahimik ang lahat sa nakita.

Ha?

Ano?

Hindi naman nalunod si Jaime ha?


Author's Note:

The thing about having a vacation is that you care less about what day is it. So I forgot to update yesterday LOL. Tots and Vots

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top