XVI: Clarity
XVI: Clarity
Dinala nila kaming lahat sa police station para kunan ng statement dahil si Jiv, Nein at Khio pala ang nagsumbong sa pulisya.
Nein detected the drugs in the drinks kaya alam na kaagad nila na isang patibong ang napuntahan namin. Hindi na sana kami nasali nila Olive at Jaime kung nakinig lang sana kami sa kanila.
Gaaah! We're so dumb!
Matapos kaming tanongin ng isang pulis, sinabihan kami na puwede nang makaalis. Hindi namin sinabi sa mga pulis ang dahilan kung bakit kami nandoon dahil untos ni boss(duh) Khio.
Tama naman sya dahil wala din namang gagawin ang mga pulis dito dahil isa lang itong maliit na kaso. Nagdahilan na lang kami na pumunta talaga kami doon para magparty pero hindi namin alam kung ano ang nandoon.
Sa huli, walang nagawang maganda ang pagsisinungaling namin.
Biglang lumapit ang lalaking naka-uniporme ng kagaya sa mga matataas ang rangko sa pulisya. Ito ang police general ng buong probinsya ng Santa Katalina. Aside from that, tatay din ito ni Jaime. That explains why Jaime had been very silent and sulking the whole time.
Hindi mawala sa isip ko ang mangiyak-ngiyak na mata ni Jaime habang nakayuko sa harap ng ama nito na sinesermonan sa harap ng mga kaibigan nya ibang mga pulis.
"Instead of studying, you went on a bar to what? Party, dance with boys, flirt, what else? You have always been a disappointment, Jaime. Nakakahiya ang ginawa mong ito."
Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko habang nasa kotse ni Nein, inaalala ang mga nangyari.
Naihatid na namin pauwi si Olive at Jiv kaya tatlo na lang kami ni Nein at Khio dito sa loob. Walang maririnig na ingay maliban sa malambot na pagtakbo ng sasakyan. Sa kabila ng katahimikan ay ang awkwardness sa pagitan naming tatlo.
I can't believe I kissed Nein at sa harap pa ni Khio! Nakakahiya sa kanila!
"Crazy night huh?" basag ni Nein sa katahimikan nang makauwi na kami. Itinigil nito ang sasakyan sa harap ng bahay nila Khio.
"Thank you." Hindi ako makatingin sa kanya ng deretso kaya nauna na akong lumabas ng kotse. Sumunod si Khio at umuwi na rin si Nein sa tapat na bahay.
Hindi pa rin mawala sa isip ko ang itsura ni Jaime. Isa ring bumabagabag sa akin ang paginom ko ng drugs. I hate drugs! Kadiri! Para akong kumain ng tae.
Sa gitna ng pagiisip ko ay bigla na lang nanlabo ang aking paningin. Kasabay nito ang matinding migraine.
Hindi ko naramdaman ang pagkawala ng aking balanse. Mabuti na lang nasalo ako ni Khio na nasa likod ko lang.
"Okay ka lang?" nagaalalang tanong nito.
Bumalik ako sa pagkakatayo at kumalas sa alalay nya. Masakit pa rin ang ulo ko kaya hawak ko ang aking sentido. "Oo. Medyo nahilo lang," sagot ko.
Napatingin sa ibang direksyon ang lalaki habang bahagyang kagat ang labi. Nasabunot ito sa kanyang buhok dahil sa halatang pagkainis. Here we go.
Muling bumaling ng tingin nito sa akin pero wala na ang malumanay na boses at tingin nito kanina. "Hindi 'yan mangyayari kung nakinig ka sa akin. Tignan mo ang ginawa mo, nadamay pa sila Jaime at Olive. Uminom ka ng drugs, Pacifica! Tangina! Alam mo naman na kargo kita lagi. Anong sasabihin nila mama at papa kapag nalaman nila, ha?" hindi ako umimik. "Tch! Mas mahal ka pa naman ni mama kaysa sa akin."
Dahil hindi ko alam ang sasabihin ko, I just stood from where I am with my head slightly bowed down. Nakakahiya. Nahihiya ako dahil tama s'ya. Kasalanan ko ang lahat ng ito.
His mom was our dedicated family nurse since Khio was 8. I was only seven back then at ni minsan noon hindi ko sya naappreciate at ngayon nagpapa-alaga ako sa kanila habang nanganganib din sila kagaya ko.
I was about to say sorry when Khio started walking, still obviously mad. He even bumped my shoulder. Naiwan ako ditong nakatanga.
Buong gabi nakatunganga lang ako sa kisame ng kuwarto ko. Hindi ko alam kung epekto ito ng drugs pero umiyak ako.
Naalala ko ang lahat ng nangyari sa buhay ko, kung gaano kamiserable ang buhay ko. Ngayon ko lang nailabas lahat ng luha ko. Buong gabi umiyak lang ako hanggang sa makatulog na ako.
Higit dalawang oras pagkatapos, 8:47 am na kaya kinailangan kong magising dahil medyo late na ako para magsimula sa mga trabaho dito sa bahay. Wala pa naman sila tita Minerva at tito Roel kaya doble ang tarabaho ko- namin ni Khio.
Once again, hindi ko alam kung paano ko sya haharapin. Nag-iba tuloy ang pakiramdam ko dito sa bahay, gaya noong unang week ko dito, pakiramdam ko isa ulit akong dayo dito.
I'm starting to feel comfortable and happy here. I've never felt this back then at Olidad. Then suddenly I feel like I don't belong here.
Pagbaba ko sa hagdan, bumungad sa akin si Khio na nasa salas. Nanonood ito ng action movie habang umiinom ng kape. May fried rice din at tocino sa harap nito.
Ang late nya yata kumain ngayon. Iisipin ko sana na late din ito nagising pero mukhang gising na gising ito at tila pagod na pagod.
Napatigil ako sa pagbaba sa hagdan nang magsalit ito, "Tapos na lahat ng gawain," wika nito nang hindi ako tinitignan.
"H-ha?" nakakagulat naman na kinakausap n'ya ako ngayon. I was expecting to receive a silent treatment from him.
Dinampot ng lalaki ang remote sa maliit na table sa harap nya at pinatay bigla ang tv. Kinuha din nito ang mga pagkain at umalis na parang nawalan ng gana
Dumeretso ito sa kusina para ilagay doon ang mga plato. Hinintay ko lamang sya na lumabas mula doon dito sa sofa sa salas.
Paglabas nito, hindi pa rin ito makatingin sa akin pero muli nito akong kinausap. "Nagluto na ako ng pagkain. Ginawa ko na rin lahat ng trabaho mo kaya 'wag kang magkakamaling istorbohin ako sa kuwarto ko," wika nito habang paakyat ng hagdan.
Ginawa ba n'ya 'yon dahil late na ako gumising? Hindi eh. Tama lang ang gising ko.
Then why did he do all the work for me?
Para lalo akong makosensya? Para bumawi?
Still, what am I getting sad for? I expected this kind of cold treatment from him anyway. I mean colder than usual.
Nagpatuloy sya sa pagpunta sa taas at hindi ko na namalayan ang pag-alis n'ya. I let out a deep sigh while eating fried rice, tocino at pancake. I wonder why he wasn't eating pancakes earlier.
The whole house is so silent and it makes me feel worse. Habang kumakain, pilit kong kinukumbinsi na kalimutan na muna ang mga problema.
I was given a change by God. Lahat ng ito nangyayari dahil sa mga rason na magdadala sa akin sa katuturan at mas magandang mga bagay sa hinaharap.
Tama. Hindi dapat ako nagpapaka-nega dito.
*Riiing*
I was interrupted by a call. Gaya ng dati, kinakabahan pa rin ako kapag may tumatawag sa akin. I picked up the phone and saw tita Minerva's name.
"Hello tita! I hope you're having fun dyan!" I tried to sound cheerful pero nasobrahan ko ata na halatang peke iyon.
Mahinang tumawa ang matanda sa kabilang linya. "Okay lang kami ni Roel. Madami kaming napamiling bagong breed ng halaman. Nako! Ang gaganda nila!"
"Ang kaso nga lang medyo sensitive sila sa klima," boses ni tito Roel.
Kusang gumuhit ang ngiti mula sa aking labi. Natutuwa akong malaman na nageenjoy sila. Para ko na din silang magulang after all.
"Pacifica!" tawag naman ni Tito Roel.
"Po?"
"Nandyan ba si Khio?"
"Nasa kuwarto po nya. Bad mood po ngayon 'yon eh haha."
"Ganon ba? Hmm... Kung ganon ikaw na lang ang uutusan ko."
"Sige po! Ano po ba iyon?" masigla ko pa ring wika.
"Aaah ano kasi... puwede bang kunin mo yung halaman sa kuwarto namin at ipa-init muna? Dapat kasi nasisinagan iyon ng araw isang beses sa isang linggo eh nakalimutan kong ilabas noong mga nakaraan."
"Sige po. Ako na pong bahala sa pinaka mamahal nyong halaman HAHA." Pero deep inside kinakabahan ako kasi baka masira ko lang iyon o ano.
"Salamat ha? Maguuwi kami ni Minerva ng madaming pasalubong dyan pag-uwi namin bukas."
"Sige po. Ingat po kayo!" Pinatay ko ang tawag at inalis ang pekeng ngiti sa labi. Napabuntong-hininga ako dahil sa hindi malamang dahilan.
Okay, Pacifica, let's do this! At least minsan man lang maging useful ka.
Mabilis kong tinapos ang pagkain dahil baka magkulang ng babad sa araw yung halaman kung hindi ko kaagad nailabas. I need to do well at this!
Hindi ko inaasahan ang bumungad sa akin sa loob. Tama ba ang nakikita ko? Isang... isang forest sa loob ng kuwarto!
Suddenly, naimagine ko si tita Minerva at tito Roel dito na naga-ala Tarzan at Mary Jane. Seryoso? May mga baging sa dingding!
Okay, focus sa task natin.
So, which one's the one I'm supposed to take outside? Lahat? Pero ang bibigat ng iba!
Kaya ko ito!
Shems! Ang dami talaga! Nasa 30 na paso lahat yata.
Una kong inilabas ang maliliit na paso at itinabi ko lang sila sa pool side para magandang tignan. Unti-unti kong nailabas ang 15 na nasa maliliit na paso. Puro malalaking paso na ang susunod.
Tila rainforest na itong mukha ko sa dami ng tumutulong pawis at gulong buhok.
Nagsquat ako ng sobrang baba para buhatin ang clay pot na may malalaking bamboo plant nang masakto ang tingin ko sa picture frame na nakalagay sa mini table. Natakpan ang mga ito ng mga pulbo, aparato para sa pagkuha ng blood pressure at kung anu-ano pa.
Marahan ang pagbitaw ko sa paso na halos mabubuhat ko na sana. Hindi ko inalis ang tingin sa family picture ng mga Velmar.
Hindi ko na napigilang damputin ang picture frame at titigan ang napaka-guwapo na si Khio sa picture. Mukhang eight years old pa lang sya dito at napaka inosente pa pero halatang hindi na ito mahilig ngumiti noon pa.
Tinignan ko ang kabuoan ng picture. Kinuha ito sa harap ng isang maliit na kubo-kubo at sa likod nito ang napaka-daming halaman na nagbigay lalo ng buhay sa ngiti ng mag-asawang Velmar at... sino ang batang ito?
Buhat ni tita Minerva ang isang batang halatang katatapos lang umiyak dahil sa simangot nito sa mukha. Kamukhang-kamukha nito si tito Roel.
"What are you doing?" biglang sulpot ng isang baritonong boses.
Naalisto ako at halos mapabitaw sa picture frame. Mabilis ko itong ibinalik sa dating puwesto. Napalunok pa ako sa kaba pero I composed myself to not look like an idiot in front of him.
"Wala naman. Inutusan kasi ako ni tito Roel na ilabas ang mga halaman n'ya kasi busy ka sa kuwarto mo at..." unti-unting humina ang boses ko. I don't want to make him angry again.
I saw him switch his gaze on the thing I was looking at earlier. Lumapit ito sa akin para kunin ito.
Tinitigan ng lalaki ang scenario sa litrato na parang isa itong mapait na ala-ala. Ilang segundo ng katahimikan ang lumipas.
His expression suddenly looked soft. His thick brows are relaxed and not furrowed. Looks like he's reminiscing something- a painful memory.
Kating-kati akong magtanong pero pinili kong ipag-patuloy ang aking ginagawa ngunit hindi ko ito napagpatuloy nang magsalita si Khio.
"Ito ang huling uwi ni mama noon na meron si Karmie," panimula ng lalaki na may maliit na ngiti sa labi. Ngiting sumisimbolo ng kalungkutan. "Huling araw na kumpleto ang pamilya namin."
He's smiling but I know what's behind his smile. Hindi ako sanay sa ganitong Khio. I don't want him to get even sadder by asking questions.
I cleared my throat and secretly prayed that I am about to say the right thing. "Sorry."
Napatingin sa akin si Khio gamit ang marahan nyang tingin. Pagkatapos no'n ay nagkaroon ulit ng panandaliang katahimikan.
Do I need to say more?
Fine!
"You know, I've always hated my dad. He's a criminal," napatawa ako ng mapait at tumingin sa ibang direksyon. "He's the main cause of every misery in my life. He's the reason why I was such a bad person before and he's the reason for our pain right now."
Napakagat ako sa aking labi at tumingin ulit sa kanya. I felt a lump on my throat. "Gusto kong magsorry sa iyo at sa pamilya mo. Gusto kong iwan na lang kayo para makawala na kayo sa kamalasan ko pero hindi ko alam kung saan pa ako puwedeng pumunta."
Sa sahig ko na itinuon ang aking tingin dahil pakiramdam ko malapit na akong maiyak ulit. I felt his stare and it made me more conscious about how I look right now.
"Sa totoo lang nahihiya talaga ako sayo at sa pamilya mo pero wala man lang akong magawa para makabawi sa inyo. Aware naman ako na pabigat lang ako dito."
Nananakit ang aking lalamunan kasabay ng paagdaloy ng anong malamig sa aking pisngi. I figured a tear just went down my right eye. Mabilis ko itong pinunas at inayos nang mabilisan ang aking magulong buhok.
"Sorry ang drama ko haha. Ikaw dapat ang magdadrama dito eh," nahihiya kong tugon sa nakatitig lamang na lalaki na tila sinusuri ako.
Paalis na sana ako at iiwan ang literal na 'mabigat' na trabaho sa kanya nang dampotin nito ang aking pulsohan at niyakap ako nang mahigpit.
Gulat na gulat ako sa ginawa nyang ito kaya hindi ako kaagad nakapag-react.
Shit! Gaaah! Why is he hugging me?
Why does it feel so good to the heart? Nakaka-nginig ng tuhod.
Ilang segundong katahimikan ang lumipas nang ito na ang naglakas-loob na magsalita.
"I'm also sorry. I was mean to you. Maybe to get back for what your dad did."
I was speechless. First, he's genuinely hugging me and now he's saying sorry. Genuinely! Nakasinghot yata ito ng lupa.
"Khio," kakalas na sana ako sa yakap nya nang hilain pa ako nito pahigpit.
"Sorry for what I said last night. I know what I said are very childish but believe me, I got over those things. And also... that fucking dumbass Syam, let me fucking punch him."
Malumanay nag boses nito, mahahalata ang puso sa bawat sinasabi n'ya pati sa huling sentence na sinabi nito. Hindi ko maintindhan ang sinabi nyang iyon pero ang importante nagsorry s'ya at nagsorry na din ako.
Nagkaliwanagan na kami ng mga nararamdaman, I guess.
Sa hindi malamang dahilan, napayakap pabalik ako sa lalaki. It felt so nice and warm in his arms. His natural scent evades my nose and it felt like sniffing an expensive perfume.
Unknown person's POV
I had fun playing with these morons but this is not what I was told to do. I guess I have to stop playing for a while.
But still, mas masaya pa pala sa inaasahan ko ang nangyari sa Dakota HAHAHA!
I took my phone and message that fool, Jiv, one last time,
"Thank you for entertaining me. Because of that, I'll delete this fake account now."
But watch out for more. A smirk curved on my lips and an insane laugher bursted out from my mouth.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top