XIX: Take You Home Tonight

XIX: Take You Home Tonight


I feel so sabog!

Ugh! Buti na lang hindi gaanong malaki yung eyebags na nakuha ko sa pagpupuyat kagabi. Siguro naman tama lang na isipin ko kung bakit ako hinalikan ni Khio noon kung may girlfriend naman talaga s'ya.

Like what the H! Hinalikan lang ba n'ya ako dahil trip trip n'ya lang? Urrgh!

The whole morning, I did not talk to him. He greeted me good morning and I just nodded. He asked me if I'm ready to go to school and I just nodded.

Kausap ko si Olive ngayon sa text her tungkol sa issue na 'yon. Gusto ko din sanang sabihin kay Jaime kaso hindi pa n'ya alam na hindi talaga kami mag-pinsan ni Khio.

Hindi kami sabay-sabay na pumunta sa school ngayon dahil ubos na daw ang gasolina (palusot lang n'ya) ni Nein at madamot naman itong si Khio. Nag-tatampo tuloy si Jiv sa dalawa.

Nakarating kami sa school at bumaba na sa parking lot. Hindi ko pinansin ang mga tumitingin sa amin.

Nauna akong naglakad kay Khio pero humabol din ito at sinubukan akong kausapin. "May practice kami mamaya ng soccer. Manood ka na lang muna mamaya habang naghihintay," wika nito, deretso ang tingin sa hallway.

"Okay lang. Papanoorin ko na lang ang practice nila Nein since icocover ko sa Gazette ang game nila next week," depensa ko naman, halatang wala sa mood.

Sandaling natahimik ang lalaki ngunit hindi yata s'ya natuwa sa ideyang kasama ko si Nein. "Hindi ba puwedeng yung laro na lang namin ang icover mo?"

Gusto kong sabihin na sa soccer dapat ako pero nakipag-palit si Jaime sa akin. Last week pa namin ito napagusapan kaya malamang, hindi ito konektado sa galit n'ya kay Khio. Pero ngayon... good luck na lang sa lalaking ito.

"Hindi. Matagal ko nang pinapanood ang laro ni Nein at alam ko na kaya n'yang ipanalo ang school next week kaya mas mabuti kung doon ako sa kanya."

Tuluyan nang hindi nakasalita si Khio pagkatapos no'n. Ano? Ramdam mo na bang nagtatampo- este, nagagalit ako sayo? Tsk!

Pagdating sa room, binati ako ng ilan sa mga kaklase ko. Hindi ko matandaan ang mga pangalan nila, basta mga kaklase ko sila. Binati ko rin sila pabalik at nagkunyari na kilala ko sila. Ang importante, memoryado ko ang mga mukha nila.

Mabuti na lang medyo late dumating si Jaime kaya nakapag-chikahan kami ni Olive tungkol sa nangyari kagabi.

"Malandi rin pala 'yang Khio na 'yan kahit na ang tahitahimik," bulong ni Olive na katabi ko habang sumisipsip ng chuckie umagang-umaga.

"Sinabi mo pa. Naawa tuloy ako sa girlfriend n'ya." Kinuha ko ang baon ko na pineapple juice na ginawa pa ni Tita Minerva at uminom din dito.

Nagvibrate ang phone ko na nasa desk ko lang. Tinignan ko kung ano iyon at nabasa ang text mula kay Nein.

From: Cloud Nein

Someone doesn't seem to be in a good mood today.

Wazzup, my pie?

To: Cloud Nein

Gusto ko ng samgyup mamaya. Libre ka?

From: Cloud Nein

Sure! Dinner date tayo sa bahay mamaya?

For some reason napapayag ako. Gusto ko lang mag-rant kay Nein mamaya.

To: Cloud Nein

Sige, sabay na ako sayong uuwi mamaya.

Nein replied with a winky emoji and that ended our conversation. Ilang sandali pa ay dumating na si Jaime kasunod ng professor namin.

Walang espesyal na nangyari. Walang quiz, walang recitation, walang ibang ginawa kundi magdiscuss and it all took away my mood completely.

Nang mag-lunch na, dumeretso kami sa food court. As usual, we had our own favorite drinks. The five had budget meals while I'm already satisfied with burger and spaghetti.

Binaba ni Jiv ang limang malalamig na yakult sa harap ni Jaime. "Yakult para sa pinaka-espesy-" tinakpan ni Jaime ang bunganga ni Jiv bago pa nito patapos ang sasabihin.

"Uuuy! Kayo ah!" tuso ni Nein sa kanila.

"Kunyari pa kayo. Alam naman namin na may something sa inyo." Pataas-taas ang on flick na kilay ni Olive habang nakangisi sa dalawa.

"Eeew! Mandiri ka, Olive!" Umirap lamang si Jaime at nagpatuloy sa pagkain ng budget meal n'ya pero tinanggap nito ang bigay ni Jiv na yakult.

Aaaaw!

Nagpatuloy ang dalawa sa panunukso at syempre, wala namang masama kung sumali rin ako. Ang lalakas ng tawa namin at minsan nahuhuli ko din si Khio na napapangisi. Ang kaso, hanggang ngisi lang ang kaya ng lalaking ito. Hindi ko pa s'ya nakitang tumawa kasama kaming lima.

Naputol ang masayang kulitan namin nang may lumapit na isang babae. She has a perfect porcelain skin and her height goes taller than mine. She looks sexy with her rebonded hair.

Ngumiti ito sa amin matapos lumapit sa likod ni Khio na kaharap ko. "Hi! Puwede ba akong makitabi sa inyo?"

Mabait ang awra nito pero sinasabi ng pakiramdam ko na tumanggi sa kanya. Isa pa, halos siksikan na kami sa table na ito.

"Sure!" walang alinlangang sagot ni Jiv. Nahuli ko ang matalim na titig ni Jaime sa huli.

Tumikhim si Jaime bago pa man maka-galaw ang babae para maghanap ng upuan na itatabi sa amin. "Siksikan na kami dito. Doon ka na lang sa iba, puwede?"

Napanganga ako sa sungit at tapang ng bunganga ni Jaime. Isang mahinang palakpak para sa palaban na nerd na ito.

Napansin ko ang eskpresyon ni Khio. Hindi ito umiimik at tahimik lamang gaya ng dati but he's obviously not comfortable with the girl around.

Nagpameywang ang babae at dito na lumabas ang totoong awra n'ya. She looks like a trouble-seeker with her perfectly drawn eyebrows raised and her gaze ate me. "Masama bang tumabi sa boyfriend ko?"

Nagpantig ang taenga ko sa word na boyfriend. Hindi ko alam pero nang marinig ko ang mga katagang iyon, parang may tumusok na maliit na karayom sa aking puso. Napatingin ako kay Khio na nahuli kong nakatingin. Nag-iwas din ito ng tingin nang mapatingin ako.

What? Nahihiya ka na ba sa akin ngayon?

Naramdaman ko ang tension sa pagitan naming anim at ng babaeng nagpakilalang girlfriend ni Khio.

"Kung ganon, please, paki-tangay 'yang boyfriend mo dito at magsama na kayo. Hindi ko gustong makasamang kumain ang isang taong hindi marunong maglaro ng volleyball." Jaime has a smug face on. Sinasabayan nito ang awra ng babae.

Nagsalita ang isang ring poste noong volleyball game. At least Khio tried. Wait, bakit ko sya pinagtatangol- Ugh! Nevermind.

Muling napangisi ang babae. "You don't have to tell me, bitch. Ugh! Kairita! Let's go, babe." The girl rolled her eyeballs on Jaime and took Khio's hands as the two of them left us just like that.

Nagtitinginan na ang mga tao sa amin. Nagbubulungan ang mga ito tungkol sa girlfriend ni Khio pero wala akong pake-alam.

Khio looked so pathetic letting that girl- I mean his girlfriend, take her away. Parang nagpatangay na lang s'ya kahit hindi n'ya gusto. He didn't even say a thing!

Lumabas sila ng food court at hindi na bumalik pagkatapos. After all, half day lang naman kami every Tuesday and Thursday, at Tuesday ngayon.


After an hour, Jaime, Olive and Jiv went to the soccer fields para mag-observe ng game na icocover ni Jaime next week. Kasama ko naman si Nein dito sa basketball court.

I took my phone and texted Khio na hindi ako makikisabay sa kanya.

To: Khio Demonyo

Sasabay ako kay Nein paguwi. Enjoy :)

Ibinalik ko ang phone ko sa aking bag and realized I had an annoyed face on. Ngayon, mag-isa kong nakaupo dito sa bench habang nanonood sa pagpapabida ni Nein. May kaunting audience at ilan sa kanila ay rinig na rinig ko ang usapan tungkol kay Nein.

"Ugh! Ang hot n'ya."

"Shhh! Maririnig ka nung girlfriend n'ya. Ayun oh."

Pakiramdam ko ako ang tinutukoy nila. Sino pa nga ba?

"Gaga! Hindi n'ya 'yan girlfriend. Nanliligaw pa lang siguro. May pag-asa pa ako."

Ugh! I hate this. Inopen ko na lamang ang Wattpad app ko at nagbasa ng isa sa mga novels ni Rock_Serenade. I want to escape reality for now.

Patuloy lamang ako sa pagbabasa. Hindi ko na namalayan ang oras hanggang sa may grupo ng maiingay na mga lalaki ang pumwesto sa bench malapit ko. Tinignan ko ang mga ito at nakita ang mga kabanda ni Nein.

Napansin yata nila ako kaya napalapit ang mga ito sa akin. "Yow, Pacifica!" bati ni... uhmmm... Damn! I can't remember his name.

"Hi!" simpleng bati ko sa mga ito.

"Kayo na ni Nein?" deretsong tanong nung hindi ko rin maalala ang pangalan. Basta yung mabait.

"Gagi! Matuto kang prumeno, Alby," wika nung nanlalandi sa akin noon.

"To answer your questions, hindi," walang gana kong sagot kay Alby.

"Great! May pag-asa pa ako," wika naman nung malandi. Sino nga ulit ito? S? F? Basta letter ang pangalan.

"Ulul!" singit nung drummer.

"Tumahimik na nga kayo," sita nung letter ang pangalan. "Suportahan na lang natin si lover boi, Nein."

"Sabay ka samin, Pacifica. Sigaw tayo ng 'Go sexy love'. One... Two... Three... Go!" Alby commanded.

"GO SEXY LOVE!" Sabay-sabay na sigaw nung tatlo. Pabulong lang yung sigaw nung drummer at halatang pinilit pa. Napatawa na lang ako nang pilit dahil sa kalokohan nila.

Sa kabilang banda, napansin kami ni Nein. He has this disgusted look and he even mouthed 'gago' to his bandmates. Nang mapatingin s'ya sa akin, he winked at me and continued running towards the ball.

"Kilig naman ako, mareng Pacifica," biro ni Alby.

"Baliw," natatawa kong sagot. Nagvibrate ang phone ko kaya napatingin ako dito.

Khio the demon finally remembers to reply.

From: Khio Demonyo

Where are you?

Napakunot ang aking noo dito at lalo lang nainis. I closed my phone and returned it to my shoulder bag.

I went back from watching. The game is between new members and old ones but grabe, talo pa ni Nein ang mga seniors nila. Kung meron lang si Rio- nevermind that damn jerk.

Magagaling din ang ibang juniors. May isang myembro sila na lagpas 6 feet ang tangkad kaya malakas ang defense nila. Mukhang maganda ang game na ipapakita ng team namin next week.

Sasali na sana ako sa susunod na pagcheer ng mga katabi ko ng "Go sexy love" nang may pamilyar na lalaki ang sumulpot sa entrance ng gym. Napalaki ang mata ko at dali-daling nagtago sa likod ng mga lalaki sa tabi ko.

Ayaw kong maabala dito eh!

"Huy, ginagawa mo?" baling sa akin ni... basta yung bassist na isa. Lahat silang tatlo nakatingin sa akin dito sa kanilang likod habang nakaupo ako dito.

"May ano... may... nagtatago ako mula kay kamatayan." Palusot ko na mukhang hinayaan naman nila.

Sumilip ako sa maliit na pagitan ni drummer at pianist. Paakyat na ngayon ang tinataguhan ko dito sa kinaroroonan namin habang naka-kawit ang kamay nung babae kay Khio.

How sweet.

Wag mong sabihing nandito sila para manood? Imposible namang nandito sila para hanapin ako. Mukhang selosa pa naman yung girlfriend ni Khio.

Patuloy lang ako sa pagsilip sa dalawa at mukhang naintindihan naman nung tatlo na kailangan ko talagang magtago kaya medyo naglapit sila para hindi ako mahalata. Kinindatan pa ako ni Alby.

Mabuti na lang matatangkad ang mga ito. Maliit lang din naman ang katawan ko kaya madali lang akong itago.

Dali-dali akong tumalikod at lalong sumiksik dito sa likod ng dalawa. Wala akong pake sa dalawang babae sa taas na bench na pinagtitignan ako ngayon.

Gaya ng kinakatakot ko, biglang sumulpot sa aking harap si Khio. Inangat ko ang aking tingin upang makita ang salubong na mga kilay nito.

Umayos ako bigla ng upo para hindi mahalata na tinataguhan ko sila. O s'ya lang pala ang tinataguhan ko.

Samantala, umupo naman ang babaeng kasama ni Khio sa tabi ng drummer nila na tahimik lang sa gilid. Nagulat ako nang bigla nito itong kinutusan sa ulo ng malakas.

"Aray! Tangina!" sigaw ng lalaki.

"Isusumbong kita kay Dad! Sabi ko sundohin mo ako eh!" maarteng reklamo ng babae.

Ngayon na magkatabi sila, mahahalata mo na kambal pala sila. What a coincidence.

"Hindi mo ba nakikita na may ginagawa ako?"

Isang mahinang sipa sa aking paa ang natanggap ko kay Khio para makuha ulit ang aking atensyon. "Anong inuupo-upo mo dyan? Umuwi na tayo," masungit na wika nito.

I tried to compose myself and tried not to sound so bitter or whatever. "Okay lang ako. Sasabay ako kay Ne-"

"Hindi ka sasabay sa Syam na yon," maigting na utos nito.

Dito na sumingit ang mga kabanda ni Nein sa likod ko. "Bro, hindi naman sa nakikialam pero huwag mo na sanang pilitin kung ayaw n'ya." Sumang-ayon naman dito si Alby.

True! Kung umasta kasi itong si Khio, akala mo boss ko eh.

Khio's girlfriend suddenly noticed me and gave me a bitchy look.

"You heard them," I mocked.

Napakagat ng labi ang lalaki dahil sa pagpipigil. Anong inaarte-arte ng lalaking ito? Para sasabay lang kay Nein galit na galit na.

Bago pa man magkapagsalita ulit si Khio, isang rumaragasang bola ang tumama eksakto sa noo nito. Malakas na napatumba sa bench sa itaas ang lalaki at nawalan pa ng balanse.

Karma n'ya para sa amin ni Jaime.

Napatayo ako para tignan kung sino ang bumato. Gaya ng akala ko, galing ito sa mismong court at wala nang ibang puwedeng panggalingan ang bola na 'yon maliban kay Nein.

Nein is grinning so wide right now. Alam ko deep inside gusto nitong bumulalas ng tawa dahil sa pagkatumba ni Khio. Believe me, ako din pero baka ako ang sunod na tamahan ng bola na hawak ng huli.

"Gago ka Nein!"

Natahimik ang lahat ng mga tao at walang gumalaw ng ilang segundo, tila ipinoproseso ang natunghayang pagtumba ni Khio.

Mabilis na bumaba si Khio dala ang bola and damn! He's mad as fuck! He even jumped (in style) over the railings to get near the court.

Kung magkataon, hahayaan ko ba silang magbugbogan?

Yes naman! Bahala sila sa buhay nila. Buti sana kung may kinalaman ako sa away nila.

Ilang pulgada lang sa labas ng linya ng court, tumigil si Khio at inihanda ang sarili para ihagis ang bola. Pero bago pa n'ya ito magawa, itinaas ni Nein ang dalawang kamay upang iblock ang bola.

"Teka! Teka!" the later exclaimed. Takot din naman pala.

Napatigil nga si Khio. Siguro nahimasmasan na pero kitang-kita pa rin ang nagaapoy nitong galit. Mula dito sa benches sa taas, kita ko ang mga ugat sa kamay ng lalaki.

"Umayos ka, Syam, kung ayaw mong ilantad ko ang s-"

"Kalma, bro!" singit ni Nein sa nagaalburotong si Khio. "Kakain lang naman kami sa bahay ni Pacifica eh."

Pagkarinig ko ng pangalan ko, napatingin bigla ang mga tao dito sa gym sa akin. Akala ko ba wala akong kinalaman dito? Tsk! Mukhang kailangan ko silang pigilan.

"Kakain at ano, ha?"

Napalaki ang mata ko sa sinabi ni Khio. Hala! Anong iniisip ng lalaking 'to?

Bababa na sana ako para hilain ang isa sa kanila pero naudlot ito dahil sa biglang sulpot ni Jiv, Olive at Jaime, the four of them looking like they rushed here just to witness this.

"Kalma lang, mga pare! Idaan natin ito sa labanan!" Literal na napanganga ako sa sigaw ni Jiv. Hindi ba doon na din naman sila papunta?

Napatingn ako kila Olive at Jaime. Si Olive ay tahimik lamang at mukhang nahihiyang maki-alam dahil nasa amin ang atensyon ng mga tao habang si Jaime naman na inaasahan kong pipigil sa tatlo ay tawang-tawa pa nang makita ang bumubukol sa noo ni Khio.

"Since nandito na din naman tayo sa basketball court," singit ng coach ng basketball team. "Bakit hindi na lang natin idaan sa match? First one to score ten points wins," bida-bidang pagpapatuloy nito.

"Hindi ito ang tinutukoy kong labanan pero sige, puwede na rin," singit ni Jiv.

Tinignan ko ang dalawang lalaki at mukhang wala nang makakapigil sa kanilang dalawa.

"Whoever wins shall take the lady home." Nakangisi ang coach sa akin habang nagsasalita. I swear, I got goosebumps all over my body.

Ako lang ba o sobrang mali ang word na ginamit ng coach? It came out wrong eh.

Damn! Mukha tuloy akong malandi dito. Baka isipin pa ng mga tao dito na pati pinsan ko nilalandi ko na. On the other hand, Khio's girlfriend is throwing dagger looks at me.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top