VII: Catfight

VII: Catfight


Mabilis na natapos ang isang linggo. Walang nangyari sa pagbabanta ni Jaime na magdedemanda daw s'ya.

Rule number one in being a mean girl, 'Don't just bark, do it!' But she didn't.

Kasama ko dito sa Gazette or Campus Journalism Club si Olive para sa screening. Sa sports writing ako at sa feature writing naman s'ya nagtry.

I would've gone for Mantataro (dance club) or Koro (choir) but I don't have the confidence to go to the stage for the audition.

Ang buong week na ito ay specially for freshmen students. Ang unang dalawang araw ay dedicated for joining clubs. Lahat ng estudyante ay mandatory na pinapasali sa isang club lamang. Sa ikatlong araw naman ay ang orientation. Ika-apat ang feast kung saan mayroong pageant na sasalihan ng mga freshmen. Pinilit ako nang pinilit ni miss Iris na sumali hanggang sa napilitan akong sabihin sa kanya ang nangayri sa akin noon kaya ayaw ko'ng sumali. Pagkatapos non, si Olive naman ang pinilit n'ya pero ayaw din. Lastly, sa ika-limang araw, magkakaroon ng freshmen night.

Kung ako ang tatanongin, mas gusto ko na lang magpaliban pero malaking fines ang naghihintay sa mga hindi aatenda sa limang araw na ito. 500 pesos per day ang fine sa hindi pagpasok.

Binigay ko ang article na natapos kong isulat base sa isang Basketball Tournament na pinanood ko kagabi. Tinanggap ito ng naka-assign na magbantay sa amin at deretso na ako palabas.

Ilang minuto pa sumunod na din si Olive.

Mukha s'yang lantang tanim ngayon. "Ang sakit ng ulo ko!" pagrereklamo nito kaagad sa akin.

Napatawa ako dahil stressed na stressed sya, 9:36 am pa lang. "Gusto mo ba kumain? Tara sa Food Court," aya ko.

Bago kami pumunta ni Olive sa Food Court, biglang lumabas si Jaime sa Gazette room. Napatigil s'ya nang makita n'ya kami at nagawa pa nitong umirap sa amin bago umalis.

"What the- ang yabang talaga. Akala mo naman kung sino," iritang wika ng kasama ko.

"Hayaan mo na. We both know na hanggang dyan lang naman ang kaya n'ya."

"Hmp! Tara na nga!"



Mainit, siksikan at nakaka-stress – 'yan ang Food Court ng Rosales State University kaya umalis din kami ni Olive doon at pinuntahan muna si Nein na kasalukuyang may try-outs for basketball.

Pagdating namin sa court, naghihiyawan ang mga nanonood. Malamang, nandoon sa loob ng court si Nein Wanjo na dating ace player ng dating school namin.

Tinignan ko ang score. Kasalukuyang nilalampaso ng mga freshmen ang seniors nila.

"Mayabang pero may ipagyayabang," bulong ni Olive habang kagat ng straw sa box ng chukie n'ya.

"That's Nein for you."

"Last five minutes!" anunsyo ng sa tingin ko ay coach ng basketball team.

78-56 ang score. Maliwanag na kung sino'ng mananalo.

The buzz breaks and the game finally ended.

Lahat ng manlalaro ay hingal na hingal, lalo ang mga seniors. Indikasyon na nagpabida na naman si Nein.

"Pacifica, dali, punasan mo pawis n'ya." Tinulak ako nang marahan ni Olive. The last person who did this thing to me was Reighn. She got a good punishment for it.

Kumunot ang aking noo at ngumuso. "Duh! Anong silbi ng kamay n'ya?"

Olive laughed and her cute dimples came out. Can I just say this girl deserves an award for being cute?

"Excuse me, mga miss." May biglang sumulpot na tatlong lalaking nakasuot ng basketball jersey. Mga senior players.

Nagsikohan sila na parang nagtuturuan kung sinong magsasalita. "Bakit ako?"

Nagtinginan kami ni Olive.

"Puwede bang malaman ang mga pangalan n'yo?" sa wakas nagawa ding magsalita ng isa sa kanila.

Gaya ng ginawa nila, siniko ko din si Olive. "Dali, bumuo ka ng pangalan."

"Ha? Bakit?" She's now looking at me na parang hindi nagets ang binulong ko. Napatampal ako sa aking noo. Slow din pala itong si Olive.

"Hey! Nandito na pala kayo! Oh, nagdala pa pala kayo ng meryenda ko," wika ng boses mula sa likod. Umakbay pa ito sa aming dalawa at pumagitan sa amin ni Olive.

"Sinong nagsabing para sayo itong bote ng tubig? Kay Khio 'to. Ang arte kasi ng kumag, ayaw sa regular water, gusto daw ng Blue." Tinanggal ko ang kamay ni Nein sa balikat ko at pinampag ang parteng dinapuhan ng kamay n'ya. "Gawin mo pa 'yon sa susunod at ibabalibag kita."

"Ang sama naman ng Pie ko. Mabait ka na sa iba pero sa akin ganon pa rin ang trato mo." Inalis n'ya ang pagkaka-akbay kay Olive na hindi na gumalaw since umakbay si Nein.

He bowed to the guys in front as a sign of respect. "Girlfriends ko nga pala."

Hindi lang ako ang itinuro n'ya kundi pati si Olive. Napanganga ako dito ng literal.

Wow ha! I don't know what to say.

"He's a psycho. Don't believe him," depensa ko.

"Ayaw mo? Si Olive na lang kung ganon." Lumapit sya lalo kay Olive at akmang aakbay na naman nang biglang tumakbo ito palabas ng gym.

I looked at Nein with a silent question in mind. What just happened?

Sinundan ko si Olive pero nang makalabas ako, hindi ko na matanaw kung saang direksyon s'ya nagpunta. Sinubukan kong puntahan ang CR na malapit pero wala din doon.

I texted Nein and Khio to meet us at the Food Court para mag-lunch. Bagamat tapos na ang laro nila Nein, kailangan pa nyang magpaiwan para sa announcement. Si Khio naman, may katagalan ang laro nila kaya magisa ko na talaga muna.

Where did Olive run off to? I tried calling her but she's not answering.

Dang it!

To Olive (10:05)

Olive, where are you? Bakit ka tumakbo na lang bigla?

To Olive (10:06)

I'm all alone now :'(

To Olive (10:11)

See you at the Food Court mamayang 11:30

I tried calling again but she still didn't answer. Kasalanan ito ni Nein eh!

Naglalakad lang ako nang marating ko ang pinaka-likod na parte ng school. Hindi ko namalayan.

Walang tao sa paligid kaya para itong paraiso dahil sa katahimikan. Napapalibutan ito ng mga halaman at bermuda grass. Lahat ng makikita ay makulay kabilang na ang mga bulaklak at mga paruparo.

Napagisipan kong maglibot-libot na muna dito. Katabi lang ng parteng ito ang Nursing building.

Hindi ito kasing ganda ng farm nila Khio pero parang naaalala ko mula dito ang garden sa mansion namin. Nakakamiss dahil doon ako lagi tumatambay para mag-unwind.

Natigil ako sa paglalakad nang mag-ring ang aking phone. I looked at it and saw Khio's name beside the word 'demonyo' which I think really suits him.

"Hel-"

"Nasaan ka?" I could imagine his nose exuding smoke and two horns on his forehead. Bagay na bagay talaga sa kanya.

"Bakit? Miss mo na ako?" I silently laughed at my joke.

"Nasaan na yung Blue na pinabili ko?"

Ooops! I forgot. Nasa bag ko ang tubig n'ya pero si Olive hindi ko pa nahahanapan.

"Nasaan ka?" Madiin nitong tanong na parang inuutusan ako nito.

Ugh! Ang bossy talaga!

"Nandito ako sa likod ng Nursing Building, hinahanap si Olive,"

Ngayon ko lang narealize na naglalakwatsa na ako hindi hinahanap si Olive. Bakit naman s'ya pupunta dito? Tingin ko nga ni hindi nya alam ang lugar na ito eh.

"Ano? Mag-isa ka?" Nagsimula nang mag-alburoto na naman ang demonyo.

Napaka dami pa nyang sinabi pero hindi ko na narinig dahil may mga biglang nagsulputan na mga babae tangay ang isa pang estudyanteng kinakaladkad nila sa buhok.

Mabilis akong nagtago sa isang pilar dito sa hallway.

"Ang lakas ng loob mong sugudin kami! Bakit? Anong pruweba mo sa binibintang mo, ha?" Sigaw ng babae na nakauniporme ng puro puti. Mga nursing students maliban sa tangay nila.

"Tama naman ako diba? Sinabotahe n'yo ang entrance exam ko kaya hindi ako nakapasa! Now I ended up on Agriculture at pinagtatawanan n'yo pa ako!" hirap na hirap na wika ng babae.

Her voice sounds familiar. Sinabi n'ya din na sa Agriculture din s'ya kaso hindi ko makita ang mukha nya dahil nakatalikod ito.

"Hindi na namin kasalanan na bumagsak ka," sumbat ng isa sa tatlong nursing students.

"Yeah! At wala kang karapatan na sigawan kami at ipahiya sa building namin!" bulyaw naman ng isa na may hawak na gunting.

The heck! Don't tell me...

No! I won't let this happen. Kung sino man ang babaeng 'yon, I have to save her.

Umalis ako sa aking pinagtataguhan at tumakbo papunta sa kanila. I searched my bag for anything that may help and I grabbed a the bottle of Blue na hindi pa nabubuksan.

"Leave her alone o uuwi kayong basa!"

Lahat sila ay napatingin sa akin kabilang na ang babaeng biktima nila. Kanina natatakpan ng mahaba nitong buhok ang mukha nya but now I could clearly see dahil hinawi nya ito para makita ako.

"Ikaw?!" sabay naming wika dahil sa gulat.

What the– Jaime?

"Huwag ka nang makialam dito," atungal ng babaeng may hawak ng buhok ni Jaime.

"Yeah! Wala ka namang kinalaman dito, kaya shoo!"

"I don't need your help," wika ni Jaime. Nagawa pa ako nitong pandilatan.

"Subukan n'yong gawin yang binabalak n'yo at lahat kayo mababasa," banta ko habang nakatutok sa kanila ang malaking bote ng tubig.

Pakiramdam ko nakahawak ako ng baril.

Ngumisi ang babaeng nakahawak ng gunting sa akin. "Oh yeah? Subukan mong gawin yan at makakalbo itong kaibigan mo."

"Hindi ko s'ya kaibigan!" pagdedepensa ni Jaime.

"Ganon pala ah?" These bitches think they're so mean. Hindi na ako ang dating Pacifica pero kayang kaya kong bumalik sa dati para tumulong sa iba.

Mabilis pa sa alas quarto kong inalis ang takip ng bote at itinapon ito sa direksyon nilang tatlo. Of course, nabasa din si Jaime pero okay lang 'yon, I'm saving her ass anyway. Plus, she'd been mean to me too.

"Waaaah! Ang uniform ko!"

"Pucha!"

"Bitch! Mmdhfcydhfy –"

Dahil madami ang tubig na laman ng bote, hindi ito mabilis na naubos. The two of them went running wet. Heck! Sobrang basang-basa sila dahil inubos ko ang laman ng bote.

Naiwan ang isang may hawak ng gunting. "Pakialamera! You won't get away from this!"

Agad na sumugod ang babae hawak ang gunting nya pero binato ko sa kanya ang hawak kong bote kaso lalo lang s'yang nagalit. Wala na akong armas!

She slashed the blade of the scissor pero bago pa ito dumapo sa aking pisngi, isang pulgada ang layo, isang kamay ang pumigil dito at pumagitan sa amin ng babae. Dahil matangkad ang lalaki, I had to look up to see who it is at tama nga ang hula ko.

Sobrang higpit ang pagkakahawak n'ya sa pulsuhan ng babae. Kitang kita ko din mula dito sa likod ang pamumula ng mukha n'ya. Maybe because of the heat or anger.

"Let go!" agresibong demanda ng babae.

"Gusto mo bang ikaw ang gilitan ko?" Khio firmly said.

Pati ako natakot sa sinabi ni Khio. I could feel the dark aura exuding from him.

Khio lets go of the poor girl's hand. Hindi kaagad nakagalaw ang babae pero mabilis din itong tumakbo nang makabawi.

Nang maka-alis ito, dinaluhan ko si Jaime na mukhang maayos naman maliban sa gulo-gulong buhok at basang damit. "Okay ka lang?"

"Mukha ba akong okay?" Pinakita nito ang mga basang umiporme at mukhang galit na galit. "Sabi ko na hindi ko kailangan ng tulong mo diba?"

"Wow, ha! Sorry-"

She didn't let me finish my sentence. Galit na galit s'ya kagaya noong nasa farm kami nila Khio. "You know what, don't ever talk to me! Bitch!"

Padabog s'yang nagwalk out and I was left with my mouth agape. "The nerve of that girl!"

I can't believe it! Matapos ko s'yang tulungan. And I may be in more danger because of her. Baka kapag nakita ako uli ng mga babaeng iyon gumati pa sila sa akin.

"Hey!" Lumingon ako sa tumatawag sa akin. "Nasaan ang tubig ko?"

Napanganga ulit ako dahil sa tanong n'ya. I just got into a catfight tapos yung tubig pa nya ang inaalala nya? Makasarili din itong lalaking ito.

"Aah ehh... natapon," tinuro ko ang bote ng Blue na nasa lupa.

Hindi ko mabasa ang iniisip nya dahil deretso lamang itong nakatingin sa akin. For sure sesermonan ako nito.

"Okay ka lang ba? Hindi ka ba nila sinaktan?" Lumapit s'ya sa akin to inspect kung nagalusan ba ako.

Napatulala ako dahil sa ginawa n'yang iyon. Not the level of care I was expecting.

"O-okay lang ako," wika ko habang hawak n'ya ang balikat ko. Napagtanto nya na medyo na-awkwardan ako sa posisyon na iyon kaya bumitaw sya.

Nilihis ko ang aking tingin nang dumapo ito sa braso n'ya. "Ikaw ang hindi okay! May dugo sa kamay mo!"

Ngayon ko lang yon napansin. Nasagi ng matalim na parte ng gunting kanina ang braso ni Khio kaya ito nagdudugo ngayon.

Napatingin sya sa parte na iyon na parang wala lang. "Ito ba? Nasugat yan kanina sa laro."

Ano? Nasugat sa laro tapos nahagip pa ng gunting? That must've hurt!

Naalala ko ang binili sa akin ni tita Minerva na band aid. Nilabas ko iyon at kinuha ang may print na mukha ni Elsa. "Here, put it on your wound."

Tinitigan nya lang ito nang walang mababasang emosyon sa mukha. "Ikaw maglagay. Kasalanan mo naman kung bakit yan dumugo eh," he said in a monotonous tone.

Once more, napanganga ako dahil doon. "Tsk! Bossy," I made sure na hindi n'ya 'yon narinig.

Inalis ko ang plastic na cover ng band aid at inilagay ito sa kanyang sugat. I tried to make it as fast as possible.

"There, happy?"

Tinignan ko s'ya at nagulat nang makita ko ang kaunting kurba sa kanyang labi. Ngayon ko lang s'ya nakitang ganito.

He looks so attractive.

Damn!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top