I: Escape
I: Escape
Nagising ako sa marahang pagyugyog sa akin ng isa sa mga katulong namin, or was is that annoying nurse? "Gising na, 'nak. Graduation mo ngayon. Hindi ka puwedeng lumiban."
Yup, it's that annoying nurse na masyadong nakiki-alam sa buhay ko. She's even calling me anak!
"Ano ba! Diba sinabi ko na bawal akong gisingin?" bulyaw ko pero nang makita ko ang dalawang magkabilang daliri nya na pinutol noon ni papa-
Si papa...
Matapos nyang tumawag noong nakaraang buwan, hindi na sya ulit nagparamdam. Ito ang unang beses na tumawag s'ya at walang nangyari.
Mali. Meron pala, yung nangyari noong gabing iyon. Pero bukod doon, wala pang ginagawa si papa para mapahiya, masaktan o parusahan ako. Siguro mas mabuti na 'yon.
"Pasensya na, 'nak. Sayang naman kasi kung hindi ka pupunta sa araw ng graduation mo sa senior high school," ani nito sa banayad na tono.
Hindi ako sumagot at nagbalak na matulog ulit nang magsalita ulit ang matanda. "Alam mo, sa susunod na linggo magreretiro na ako sa trabaho ko dito. Simula noong sanggol ka pa nandito na ako bilang katulong. Nakita ko kung paano ka lumaki. Hindi lang ang mama mo ang matutuwa na makita kang umakyat sa stage. Matutuwa din ako dahil para na din kitang anak," nakangiting wika ng matanda habang inaalala ang nakaraan.
Nanatili lamang akong nakahiga sa kama at nakatitig sa matanda upang pagisipan ang kanyang sinabi. Kung tutuusin s'ya lang naman ang mukhang may pake-alam sa akin.
Sa dami ng mga taong nakapalibot sa akin mula noong bata pa ako, lahat sila ay peke at itong matandang nurse na hindi ko man lang inabalang alamin ang pangalan ang tanging nakatiis sa ugali ko at inaalala ako.
Isang masalimuot na nakaraan ang biglang bumalik sa akin mula noong walong taong gulang pa lamang ako.
~
"Walang kwenta ka talagang bata ka! Alam mo ba ang kahihiyan at gulong ginawa mo, ha?" Nanlalaki ang pulang-pulang mata ni papa dahil sa sobrang kalasingan at siguro ay dahil na din sa konting drugs.
"Daddy, magagalit si mommy kapag nalaman n'ya na nagddrugs ka," mangiyak-ngiyak na wika ko. Sanay na ako sa ganitong pangyayari kaya hindi na ganon kadali tumulo ang luha ko tuwing pinapagalitan n'ya.
"Patay na ang mommy mo! Hindi mo ba 'yon naiintindihan? Bobo ka! Ang liit ng utak mo! Mag-isip ka naman!" Dinuro-duro ni papa ang kanyang hintuturo sa aking noo ng malakas.
Natatama na sa pader ang aking ulo. Nasasaktan na ako kaya dito na ako humagulgol sa iyak.
Lalong naging nakakatakot ang tingin ng papa ko. "Alam mo bang isang malaking transaksyon ang nawala dahil sayo, ha? Pinalaki kita para tumahimik at sumunod, hindi para lumaban at lalong hindi para maki-alam!"
"Sorry dad, hindi na mauulit." Nagpunas ako ng mga luha na tila ayaw tumigil sa pagpatak.
"Talagang hindi na mauulit pagkatapos ng gagawin kong ito..." Marahas na kinuha ni papa ang aking kanang kamay at hinila ako paloob sa cabinet ng kusina. Pinilit nya akong pagkasyahin dito kahit na puno ito ng mga kagamitan kagaya ng mga uri ng kutsilyo, tinidor, kutsara at iba pa.
"Pa! Wag! Hindi na! Papa!" Patuloy ang pagiyak at pagsigaw ko nang sinara ng aking ama ang maliit na pintuan ng cabinet na ito.
Buong gabing walang narinig na ingay sa buong mansion kundi ang sigaw at iyak ko. Dito ako pinagpalipas ng gabi at buong araw na walang makain. Madalas akong makarinig ng ingay ng mga katulong dito sa kusina ngunit kahit anong hingi ko ng tulong ay tila bingi ang mga ito na walang naririnig.
Wala silang awa sa isang batang kagaya ko.
Nanghihina na ako sa gutom at sobrang pag-iyak. Nanlalabo man ang paningin, tila nagliliwanag sa aking mata ang isang kutsilyo. Para ako nitong tinatawag.
Akmang dadamputin ko ito nang makarinig ako ng ingay mula sa dalawang tao sa labas.
"Wag mo itong gagawin, Minerva. Paparusahan ka ng mas malala ni sir. Baka nga patayin ka-"
"Tumigil ka nga. Baka marinig tayo."
Narinig ko ang pagkalas ng lock at kadena. Ilang saglit pa, sumilay ang mukha ng anghel na nagligtas sa akin. Anghel na pinutulan ng kaliwang daliri dahil sa ginawang pagtulong sa akin. Kung anong nangyari sa kasama nito noon, wala na akong nabalitaan sa kanya matapos iyon.
~
Tama, Minerva nga ang pangalan nya.
"Salamat, Minerva, pero pagtatawanan lang ako doon kapag pumunta pa ako." Ngumiti ako ng mapait.
Ngumiti pabalik si Minerva at hinawakan ang aking palad gamit ang dalawang kamay na walang hinliliit. "Alam ko na mahirap ito para sayo pero huwag mo sanang hayaan na matinag ka dahil sa kanila. Gawin mo silang rason upang magpatuloy at magwagi."
Hindi ko pa rin gusto na pumunta sa graduation ceremony but for some reason I want to do this for Minerva. "Okay, fine! For mom and for you." I rolled my eyes.
Maaga akong ginising ni Minerva kaya hindi ko kailangan na magmadali gaya ng dati dahil late ako parati na nagigising. I wore my uniform and the toga I never thought I would wear. Buo talaga ang loob ko kahapon na hindi ko na kailangan pumunta ngayon pero nang dahil kay Minerva, I think I made a better decision.
Gusto ko sana na si Minerva ang sumama sa akin sa stage pero panigurado na hindi s'ya papayagan ni Dad na lumbas. Lahat ng mga kasambahay dito ay bantay sarado at hindi basta-bastang nakakalabas.
Our driver drove me to school. Pagtapak na pagtapak ko sa labas ng kotse, naramdaman ko ang naghalong kaba at tuwa sa dibdib. Natutuwa ako dahil ito na ang huling araw na maaapi nila ako.
Maaari akong magsimula ulit sa university na papasukan ko dahil magiging college na ako sa susunod na pasukan. Sa kabila no'n, hindi ko maipaliwanag kung bakit ako kinakabahan. Ganitong ganito ang pakiramdam ko noon bago ang gabi na iyon.
"Mabuti naman at naisipan mo na pumasok ngayon." Biglang sumulpot sa aking harap si Reighn na sobrang kapal ang suot na makeup sa mukha. Kasama nya din ang dati kong mga kaibigan. Turns out they were all fake. Not like I acted true to them. Duh!
I walked pass through them and rolled my eyes on their backs.
"Hey! We're talking to you, loser," singit ni Aya.
"Hayaan n'yo na s'ya. She's too afraid to face us. You know, it's just funny that she was once a tiger. Look at her now, she looks like a dirty kitten. Nakaka-awa," pangaasar ni Patricia.
Kahit na anong sabihin nila, I won't turn around. I can't believe I was once like them. Ganito pala ang pakiramdam ng mga binubully ko noon. Malamang, wala pa ito sa mga ginawa ko sa kanila.
Patuloy lamang ako sa paglalakad nang madaanan ko si Rio at isang babae habang naglalampungan. Ugh! Kairita sa mata.
Sa babaeng 'yon lang pala n'ya ako ipagpapalit. I feel insulted. Ang pangit no'n eh! Ang baduy pa manamit.
Maglalakad na sana ako ulit papunta sa isang upuan na may pangalan ko nang magsalita yung babaeng kasama ni Rio. "Look, Rio! Yung looser mong ex oh." Nakuha pa n'ya akong ituro habang nagpapacute.
"Please, baby, don't remind me of that horror. Sobrang nasusuka ako tuwing naaalala ko that we once dated," sagot ng kumag.
Aba! What did he just say?
S'ya nga itong handa daw magpakamatay noon para sagutin ko lang and now sasabihin n'ya yan? How disgusting!
Gusto kong tumalikod, batohin sila and get out of this place. I was about to do that when the emcee started to take the attention of everyone. The program soon started.
Dang it! I just want this day to end para makatakas na ako sa lugar na ito.
Umupo ako sa may tabi. I looked at the other set of chairs on the opposite direction to stare at the empty seat where my parents or someone who care for me are supposed to sit. Everyone else has their own family with them, even that Reighn, Aya, Rio, his new girlfriend and the others.
"Hey!" I forgot about Nein. S'ya pala ang makakatabi ko dahil parehong 'W' ang unang letra ng apilyedo namin.
"Hi," walang gana kong sagot at binalik ang atensyon sa emcee.
"So, saan ka magaaral ng college?" tanong nito.
"I don't know," I answered, still focused at the emcee.
"Anong course kukunin mo?" tanong ulit nito.
"Don't know." I swear, kapag nagtanong pa ito, lilipat na ako sa katabi kong upuan dahil lahat na ng upuan dito ay occupied na maliban sa tabi. Mukhang sinadya ng estudyante na uupo sana dito na mag-absent para hindi ako makatabi.
"May pangarap ka ba talaga sa buhay?" muling pangungulit ni Nein.
Dito na ako tumingin sa kanya. Kinunot ko ang aking noo dahil sa pagkairita. "What's your deal? Kaibigan ka ng Rio na 'yon diba?"
Ngayong lumingon ako sa kanya, sya naman ang nagfocus sa harap pero nagawa pa din nyang sumagot. "Yung gagong 'yon? Hindi ko 'yon kaibigan. Kaibiganin n'ya puwet n'ya," sagot nito.
Gusto kong tumawa dahil sa sinabi n'ya pero pinigilan ko ang sarili.
Nagsimula ang program. Kasabay ng malakas na tugtog na pang-graduation ay ang lakas din ng pagtibok ng puso ko.
Bakit ganito?
Hindi ko gustong pumunta sa stage.
Am I having a stage fright? Hindi naman ako magsasalita sa harap. Yes, I'm supposed to be the valedictorian but after that incident, hindi na ako nag-aral pa ng mabuti.
"Huy! Okay ka lang?" Nein asked with a worried look.
Hindi ko sya sinagot at nagfocus sa pagpapakalma ng sarili. I tried what I usually do tuwing nagagalit, nalulungkot at umiiyak ako. I took a deep breath and hold it for 10 seconds and released it.
Did it work?
My heart is still dancing with the loud music.
No! Nagpatuloy ito hanggang sa malapit na ang turn ko.
"Huy!" Niyugyog ni Nein ang aking balikat dahil sa pag-aalala.
I was about to answer him when my phone rang.
Shit! This is not happening again.
Something cold dripped on my fair skin. They're allover. On my forehead, on my palm, everywhere! My breathing started to get deeper.
"Pacifica!" Nein called.
"M-my p-ho-ne," I stuttered.
"Your phone?" natatarantang tanong ni Nein.
I was supposed to tell him to turn it off when he gave it to me instead.
Hindi ko kinuha ang cellphone ko pero nang makita ko na hindi ito ang inaakala kong tumatawag, mabilis ko itong kinuha at umalis palayo ng konti sa lugar na iyon. Tatlong tao na lang at kami na ni Nein at ng absent kong katabi ang susunod. Sakto dahil hindi ko gustong pumunta sa stage.
Maingay ang paligid kaya niloud speaker ko na lang ang tawag. Mabuti na lang kinuha ko ang number n'ya kanina.
"H-hello, Minerva?" Nanginginig pa rin ang aking mga kamay habang hawak ang aking telepono. Maririnig sa aking boses ang matinding kaba ngunit wala ito kung ikukumpasa sa boses ng matandang babae sa kabilang linya.
"Pacifica, makinig ka..." mahina at tila bumubulong ang matanda ngunit mahahalata ang kaba at takot sa boses nito. "Kailangan mong umalis d'yan ngayon na. Hinahanap ka ng mga tauhan ng papa mo. Nanganganib ang buhay mo."
H-ha?
Narinig ko ng malinaw ang mga sinabi ni Minerva pero tila hindi ito rumerehistro sa aking isip.
"Wala nang oras para magpaliwanag. Kunausap ko ang aking asawa na patuluyin ka muna sa aming bahay. Sa susunod na linggo magreretiro na ako at susunod doon. Hanapin mo si Roel Volmar sa Rosales, Santa Katalina. Magtiwala ka sa akin! Sige na-"
"Teka lang, Minerva! Ano- hindi ko maintindihan! Bakit ako hinahanap-"
"Wala nang oras! Umalis ka na d'yan!" pabulong na bulyaw ni Minerva na tila desperadong desperado na. Narinig ko sa kabilang linya ang ilang mga boses.
Isang putok ng baril ang nagpagulat sa akin at doon na naputol ang linya.
"Minerva?" tawag ko sa kabilang linya pero wala nang sumagot dahil namatay na ang tawag.
Napatalon ako nang isang kamay ang dumampot sa kamay ko. "Tara na. Ako'ng bahala sayo," wika ng lalaking kanina ko pa kinaiiritahan at hinila ako papunta sa kanyang kotse.
Hindi ko alam kung bakit pero may tiwala ako sa kanya. Tama. Gaya ito noon. Gaya ito noong mga bata pa kami.
Author's Note:
Don't forget to VOTE, COMMENT, FOLLOW and SHARE this story to your friends ;)
I'll be updating chapters of this story every Monday and Wednesday at around 3:00 pm <3
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top