#untold part
Once upon a night.
I thought I'll have a tough night dahil bukas pa ang uwi ng asawa ko, they're closing a business deal in La Union with his best friend. But I was taken by surprise nang makita ko ang pag pasok ng kotse niya sa gate.
Mabilis na bumaba ako mula sa kwarto namin para salubungin siya.
Halos pumalakpak ang dalawang tenga ko nang bumaba siya sa kotse.
"Akala ko bukas ka pa uuwi?" napa ngiti ako.
His eyes were sparkling dahil sa nakita niyang reaksyon sa mukha ko. I got it. Sinorpresa lang ako ng loko.
"Flowers for my baby." Inabutan niya ako ng isang boquet ng blue roses.
Pakiramdam ko naka mightybond ang ngiti ko sa mga pisngi ko. "Thanks mahal."
He gave me a hug and a kiss on my forehead.
Inakbayan niya ko papasok sa loob ng bahay. I can feel that he's dead tired, it's almost 10 in the evening.
"Dinner mahal?"
"Di ka pa kumain? Tara." He said. "I'm hungry."
Bigla akong natigilan. "Wala nga pala si manang, pina uwi ko."
"Oh bakit? Ikaw lang mag isa dito kanina?"
"Ngayong gabi lang naman, sinundo siya nung anak niya emergency daw."
Napa tango siya. "Buti nalang umuwi ako. Halika na."
"Yun na nga..." napa kamot ako. "Yung kasing pag kain diyan mahal yung pinag praktisan kong chicken adobo na lasang paksiw." Gusto kong lumubog sa kinatatayuan ko bigla. "Pag oorder nalang kita ng food." Sabi ko sabay lakad papunta sa sala.
"No need, yun nalang mahal." Sabay hila sakin.
Tinignan ko siya, I guess gutom na talaga siya. "Sure ka?"
"Yeah." He said.
Hinubad niya ang suot na jacket. Ako naman dumirecho na sa kusina para mag handa ng pagkain niya.
"Kumain kana?" tanong niya nang makitang pang isang tao lang ang naka handa sa mesa.
"Uh-um." Tumango ako. "Tabihan nalang kita." Hinila ko ang isang silya at naupo sa tabi niya. "Massage later?" I offer.
"My pleasure." He grinned.
Napa ngiti ako.
Medyo kabado ako nang salinan ko ng kanin ang plato niya. Expect ko naman na hindi niya magugustuhan ang luto ko dahil ako na mismo ang naka tikhim non' kanina.
"Thank you." He said.
Nag simula siyang kumain. Napa lunok ako sa unang pag subo niya ng pagkain.
I expect to hear some complaint from him. Pero tuloy-tuloy lang siya sa pagkain.
I like watching him. I can always do that kahit whole day pa.
"Sorry mahal." I said when he's almost done eating.
"Hmm? Why?"
"Because the food doesn't taste good, you're all tired and hungry tapos ganyan lang ang sinerve ko." I sounded bitter and I got misty eyed.
"Don't cry baby." He said. He took a glass of water bago nag punas.
Ginagap niya ang kamay ko. "The food doesn't taste good."
I bit my lower lip and cried. "Sorry."
He smirked. "Don't cry." He wiped my tears and looked straight in my eyes.
There I found how he's deeply in love with me. The way he looks at me.
"The food doesn't taste good." Ulit niya.
Naiyak ulit ako. Truth hurts nga talaga.
"But because you're the one who cooks... it taste awesome." Sabay halik sa kamay kong may paso at natatakpan ng band aid.
Hindi ko napigilang yakapin siya. "Dumada moves ka pa."
Niyakap ko siya ng mahigpit. I'm so in love with him. I know I'm not that perfect para bigyan ako ni Diyos ng mabait na asawa, but I thank him for giving me such a blessing. Truly he's a gift from above. "Thank you." I said with my eyes closed. Feeling his warmth.. enduring his scent and listening to his heartbeat...
Naramdaman ko ang pag ganti niya ng yakap. Then his sweet kiss on my hair. "I love you." He said.
#kiligmats
#SL and #Zia
#make me yours
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top