pabili po...

Pabili po ng amnesia.

Maka ilang ulit akong tinignan ng nurse habang hawak ang isang reseta. Maya-maya pa ay kumuha siya ng isang makapal na notebook na may naka sulat na 'records'.

Kumuha din siya ng ballpen.

"Ilang taon po ninyo gustong tumagal ang bisa ng gamot sir?" tanong niya.

"Forever." Sagot ko habang naka tingin lang ako sa kawalan.

"Walang forever sir." Sagot ng babae.

Otomatikong lumipad ang tingin ko sakanya.

"Joke lang sir, may forever po." Sagot niya sabay sulat sa hawak na notebook.

"Ano po ang gusto ninyo, syrup, tablet o capsul? Kapag po syrup, makakalimutan po ninyo ang lahat ng tungkol sa inyo, kapag po tablet, makakalimutan po ninyo ang mga ginawa sa inyo ng bawat taong kakilala ninyo pero hindi ang mga pangalan at identity nila sa buhay ninyo. Kapag capsule po, makaka limutan po ninyo pareho, kahit po ang identity ninyo hindi po ninyo ma aalala."

"Pag liquid gel?" tanong ko.

Napa kamot ang babae "Si sir naman. Out of stock po ang liquid gel, meron pong isa dito pero naka reserve na po iyon sa isang pasyeteng sawi sa pag ibig."

"Dodoblehin ko ang bayad."

Napa kamot ulit ang babae. "Sige na nga po."

"Kapag po liquidgel-"

"Makakalimutan ko ang babaeng mahal ko na sobrang nanakit sakin pati ang sarili ko." Putol ko.

"Ganun na nga po." Saglit na nag sulat siyang muli sa hawak na notebook. "Sir paki pirma nalang po." Sabay abot ng notebook.

"Maupo napo kayo sir." Tinuro niya ang isang electronic chair. Kapag umupo ka doon, saglit na irerecord sa machine ang mga alala na gusto mong burahin, ilalagay iyon sa isang safety box na kusang mag lo-lock sa oras na mabura ang memories. Hindi mo na iyon ma aaring panoorin kahit kaylan unless gusto mo talaga, kaylangan mo pang mag bayad ng napaka laking halaga.

Umupo ako sa upuan, may ipinatong siyang mala helmet na bagay sa uluhan ko. Unti unti akong nakaramdam ng antok pero bahagya lamang na naka pikit ang mga mata ko nang mag simulang mag play ang mga ala-ala sa isip ko.

Anim na taon na ang nakaka raan nang makilala ko ang isang babae, maganda siya, morena at may katamtamang taas. Siya si Thea. Nainlove talaga ako sa kanya. Niligawan ko din siya ng ilang buwan. Masarap siyang mag mahal, malambing, ma alaga at medyo selosa. Isang bagay pa.. may mga na ngangahas parin na manliligaw sakanya kahit na nobyo na niya ako, It really proves that she is different from any other woman.

Hindi iilang beses kaming nag away dahil doon, yes.. nag seselos ako. Abnormal ang isang lalaki kung hindi siya nakakaramdam non. Pero hindi naman sapat ang ganoong dahilan para mag hiwlay kami, sa pag kaka alam ko. Umabot narin ng mahigit sa limang taon ang relasyon namin. Hanggang sa dumating ang isa nanamang away sa pagitan naming dalawa. Dahil parin sa ilang mga lalaking may gusto sakanya.

Minsan tuloy naiisip ko, masaya ba siya pag miserable ako? Kapag nag seselos ako sa ibang mga lalaking mahal din siya?

Ang isang oras naming tampuhan ay tumagal ng ilang oras, hanggang sa naging isang araw, tatlong araw.. isang linggo. Sa pag lipas ng mga araw parang lalo siyang lumalayo sa akin, lalong lumalamig ang yelong pader sa pagitan naming dalawa... hanggang sa parang naging bato ang puso niya. Dumating sa punto na ni sa text ay wala na pala kaming komunikasyon. Naisipan kong puntahan siya, hindi sapat ang dahilan ng pag aaway namin para sayangin ang mahigit limang taon. Babalikan ko siya. Pero nagulat ako nang malaman ko na may iba na pala siya.

Alam kong alam niya na nasaktan ako. Pero hindi niya alam kung gaano.

Pagka tapos ng ilang araw kumakatok siya sa pintuan ko. Humihingi ng sorry. Dalawang kamay na tinanggap ko ulit siya. Dahil sobrang mahal ko siya. Oo tanga ako...

Pero hindi pala ganoon kadali ang lahat. Mas dumami ang pag aaway namin. Dahil wala ako sa mood. Na paranoid ako. Konting galaw lang niya iniisip ko agad na may ginagawa siyang kalokohan. Baka kasama o ka text niya yung lalaking ilang linggo niyang pinalit sakin at kung anu-ano pa. Wala na akong tiwala sakanya. Hanggang sa sinukuan na rin niya ako. Hindi na namin naagapan pa ang gap sa pagitan naming dalawa

Doon ako parang nagising. Bandang huli, masakit parin pala...

***

Pag gising ko nasa isang puting kwarto ako. Isang babae ang nasa gilid ng kama ko. Umiiyak siya.

Hindi ko siya kilala pero may kakaibang kirot sa puso ko habang nakikita ko ang mga luhang pumapatak mula sa maganda niyang mata.

"Gising kana pala." Sabing pumasok na nurse.

Inabot niya sakin ang isang clipboard. "Ibinilin po ninyo sa akin na ipabasa po sa inyo itong note, na kayo din mismo ang gumawa pagka gising ninyo sir."

Napa tango ako. Inabot ko ang clip board at binasa. Maka ilang ulit kong binasa iyon bago binalik ulit sa nurse.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa babae.

Napa iling ang babae habang patuloy parin ito sa pag iyak. "Bakit mo ginawa yon? Ganyan ka na ba ka desperadong kalimutan ako? Alam ko nasaktan kita pero bakit John?"

"Ikaw siguro si Thea. Pasensya kana. Kaylangan ko kasing uminom ng amnesia." Tinitigan ko siya. "Para magawa ko ulit na mahalin ka gaya ng dati."

Hindi ko inalis ang pag kaka titig ko sa mga mata niya. "Gusto kong mahalin ka gaya nang dati, gusto kong makita mo sa mga mata ko na kaya kitang tignan.. as if hindi nangyari ang mga pagkakamali sa pagitan nating dalawa. Kaylangan ko kasing kalimutan ang sakit para buong-buo kong maibigay ulit sayo ang pag mamahal at tiwala ko... kaylangan kong kalimutan ang dating ako dahil gusto kong buuin ulit ang sarili ko kasama ka...-"

-the end

-qp

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: