CHAPTER 11: Trying To Make Things Better

Today is my birthday‚ and like what mom has promised‚ she’s trying to make things up. She made a reservation in a fancy restaurant for our lunch. She also made a reservation in a salon and bought a movie ticket for the three of us. She also mentioned that before heading to the movie theater‚ we’ll do some shopping first. Kaya kahit na tinatamad pa akong bumangon ay pinilit ko pa ring imulat ang aking mga mata at salubungin ang nakakasilaw na liwanag ng araw na tumatagos mula sa nakasarang bintana ng kwarto ko.

Kahit inaantok pa ako ay pikit-mata pa rin akong naglakad papuntang banyo para maghilamos at maligo na rin after preparing my clothes.

After half an hour ay natapos na ako sa morning routine ko kaya agad na rin akong bumaba para mag-almusal. Ngunit nasa may hagdan pa lamang ako ay bigla na akong natigilan nang may mapansin ako.

Inilibot ko ang tingin ko sa apat na sulok ng bahay‚ only to find out that I was right—nobody’s around. No wonder ang tahimik ng buong bahay at walang regalong bumungad sa ‘kin pagkabukas ko ng pinto ng kwarto ko. But the question is‚ where are they? It’s past 9am and they are supposed to be here‚ because like what I said‚ they made a reservation in a restaurant and we should be there before 12noon.

Tsk! Don’t tell me na nakalimutan nila? Tss! What a shame!

So‚ since mag-isa lang naman ako ngayon sa bahay dahil mukhang hindi tuloy ang plano namin for this day ay minabuti ko na lamang na pumuntang kusina para sana ipaghanda ang sarili ko ng almusal‚ slash tanghalian. Pero bago pa man ako tuluyang makatapak sa loob ng kusina ay sinalubong na ako ng dalawang magkasabay na putok ng confetti at ang laman nitong pira-piraso na nagkalat na sa mismong kinatatayuan ko.

HAPPY BIRTHDAY!

Nang marinig ko ang sigaw nina mama’t papa ay doon lamang nag-sink in sa akin ang lahat. Kaya naman ay dali-dali kong inilibot ang tingin ko sa bawat sulok ng kusina. May tarpauline sa mismong dingding sa tapat ko hindi kalayuan sa akin kung saan nakalagay ang mga katagang ‘HAPPY 19th BIRTHDAY‚ MIKA!’ with my picture on the left side. May balloons din sa magkabilang gilid nito at maging sa mga dingding at sa sahig ay nagkalat ang mga lobo. Sa ceiling naman ay may mga nakadikit na lobo na may curly na design sa dulo.

Habang iginagala ko ang tingin ko sa buong kusina ay nahagip ng mata ko ang medyo may kalakihang bilog na mesa sa pinakagitna kung saan may mga nakahaing agahan na akala mo ay bibitayin ang sino mang kakain sa dami nito.

Did they prepare all of this? wala sa sariling tanong ko sa aking isipan.

Is this a dream? If this is a dream‚ then I don’t want to open my eyes and wake up. I want to live in this dream.

Sa buong buhay ko ay ngayon lang sila nag-effort ng ganito. Ngayon lang nila pinaramdam sa ‘kin na special ang araw na ‘to and it’s worth celebrating for. Buong buhay ko kasi ay pakiramdam ko ay ayaw nila sa ‘kin at kasumpa-sumpa ang araw na isinilang ako. But now‚ tila ba ay unti-unti nang nawawala ang pakiramdam na ‘yon. Pero syempre‚ ‘yong sama ng loob ko sa kanila‚ hindi basta-bastang mawawala ‘yon dahil lang sa ginawa nilang ito. Hindi madali ang makalimot at magpatawad lalo pa kung hindi pa nawawala ang sakit at hindi pa tuluyang naghihilom ang sugat.

Agad akong napabalik sa kasalukuyan nang maramdaman ko ang pagdampi ng mga labi nina mama’t papa sa magkabilang pisngi ko.

Happy birthday‚ ‘nak‚” they greeted me.

T-Thanks‚”  nag-aalangan kong tugon.

Hindi ako sanay na ganito sila—iyong sweet at thoughtful. Nasanay na rin siguro ako na wala silang pakialam sa ‘kin.

Halina‚ kumain na tayo ng agahan at nang matanggap mo na ang regalo mo‚ galak na galak na sambit ni mama na ngayon ay wala nang mapagsidlan ng tuwa sa hindi malamang dahilan.

Regalo? Hindi pa ba ito ‘yon? naguguluhang tanong ko.

Sobra-sobra na nga ‘tong preparasyon na ginawa nila‚ plus iyong family date namin. Tapos may paregalo pa. Saan naman kaya sila kumuha ng pera para sa lahat ng ‘to? Don’t tell me‚ kumuha sila ng loan? Haist! Huwag naman sanang magkatotoo ang hinala ko.

Ano ka ba naman‚ anak? Syempre hindi pa ito ‘yong regalo namin sa ‘yo. May mas malaking sorpresa pa kaming inihanda ng papa mo kaya kumain ka na at nang makita mo na ang sorpresa namin para sa ‘yo‚” ngiting-ngiting tugon ni mama na halatang excited para sa sorpresang sinasabi niya.

Hindi na ako nagtanong pa dahil mukhang wala namang balak sina mama na sabihin sa ‘kin kung ano ‘yong sorpresang sinasabi nila. Mas pinili ko na lamang na maupo sa hapag at kumain na siya rin namang ginawa nina mama’t papa.

Matapos naming kumain ay agad na kaming lumabas ng bahay. At nang nasa labas na kami ay papara na sana ako ng taxi dahil buong akala ko ay aalis na kami nang biglang may iabot sa akin si papa na susi.

Ano ‘to? Susi sa bahay? May naiwan ba kayo sa loob? agad na tanong ko pagkatanggap ko ng susing iniabot sa akin ni papa.

Agad namang gumuhit ang ngiti sa labi ni papa dahil sa naging reaksyon ko.

Mukha ba ‘yang susi ng bahay? natatawang tanong ni papa na ikinakunot ng noo ko.

Pinakatitigan ko namang mabuti ‘yong susing hawak ko‚ at tama nga si papa‚ hindi ito susi ng bahay. Pero kung hindi ito susi ng bahay‚ para saan ‘to?

Habang sinusuri ko ang susing hawak ko at iniisip kung para saan ito ay hindi sinasadyang may napindot ako. Kasabay nito ay ang isang malakas na tunog at ang pagparada ng isang magarang pulang kotse sa mismong tapat namin. Unti-unting bumaba ang bintana ng kotse at halos malaglag ang panga ko nang magsalita ang driver nito.

Ms. Mika‚ are you ready for the ride? pormal na tanong ng nagmamaneho ng kotse na nanatili lamang na nakaupo sa driver’s seat.

Kaagad kong binalingan sina mama at binigyan ko sila ng nagtatanong na tingin dahil wala talaga akong kaide-ideya sa nangyayari.

It’s yours. It’s our birthday gift for you‚ nakangiting tugon ni mama at ginawaran pa niya ako ng mahigpit na yakap na tumagal lamang ng ilang segundo.

How? I mean‚ how did you afford this? Pati ‘yong mga reservation? pagsasatinig ko sa tanong na kanina pang gumugulo sa ‘kin.

Iyong sa reservations‚ kinuha namin ‘yon sa savings namin ng papa mo. And this car is actually from your grandparents‚ she answered na mas lalong ikinakunot ng noo ko.

Akala ko ba hindi kayo okay nina lolo’t lola? takang tanong ko kay mama dahil sa pagkakatanda ko ay itinakwil na siya ng mga ito dahil nabuntis siya nang maaga.

Galing sa mayaman at kilalang pamilya si mama kaya nang mabuntis siya sa murang edad ay itinakwil siya ng mga magulang niya dahil sa ayaw ng mga magulang ni mama na masira ang pangalang pinakainiingatan nila. Ayaw rin nilang mapahiya sa kanilang mga kakilala lalo pa’t nag-iisang anak nila si mama at ito pa mismo ang nagdala sa kanila ng kahihiyan.

Akala ko rin. But it turns out na hinihintay lang pala nila na lumapit ako sa kanila at pagsisihan ko ang nagawa ko. Pero‚ anak‚ huwag na nating pag-usapan ‘yon. Let’s just enjoy this day. Sige na‚ pumasok ka na sa kotse at nang maturuan ka ni Edward kung paanong magmaneho nito‚ mahabang tugon ni mama at agad niyang itinuro ang direksyon ng kotse na lulan ang lalaking tinawag niyang Edward.

Huh? E paano ‘yong lakad natin? naguguluhan pa ring tanong ko.

Maaga pa naman‚ at isa pa‚ sandali lang naman kayong mawawala ni Edward. Fast learner ka naman kaya paniguradong wala pang isang oras ay marunong ka nang magmaneho at ikaw na mismo ang maghahatid sa amin ng mama mo papunta sa destinasyon natin‚” kampante at tila siguradong-siguradong sagot ni papa bago niya binalingan ng tingin iyong driver ng kotseng nakaparada sa tapat namin.

Edward‚ ikaw na ang bahala sa anak namin. Mag-iingat kayo‚” bilin ni papa sa driver ng kotseng nakaparada sa aming harapan na siyang magtuturo sa aking magmaneho.

Ako na pong bahala‚ sir. Sinisigurado ko po sa inyong mamaya ay magagawa nang magmaneho pabalik ng inyong anak nang hindi ako kasama‚ puno ng kumpiyansang saad ng driver na si Edward.

Talagang maaasahan ka‚ Edward. Hindi talaga nagkamali ng pagpili sa ‘yo ang mama‚” papuri ni mama kay Edward bago siya bumaling ng tingin sa ‘kin. Mika‚ anak. Sige na‚ umalis na kayo at nang makabalik ka agad.

Naguguluhan man ako sa mga nangyayari ay mas pinili ko na lamang ang manahimik at sumunod kina mama. Pumasok na ako ng kotse at tulad nga ng sabi ni Edward ay tinuruan niya ako at wala pang kalahating oras ay nagawa ko nang makapagmaneho ng kotse nang ako lang na siya namang labis kong ikinatuwa.

Ginamit ni Edward ang koneksyon ng lolo’t lola ko kaya agad akong nakakuha ng lisensya. Kaya naman ay ako na mismo ang naghatid kina mama’t papa papuntang resto sakay ng kotse ko.

Sunod naming pinuntahan ay ang salon. Una kaming pumuntang salon bago kami nagkayayaan na maglibot at mag-shopping sa mall.

Nasa kalagitnaan kami ng paglilibot nang bigla akong makaramdam na para bang sasabog na ang pantog ko kaya agad akong nagpaalam kina mama.

Ma‚ pa‚ banyo lang ako‚ paalam ko sa kanila na parehong abala sa pagtingin sa mga naka-display na damit sa isang boutique na nasa loob lang din ng mall.

Sige. Pero bilisan mo‚ nak‚ para makanood na tayo‚” malambing na wika ni mama.

Tango na lamang ang naging tugon ko at nagmamadali na akong umalis para hanapin ang banyo.

Habang nasa banyo ay hindi ko maiwasang alalahanin lahat ng efforts nina mama’t papa para lamang ipagdiwang ang kaarawan ko. Talagang pinanindigan ni mama ang sinabi niyang babawi siya. Kaya isa lang ang masasabi ko sa ngayon. This is my best birthday so far and I hope na masundan at maulit pa ito.

Ayoko mang aminin but they made me happy. Kaya naman ay masaya akong lumabas ng banyo. Nakangiti akong naglakad pabalik ng boutique na pinag-iwanan ko kina mama’t papa. Pero agad na napawi ang ngiti ko nang marinig ko ang sigawan nila mula pa lamang sa labas ng boutique.

Ano ba ang pumasok sa isip mo at naisipan mong gumastos ng napakalaking halaga? Pinakialaman mo pa ang ipon natin. Alam mo namang para sa pagkokolehiyo ni Mika ‘yon! galit na galit na sigaw ni papa na rinig na rinig ko mula sa labas.

Huwag kang mag-alala dahil babayaran ko ‘yon. Ibabalik ko ang perang kinuha ko sa savings natin‚ taas-noong sagot ni mama na mukhang siguradong-siguradong maibabalik niya ang perang nagastos niya gaano man ito kalaki.

At saan ka naman kukuha ng pera? Doon sa mama mong matapobre? Ruth‚ naman! Akala ko ba napag-usapan na natin ‘to? Nangako ka na kahit anong mangyari ay hinding-hindi ka lalapit sa mga ‘yon. Pero anong ginawa mo? Sinira mo ang pangako mo! Inapakan mo ang pagkalalaki ko! Ang masakit pa nito ay pati anak natin dinamay mo sa pagiging matapobre ng pamilya mo! bulyaw ni papa kay mama na mukhang mas umigting pa ang galit dahil sa naging tugon ni mama sa kaniya.

Hindi ko na nakayanan pa ang mga naririnig ko at nag-unahan na sa pagtulo ang mga luha ko. Ang sakit lang kasi. Sobrang sakit. Sobrang sakit na marinig na nagtatalo ang mga magulang mo dahil sa ‘yo.

Kung alam ko lang na kapalit ng kaligayahan ko ay ang pagkakasamaan nila ng loob‚ sana pala nakuntento na lang ako sa regalong natatanggap ko na bumubungad sa akin pagkabukas ko ng pinto ng kwarto ko taon-taon.

Simple lang naman ang gusto ko. Ang makasama sila sa kaarawan ko. Pero bakit parang ang hirap mangyari ng gusto ko? Bakit parang ayaw ng mundo na maging masaya ako kahit isang araw lang? Kahit sa mismong kaarawan ko lang. Am I not deserving for the happiness that I am longing for?

Alfred‚ baka nakakalimutan mo‚ pamilya ko pa rin sila. At kahit masama ang loob ko sa kanila at ganoon ka rin ay hindi pa rin tamang pagsalitaan mo sila ng masama. Saka sa tingin mo ba‚ gusto ko ring gawin ‘to? Alfred‚ higit kanino man ay ikaw ang mas nakakaalam kung gaano ko sila kinasusuklaman dahil sa pagtatakwil nila sa ‘kin noong mga panahong kailangang-kailangan ko sila. Pero anong magagawa ko? Wala na akong ibang alam na pwedeng malapitan. Ito na lamang ang nakikita kong paraan para makabawi sa anak natin at alisin ang galit sa puso niya. Mahal na mahal ko ang anak natin at masakit para sa ‘kin na makitang galit‚ poot at pangungulila ang namamayani sa puso niya. Kaya kahit na mahirap ay pinilit kong isantabi ang galit ko kina mama at pati na rin ang pride ko para sa kaligayahan ng anak natin. Afred‚ sana ikaw rin. Kahit minsan naman ay unahin mo ang kapakanan ng pamilya natin lalong-lalo na ang kapakanan ng anak mo bago ang sarili mo. Alfred‚ tatay ka na. May anak na tayo. Hindi ka na binata‚” mahabang tugon ni mama.

Ramdam ko na ang tensyon sa pagitan nina mama’t papa kaya hindi ko na hinintay pang lumala pa ang sitwasyon. Kaagad na akong pumasok ng boutique na agad namang nakakuha ng atensyon nila.

Anak‚ k-kanina ka pa ba riyan? nahihirapang tanong ni mama na gulat na gulat na makita ako.

Yes‚ and I heard everything‚ pagtatapat ko.

Nanlulumo nila akong tiningnan na mas lalo ko namang ikinainis. Inis hindi para sa kanila kundi inis para sa sarili ko dahil alam ko namang ako ang dahilan kung bakit sila nag-away at kung bakit ganiyan ang mga mukha nila. At dahil na rin siguro sa guilt at inis ko sa sarili ko ay kusa na lamang kumilos ang kanang kamay ko para kunin ang susi ng kotse sa bulsa ko at iabot ito kay mama.

Hindi ko kailangan ‘to kaya ibalik na lang ninyo ‘to kina lola. Tungkol naman sa pera na nagastos ninyo para sa mga reservation at sa selebrasyon ng kaarawan ko‚ huwag na kayong mag-alala dahil babayaran ko ‘yon. Nasa legal age naman na ako kaya hindi na ako mahihirapang humanap ng part-time jobs‚” mahabang sabi ko nang hindi man lamang sila tinitingnan nang diretso sa mga mata nila.

Anak‚ hindi mo kailangang gawin ang lahat ng ‘yan. Ako ang gumastos ng pera kaya ako ang aako ng responsibilidad na bayaran ‘yon. Saka iyong kotse‚ sa iyo ‘yon. Bigay sa iyo ‘yon ng lolo’t lola mo. Kahit naman na may alitan kami ng lolo’t lola mo ay apo ka pa rin nila at may responsibilidad sila sa ‘yo‚” pagtutol ni mama.

Pilit na ibinabalik ni mama sa akin ang susi pero hindi ko ito inabalang tanggapin o ni tingnan man lamang. Buo na ang desisyon ko at hindi na magbabago ‘yon. Kotse lang ‘yan‚ madaling bilhin. Pero ang dignidad ng parents ko‚ kapag naapakan at nadurog‚ mahirap nang buuin. Saka nagawa naman naming maka-survive sa loob ng labingsiyam na taon nang walang tinatanggap na kahit na anong tulong mula kina lola kaya magagawa rin naming maka-survive ng another years nang hindi humihingi ni singko mula sa kanila. Itinakwil nila kami‚ kaya itatakwil din namin sila. Hindi namin sila kailangan at mas lalong hindi namin kailangan ang pera nila. We can live on our own. We can survive without their support.

A/N: Bitin? Disappointed? Well‚ ganiyan talaga. Masyado kasi tayong nag-e-expect. Chos!😂 Pero ito‚ seryoso na. Alam kong bitin. Sinadya ko talaga ‘yan para mapaisip din kayo kung ano nga ba talagang makakapagpasaya sa isang tao at kung anong bubuo sa kaniyang pagkatao.

Sige‚ pag-isipan ninyo😆 Annyeong!🙋🏻‍♀

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top