CHAPTER 10: Burst of Anger
Dahil sa pag-cut ko ng klase ay napaaga ang uwi ko ng bahay kung saan ay naabutan ko si mama na nakaupo sa sala at tahimik na nanonood ng tv.
"Oh? Ang aga mo yata?" bungad niya sa 'kin.
"Hindi ako pumasok. I'm not feeling well," agarang sagot ko sa tanong niya nang hindi man lamang siya tinatapunan ng tingin.
"Why? May masakit ba sa 'yo?" alalang tanong niya na ikinapikit ko nang mariin.
Tss! Now she's concern all of the sudden. Should I throw a party for this miracle? Tsk! Asa! All these years, ngayon pa talaga siya magpapakananay? Isn't it too late?
"Wala. Kailangan ko lang ng pahinga," walang ganang sagot ko at aakyat na sana ng kwarto nang bigla niya akong hawakan sa kamay at pigilan ako sa pag-akyat.
"Pwede ba tayong mag-usap?" she asked in a calm voice na bahagyang ikinataas ng kilay ko.
"Tungkol saan?" wala pa ring ganang tanong ko pabalik.
"Tungkol sa 'yo," tugon niya.
"Tss!" I hissed. "Sa ibang pagkakataon na lang. I'm not in the mood," Tamad kong sagot at sinubukang bawiin ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. Pero masyadong mahigpit ang hawak niya rito kaya hindi ako makaalis mula sa pagkakahawak niya.
"We'll talk whether you like it or not. Now, take your seat," she said in a firm voice na para bang isang paslit ang kausap niya at madali niyang mapapasunod sa gusto niya.
"I already said no. Can't you..." Nabitin sa ere ang sana'y sasabihin ko nang muli siyang magsalita.
"I said take a seat" may diing turan niya kaya kahit labag sa loob ko ay sumunod pa rin ako at pairap akong naupo sa sofa.
"Now, tell me," maawtoridad na wika niya nang sandaling makaupo siya sa katapat kong sofa.
"Tell you what?" naguguluhang tanong ko dahil unang-una, wala akong alam sa kung anong tinutukoy niya, at pangalawa, kahit alam ko ay hindi ko pa rin sasagutin ang tanong niya. I don't want her nor anyone to interfere with my life. I want to live my life the way I want and without someone meddling with my business.
"What's the problem? This past few days, parang naging matamlay ka at parang ang dami mong iniisip. Nag-aalala na kami ng papa mo sa 'yo kaya gusto naming malaman kung anong problema," aniya.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano sa narinig ko. Tss! Now, they're concern? For the past 18 f*cking years, kahit kailan ay hindi ko naramdaman na may halaga ako. Sa loob ng labingwalong taon, ipinagkait nila sa 'kin ang atensyon at pagmamahal na matagal kong inasam. Nabuhay at lumaki ako ng uhaw sa pagmamahal ng isang magulang, at higit sa lahat, lumaki ako ng may galit sa mga magulang ko dahil pakiramdam ko ay inabandona nila ako. Pinaramdam nila sa 'kin na nag-iisa ako at hindi ako dapat na nandito. They made me feel neglected all these years. Tapos ngayon, ano? Bigla-bigla na lang silang magpapakita ng concern? Bigla-bigla na lang siyang magpapakaina sa 'kin?
D*mn it! She's too late! Tanggap ko ng mag-isa ako. Tanggap ko ng anak niya lang ako sa pangalan, dugo't laman pero hindi sa puso. Matagal ko ng inalis sa sarili ko ang pag-asang mamahalin pa nila ako bilang anak nila. Natabunan na ng poot at galit ang dating pangungulila ko sa kanila. Wala ng silbi kahit magpakaina pa siya sa akin ngayon. Malaki na ako at hindi ko na kailangan ng atensyon nila.
"Wala akong problema, at kung mayro'n man, sa tingin mo ba sasabihin ko sa 'yo? Tss! No way in h*ll," walang prenong sagot ko at inirapan siya.
"Mika, 'yong bibig mo!" pagsaway niya sa 'kin. "Baka nakakalimutan mo, ina mo pa rin ako."
Hindi ko maiwasang tumaas ang sulok ng labi ko dahil sa sinabi niya. Ina? Hindi ko maalalang may ina pa pala ako. Oo, siya ang nagluwal sa 'kin. Pero hindi doon nagtatapos ang responsibilidad niya bilang ina ko. Sa loob ng labingwalong taon, ni minsan hindi niya ako tinanong kung kumusta na ba ako, kung ayos lang ba ako, kung nakakain na ba ako at kung anong gusto ko. Nasa iisang bahay lang kami pero parang nag-iisa lang ako at walang kasama. Hindi ko maramdaman ang presensya nila. They never reached out to me. Ni hindi ko pa nga sila nakitang ngitian ako. Maging sa kaarawan ko, hindi nila ako magawang batiin ng personal. Mag-iiwan lamang sila sa labas ng pinto ng kwarto ko ng tig-iisang regalo na may kasamang note at pera at bahala na akong kumain sa kung saang restaurant o kainan ko gusto.
Sa tingin ba nila, sapat na 'yong regalong 'yon para punuan lahat ng pagkukulang nila? Hindi! Kahit kailan hindi mapupunuan ng mga materyal na bagay ang pangungulila ng isang anak sa magulang. Sila ang kailangan ko noong mga panahong 'yon. Hindi ang pera nila.
Wala akong ibang hiling sa tuwing sasapit ang kaarawan ko kung hindi ang makasama silang kumain sa labas upang ipagdiwang ang kaarawan ko. Tumanda na ako't lahat pero hindi pa rin nagkakatotoo ang pangarap ko. Nainip na ako sa kahihintay pero wala pa rin. Kaya ngayon, ang tanong ko, ina ko pa ba siyang maituturing?
"Ina? Wow! Just wow! Kilabutan ka nga sa sinasabi mo. Ina lang kita sa papel. Matagal mo ng isinuko ang pagiging ina mo sa 'kin, baka nakakalimutan mo."
Nakita ko kung paanong gumuhit sa mukha niya ang sakit dahil sa mga salitang binitawan ko. I know I'm way out of the line but I can't hold it in anymore. Sa loob ng labingwalong taon, ngayon lang ako naglakas loob na ilabas ang kung anong nasa loob ko. Masaktan na ang dapat masaktan, wala na akong pakialam. Ang gusto ko lang sa ngayon ay ilabas lahat ng hinanakit at sama ng loob na kinikimkim ko all these years.
"Mika, anak, ano ba 'yang pinagsasabi mo? Anong isinuko? Kahit kailan hindi ko tinalikuran ang pagiging ina ko sa 'yo," umiiyak ng turan niya.
Tatangkain niya sanang haplusin at hawakan ang kaliwang pisngi ko pero mabilis pa sa alas kwatro akong nag-iwas ng tingin para ilayo ang mukha ko sa nakataas na niyang palad.
"Oh? Talaga ba? Sige nga, sabihin mo sa 'kin. Kailan ka ba naging ina sa 'kin?" hamon ko sa kaniya which made her silent.
Nanatili siyang tahimik ng mga ilang minuto habang nakatingin sa kawalan na parang may inaalala. Makalipas ang halos limang minuto ay nag-unahan na sa pagtulo ang mga luha niya at nanlulumo niya akong tiningnan.
"Anak, I'm sorry... Hindi ko alam..."
Sunod-sunod na pag-iling ang ginawa niya habang patuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha niya.
Sa sinabi niya ay mas lalo lang umigting ang galit na nararamdaman ko sa kaniya at kay papa. Hindi ko na rin napigilan pa ang pagbuhos ng mga luha kong labingwalong taon kong pinakatatago sa kanila.
"Hindi mo alam? Alin ang hindi mo alam? Hindi mo alam na nasasaktan ako sa pambabalewala ninyo? Hindi mo alam na all these years, wala akong ibang hiniling kung hindi ang mahalin at tanggapin ninyo ako bilang anak ninyo? Hindi ba ninyo alam na sa bawat paggising ko, tinatanong ko ang sarili ko kung anong silbi ko? Kung bakit patuloy pa rin akong nabubuhay? Kung bakit ang unfair unfair sa 'kin ng mundo! Alam mo ba, pakiramdam ko minsan, para lamang akong anino sa bahay na 'to! Nakikita nga ninyo ako pero never naman ninyong kinumusta ang lagay ko. Ni hindi nga ninyo ako magawang alagaan tuwing may sakit ako! Palagi kayong wala! Pero ano bang bago? Kahit naman nandito kayo, hindi ko pa rin naman ramdam ang presensya niyo. Mas mabuti pa nga siguro kung mag-isa na lang ako. At least kung mag-isa ako, hindi na ako aasa pang may mag-aalala sa 'kin." Saglit akong tumigil para pakalmahin ang sarili ko ngunit bigo ako. Ni hindi man lang humupa ang galit ko kahit kaunti. "Kung ganito lang din naman, sana hindi mo na ako ipinanganak! Saan noon pa lang, ipinalaglag mo na ako! Iyon naman talaga ang balak mo, hindi ba? Bakit hindi mo itinuloy? Bakit mo pa ako hinayaang mabuhay kung sa araw-araw naman na buhay na ginawa ng Diyos ay pinaparamdam ninyo sa akin na isang pagkakamali na nabuhay ako?! Bakit? Sabihin ninyo, bakit?!"
Muli niya akong tinangkang hawakan ngunit katulad kanina ay muli lamang akong dumistansya sa kaniya upang hindi niya ako maabot.
"Mika, anak, I'm sorry. I'm so sorry... I'm sorry kung naiparamdam ko sa 'yong hindi ka mahalaga. I'm sorry kung ipinaramdam namin sa 'yo ng papa mo na bunga ka ng pagkakamali. Masakit mang tanggapin pero oo. Noong una inisip kong ipalaglag ka. Pero hindi dahil hindi kita mahal. Naisip kong ipalaglag ka dahil sa takot. Oo, takot ako. Takot ako na baka hindi kita maalagaan nang mabuti. Takot ako na baka hindi ko magampanan ang pagiging ina ko sa 'yo. Masyado pa akong bata nang mga panahong 'yon. Hindi pa ako handa sa responsibilidad. Hindi pa ako handang maging ina sa 'yo. Hindi pa ako handang bumuo ng sarili kong pamilya. Pero anak, sa maniwala ka't sa hindi, pinipilit kong maging mabuting ina sa 'yo. I tried my best. Sinubukan ko na lahat ng paraan na alam ko, pero wala e, hindi ko alam kung paanong maging ina sa 'yo."
Halos lumuhod na siya sa harapan ko para hingin ang kapatawaran ko. Hirap na rin siya sa paghinga dahil sa walang tigil niyang pag-iyak habang ako ay tila nabawasan na ang bigat ng dinadala ko dahil sa paglalabas ko ng aking saloobin. Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga bago ko sinalubong ang nagmamakaawang tingin ni mama.
"Naiintindihan kong hindi ninyo plinano ang pagkabuhay ko. Naiintindihan kong masyado pa kayong bata nang ipinanganak ninyo ako. Naiintindihan ko ring masyado pa kayong bata para sa isang mabigat na responsibilidad. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit sa loob ng labingwalong taon, ni minsan ay hindi ninyo pinaramdam sa 'kin na may halaga ako, that you care for me. Kung iisipin ay maraming pagkakataon para bumawi kayo at punuan ninyo lahat ng pagkukulang nimyo sa 'kin. Pero sa lahat ng taong lumipas, wala kayong ginawa. Hinayaan ninyong tuluyang lumayo ang loob ko sa inyo. Hinayaan ninyong galit ang mamayani sa puso ko," panunumbat ko sa kaniya.
Sa kabila ng kaniyang nangangatog na tuhod ay nagawa pa rin niyang tumayo. Pilit niyang tinuyo ang kaniyang pisngi ngunit bigo siya. Tuloy pa rin sa pag-agos ang kaniyang mga luha.
"Alam ko. Alam kong may kasalanan din ako. Pero anak, hindi pa naman huli ang lahat, hindi ba? Pwede pa naman nating ayusin 'to. Pwede tayong magsimulang muli ng panibagong buhay bilang isang pamilya. Ikaw, ako, at ang papa mo," determinadong aniya na tila ba ay tiwalang-tiwala siya na pupuwede pa kaming maging isang buo at masayang pamilya tulad ng iba.
"I don't think so. You're 18 years late. Sirang-sira na ang pamilyang 'to. There's no way that we can make things better," pagkontra ko dahil malabo ng maayos pa ang pamilya namin.
Oo, madaling magpatawad pero mahirap ang makalimot. At mas lalong mahirap ang umakto na para bang walang problema, na ayos lang ang lahat.
"Anak, magtiwala ka. Maaayos pa natin 'to." determinado pa ring sabi ni mama na para bang hindi man lamang siya natinag sa sinabi ko.
"Tss! Paniwalaan mo ang gusto mong paniwalaan. Pero 'wag ka lang masyadong umasa, masasaktan ka lang," I warned her para umpisa pa lang ay maging aware na siya sa maaaring kahinatnan ng gagawin niya.
It requires a lot of time and effort bago niya makuha ang gusto niya. And she will have to endure a lot of pain if she wants to make this family better. I wonder how long she will lasts. Or mas tama bang tanungin kung makakatagal ba siya? Well, goodluck to her. But let me just make things clear. Whatever the outcome might be, I don't give a d*mn. The h*ll I care!
A/N: Sa mga hindi pa ma-gets masyado kung bakit nagkakaganiyan ang ating bida na si Mika. Well, sunod-sunod ba namang eksena ang nangyari sa buhay niya. Kaya ayan, napuno na siya ng emosyon at tuluyan ng sumabog. Kaya uunahan ko na kayo, 'wag niyo pong isusumpa si Mika. Mabait naman 'yan. Kulang nga lang sa aruga. Haha! Magbasa na nga lang kayo. Mamaya maging totoong tao pa 'yang si Mika at bigla akong sugurin.
Ciao! Enjoy the remaining chapter.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top