Wika ni Paang Makabayan kay Dalisay
Bakit Dalisay at nagawa mo akong ipagkanulo
Sabay tayong nagbasa at nagsaulo
Nangako at lumuhod sa iisang prinsipyo
Bastat magkasama'y walang pipigil na mabalasik na bagyo
Tumingin tayo sa bituin na iisa ang pangarap
Ang maiahon ang masa sa di na makayanang hirap
Respeto ko sayo'y ilaw na di napupundi't isang buhay na alitaptap
Hindi masukat ang taas dahil higit pa ito sa alapaap
Nang dahil ba sa pangako nilang pilak at ginto?
Kaya nagawa mong itarak sa'king likod itong matalim na palaso
Nawalan ka ba ng pag-asa kaya sumanib ka sa mga maligno?
Kaya nagawa mong sugatan ang luhaan ko nang puso
Dalisay na pangalan mo'y hinangaan ng madla
Taas noo ang bawat taong nakarinig ng iyong salita
Puting kasuotan mo'y akala ko'y walang mantsa
Kailanmay di sumuot sa isipan ko na ika'y mangangaliwa
Ngunit ano man ang rason at isip mo'y napolusyon
Datapuwat ikaw ang dahilan kung ba't ako'y nakumbulsyon
Umaasa pa rin ako na isipa't puso mo'y muling liliyab ang didikasyon
At ipaglaban mo muli ang bayan sa di matitinag na rebolusyon...
written: September 10, 2014 at 10:00 pm
Mysterious Aries
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top