PAANG MAKABAYAN


Namumukod tanging nilalang saan ka patungo?

Bumabagtas sa daang sumasalunga ang dragon

Matarik na bundok ay pilit inaakyat

Nang paang ang mayroon sa kanya'y sugat

Alanganin man sa lugar na paroroonan

Nababakas ko ang tapang sa kanyang kaanyuan

Subalit tila sulirani'y malalim pa sa walang hangganan

Dulot ng mga ganid na hayop pumapaslang

At mga huwad na dumagsang nag-anyong kaibigan

At doo'y itong si Dalisay ay bulag na sumakay

Nakisabay sa awit na ang ganid ang may lalang

At bigla na lang isang madilim na laman ng pahayagan

Na itong si Dalisay ay walang awa ng pumapaslang

Na kasama na siya sa mga malalaking harang

Nitong si paang nakikipagsapalaran

Na halatang pagod na sa masalimuot na buhay

Datapuwat tuloy ang lantad sa mga lobong kumakatay

Na ang gapiin ata ang lobo'y tila himala't di maisakatuparan

Subalit matatag ang duguang paa sa kanyang paglalakbay

At tuloy siyang nagpapahiwatig ng damdamin sa kanyang angkan

Nagmamakaawang sabayan siyang humagilap ng gamot na siyang lunas

Sa sakit na inililihim ng maraming nilalang

Sa kasawiang palad siya'y napasakamay sa bitag ni Dalisay

At siya'y hinawla sa dyamanteng piitan

At biglang sa may hangin may balitang lumilipad na dumaan sa kanyang tenga

Na paa ng kanyang angkan ay nagsimulang magsilakad

At handa rin silang magbuwis ng buhay alang-alang sa bayan

Kaya itong si paang habang nasa piita'y naiyak sa tuwa

At kahit mga lobo'y ipinapako ang matatalas na ngipin sa kanyang laman

At hangang buhay niya ay isang hinga na lang

Bigla siyang ngumiti't huling yapak ng paa'y binagsak sa lupa

At pangwakas na boses niya'y binigkas

Pamamaalam sa bayang... Minahal niya ng wagas...



Written: July 01, 2000

Mysterious Aries




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: