Paang Makabayan 2
Bagamat mga paa'y puno na ng latay
Sadya pa ring umapak sa pain ng mga nangangatay
Datapuwat mga katulad ay isa-isa nang humandusay
O kaya'y sa kabilang panig sumapi't naging kaaway
Hindi ito hadlang ang puso ng paa'y higit na tumibay
Umuulang palaso may nasalo patulo'y niyang iwinagayway
Bandilang simbolo ng pagmamahal niya sa kanyang inakay
Makamit lamang ang pangarap na bukang liwayway
Magapi't mapatid ang rehimen ng mga mamamatay
Paa'y iaapak sa salami't dugoy iaaalay
Sa katulad niyang api't pasa'y hirap ng maakbay
Oo gagawin niya ang lahat at kanyang isasabuhay
Bago mga paa'y tuluyang magpantay......
written: August 5, 2014 at 7:00 pm
Mysterious Aries
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top