Mga Hinaing Ni Selya kay Paang Makabayan

Ang akala ko hirang kapag naiharap mo na ako sa dambana

Mapupukaw na ang iyong pagwagayway ng bandila

Ngunit bakit di naparang ang iyong paghihikbi

At sadyang nangunguna pa rin sa puso mo ang bayan mong sawi


Tinalikuran ko ang aking mga magulang

Lagi nilang sinasambit kung saan sila nagkulang

Sa pag-ibig natin na marami ang humaharang

Subalit sadyang ang pagsinta ko sayo'y aking pinaglaban


Marahil sa'yong ngiti kaya madali mong puso ko'y naangkin

O kaya'y sa'yong mga salitang matalinghaga't bulaklakin

Ngunit sa pananaw mo ngayon saan mo ako dadalhin

Sana'y mamasid ko na higit sa lahat uunahin mo ang buhay natin


Kulang ba akong dahilan upang iyong iwaglit

Pagmamahal mo sa inang bayan sana'y limutin mo ng pilit

At sana'y iyong isauna ang ating pangangailangan

Sana'y dinggin mo ang uha ng ating anak sa'king sinapupunan...


written: Nov. 5, 2014 at 9:45 pm

Mysterious Aries

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: