Karambola
Habang nagaganap ang isang malungkot na pangyayari
Sa kabilang dako'y tila pagkakaisa ang naghahari
Kapit bisig libo-libong tao'y nangahas
Tila gusto nilang sa kasaysaya'y maibakas
Mga pari't madre ay sadyang nagpamalas
Mga samo't saring tao'y nakiangkas
Ang ilan ay mga taong gustong sila ang mamuno
Nagbayad ng ginto sa masa naging pasimuno
Ngunit papayag ba ang mga nakaupo
Sadya lamang ang kapangyariha'y mapandarang sa noo
Na kayang hamakin ang lahat pati ang mga sinugo
Di ibibigay ng kusa dumanak man ang dugo
Mabilis ang mga pangyayari
Sa isang idlap ang daming nadali
Mga sundalo'y naatasang magpaulan ng bala
Dali-dali silang sumunod sa utos ng mga malabathala
Nagiba ang pader ng pagkakaisa na inararo ng tangke
Maraming puso'y nagkaaltapresyon ang iba'y tuluyang naatake
Unahan sa pagtakbo, unahan sa pag-uwi
Isang kasaysayan nga ang nabuo, kasaysayang nasawi...
written: March 31, 2015 @ 6:20 am
Mysterious Aries
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top