Ang Pagtatapus
Dalawang dekada na ang binilang ganun parin ang tagpo
Mga pinunong ganid sila pa rin ang nakaupo
Matanda na si Ka Ben, di n'ya na maiangat ang bandila
Kailangan na nang bagong balikat na s'yang sa krux ay magdadala
Pilit nilang kinumbinse ang anak ni Paang Makabayan
Ngunit ang pagpapasya'y di niya agad binitawan
Pagmamahal sa baya'y pinipintig ng kanyang puso
Di nga magbubunga ng santol ang puno nang kaimito
Ngunit sa kabilang banda nagkaroon s'ya ng pag-aalinlangan
Alin nga ba ang mahalaga ang sariling buhay ba o ang bayan
Anak nga s'ya ni Paang Makabayan ngunit anak din s'ya ni Selya
Kung santol at kaimito ang nagmahalan, ano ang magiging bunga
Napatingin s'ya sa larawan ng kanyang dakilang ama
Pagkatapus ibinaling ang mata sa mapagmahal na ina
Napalingon sa altar kung saan naroon ang Poon
Sabay usal ng dasal na gabayan sana ng Diyos ang kanyang magiging desisyon
THE END
writte: April 17, 2015 @ 9:20 am
Maraming maraming salamat po sa inyong sumubaybay sa aklat na ito
Nawa'y kinapulutan nyo nang aral ang bawat pahina
Kayo na po ang bahalang pumunan sa bawat pagkakamali
Sapagkat ang inyong lingkod ay isa lamang abang manunulat
Minsa'y lito kung anong gagamitin na tamang pangungusap
Kung saan ilalagay ang NG at NANG
Kung ano ang tamang pagbabaybay
Kaya sa kabila sana ng aking mga pagkukulang
Nawa'y nagustuhan ninyo ang aklat na ito
Muli maraming maraming salamat
Ang katulad ninyong nagmamahal sa sining,
Mysterious Aries
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top