S01E08

TRACK 8: Strolling

"I'm sorry pero hindi po kami nagpapapasok dito ng ganitong oras," sabi ng isang lalaki, that sounded like one of his members.

"Whatever, just let me in," a woman said sternly, like she was pushing herself in.

Maririnig ang isang malakas na putok na galing sa baril, Dino woke up wide-eyed. Nakita niyang pumasok sa kwarto ang kasamahan niya sa silid na iyon. Pula ang buhok, naka-pulang lipstick, naka-polo siyang kulay itim na kita ang cleavage sa dibdib niya; maiksi ang suot niyang pang-ibaba na blue denim.

She was panting hard nang umupo ito sa bed, shaking the boy.

"Hey, wake up."

"Hmmm, what's going on?" Dino huskily said.

Pinakalma muna niya ang sarili bago niya i-share ang nangyari sa baba ng apartment.

"May putukan sa labas." She gave Dino a sad look. "Are you alright?"

"Wh-who are you to even care?" Dino mindlessly asked.

Hinalikan na lang siya ng babae to shut him up. She did more than just a hot tongue kiss. Her lips made its way to his ear, sucking it, while her fingers are pinching his nipples. Dino squealed.

"What the hell are you doing, you bitch?!" he whispered angrily.

"Oh, nothing." Her hands were on his crotch; pinaglalaruan na niya ang kanyang pagkalalaki, binabalutan pa rin ito ng kanyang shorts.

He just sighed. He was trapped by her kisses on his abs. Pumuwesto na ang babae sa kanyang ibaba.

"You should be thankful to me, I helped you get over your throbbing pain," she seductively said to Dino.

Ibababa na niya ang shorts ng lalaki, nang tumingin siya sa bintana kung anong mayroon—police cars and an ambulance. Sirens can be heard outside of the apartment. Before they could continue, the red-haired lady closed the curtains.

~

[K-Ci]

Kanina pa ako gising. 5:45 AM noong naririnig kong nakikipag-talo sa coffee table si Dalvin at JoJo about sa girl groups na gusto nila—Fifth Harmony, at Little Mix. Napatayo ako sa lakas ng boses ni JoJo, na tila pinagtatanggol niya kay Dalvin si Camila Cabello. (na sabi ng kapatid ni Devante na maarte) Not that I even cared about their argument, I just wanted to eat pandesal na may Eden cheese.

Alas-onse na ng umaga. Pinag-iisipan ko kung ano gagawin ko during the day. Although, all I ever think about was to go outside but I just let it slip away, I'm not more of an outgoing person. I just love the view of the city, wala akong balak na gumala. I sighed.

Nilalabanan ko pa ang antok ko when I decided that I should take a bath. I headed for the bathroom, then I started to panic. I can't open the bathroom door! I placed my ear and heard the shower sound. May tao pala.

I knocked the door, "Sino yun?" tanong ng kapatid ko.

"Kuya mo 'to," I introduced. "Ano, 10,000 years ka ba matatapos sa ginagawa mo?" pilosopo kong tanong. Natawa na lang ako sa isip ko.

I heard that the shower stopped, may kumakalabog, a clicking sound from the bathroom door and a thud right after.

"JoJo?" But no answer. Ano kaya nangyari doon?

I remembered na nag-click ang knob sa bathroom door, parang nila-lock or inu-unlock. I turned the knob at nakabukas naman pinto sa CR. I opened the bathroom door and... I couldn't take what I'm seeing anymore!

JoJo laid down on the bathroom, lifeless, with bubbles foaming all over his face.

"JoJo!! What happened to you? Ayos ka lang ba?!" Niyugyog ko ang katawan niya, baka sakaling magising siya. Ayaw niyang magising!

"Huy, gumising ka naman oh?! Are you hearing me?! Hey?!" Patuloy kong pag-yugyog ko sa kanya, napano na itong kapatid ko?!

Kaunti na lang, mawawalan na ako ng pag-asa.

"I-I better call the doctor!"

I was about to stand up and get the telephone, nang maramdaman ko ang mga daliri ng kapatid ko na dumapo sa anit ko. I rubbed my painful scalp, damn! Narinig ko na lang ang kapatid kong humahagalpak ng tawa. Tinawanan ba naman ako!

"Ano? Nauto ka?!" he said while wiping off that bubbly drool on his lips with the back of his hand. Still laughing at me. Tiningnan ko siya nang masama.

"Not funny!" I complained, "Tagal mo."

"Ano ba kasi gagawin mo at naka-bold ka diyan?" Tinakip ko na lang ang ibaba ko, but then I remembered na kami-kami lang magkasama sa kwarto na ito.

"Magbihis ka!" he told me.

"Magbihis? Di ba ako pwede maligo muna, kuya JoJo?" I told, nakalimutan ko lang sabihin. Ano ba kasi ito!

"Ewan. Bahala ka sa life mo!" He wrapped himself with the towel. "Wag mo nga ako ma-kuya kuya diyan!" JoJo exclaimed, then he left me alone.

Aish! Makaligo nga. Pumasok na ako sa shower. Before I did, I took one last look at JoJo, he was still laughing at me. I scoffed.

[JoJo]

Pumasok na sa CR ang asungot kong kuya. Ako naman, nagtungo ako sa kwarto ni Dalvin. Nagbihis ako ng paborito kong panglabas—isang itim na wolf sweater at kulay asul na maong na pantalon, na tinernohan ng puting sneakers.

When I went out, the brothers looked at me na parang gulat na gulat. Yung tipong nakakita sila ng tao for the first time. Agad kong binigyan ng masamang tingin itong si Dalvin. Hindi pa tayo tapos!

"Bihith na bihith ka ngayon, Jo! Thaan ang date?" asked Devante.  He was smiling at me foolishly... or in a friendly way... I don't know! 

Hindi ko lang alam kung nangiinsulto ba mga kausap ko sa'kin or they're complimenting me. I don't read people's voices that well, maski sarcasm 'di ko kaya i-distinguish. Kaya akala ng lahat suplado ako at todo iwas mga iyon kapag makikipagusap sa'kin.

"Walang date, pero aalis ako," I answered, in order not to raise anymore questions from him.

Makakarinig pa sana ako kay Devante nang sumabat naman itong kapatid niya! Epal, kahit kalian!

"So, Jo! While you're away, I went searching on the internet listing down all the problems people have with Camila of 5H." Nang ilabas ni Dalvin ang phone niya, tinakip ko naman ang tainga ko.

"Nye-nye! Ayaw ko marinig," I heckled out loud. I saw him laughing, while Devante rolled his eyes.

"Sabi ko kasi sa'yo, Jo! Lipat ka na lang sa Little Mix! Kokonti lang kaming Mixers dito sa Pilipinas, need pa namin ng bagong members!" said Dalvin. Kaninang umaga pa kasi akong pinagkukumbinsing makinig na lang sa Little Mix... ayaw ko nga!

"Well, kahit anong convince mo, Dalvin, I will not join your stup—nagulat naman ako sa'yo!" Bigla kasing sumulpot itong si K-Ci.

Napatingin naman ako sa porma niya, simpleng itim na v-neck t-shirt at black leggings ang suot niya na tinernuhan ng black leather shoes. Pupunta ata ng lamay ito!

"Thino patay tha inyo?" tanong ni Devante kay kuya. Kanina pa tong lalaking ito! Isusumbong ko 'to kay Tito Kurt.

"Walang lamay, Dev," monotonous na sabi niya. "Lalabas lang."

Nagbago na talaga ang panahon! I know my brother more than anyone else does. I gaspd out loud when I heard those words from him, hindi naman kasi ito lumalabas kapag mamamasyal.

"Mag-isa ka lang?" I asked him. "Pwedeng sumama ako sa'yo? Lalabas din ako."

Brothers need to watch themselves over. It was unexpected when he refused. Ayaw niyang maging safe, ganun lang?!

"It's a dangerous world out there, kuya! Pwede kang nakawan doon... o hindi kaya, may mga mang-aabang sa'yong pwedeng gumulpi sa'yo!" I warned.

"I'll be fine," tipid niyang sagot sa'kin.

Sabi pa ni Devante, masyado lang akong concerned sa kanya. Totoo naman! Alangan namang hindi, siya na lang kaya ang Kuya ko?

"Sige na, K-Ci! Pasamahin mo na kapatid mo. Bibili pa yan ng bagong album ng Li—"

Natigil ang pagsasalita nitong si Dalvin nang marinig ang doorbell. Umalis saglit si Devante para pagbuksan ang kung sino yun. Syempre, we followed him para salubungin kung sino ang nasa pinto—hoping that it's Sisqo—but no, it's his cousin.

"Hi, Jodeci!" he greeted, waving at us, smiling his teeth out.

There's something about Kyle that I don't like. I have to admit, his long hair is annoying. Sabi pa ni Sisqo kila Devante na pupunta siya ngayon... pero bakit nandito si Kyle?!

"Kyle! Andito ka?" asked Devante. I just rolled my eyes.

"Oo. Si insan kasi may business eh, ako yung inutusan nya na pumunta sa inyo." He winked. "Bonding? Sakto, aalis kayo ngayon at weekend na pala!"

Anong weekend? Wednesday pa lang ngayon! Tanga. I wanted to tell him, since mabait ako ngayon, I'll correct him nicely.

"Wednesday ngayon, Kyle," I said with a smile on my face. He laughed awkwardly.

Tawa pa lang niya, parang gusto ko na siya i-Wushu palabas ng unit na 'to!

"Sorry na. Lost track ako sa mga araw na 'to, pwede ba ako sumama sa inyong apat?" he asked Dev and Dalvin.

Lah? Should I tell him that kami lang dalawa ni kuya ang aalis?!

"Actually..." I began.

"Samahan mo na itong dalawa, Kyle!" Dalvin pushed both of us out of the door. "Bibilihan ako ng album ng Little Mix ng isa diyan, 'di ba?" sabi niya, tumataas-baba ang kilay niya habang nakangiti at tumitingin ito sa'kin nang nakakaloko.

May isa pa palang bubwit! At saka anong bibili ng album? Pang-bili ko lang naman ito ng Gucci bag ko!

"Ako rin JoJo, bili mo rin ako ng Cry Baby ni Melanie Martinez," he requested.

Bili kayo ng mga sarili nyong album!

"What's so good about Melanie Martinez's music, though?" bitter kong tanong.

"Sige, Jo! Labanan mo ang dragon na yan!" Dalvin cheered.

"Hindi ko trip makinig sa mga girl group, stressful kasi," Kyle responded.

Napanganga na lang ako. I heard Dalvin chuckle. How is he okay with that?!

"Well, I respect that, Kyle. I mean, not everybody likes what you like," malumanay na sabi ni Dalvin. "Respect" my fucking ass!

"If you're hap—"

"Okay, okay. Pwede na ba akong umalis ni K-Ci?" I cut Dalvin off. I waved my hand at him.

"Saan ba kasi kayo pupunta, K-Ci and JoJo?" tanong ni long hair. I rolled my eyes at him.

"Greenbelt, wag ka na magtanong kung bakit." Inirapan ko siya.

"Pwede ba akong sumama sa yo? If you want, ipagda-drive—"

Ipagda-drive? Lalakrin lang naman ang mall na yun! Tanga ba siya? Bilang mabait ako, Nginitian ko si Kyle. Ayan, makuha ka sa tingin.

"Walking distance lang yun, Kyle," K-Ci replied. Nginitian kami ni Kyle, 'di nya gets sarcasm ko? We're not actually going to Greenbelt! "Sumama ka na lang sa'min." Tiningnan ko ang kuya ko with widened, shocked eyes. SERIOUSLY KUYA?!

Sa susunod, 'di na talaga ako magsasama ng kung sino-sino sa errands KO. We ended up riding Devante's car. Pwede na lang maglakad kami, mas mabuti kasi nakakapag-exercise ako (kung bakit fit ako) at malapit lang ang mall.


I was driving, habang nasa tapat ko lang si long hair. Si K-Ci na nasa likod, kasama ang magkapatid na maingay at nagjo-joke time, nakatingin lang sa bintana. Kanina pa ako lipat nang lipat sa radyo at bawat station puro jejemon ang kanta! Mukhang alam ko kung bakit nag-sign kami ng kontrata kay Mr. Lee... real music is dying. Hanggang sa napunta ako sa isang station where a Mike Posner song is playing.

Nakalimutan ko kung ano ang title nito, alam ko na bago niyang kanta ito pero slow version. I laid down on the steering wheel and a loud horn was blown. Nagising na lang ako na parang lumilindol ang paligid. Paglabas ko ng sasakyan na nasa right side ko na at na-realize kong nasa gilid kami ng highway. Bumangga ba kami?! Shit, huli kulong kami nito! Paano na career namin?

Biglang gumalaw ang sasakyan, until we're no longer rocking from a corner. Nakita ko si Kyle sa driver's seat at ngumingiti sa'kin. Inirapan ko pa rin siya.

"Don't you want to thank me?" he asked. Ayaw ko nga! Pakitang tao ka much, Kyle?

Kung alam niyo lang. Mas gusto kong kasama si Sisqo, tolerable naman kasama yun, unlike his long haired girl face cousin here, na hindi mo malaman kung—

"Silence? It means yes." Babaw!

"Ano naman sayo ngayon?" I raised my eyebrow at him. He still kept his pretentious teeth-out smiling. Creep!

"I just want to help you guys out. Tingnan mo, muntik na tayo malaglag sa flyover..."

Bakla ka! Bakla!! My mind said. Tumatalsik na laway ko trying not to say something inappropriate to this bastard. Especially kung wala akong proof.

"...if it wasn't for me, we would've died... and it's bad for this story..."

I walked towards him dahil hindi ko na kaya ang pagmamayabang niyang ito. Don't provoke me, nobody should! Gusto ko nang i-Wushu itong long hair na to.

"Mayabang ka," I said to him in front of his face.

"How?" natatawa niyang tanong.

Nagawa niya pang tumawa! Tsk.

"Mayabang, kasi nagmamabait ka na, pakitang tao ka pa!" I exclaimed. Lalo siyang tumawa, at lalo akong nainis.

"Saan nanggagaling mga sinasabi mo, Jo? I've never seen you act so spunky before!" He wiped his tear while laughing. Sa sobrang inis ko rito, tinulak ko siya causing the alarm of Dev's car to activate. Lumabas sa kotse si Devante, Dalvin at ang kuya ko.

"JoJo! What's happening?" K-Ci worriedly asked, saka kami nilapitan. And Kyle was still laughing at me.

"Kyle, okay ka lang ba? Gusto mo ba pumasok sa loob? Nag-away ba kayo ni JoJo?" sunod-sunod tanong ni Dalvin dito.

"Oks lang ako." Sabay siyang tumawa. Mamaya bibigwasan ko na talaga yan!

Bago pa kami makapasok sa kotse, may mga MMDA na lumapit sa'min. Binigyan si Devante ng limang ticket galing sa isang officer. Bawal pala mag-park dito... then we'll have to pay for the damages to the flyover.

Buiset.

"Kyle, pwede ka bang mag-sabi sa pinsan mo na uutang ulit ako sa kanya?" Devante asked as he drove the car.

"Ay, wala na po siyang pera ngayon. Matagal pa po next sweldo niya."

Puro utang na lang iniisip nitong si Devante, hindi na lang magbayad. Kaya tayo naghihirap eh. Tumingin ako sa kuya ko, at... nagawa pa mag-comment! Nalusaw ang yelo.

"Ang dami na nga nating pera, uutang pa tayo, Dev," sabi niya rito.

Siniko ako ni Dalvin na nasa gilid ko. Nilipat na kasi ako dito sa likod. Tumatawa siya sa'kin.

"First time ko ulit narinig ang boses ng kuya mo!" Sabay tawa niya.

"Eh bakit noong nandodoon kami sa inyo? Hindi mo ba siya naririnig?" Kokotongan ko ito eh.

"Lagi akong inuutusan ni brad na bumili ng food."

"Eh, 'di absent ka!" I crossed my arms.

Nakarating na kami sa Landmark. We dropped the idea of walking to the nearest mall dahil choosy si Kyle. The first thing I did was find a Gucci store, while they find some place to eat. Ang tatakaw!

I bumped into a familiar guy here at the fashion hall. Hindi ko inexpect na magkikita kami ulit ng lalaking naka-snapback from last month. He glared at me, telling me to watch where I'm going next time. Inirapan ko ito pabalik. Lord, sirang sira na po ang araw ko!

"Dino! Kanina pa kita hinahanap." There comes his friend... or Ka-member niya. And Dino? What's he doing here? What are they doing here?

"Pagpasensyahan mo na 'tong si Dino ha? Namatayan lang ng friend kaya mukhang galit," this H-Town member assured. I just scoffed at them and walked away.

Ayaw ko muna ng panggulo. Kyle's already enough to ruin my day, I don't want more people to do the same. Dumiretso ako sa loob ng fashion store na yun, then I saw a girl—magandang babae—taking away the limited-edition Gucci bag from the shelf.

Damn! I need it more than my life. I ran towards her para sanang makipag-agawan sa kanya.

~

[Dalvin]

Ano kaya ginagawa ni JoJo doon? Ang tagal niya ah! Kanina pa hintay nang hintay si K-Ci hyung dito sa coffee shop.

We all had our drinks. Nag-order si Dev ng iced frappe para maiba daw, sawang sawa na siya sa milk tea sabi niya eh. I was drinking hot chocolate with the name "Darwin" in it. This place was notorious for messing up their customers' names. Yung hot mocha latte nga ni K-Ci, kay "Cassie" nakapangalan. I facepalmed mentally.

"Buti pa kila JoJo at Kyle, accurate," Dev stated.

"Ano nga ulit pangalan nung sa'yo?" tanong ko. Saka niya pinakita ang baso niyang may "Debate" na pangalan. Mabuti na lang at hindi ko ininom ang akin, kaya tumalsik ang kakaunting laway ko out of laughter.

Grabe, ang tagal nung isang yun! Tiningnan ko ulit ang convo namin sa Messenger. Ok, lang sa'kin, may free Facebook ako.

Me: Ano want mong coffee, Jo? Starbucks kami.

Jo: Kahit ano.

Me: Where u?

Seen√

Si Kyle, kakabalik niya lang galing sa counter. Inilapag niya 'yung in-order naming tatlong slice ng cheesecake. Si JoJo, wala pa rin. Iiwan namin yan dito sa mall!

"Hey! What did I miss?" called JoJo. May dala siyang Gucci bag na may lamang stuff toys na mukhang reindeer.

"Wala naman," I answered. "Kanina ka pa namin hinihintay. Nag-seen ka lang sa message ko sa'yo sa FB, nasaan ka ba?"

He just shrugged and took his seat beside me. Tinanong niya ako, "Anong flavor ito?"

"Hot espresso. You might like it." Kumindat pa ako sa kanya. He just rolled his eyes and starts sipping his cup. Suplado talaga! Pero love namin yan.

Sinilip ko ang laman ng Gucci bag niya, si Chopper pala ng One Piece yan! Kaya pala medyo familiar ako sa stuff toy na yan. Hindi ko ine-expect na ang—sorry for the bad words—ass kicking na member ng Jodeci ay mahilig din sa cute things!

Maybe I need to get myself a toy too?

"Jo, pwede mo ba akong samahan?"

"Ah... mamaya pa tayo magsisine." Then he sipped his coffee again.

"Sandali lang naman." I smiled at him.

He smashed his hands at the table. "Sige na nga!" Tsaka siya tumingin nang masama kay Kyle.

Mukhang may issue pa rin sya kay Kyle, kanina pa. Silang lima kasi, si JoJo, Devante, K-Ci, Kyle, at hindi ko na matandaan yung isa, ay close friends noong elementary. Kinukwento kasi sa'kin ng kuya ko dati.

Si Kyle daw ang pinakamabait, kasi ang dad niya, si Ninong Babyface, ang parating nagdadala ng pasalubong na chocolate galing abroad... two years after that, hindi na niya pinamimigay ang pinapadala ng dad niya dahil hiwalay na raw sila ni Tita Soyou, ang Umma niya, kaya tumira si Kyle kila Sisqo. 

Hindi ito naging hadlang sa kabaitang taglay niya. That's why I chose to be kind when I befriended Kyle during high school.

Habang naglalakad kami ni JoJo papuntang Timezone, nagkwento siya about sa encounter niya sa Gucci store. Natatawa ako sa kanya kasi uto-uto daw yung babae noong sinabi niya sa aleng na nasa Activity Center daw si Alden Richards. Na-i-imagine ko tuloy kung ano ang itsura ng babae sa Gucci store afterwards... wait. Hindi ko naman kilala yung girl!

"Dito ka lang muna, Jo," I told him, going inside the arcade.

~

"Tapos, noong pinindot ko ang hook..." kuwento kong muli kay Devante.

"Sshh, tahimik! Magsisimula na ang movie," saway niya sa'kin sabay subo ng popcorn.

I just sat down comfortably on the chair beside Dev's. I keep remembering how much of a lucky guy I am. Even if hindi ako mahilig sa cartoons, or sa mga panda, napanalunan ko pa rin si Panpan ng We Bare Bears sa crane game.

"Tabi ako sa'yo?" K-Ci asked, coldly. Tipid talaga magsalita ito.

Tiningnan ko siya, naka-meh face lang siya sa'kin. Tumawa ako.

"Hindi sa tinatawanan kita, but go lang. Lilipat na lang ako."

Kawawa naman si JoJo, walang kasama doon. In-occupy ko na lang ang upuan between him and Kyle.

"Owemji! Si Panpan yan, di ba Dalvin?" But I shushed him bago pa mainis sa kanya si JoJo. I know that feeling.

Nanood kami ng movie. It was six in the evening, kaya mga 7:45 kami nakauwi sa building ni Mr. Lee. Si Kyle naman, umuwi sa unit ng pinsan niya. I went to my room at humiga sa bed ko. Pumasok dito si JoJo, he just placed his Chopper stuff toy on the wooden drawer.

"Matutulog ka ba rito?" I asked. He just shook his head.

"No, it's yours. The reindeer just reminded me of you."

Ang sweet niya naman sa'kin! Which reminds me. Inilabas ko si Panpan.

"Then, you can have this panda, JoJo. He reminds me of you too."

"T-talaga?" Kinuha niya ang laruan. I nodded. "Oo, palit kaya tayo?" He just laughed.

Kahit papaano, pinagaan ko na ang loob niya. All day kasi siyang badtrip eh!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ 

A/N:

Yeah, sobrang tagal na since I last updated. it's been like, 3 months now.

I wrote this one from scratch, and hopefully this new one has the same vibes as the first version. Also, I'll not update this regularly anymore (as in yung kapag may na-edit na ako magpopost ako), I'll edit all of season one now. Please wait for me. I might be too sad to not write for the day.

Take care always, my people.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top