S01E04
TRACK 4: Screaming in the meadow
[K-Ci's POV]
We're at our table right now having our miryenda. Nandidiri si JoJo na kumain dito, convenience store lang naman ito. What the heck!
May idi-discuss pa sana ako kay Devante tungkol sa thug groups na naka-sunod samin, na karibal namin sa music industry, nang tumunog ang cellphone namin ni JoJo. Tiningnan ko kung sino ang nag-text. Unregistered number lang pala.
"Learn how not to leave your valuables at home, Jodeci," ang laman ng text. What does this mean?
It's clear that Devante and Dalvin didn't receive a text message like this. Hindi tumunog ang mga cellphone nila.
"Umuwi na tayo!" JoJo yelled.
We started to run from our table nang pigilan kami ni Devante.
"Guyth, where are you going? 'Di pa tayo tapoth kumain!"
"Mamaya na tayo magusap Dev, this is an emergency!" I exclaimed, and we started to walk away. Si Dalvin naman ang nagsalita.
"Wait, what about your hotdogs?" tanong ng kapatid ni Devante.
"Don't worry dude, babalik kami agad," JoJo reminded. He told Devante na ipa-takeout na yung pagkain namin. From the convenience store, tumakbo na kami.
As we walk our way home we saw firetrucks passing us by. May sunog. Pero saan? Pinara namin ang isang firetruck at tinanong ang bumbero kung saan yung sunog. Natigilan ako, feeling like time has stopped. I know where he's talking about! Nagkatinginan pa kami ng kapatid ko.
"P-pwede po kaming sumakay sa truck niyo?" pakiusap ko.
"Uuwi na rin po kasi kami sa amin eh, mukhang malapit doon sa bahay namin yung sinasabi niyo po," pagdadahilan ni JoJo.
Napakamot ang bumbero sa batok niya. Tinitingan niya lang kami na para kaming mga batang pulubi, sabit lang sa jeep, humihingi ng pera. He sighed.
"Sabit na lang kayong dalawa," the firefighter prompted. Nauna nang sumabit si JoJo sa sasakyan. I stood here like a stone.
"Ano pang hinihintay mo? Iwan kaya kita diyan!" He called the firefighter. "Kuya i-andar mo na po ito, ayaw na raw po sumabay ng kuya ko rito!" he said in an obviously joking matter.
"Aish! Sige na Jo, sasabit na ako." At umandar na ang truck. Pagdating doon sa bandang bahay... bahay na pala namin yun. Pumasok kami sa loob, marami sa kapitbahay namin ang nakiusyoso sa nangyayari. Umakyat kami, kasi walang elevator dito, nakaabot na kami sa 4th floor kung saan ang unit namin.
All our musical instruments were safe. Something important was not. Nakita ko ang sunog na part ng bahay namin which is malapit sa kama naming dalawa ni JoJo. Paano nila binuksan ang drawer na ito? Scratch that. Paano sila nakapasok mansyon namin? I clenched my fist.
The deed to the house was half burnt. When I flipped the pages of our mother's last will, nasunog ang ibang mga pahina. Only the first few pages were safe. We need those papers, they're more important than our lives to us! Nasunog pa yon.
"Kuya, last will and testament yan ni nanay! Of all things, bakit pa yan ang nasunog?" JoJo asked me, sternly. "Magagalit si tatay sa'min!"
I feel my heart breaking into a million pieces. Tears came watering my eyes, flowing down my cheeks. Sinampal ako ng katotohanan sa sinabi ng kapatid ko. Tama siya.
Without the will, we lose everything. Sadly, we did.
"Hindi ko alam," sagot ko na lang sakanya. Then I cried.
~
[JoJo's POV]
Devante and Dalvin said we should stay here in their apartment first, while investigation is going on. Kausap ko ngayon ang tatay namin sa telepono. He really said that it was an accident.
We locked all doors in our unit, wala kaming pinatong na gas lighter o kandila sa ibabaw ng drawer. How could he say na accident yun? He's negligent for a father!
"Gagawa na lang ako ng sarili kong will," kalmado niyang sabi, snapping me out of my thoughts. He mentioned that our mother's will was revoked. Then our dad explained kung paano niya ise-share ang mana niya sa'ming mag-kuya. Pinakiusapan niya rin kami na humingi na lang kami ng panibagong kopya ng titulo sa bahay.
"Pwede ba ako makipag-usap sa kuya mo, Joel?" Tatay asked. Pumunta ako sa tapat ng kwarto ni Devante at nakita ko silang nag-uusap.
"Alam mo pala eh, bakit 'di mo sinabi sa'kin agad?" tanong ni K-Ci kay Devante.
"Baka busy much ka sa abroad."
"Hindi nga! Nganga lang ako, walang work! Hindi masaya sa Canada, try mo kaya mag-abroad?"
"Tay, mamaya na lang po ulit, nag-uusap pa po sila ni Swing," I answered.
"Sige, tatawag ulit ako sa inyo." Binaba na ni tatay.
Ininit ko sa microwave nila Devante ang miryenda kong hotdog, yung galing sa pipitsuging convenience store. Kinuha ko rin sa ref ang iniinom kong softdrinks. Pinulot ko ang libro na binabasa ni K-Ci kanina, at binasa ko rin.
P.I.L.I.T: The Oldskul Chronicles, ang title ng libro.
Gusto kong masuka! Ang daming emoticons >:(, sound effects like 'blagg', 'pak', at 'boogsh'. PANAY PA ANG CAPS LOCK! Talagang atat ang publisher na ilathala ang libro ng kung sino mang author nitong Wattpad na 'to. Ngumiwi ako sa sarili ko. Mga pinagbabasa talaga ng kuya ko, siguro sa convenience store rin niya ito binili!
Binaba ko ang libro nang lumabas sina K-Ci at Devante sa kwarto. Itatapon ko sa basurahan ang librong 'yan!
Umupo ang kuya ko sa tabi ko. Pinulot niya ang libro, but I swiped it away from him.
"H'wag mo nga basahin libro na yan!"
"Bakit, napapangitan ka sa kwento?" he asked, crossing his arms.
Niyukom ko ang kamao ko sa inis. "Ang baduy mo!" I exclaimed. "Even I can write better." I rolled my eyes.
K-Ci stared at me with his poker face.
"Sabi pala ni tatay, kumuha na tayo ng panibagong kopya ng deed," I mentioned, while eating my hotdog. But he just nodded. Ang sarap talaga kausap ng kuya ko!
Tinanong ko naman siya (like I want to know), "Ano pinag-usapan niyo ni Dev?"
"Yung sa papel, galing kay Mr. Lee?" he unsurely answered. "Alam niya pala."
"Panay ka kasi sugal eh! 'Di ka nangungumusta sa'min dito sa Pilipinas," I complained.
"Andito pala si K-Ci and JoJo!" a familiar voice said.
"Kumusta, Sisqo?" K-Ci shook his hand sa pinsan ni Kyle.
"Good kami. Nga pala, sorry about what happened to your house. I just saw H-Town."
"H-Town?" sabat ko. "What did they do?"
"I saw them climbing up your window. May dalang gasolina." Nagkatinginan kami ng kuya ko.
Anong atraso ng H-Town sa'min?
"Totoo 'yun?" tanong ng kuya ko.
"I'm afraid, oo." Then he looked at Devante. "Hoy Donald Swing Castro, baka naman, yung utang mo!" paalala nito.
Ang sama ng loob ko! Just why would his group do it? What does he want from us?! Hinila ko ang kuya ko sa braso niya. Wala akong pake kung magreklamo pa siya. We went to the fire exit and climbed down the stairs hanggang sa makaabot kami sa labas.
Palabas na kami ng record station and walked our way to a big and empty lot. Dito ako sumisigaw kapag galit ako sa mundo. Now I want to introduce my brother to this place. Kahit malapit pa ito sa highway, surely na walang makakarinig sa'min dito dahil puro talahib at puno ang lugar. Umakyat kami.
"Isigaw mo 'yung hinanakit mo sa buhay," I instructed.
Tiningnan ko ang kuya ko, it looks like hindi nya gets ang sinasabi ko.
"HOY, RONDINO YBAÑEZ!!" sigaw ko nang pagkalakas-lakas, habang sinasapawan ito ng tunog ng umaandar na mga kotse at busina. "Kapag nahanap kita kung nasaan ka man ngayon, tuturuan kita ng leksyon! SINUNOG NIYO ANG BAHAY NAMIN!!"
Halos mawalan na ako ng boses. I breathed heavily. Para akong tumakbo sa marathon sa kakasigaw ko.
Nagkatinginan ulit kami ng kapatid ko, he breathed at sumigaw rin siya.
"NANAY!! SORRY NA!!" Then he sobbed. "Pinangsugal ko ang pamana niyo! Forgive me, nay! Sorry rin, tay!" sigaw niya pa.
"Ang pangit ni Cedric!" sigaw ko rin.
"May eyebags si Joel!"
Para kaming nagsu-super saiyan na nagsisigawan. Eventually tumigil na kami, baka mawalan kami ng boses at mahirap na. Magre-record kami ng kanta bukas. Umuwi kami kila Devante para magpahinga.
~
The next day came, and we're woken by bad news from Devante.
"Cancelled ang pasahan?" 'di makapaniwalang bulalas ko.
"Oo. Pero, binigyan tayo ng four weeks ni Mr. Lee para makapag-compose at record ng kanta. For now, chill muna tayo!" He went back to his room.
Devante talaga! Walang gustong gawin kundi mag-chill. I shook my head. I looked at my brother.
"Oh, narinig mo sinabi ni Dev? Chill muna tayo!" I mockingly copied with Devante while shrugging. "Punta tayong city hall?"
"Sure," tipid niyang sagot. Nag-sugest rin siya na mag-stay kami sa Quezon City for the meantime. May mansyon rin kasi kami roon.
Nag-impake kami ng susuotin namin na good for one week, at umalis na kami. Dinala ni K-Ci ang microphone at ang electronic keyboard. Doon rin kami magre-record ng kanta.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top