Chapter Two

 PAGPASOK ni Kira sa loob ng bahay niya ay tiningnan agad niya kung kompleto ba ang mga gamit niya. Tumatak sa isip niya ang makahulugang sinabi ni Callante. Ano naman ang mananakaw sa kanya? Almost twenty minutes siyang nag-check kung nasa may nawawala ba na mahalagang gamit niya na hindi niya nalalaman. Subalit tumigil din siya. Hindi lang dahil sa wala naman siyang napapansin na nawawala, kundi napapagod na siyang maghanap.

 Goodness! Puro kalokohan talaga ang lintik na lalaking 'yon. Wala namang nananakaw sa kanyang gamit. Napaisip siya. Ano kaya ang ibig sabihin ni Callante?

 Tumigil siya.

 Nag-isip ng husay.

 Hanggang sa pumasok sa kanyang isip ang mga panty niya na nakasampay sa likod ng bahay niya, Patakbong nagtungo siya sa sampayan at halos lumuwa ang mata niya ng hindi niya makita doon ang limang Victoria Secret panties niya na padala pa galing sa U.S ng kaibigan niyang nakapag-asawa ng American citizen. Naaalala niya na isinampay niya iyon kahapon.

 Oh, no! Hindi 'to puwede! Mamahaling brand iyon at pinaka-iingatan pa ni Kira. Sinong maaaring kumuha ng mga iyon? Nagsasara naman siya ng gate niya. Minsan naiiwan niyang bukas, pero saglit lang at hindi naman nagtatagal.

Mabilis na pinagana niya ang isip niya. Iisa lang ang taong rumehistro sa isip niya.

 Si Callan! "Ang lalaking 'yon." Naningkit ang mga mata niya."Ang bwisit na 'yon ang kumuha ng panty ko!" Nakatiim-bagang na lumabas ng gate si Kira. Hindi siya papayag na hindi nito ibalik ang Victoria Secret panties niya.

 Naabutan niya ang lalaki sa harap ng bahay. May kinakausap itong matangkad na lalaki na pamilyar sa kanya. He must be Andrew Hidalgo. Kaibigan ni Callante na nakikita rin niyang kasama palagi ni Calvin Matsunaga. Ang mga tinaguriang magigiting na palikero sa kanilang bayan.

 "Callan!" pasigaw na tawag niya sa pangalan nito.

Magkasabay na lumingon sa kanya ang dalawang lalaki. May pagtataka sa mukha ng mga ito. Mas lalo siyang nanggigil sa inis. Kaya nang makalapit siya ay hinayaan niyang umigkas ang palad sa mukha nito. Napanganga ang kaibigan nitong si Andrew si ginawa niya. "Whoa."

 "The f-ck?" salubong ang kilay na sambit ni Callan. "Why did you slap me?"

 "That's what you get from stealing my VS panties!"

 "What the f-ck."

 Dinuro niya ito sa mukha. "Wag mo ko mamura-mura! Ilabas mo ang panty ko! Ilabas mo kung ayaw mong ipa-barangay kita!" galit na galit na sambit niya.

  Nalaglag ang panga ni Callante habang kumawala ang malakas na tawa sa bibig ni Andrew. "Ano, hindi mo isasauli? Sige, doon tayo mag-usap sa barangay hall!"

 ILANG BESES na si Callante napagbintangan sa mga bagay na hindi niya ginawa. Lalo na ng mga nagiging girlfriend niya. He was always accused of being a cheater. Tuwing hindi siya nakakapagreply ng mabilis sa girlfriend niya, aakusahan siyang may ibang babae na pinaliligaya kahit ang totoo ay busy siya sa trabaho. He was a policeman. Hindi man halata sa kanyang mukha, Ngunit iyon ang totoo.

 Likas sa trabaho niya ang maging busy. Kaya hindi niya maintindihan kung bakit hindi makaunawa ang mga nagiging girlfriend niya. He was always been faithful.

 Kapag nakipaghiwalay na sa kanya ang girlfriend niya, he would just sleep with other pretty woman. 'Pag hindi niya natipuhan ang babaeng iyon, tinitigalan na rin niya ang pakikipagtalik dito at maghahanap na ng ibang babae. And that made him a playboy.

 Hindi siya natatakot sa kung anuman ang isipin ng ibang tao tungkol sa kanya. He believe that the fear of what others may think might prevent you from reaching your full potential, and from enjoying life to the fullest. Tinatawanan nga lang niya kapag naririnig niya na pinag-uusapan siya bilang isang pulis na malikot sa babae. It is clear that he doesn't give a damn about them.

 Subalit ang pang-aakusa na natanggap niya ngayon habang kausap si Andrew ay isa sa hindi niya malilimutan. 'Tang-ina, ngayon lang siya naakusahang magnanakaw ng panty ng isang babae!

 Naguguluhang tumingin si Callan kay Kira. Malinaw ang galit sa mukha nito. "Wait, why are you accusing me of stealing your panties? May patunay ka?"

 "Wala! Pero sa bibig mo na rin kanina nanggaling na nanakawan ako at hindi ko pa alam. At noon ko lang naalala na nawawala sa sampayan ang mga underwear ko! Letse ka! Galing pang U.S. 'yon!" Nanggigigil na sabi nito at tila gustong burahin ang mukha niya.

 "But i didn't steal your panties!" Ibang bagay ang tinutukoy niya. She misunderstood him. Goddamn it.

 "Kung ganoon, paano mo ipapaliwanag ang pagkawala ng panty ko?" asik nito.

 "Aba, ewan ko sa 'yo."

Tumawa si Andrew na nandoon lang at saksi sa pang-aakusa ni Kira. "Baka naman kinuha mo talaga, Callan. Parang hindi kita kilala."

 "Shut up, Andrew."

Tumingin dito sa Kira. "Sa tingin mo, ang kaibigan mo ang salarin, di ba?"

 Ngumisi ang kaibigan niya. "Maybe yes, maybe no. Depende sa sitwasyon."

 "Paanong depende sa sitwasyon?"

 "Ewan ko rin. Malay ko ba kung may nangyayari sa inyo. Baka naman pinagnanasahan ka nitong kaibigan ko kaya kinuha ang mga underwear mo?"

 Sa hindi malamang dahilan ay napangisi si Callante.

 Namimilog ang mga mata na bumalik ang tingin sa kanya ni Kira. "P-Pinagnanasahan mo ako?"

 "Well..." Bumaba ang tingin niya sa dibdib nito. Matagal na niyang kapitbahay si Kira at ngayon lang niya napansin ang magandang hulma ng dibdib nito. Parang gusto niyang kainggitan ang suot nitong panloob na yumayakap sa malulusog nitong dibdib. He felt a rush of heat within him as he stared at her boobs. "Hmm.. Pwede na."

 At muli niyang naramdaman ang marahas na paglapat ng palad nito sa pisngi niya. "May araw ka rin sa akin!" Tumalikod na ang dalaga at bumalik sa bahay niya na nagmumura.

 Hindi niya mapigilan ang pag-alpas ng tawa.

Nakitawa rin si Andrew. "Bro, Can you tell me what just happened? Did you really...?"

 "Pati ba naman ikaw, Andrew? If i want to steal her underwear, gusto kong ako mismo ang magtatanggal nun sa katawan niya. So i can see her reaction." Makahulugan ang ngisi ni Callan sa labi na tinanaw niya si Kira na padabog na sinara ang pinto nito.

 INIS NA INIS si Kira. Hindi lang kay Callan, kundi pati sa kanyang sarili. When he stared at her chest, she immediately felt heat rise within her. Nag-iinit ang pisngi niya at hindi niya iyon mapigilan.

 What the hell, Kira? His lustful stare made her body shiver with desire. Damn him! Ninakaw na nga nito ang mga underwear niya, minamanyak pa siya nito. Palalagpasin niya iyon ngayon. But she will make sure na makakaganti siya sa lintik na 'yon.

 Dinukot niya ang cellphone at tiningnan kung nagreply na si Jiro. Nalaglag ang balikat niya ng wala man lang itong reply sa text niya.

 She let out a sigh.

 Maybe he was still sleeping. He was tired from work. Nauunawaan naman ni Kira na may trabaho ang nobyo niya na kailangan nitong tapusin. But still, hindi man lang ba siya nito naaalala na i-text? Napawi ang inis niya kay Callan at pumalit ang hinanakit sa dibdib niya.

 Ibinulsa ni Kira ang cellphone niya at nagtungo sa kwarto niya. Isinarado niya ang punto. Papasok na sana siya sa banyo nang matigilan siya ng may mahagip ang mata niya sa likod ng pinto.

 Namilog ang mga ni Kira nang makita kung ano ang nakasabit doon. Nandoon ang mga underwear niya!

 At saka lang niya naalala na naipasok nga pala niya iyon kagabi. Bigla siyang inatake ng hiya. Shet, nakapagbintang pa siya ng ibang tao.



 #AngNawawalangPanty

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top