Chapter Twenty Five
MUNTIKAN nang maibagsak ni Kira ang kanyang cellphone sa sinabi ni Callan. Mabuti na lamang ay naagapan niyang hawakan iyon ng mahigpit at pinanlabanan ang biglang panlalambot ng mga buto. "A-Ano kamo?" di makapaniwalang bulalas ng dalaga.
Mula sa kabilang linya, narinig niya ang malakas na halakhak ni Callan. "Kidding!"
She gritted her teeth when she realized he was just toying her. "Buwisit ka talaga! Nagawa mo pa akong paglaruan! Ano bang kailangan mo?" tanong niya.
Ang katawan niya ay hindi pa rin nakarecover sa mga salitang namutawi sa bibig nito kanina. His delicious chuckle sent shivers through her body.
"Oh, i just want to hear your voice, honey. Bakit ba napakainit ng ulo mo?"
"Sa tingin mo, sinong hindi maiinis sa mga pinagsasabi mo kanina?" Para dito, biro-biro lang 'yon. Pero para sa kanya, hindi 'yon magandang biro. Hanggang ng oras na 'yon ay malakas pa rin ang pagkabog ng dibdib niya. Nanginginig na humigit ulit siya ng hininga. Hindi na niya mabilang kung ilang beses niyang ginawa 'yon.
"Nagbibiro lang naman ako. Gusto lang kitang kumustahin."
"Wala pang eight hours na hindi tayo nagkikita, kukumustahin mo na agad ako. Nasaan ka ba talaga ngayon?"
"Nandito pa rin sa Cam Sur. Nakahiga sa ilalim ng puno."
"Tsk. Akala ko ba may operation kayo? Eh, bakit parang nagbabakasyon ka lang d'yan?"
She heard him laughed. "Hindi ba puwedeng nagpapahinga lang ako, bebe ko?"
"Yuck! Tigilan mo nga ang pagtawag sa akin ng ganyan. Ano tayo, teenager pa rin?" Ngunit hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit napangiti siya. Naloloka na yata siya. Kahit alam niyang nang-aasar lang ito, natatagpuan pa rin niya ang sariling nakangiti. Mabuti na lamang at hindi siya nito nakikita ng sandaling 'yon.
"Wala namang masama kung hindi na tayo teenager. That's just unfair to us. May mga ginagawa rin naman ang teenager na ginagawa ng mga tulad natin."
Umangat ang kilay niya. "At ano-ano naman 'yon, aber?"
"Tulad na lang ng mga kabataan na sa hagdan pa nagpaparaos."
"Callan! Ang bibig mo!" napahumindig na sabi ni Kira. Tila naeskandalo sa sinabi ng nobyo.
"What?" natatawang wika nito. "Hindi ba totoo naman na may nangyaring ganoon? May video pa nga. Gusto mong panoorin natin paminsan-minsan."
"Yuck! Ayoko nga! Hindi ako nanonood ng ganyan 'no!"
"Hindi ka pa nanonood ng p0rn?" nakakalokong tanong nito.
Nag-init ang pisngi niya sa tanong nito. "Well.. M-Minsan lang."
Malakas ang naging tawa ni Callan sa kabilang linya. Nainis siya. "Kung di ka pa titigil kakatawa, papatayin ko na 'tong cellphone ko. Sinasayang mo lang oras ko. Tinatawanan mo lang din naman ako."
But for some reason, hindi maitatanggi ni Kira na nasasarapan siya sa tuwing naririnig ang tawa ni Callan. Puno ng sigla ang tawa nito at parang walang pinoproblema sa buhay. May positibong outlook ito sa buhay at hindi yata niya ito nakitaan ng pagkalungkot at pagiging negatibo. "Kumain ka na ba?" tanong nito kapagkuwan.
"Oo naman, ikaw ba?"
"Hindi pa ako nagugutom."
"Kaya di ka pa kumakain ng tanghalian?"
"Oo. Mahirap kumain kapag di gutom."
"Geez! Kahit di ka nagugutom, kumain ka pa rin, Callan. Magaling kung tambay ka lang sa kanto. But you're a working man. May operation kayo at kailangan mong kumain para malakas lagi ang katawan mo." Kung nakikita lang niya ito ngayon, masasapak niya ang binata. Hindi maganda sa katawan ng tao ang nagpapaliban ng pagkain. Iyon ang itinuro sa kanya ng magulang niya. Kaya nga kahit wala siyang ulam noon, kumakain siya ng kanin.
"Okay, babe. Ikaw na ang nagsabi, eh."
"Tss. At kung hindi pala kita sinabihan, hindi ka kakain. Sige, kumain ka na. Mag-ingat ka d'yan."
"Yes, i will. Tatawag ulit ako mamaya, ha?"
"Sure, basta siguraduhin mo na tatawag ka lang kapag may free time ka. Baka naman tumawag ka sa kalagitnaan ng operation n'yo."
"Will remember that, hon. I love you."
Bago pa siya makapagreact ay pinutol na nito ang tawag. Napanganga siya sa huling sinabi nito. Hindi naman siguro siya nagkamali ng naparinig, hindi ba?
Napalunok siya at pinilit balewalain ang mabilis na pintig ng puso. Ngunit buong araw siyang halos hindi nakapag-isip ng tuwid dahil sa huling sinabi nito. Kung hindi pa niya pinaalalahanan ang sarili na kailangan niyang magtrabaho ay hindi pa siya kikilos.
SAGLIT lang na tumawag si Callan kinagabihan. Overtime ito sa trabaho at siya naman ay nagdahilan na inaantok na kaya pareho silang nagkasundo na sa sunod na umaga na lamang mag-usap. Pinag-aaralan niyang mabuti ang negosyo na itatayo sa tabi ng Shakira's.
Wala pa sa pangalan niya ngayon ang lote. Hindi pa naaayos ang proseso ng paglilipat sa kanya ang property ng loteng 'yon dahil hindi pa nila napag-uusapan kung magkano nito iyon ipagbibili sa kanya. Ngunit inaasahan niya na tutupad si Callan sa kasunduan nila. Nauna na siyang tumupad sa kanilang usapan.
She was his girlfriend now.
His girlfriend for just one month.
Humugot siya ng malalim na hininga. Bigla ay nagtaka siya kung bakit pumayag si Callan na isang buwan lang siyang magiging nobya nito. Kung tutuusin ay napaka-unfair ng kondisyon niya. Hindi biro ang presyo ng loteng ipagbibili nito sa kanya sa murang halaga. Sinong lalaki ang papayag sa ganoong kondisyon, di ba? Nakakasigurado siya na walang lalaking papayag sa isnag one-month relationship kapalit sa murang pagbebenta ng lote nito.
Pero bakit pumayag si Callan? Oo, tahasan na ang pagpapakita nito ng matinding pagkagusto sa kanya. Hindi na siya manhid para hindi maramdaman na may pagtingin si Callan sa kanya. Bagaman hindi niya iyon mapaniwalaan noon. Ngayon ay napag-isip isip niya na hindi ito nagloloko o nagbibiro lamang. Kanina ay sinabihan siya nito ng "i love you", at aaminin niya na hanggang ngayon ay hindi pa rin siya maka-get over.
Hindi siya baguhan sa pagsasabi ng isang lalaki ng ganoon sa kanya. Lagi siyang sinasabihan ni Jiro ng mga ganoong linya sa tuwing magtatapos na ang tawagan nila o kaya ihahatid na siya nito. And guess what? Parang dumadaan lang sa tenga niya ang ganoong klaseng line. Kinilig siya, pero mababaw lang.
At hindi niya alam kung bakit nang si Callan na ang nagsabi ng linyang 'yon, sagad sa buto ang naramdaman niyang kilig. Hindi siya makapag-isip sa ibang bagay. Sa loob ng ilang oras ay ang lalaki lang ang nasa isip niya at tila sirang plaka na nagpaulit-ulit sa utak niya ang sinabi nito.
Mariin siyang napapikit. Gusto na niyang makatulog ngunit ayaw siyang patulugin ng mga isipin na may kinalaman sa lalaki. Sa totoo lang ay parang gusto niya itong makita at mahaplos ang mukha nito.. O di kaya ay marinig ang boses nito habang binibigkas nito ang pangalan niya na ubod ng sensuwalidad.
Nahilamos niya ang mukha. Goodness! Gusto na niyang isipin na kinukulam siya ni Callan. Pero alam niyang imposible 'yon.
Dahil sa kanilang dalawa ng binata, baka siya pa ang lumabas na nangkukulam dito para magkagusto ito sa kanya!
TANGHALI na nang magising si Kira kinabukasan. Naibagsak pa niya ang alarm clock dahil walang tigil ang panggigising nito sa kanya mula pa kaninang umaga. Kung hindi pa niya naramdaman ang sinag ng araw na pumapasok mula sa bintana niya, hindi pa niya makukuhang bumangon.
Alas-dose na rin siya nakatulog kagabi.
Humihikab na dinampot niya ang cellphone sa side table at binuhay iyon. Napakunot-noo siya ng makatanggap ng text kay Jiro. Tuloy naalala niya ang pagsugod nito sa bahay niya noong isang araw.
Alam kong natakot kita noong isang araw. Gusto kong humingi ng pasensya sa 'yo. But please, sana kausapin mo ako mamaya. Pupuntahin kita ulit mamaya pag 'tapos na ako sa work.
Lumalim ang pagkakakunot ng noo niya sa nabasang text ng dating nobyo.
Ano pa ba ang kailangan nito? Last time na nagpakita ito sa bahay niya, tinakot siya nito ng sobra. Mukhang stressed na stressed ito at tila nakainom pa. Noon lang niyang nakitang nagwala ng ganoon si Jiro. Sa takot niya ay nagkulong siya sa kuwarto niya at to the rescue naman si Callan. Hindi niya tuloy nalaman kung anong dahilan ng pagwawala ng dating nobyo.
Nagtype siya para mag-reply. Sige.
HINDI lamang halata sa mukha niya ngunit kanina pang mainit ang ulo ni Callan. Bukod sa maalinsangan na panahon sa kinaroroonan nila, wala pang signal ang cellphone niya. Tuloy ay hindi niya magawang matawagan o mai-text si Kira.
He missed her terribly. Kagabi niya ito huling nakausap at wala pang sampung minuto. Kailangan kasi niya ang mag-focus sa operation ng team nila. Hindi sila puwedeng mabigo dahil ang misyon nilang 'yon ay ang mahuli ang isang malaking sindikato na nagkukuta sa liblib na bayan ng Camarines Sur. Ilang oras din ang naging byahe nila patungo doon. Dumagdag sa init ng ulo niya ang mga lamok na kanina pa niyang hinahataw ngunit hindi maubos-ubos ang pumapapak sa kanya. Marami silang pulis sa team na 'yon, pero siya lang yata ang pinapapak.
'Pag minamalas ka nga naman.
Inis na nagpakawala siya ng buntong-hininga. Pagkatapos ay pinaalalahanan ang sarili na maging kalmado lang. Hindi maaari sa propesyon niya ang pagiging mainitin ng ulo lalo na kung may ganoon silang kalaki na operation.
Napansin ni Diego ang pagkainis niya. "Pare, kalma ka lang. Ano ba'ng problema?" Sa mga ka-team niya, ito lang ang nakakakilala sa kanya lalo na sa mga ganoong sitwasyon.
"Walang signal ang Globe, eh. Pucha."
Nakakalokong ngumisi ito. "O, akala ko ba abot ang mundo?"
"'Langya, kahapon nakakatawag naman ako kay Kira. Ngayon, hindi na. Lintik na 'yan." Bumaling siya sa kaibigan. "Sa 'yo ba, meron?"
"Meron namang signal."
"Yon naman pala, eh." Napangiti si Callan. "Pahiram muna ng cellphone mo. Tatawagan ko lang si Kira." Kanina pa niyang gustong kausapin ang nobya. Hindi siya mapakali hangga't di niya naririnig ang boses nito.
"Naku, pare. Signal lang ang meron, pero walang load." Natatawa pang sabi nito.
Napakamot siya sa batok. "Tang-nang cellphone 'yan. Ba't di mo na lang itapon?"
Tinawanan lang ni Diego ang pagkainis niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top