Chapter Twenty Eight
CALLAN woke up feeling light and fresh. Dalawang araw ding napuwersa ang katawan niya sa operation ng team nila sa Cam Sur. Naging successful ang operation nila kagabi. Nahuli nila ang malaking sindikato na nagtatago sa bundok. Kinailangan pa nilang umakyat sa bundok ng halos dalawang oras para maisagawa ng matagumpay ang operation.
Kung hindi naging matagumpay ang operation nila, siguro ay aabutin pa sana sila doon ng tatlo o apat na araw. Katakot-takot na sana ang pagkainit ng ulo niya. Bukod sa walang signal doon, bumagsak pa sa batis ang cellphone niya. Tuloy, mas lalo siyang hindi nakatawag kay Kira.
Kaya nang matapos ang operation nila, hindi na siya sumama sa mga kasama para magcelebrate. Umuwi agad siya sa dalaga. Not seeing Kira for two days was pure hell. Parang gusto niyang makita oras-oras ang mukha nito at marinig niya ang boses nito. Di yata't mas lalong lumalala ang obsession niya sa dalaga.
Mga alas-dos na yata ng madaling araw ng makauwi siya. Dumaloy sa kanyang isipan ang nangyari kagabi. Hindi niya mapigilan makaramdam ng unting hiya. Dumikit siya sa dalaga na mabaho siya at amoy-pawis. Kung pa nito mismong sinabi sa kanya, hindi pa niya maalala. Napaungol siya.
Ngunit hindi rin maiwasan mapangiti nang maalala ang narinig sa labi nito.
"I missed you, Callan."
She missed him. She missed him! At may ibang ibig sabihin na 'yon para sa kanya. Nakapikit pa rin, iginalaw niya ang braso upang yakapin si Kira. Subalit sa halip na ang malambot na katawan ni Kira ang mayakap niya, ang unan sa tabi ang nakapa niya.
Nanigas ang katawan ni Callan at awtomatikong iminulat ang mata. Bumalikwas siya ng bangon at umupo sa kama. Napakunot-noo siya nang marinig ang boses ng dalaga na parang kumakanta.
Lumabas siya ng kuwarto at nagtungo sa pinanggagalingan ng boses nito.
Napangiti siya ng makita si Kira. Nandoon ito sa kusina at nagsasangag habang kumakanta. "Let the world around us. Just fall apart. Baby we can make it if we're heart to heart.. And we can build this dream together.. Standing strong forever.. Nothing gonna's stop us now.."
Sumasabay ang katawan nito sa tugtugin sa cellphone nito at tila may sariling mundo na kumakanta. Malinaw na hindi siya nito nararamdaman sa likuran nito kaya sinamantala niya ang pagkakataon. Pinanood niya ito habang sumasayaw at kumakanta. Ngayon lamang niyang nakita si Kira na sumayaw. Minsan na niya itong nakitang sumayaw noong high school sila, pero hindi na naulit 'yon. Dahil kapag nakikita niya itong nagpa-practice ng sayaw at inaasar niya ito, hindi na sumasali pa si Kira.
He chuckled. "Mas gumaling ka ngayon sumayaw, i guess."
Nahigit ang hininga na napaharap sa kanya ang dalaga. Namula ang mukha nito nang makita siya. "C-Callan.. Gising ka na pala?"
Itinago niya ang ngisi para hindi mapahiya ang nobya. "Kanina pa ako dito. And don't be ashamed, hon. I enjoy your performance." A sensual smile formed on his lips. His blue eyes feasted on her long shapely legs.. Damn, he was already very hard.
Iniiwas nito ang mukha sa kanya at muling tumalikod sa kanya para harapin ang pagsasangag. "Ano'ng gusto mong kainin?" tanong nito para pagtakpan ang pagkapahiya. Malawak ang ngiti sa labi na humakbang siya palapit sa dalaga. Pagkatapos ay ipinulupot ang braso sa beywang nito at bumaba ang labi niya upang halikan ito sa leeg. He love kissing her soft neck. His groin stirred to life.
Sa mahinang at malinaw na boses, nagsalita siya. "Paano kung sabihin ko sa 'yo na ikaw ang gusto kong almusalin?"
HIS HUSKY voice sent shivers down her spine. Kira wet her lips innocently. Pagkatapos ay nanginginig ang kamay na pinatay niya ang kalan at nanunuyo ang lalamunan na humarap sa binata. Nag-aalab sa pagnanasa ang asul nitong mga mata habang nakatitig sa mukha niya.
May maliit na ngiti ito sa labi na nagpapahiwatig ng kapilyuhan. "Papayag ka ba o hindi?"
"Callan," kinakabahan na lumunok siya. "Mabuti siguro kung kumain muna tayo."
"Yes, hon. Breakfast in bed would be great." he said, and playfully winked at her.
Hindi na siya nakatiis at nakurot na niya ito sa tagiliran. "Callan, wag ka nga'ng maloko!"
He burst out laughing. "What? Ano ba'ng kakaiba sa sinabi ko?"
"Double-meaning! Agang-aga, kamanyakan na naman 'yang iniisip mo!" Tumulis ang nguso ni Kira at akmang kukurutin ito sa tagiliran nang hulihin nito ang kamay niya.
"Napapadalas na ang pagkurot mo sa akin d'yan, hon, ah? Nakakahalata na ako."
Nagsalubong ang kilay ni Kira. Bahagyang kinabahan. Hindi kaya gising na ito kanina ng nakawan niya ito ng halik? "A-At ano na naman 'yon, aber?"
He grinned wickedly. "Kunyari ka pang naiinis, eh, pasimple mo lang naman akong tsinatsansingan. 'Kala mo ba hindi ko napapansin ang pigil na pagnanasa mo sa akin? You don't hide you feelings, you know. You just have to ask nicely if you want to touch me anywhere." Pagsabi niyon ay humahalakhak na lumayo ito sa kanya.
Dumoble ang pag-iinit ng pisngi niya. "Callan!' she roared as she ran to catch him. "Makakatikim ka talaga sa aking lalaki ka!"
Nang maabutan niya ito sa sala ay pinagkukurot niya ito sa tagiliran.Gumanti naman ito ng pangingiliti sa kanya. Their laughter echoed all over the house. Pagkatapos ng harutan na 'yon, masaya at magkasabay na nag-almusal sila sa kusina.
NANG araw na 'yon ay pinaubaya muna ni Kira ang restaurant kay Themarie. She just stayed in her house with Callan. Hindi rin pumasok ngayon ang lalaki kaya magkasama sila. Wala silang ibang ginawa kundi ang manood ng pelikula sa cable, kumain, magkuwentuhan. Buong maghapon na hindi sila lumalabas sa bahay niya.
Napagkatuwaan nila ang mag-enjoy kasama ang isa't isa. Hindi niya alam kung ano ang nangyari at bigla-bigla ay nagkakasundo sila ngayon ni Callan. Kapag nag-aasaran sila noon, lagi siyang pikon. Ngunit ngayon kapag inaasar siya ng binata, gumaganti na din siya ng pang-asar. At matatagpuan nila ang mga sarili na masayang tumatawa.
He made her feel so alive. He made her so happy. Parang bumalik siya sa pagkabata na walang pinapatakbong negosyo at walang pinagdaanan na masaklap na relasyon.
"Hon, it's your turn," sabi ni Callan.
Kinuha ni Kira ang dice at pinaikot 'yon. Eksaktong tumigil iyon sa may tatlong tuldok. Malakas na tumawa si Callan habang siya ay napasimangot.
"Paano ba 'yan, hon? Natuklaw ka na naman ng ahas."
"Na naman!" angal ng dalaga habang ibinaba ang maliit na kulay pulang box sa mababang numero ng pinaglalaruan nila. Naglalaro sila ngayon ng binata ng Snake and Ladder. Matagal-tagal na rin mula nang makapaglaro siya noon. Teenager pa lang yata siya. Nakita lamang niya ang Snake and Ladder board sa lalagyan niya ng mga lumang gamit ng maglinis siya kanina sa loob ng kuwarto niya.
"Pansin ko parang nadadaya na ako, ah. Bakit kanina pa akong natutuklaw ng ahas, samantalang lagi kang panalo?"
He smirked. "Kasalanan ko ba 'yon? Malay ko ba kung type ka talagang tuklawin ng ahas sa larong ito kaya di ka makaabot sa one-hundred." Hindi niya pinansan ang tila pagbibigay nito ng kahulugan sa sinabi.
Sumimangot si Kira. "At hindi ko man lang matyempuhan 'yong mahabang ladder. Ikaw lagi ang nakakatiyempo kaya ikaw ng ikaw ang nananalo."
"Well.. Hindi ba dapat ay may reward ako mula sa 'yo? Kanina pa akong nananalo, at ikaw palaging talo."
"Aba, hoy! Wala tayong usapan na may reward ang mananalo." Pinandilatan niya ito at iniligpit na ang nilalaro. "Magaling pa itago na natin 'to. Galit yata sa akin ang snake, bwisit."
"Malamang, kanina pang masakit ang puson ng snake sa 'yo."
Napatitig siya kay Callan. "Ano'ng sabi mo?" May kakaibang kislap sa mga mata ng lalaki nang tumingin siya dito ng tuwid.
Ipinilig nito ang ulo. "Nothing. Hindi ka pa ba maliligo, hon?" pagpapaalala nito.
"Ah, oo nga pala. Maliligo pa ako. D'yan ka muna."
Iniwan niya ito sa sala at nagtungo sa banyo para maligo. Nanlalagkit ang katawan niya sa init. Palibhasa tag-init ngayon kaya ganoon na lang siya kung pagpawisan. Nasa kalagitnaan siya ng pagliligo nang bigla niyang maalala na hindi nga pala siya nakapagdala ng towel sa pagpasok niya sa banyo.
"Sh-t." mahinang napamura siya. Hindi naman siya maaaring lumabas ng hubo't hubad doon para kunin ang towel. Baka bigla niyang makasalubong si Callan, lalo na't nasa bahay lang din niya ito. Kahit ilang beses na nitong nakita ang katawan niya, hindi pa rin niya maiiwasan ang makaramdam ng hiya kahit papaano. Magkasintahan pa lang naman sila at hindi mag-asawa.
Naisip niyang tawagan na lang niya ang binata at makisuyo. "Callan!"
"Why, hon?" tugon ng binata.
"Puwede mo ba akong ikuha ng towel? Nakalimutan ko magdala, eh."
"Sure."
"Thank you!"
Ilang sandali lang ay narinig ang yabag nito papalapit, saka kumatok naman ito. "Here's your towel."
Maliit lang ang pagbubukas niya ng pinto para hindi makuha niya ang towel. Ngunit nabigla siya nang itulak ni Callan ang pinto upang lumuwang ang pagkakabukas. At ang mas ikinabigla niya ay ang makita itong wala ng saplot sa katawan!
Without saying anything, he entered the bathroom with a lvstful grin on his face. "Hi, honey. Mind if i join you?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top