Chapter Twelve
KIRA took a long, deep breath as she step out of her car. Dalawang araw na paghahanda ang kinailangan niya para harapin ulit ang dalawang taong bumasag sa puso niya. She need to fix herself first bago kausapin ang mga ito.
Nagpunta siya kahapon sa parlor para magpaguhit at magpaayos ng buhok. Sabi nila, kapag ang isang babae ay brokenhearted ang unang pumapasok sa isip nila ay magkaroon ng new look. At napatunayan niyang tama iyon. Sinigurado ni Kira na hindi siya magmumukhang kaawa-awa kahit na ang totoo ay siya naman talaga ang sinaktan.
Kumatok siya sa pinto ng apartment ni Amy. Mga ilang saglit pa ay bumukas iyon at bumungad ang "ahas". Lumarawan agad ang takot at tensyon sa mukha ng babae. "K-Kira."
Matamis na ngumiti siya sa babae. "Hi, Amy. Puwede ba'ng pumasok?"
Tila mas lalong natakot ang babae sa ngiti niya. Kita niya sa mukha nito ang pagdadalawang-isip kung papasukin ba siya o hindi. "W-Wala naman dito si Jiro, eh."
"Oh. Hindi naman siya ang ipinunta ko dito, dear. Kung siya lang ang hanap ko, di sana dumiretso na ako sa opisina niya o kaya sa condo niya, di ba?"
Napalunok ito. "Oo nga pala. S-sige, pasok ka."
Niluwangan nito ang pinto at pinapasok siya. Parang senyorita na umupo siya sa couch nito. "Last time na pumunta ako dito naiwanan ko 'yong cellphone ko. Puwede ko bang makuha?"
"Oo naman. Sandali lang." Pumasok ito sa kuwarto nito at pagbalik ay dala na nito ang cellphone niya. Inabot niya iyon. Mabuti na lamang at hindi nabasag ang screen niyon. May unting gasgas lang.
"Iyan lang ba ang ipinunta mo dito, Kira?"
Umangat ang tingin niya kay Amy. Wala na ang pekeng matamis na ngiti niya sa labi. "Hindi. Sa tingin mo ba pupunta pa ako dito kung itong cellphone lang ang gusto kong makuha? Ofcourse not. Kaya kong bumili ng mas mahal pa dito."
"K-Kung ganoon.. Ano ba ang ipinunta mo? Kung aawayin mo ulit ako, please huwag na Kira. Buntis ako. Hindi makakabuti para sa akin kung---"
"Hindi ko tinatanong kung buntis kang gaga ka. Wala akong pakialam sa dinadala mo kahit duguin ka pa dito. Karma mo na siguro 'yon kapag nangyari 'yon." Tumayo siya at nilapitan ito. Pinag-aralan niya ang mukha nito at napagtanto niya na sa una pa lang ay di na dapat siya nagtiwala ito. Arko pa lang ng kilay nito ay nagsusumigaw na ng kalandian.
"Look, Kira. Alam kong nasaktan ka sa nalaman. Pero hindi namin sinasadya 'yon, Jiro. Hindi naman sinasadya na mahulog sa isa't isa habang may relasyon pa kayo."
"You don't need to explain, Amy. Hindi ko hinihingi ang rason mo. Nandito lang ako para tingnan ang kung gaano ka kasaya."
Napatanga ito.
"Naagaw mo na sa akin si Jiro. Ibinibigay ko siya sa 'yo ngayon. I just realized hindi lang naman siya ang nag-iisang lalaki sa mundo. Kung gaganti ako sa inyong dalawa, magiging senyales lang 'yon na isa akong mahinang tao. At hindi na ako si Shakira kung magiging mahina ako." Humugot siya ng hininga. "I just hope you will be happy now. Kasi alam mo, Amy.. Hindi habambuhay ang kaligayahan ng isang taong kinailangan na manakit ng kapwa niya para lang makuha ang gusto niya."
Tila nawalan ng kulay ang mukha ni Amy sa sinabi niya.
"Pero huwag ka muna mag-alala ngayon. I-enjoy mo lang ang happiness na 'yan habang nasa iyo pa."
Lumabas na siya sa apartment nito at sumakay sa kotse niya. Nakasalubong pa niya ang kotse ni Jiro sa daan. Hindi niya alam kung bakit napangisi siya. Siguro dahil alam niya na nakita siya ng lalaki. Malamang nag-aalala na ito para kay Amy.
At hindi nga siya nagkamali. That night, Jiro called her. "What did you to her, Kira? Bakit umiiyak si Amy nang datnan ko kanina?"
Kumakain siya ng oras na iyon at pinilit niyang maging kalmado sa pagsagot. "Ewan ko sa kanya. Baka ganoon talaga ang epekto ng pagbubuntis. Nagiging emotional."
"Nagiging emotional? Hindi umiiyak si Amy basta-basta lang."
"Eh, anong gusto mo na palabasin? Na ako ang salarin sa pag-iyak ng second jowa turned real jowa mo?" puno ng sarcasm na wika ni Kira, kung ano-ano pa ang naimbento niyang salita. Cool na cool lang siya habang ang kausap niya sa telepono ay boses nag-aalburuto na.
"Bakit hindi? Nakita kita na nanggaling sa apartment niya. I have this gut feeling na may ginawa ka o sinabi sa kanya para di siya tumigil sa pag-iyak. Heto nga siya at nagkukulong sa kuwarto. Ayaw akong kausapin!"
Tumigil siya sa pagkain at nagsalita. "Look, it's not my problem if she doesn't want to talk to you right now. Ang kapal din naman ng pagmumukha mo na ako pa ang komprontahin mo sa problema n'yo ni Amy. Tandaan mo na may kasalanan ka sa akin."
"Ayun na nga! May kasalanan ako sa 'yo kaya gusto mo akong gantihan sa pamamagitan nito. Kira naman, mag-move on ka na sa akin!"
"P-tang-na. Aba't ang kapal mo din para sabihin sa akin'yan no? Kahit di mo sabihin magmo-move on talaga ako sa 'yo. Anong tingin mo sa akin, patay na patay sa 'yo?"
"Bakit hindi ba?"
"Aba't tang-na ka nga talaga." Hindi lang niya masabi dito. Pero parang gusto pa niyang magpasalamat sa mapaglarong tadhana na nagloko ang boyfriend niya. Pagkatapos ng nangyari sa kanila ni Callan, dumating ang isang realisasyon sa isip niya.
Na maliit pala ang pututoy ng ex-boyfriend niya.
Hindi niya lubos maisip kung paano nasarapan si Amy doon.
"Alam kong malaki ang kasalanan namin sa 'yo ni Amy. But please, i'm begging you. Don't do something that will hurt her. She's pregnant and i don't wa---"
Hindi niya pinatapos ang lalaki sa sasabihin nito. "Look, Jiro. Kinuha ko lang ang cellphone ko na naiwan sa bahay niya. Kung anuman ang dahilan ng pagda-drama niya, labas na ako doon. Huwag mong sabihin na patay na patay ako sa 'yo. Baka totohanin ko nga 'yan at patayin kita."
Hindi ito nakasagot kaya pinutol na niya ang tawag nito. Pagkatapos kumain ay nagtoothbrush muna siya bago pumasok sa kuwarto. Dahil hindi kaagad siya dalawin ng antok, binuksan niya ang bintana at tumingin sa langit.
Noong bata siya buo na ang gabi niya tuwing makakakita siya ng maraming bituin sa langit. Iba ang nagiging epekto sa dibdib niya kapag nakikita niya na maraming nagkikislapang bituin. Nakakagaan ng pakiramdam. Kahit gaano pa kahirap ang buhay nila noon, nakakalimutan niya iyon masilip lang ang napakagandang tanawin sa langit.
Subalit nang gabing 'yon ay madilim ang kalangitan. Wala ang mga nagkikislapang bituin na gusto niyang makita. Parang bumigat ang pakiramdam ni Kira.
Isasara na sana niya ang bintana nang dumating naman ang sasakyan ni Callan. Ayaw man niya na makita ang lalaki ngunit hindi niya mapigilan na tanawin ito mula sa kinatatayuan niya. Bumaba ang binata sa kotse nito.
Bagay na bagay talaga dito ang uniform nito. Sabagay, hindi naman niya itong nakita na hindi binagayan ng suot nito. Kahit ano yata ang isuot ng lalaki, babagay pa rin iyon sa matipuno nitong pangangatawan.
Habang pinagmamasdan ito, hindi niya maiwasan na mapansin na tila pagod na pagod ang binata. Siguro nga ay pagod na pagod si Callan. Mahirap din naman kasi ang maging pulis. Pero pansin lang ni Kira. Sa lahat ng pulis na nakita niya, si Callante ang walang bilbil at hindi mukhang iniwanan sa kusina. Ito lang yata ang pulis na nakita niyang maskulado.
Kaya hindi na niya masisisi kung mas marami ang babaeng humahanga dito ngayon kesa noon. Siguro ay naramdaman ni Callan na may nakamasid nito.
Lumingon ito sa gawi niya.
Her cheeks burned when Callan smiled at her. May kung ano sa ngiti nito na tila nagpainit ng labis sa pisngi niya. Kira felt the rush of heat within her. Ang malamig na dampi ng hangin sa balat niya ay hindi nakatulong upang pawiin ang init na biglang lumukob sa katawan niya. Ang ngiting ibinigay sa kanya ni Callan ay nagbigay ng masarap na kilabot sa kabuuan niya.
Takte naman! Kinikilig ba siya?
No, Kira, No!
Pero bakit ganoon? Dinaig pa niya ang teenage girl na halos mangisay dahil sa ngiti nito?
Umalis na siya sa bintana at mabilis na isinara iyon. Nahiga na siya sa kama at natulog na.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top