Chapter Thirty Six


 PAIMPIT na tumili si Themarie sa likod ni Kira nang abutan siya ni Callan ng isang pumpon ng mamahaling bulaklak. Binisita siya ng binata sa Shakira's nang hapon na 'yon at tulad ng laging ginagawa nito kapag napapapunta doon, dinadalhan siya nito ng bulaklak. Animo'y bagong nanliligaw pa lang sa kanya.

Hindi niya maitago ang pamumula ng pisngi ng sandaling 'yon. Paano ba naman hindi? Sa harap ng maraming customer siya nitong inabutan ng bulaklak at marami ang nakakita ng hagilapin nito ang batok niya at masuyong hinalikan sa kanyang labi. Kahit sinong babae ay pamumulahan ng pisngi sa kapilyuhan nito!

"Ang swerte naman niya."

"Wow. Ayan 'yong pulis na nakita natin sa TV noong isang araw, di ba? Ang swerte naman ng girlfriend niya." pag-uusap ng dalawang babae malapit sa tayo nila. Hindi niya kailangang ilibot ang paningin sa buong lugar para malaman na nasa kanilang dalawa ni Callan nakatuon ang atensyon ng lahat.

"Halika nga dito!" Hinila niya ang binata papunta sa maliit na opisina niya. Narinig pa niya ang boses ni Themarie na nakasunod ng tingin sa kanya. "Enjoy!"

The hell!

Pagkapasok ay iini-lock niya ang pinto para masiguradong walang magiging pang-abala sa pag-uusap nila. "What do you think you're doing?"

"I'm courting you."

Napasinghap si Kira. "Y-You're courting me? Eh, di ba, may usapan na tayo?" Huwag nitong sabihin na delusion lang niya ang pag-amin nila sa isa't isa ng tungkol sa nararamdaman nila.

Ngumisi si Callan at ipinulupot ang braso sa beywang niya. Bago pa siya makakurap, binuhat na siya nito paupo sa mesa. Pumuwesto ito sa pagitan ng hita niya. Namilog ang mata niya.

"Goodness! Huwag mong sabihin sa akin na may balak ka na nama--"

"Ssshh.. Huwag kang advance, bebe ko." Puno ng kapilyuhan na tumawa ito at inilibing ang mukha sa leeg niya. Napapikit siya sa pagdaloy ng init sa mga ugat niya. Letse talaga 'to! Hindi siya nakakapag-isip ng husay kapag ginaganito siya ni Callan. Kahinaan niya ang paglalambing nito.

"Callan, for serious! What are you doing?"
"I believe i already told you."

"But that's not what i want to hear!" Napahawak siya sa matipunong biceps nito ng pinadaan nito ang dila sa leeg niya. "Damn, you're distracting me again!"

Maikling tumawa ito. "Is it working?"

"Callan!" Pinisil niya ang pisngi nito. "Hindi ako nakikipagbiruan sa 'yo. Seriously, 'wag mo ulit gawin 'yon."

"Ayaw mo?"

"Hindi sa ayaw ko. Pero nakakahiya kaya! Alam mo naman na hindi ako sanay na pagtinginan ng tao. I hate to be the center of attention! You should know that."

Tumango ito. "Ah, iyon ba ang dahilan mo kaya nagalit ka sa akin noong niyaya kita na maging date noon sa JS Prom? Tapos, biglang dumating si Millen at nag-eskandalo? Iyon ba 'yon?"

Umiling siya. Pagkatapos ay humalukipkip. "That's not the reason, Callan. Pinagbintangan ako ni Millen noon na other girl mo, pinalalabas niya na parang third party ako sa break up n'yo. At bukod doon, inisip ko rin na ginamit mo lang ako para makipaghiwalay sa girlfriend mo. Alam mo ba kung ano kahihiyan na dinanas ko pagkatapos noon? Naging laman ako ng mga usapan ng mga tsikadorang schoolmates natin!"

"And that's because of me?" Napalunok ito at tinitigan siya na tila nakokonsensya. "I'm sorry about that, hon. Believe me, hindi ko intensyon na gamitin ka. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa 'yo 'to pero wala talaga akong intensyon na ganoon. I just really want you to be my prom date. Naipaliwanag ko na naman sa 'yo ang tungkol doon, di ba?" namumutla ang mukha ni Callan habang nagpapaliwanag.

Hindi na niya napigilan ang sarili. She burst out laughing. Kung nakikita lamang nito ang mukha sa salamin! Parang estudyanteng pinagpapaliwanag ng principal ang itsura ni Callan!

 Gosh, he looked so adorable!

"Why the hell are you laughing?"

Natatawang pinisil ulit niya ang pisngi nito. "Nakakatawa ka kasi! Ang cute cute mo kapag defensive!"

Umangat ang kilay nito. "Hindi ko natatandaan na nagtutunog defensive ako. I was just trying to ex--"

Pinandilatan niya ito ng mata. "Ganoon na rin 'yon!"

"Pero hindi naman talaga kita ginamit noon! Sa tingin ko, isa 'yon sa dahilan kaya ka nagalit sa akin dati at umiiwas ka lalo."

"Yes, isa 'yon sa mga dahilan ko noon. But you know what? That's all in the past. Hindi na mahalaga kung ano ang nangyari noon. We have the present and the future. We can make good memories together without thinking about the past."

Lumiwanag ang mukha ng binata at napangisi. "Good." He cupped her face and kissed her lips tenderly. He was being affectionate and it felt damn good.

"Bakit nga gusto mo ulit akong ligawan?" tanong niya dito nang pakawalan nito ang labi niya. "We are already a couple now. Bakit kailangan mo pang gawin 'yon?" Nagugustuhan naman niya ang ginagawa nitong pagsuyo. Curious lang siya malaman kung bakit.

"Dahil gusto kong ligawan ka. Alam ko naman na 'yon ang hindi ko pa nagagawa sa 'yo. Hanggang maaari ay gusto ko na gawin ang lahat ng ikakasaya mo bilang babae. I want to please you. Ayaw kong isipin mo na sa kama lang kita sinusuyo. I love you and i don't want you to feel that way. Isa pa, nahihiya rin ako sa sasabihin sa akin ng mga magulang mo. Paano pag nalaman nila na hindi man lang kita niligawan? Baka sa inis nila hindi ka nila ibigay sa akin at ayawan nila ako para maging asawa mo."

 Nakagat niya ang ibabang labi. Hindi siya makapagsalita sa sobra-sobrang kilig na nararamdaman niya. Pakiramdam tuloy niya ay teenager pa siya.

 Gosh! Hindi na siya magtataka kung maraming chicks ang lalaking 'to noon. Ang tamis nitong magsalita!

 Tumikhim siya. "Okay. If that's what you want, then i'm giving it to you." Bigla ay may naisip siyang kapilyahan. "Pero alam mo naman siguro ang ginagawa ng mga nanliligaw pa lang, di ba?"

"Oo naman!" Iniliyad pa nito ang dibdib. "Anong tingin mo sa akin, di marunong manligaw?"

 Natawa siya. Gusto sana niyang asarin ito sa pagiging torpe nito sa kanya sa mahabang panahon, pero hindi na lang niya itinuloy. "Hmm.. Sinasabi ko lang naman. In case you don't know, ang mga lalaking nanliligaw pa lang ay nagiging celibate hanggang hindi pa sila sinasagot ng nililigawan nila."

 Sa sinabi niya nanlaki ang mata ni Callan. Muntikan na naman siyang mapahalakhak. "Yes, Callan. Tutal gusto mong manligaw, gawin mo ang mga ginagawa ng totoong naliligaw. No touch, no sex. But don't worry. Dahil mabait ako. May free kiss."

"The fck?"

"Ginusto mo 'yan, di ba?" Matamis na nginitian niya ang binata.

Gumanti rin si Callan ng matamis na ngiti kapagkuwan. "Well.. Kung matitiis mo ba naman ako, eh." Then, he grinned wickedly. Natatawang pinanggigilan niya ang pisngi nito.


 "HI, KIRA!"

Muntikan na matapilok ang dalaga nang marinig ang boses na 'yon. Umangat ang mukha niya sa lalaking nakasandal sa kotse katabi ng kanyang sasakyan, Si Hunt ang lalaking 'yon.

"Oh, Hunt. Anong ginagawa mo dito?" pilit na pinakaswal niya ang boses. Itinago niya ang pagkabigla sa pagkakakita dito. Matamis na ngumiti ito sa kanya.

"Bakit, ayaw mo ba akong makita?" pagbibiro nito.

Umiling siya. "Hindi naman sa ganoon. Di ko lang inaasahan na makikita kita. Sabi sa akin ni Themarie dumaan ka daw dito kanina."

"Yes. Wala kasi akong pasok kanina, so I decided to see you. Nalaman ko na busy ka kanina kaya umalis din agad ako."

"I-I see." Titig na titig sa kanya si Hunt. Nakaramdam siya ng pagka-asiwa sa klase ng titig nito sa kanya. Hindi siya sanay sa ganoong titig ng kaibigan.

"I guess, you're free right now?" he sounded so flirty, parang inaakit siya ng ngiti nito. Hindi na friendly ang paraan nito ng pakikipag-usap sa kanya at bahagya siyang nakaramdam ng pagkabahala. "Hindi naman siguro masama kung mag-date din tayo paminan-minsan."

"H-Huh? May gagawin pa kasi ako ngayon."

"Hindi ba puwede na ipagpaliban mo muna kung ano man 'yon?"

Bagaman nakakagulat ang diretsahang pagpapakita nito ng interes sa kanya, kailangan pa rin niya na sumagot agad upang hindi ito umasa. "Hunt, hindi kasi talaga ako puwede. Si Callan.."

"Siya ba 'yong boyfriend mo?"

 Tumango si Kira. "Nagkikita kasi kami tuwing pareho na kaming tapos sa trabaho kaya hindi ako puwede ngayon."

 At malamang, hindi magugustuhan ni Callan kapag lumabas siya kasama ni Hunt. Oo, puwede niyang sabihin sa binata na friendly date lamang 'yon. Pero sa nararamdaman niya kay Hunt ngayon, mukhang hindi lang hanggang kaibigan ang gusto nito. Hindi siya manhid para hindi maramdaman iyon.

 He was flirting with her. That only means one thing: He like her.

Malungkot na ngumiti ang lalaki. "Okay. May ibang araw pa naman, di ba? How about on Friday? Magkakaroon ng celebration sa bahay namin. I will be happy kung sasama ka sa akin. So?"

"Hindi siya puwede."

Sabay silang napatingin ni Hunt sa nagsalita. Naka-uniporme pa si Callan habang naglalakad palapit sa kanila. Mataman itong nakatingin sa kanya, nakatiim-bagang.

 Napalunok si Kira. "Callan.. Akala ko mamaya pang eight ang labas mo?" tanong niya, bigla ay bumilis ang tibok ng puso niya. Iyon ang epekto sa kanya tuwing nakikita niya ang binata, at tuwing malapit ito sa kanya.

 Para siyang mababaliw sa amoy ng pabango nito, maskuladong-maskulado ang dating at nagpapasidhi ng kagustuhan niyang yakapin ito.. Damhin ang matipuno at hubad na katawan sa kanya. Napababa ang tingin ni Kira sa tapat ng pantalon nito. Tila nakikita niya ang pagsaludo ng pagkalalaki nito sa kanya.

 Ipiniksi niya ang ulo. Sweet Jesus. She had to stop acting like a horny cat. Bakit ba siya nagkakaganoon?

 Pinamulahan siya ng pisngi ng mahuli siya ni Callan na tumitingin sa bahaging 'yon ng katawan nito. Nginisian siya nito, pagkatapos ay seryosong tumingin kay Hunt na napatanga dito.

"You must be Kira's friend. I'm Callan." Naglahad ito ng kamay. "I'm her boyfriend."

 Bahagyang umangat ang kilay niya sa paraan ng pagpapakilala ng binata. He sounded so possessive. Pinanood niya kung paano mawalan ng kulay ang mukha ni Hunt at ma-intimidate kay Callan. Mas matangkad kasi dito ang kanyang nobyo, at higit na matipuno ang pangangatawan.

"I see. I'm Hunt.. Kira's friend." Tila hirap na hirap pa itong bigkasin ang huling salita. "How are you doing?"

"I'm good, buddy. Susunduin ko lang sana si Kira ko. May importante kaming gagawin na kailangan ng pribadong lugar. Di ba, hon?" Hinapit siya nito sa beywang at walang sabi-sabing hinalikan siya sa labi.

Namilog ang mata niya. Holy guacamole! Sa lahat pa naman ng lugar na puwedeng gawin nito 'yon, sa harap pa talaga ni Hunt!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top