Chapter Ten

 DAHIL sa kahihiyan na naramdaman ni Kira, hindi siya madaling nakatulog ng gabing iyon. Laman ng isip niya si Callan. Okupado ng lalaki ang buong atensyon niya kahit wala ito sa harap niya. Ang letseng lalaki 'yon. Siguro'y sinadya nitong gawin ang bagay na 'yon para maakit siyang panoorin ito at madala siya sa ginagawa nito.

 It was clear that he want her on his bed again. Kahit hindi nito sinasabi ay nakikita niya ang maigting na pagnanasa sa mga mata nito.

 His blue eyes. There's something about his blue eyes that she wanted to know. Matagal na niyang kilala si Callan, pero masasabi niyang minsan lang niya ito makausap. Hindi naman kasi niya ito iniimikan kahit na nagsasalita ito sa harap niya.

 Well, minsan lang. Kapag wala siya sa mood ay nakakatugon sa mga pang-aasar nito.

 Ngunit may isang beses na hindi siya makalimutan na naging engkuwentro niya kay Callan noong high school sila. Iyon ay noon panahon na papalapit na ang JS prom nila sa school. Parang isang maikling eksena sa telebisyon na lumitaw sa isip niya ang pangyayaring iyon...

 Nakaugalian na ni Kira ang gumawa ng assignment niya sa school cafeteria tuwing break time. Naroon siya sa sulok at tahimik na nagsusulat. Hindi siya ang tipo ng estudyante na sinasayang ang oras sa pakikipagtsismisan sa mga kaklase niya tungkol sa kung sino-sino.

 Time is gold for her. Kaya nang oras na iyon, inuutik-utik na niyang tapusin ang assignment niya sa Mathematics. Twenty items din iyon at mahabang sagutan para sa mga kaklase niya. Ngunit para kay Kira, madali lamang iyon. Mathematics was her favorite subject. Mas active siya sa klaseng iyon kesa sa English na second favorite subject naman niya.

 Sa kalagitnaan ng pagsasagot ni Kira sa assignment niya, naramdaman niya ang pag-upo ng isang matangkad na lalaki sa tabi niya. Hindi pa man niya naiaangat ang tingin sa mukha ng katabi ay kilala na niya kung sino ito. His sexy and masculine scent was obviously telling her who he is.

 Tinaasan lang niya ito ng kilay at hindi nagsalita. She was focused in answering math problems and the last thing she want is to be distracted by this boy. Alam niya na sa oras ibuka niya ang kanyang bibig, hindi na iyon titigil hanggang sa magdebatehan na naman sila ng lalaking ito sa mga walang kasaysayang bagay.

 "Hello, Kira." bati nito at ngitian siya ng pinakamatamis na yatang ngiti nito.

 "Hi," she replied shortly. Ibinalik na ulit niya ang atensyon sa ginagawa at inignora na ang lalaki. Subalit hindi niya magawang tuluyan na balewalain ang presensya nito sa tabi niya. Si Callan ay isang uri ng tao na mahirap ignorahin at hindi pansinin. Yes, it's very hard not to notice Callan. Humahalik sa ilong niya ang matapang na panlalaking amoy nito. Idagdag pa na tila mainit na sinag ng araw ang titig ng kulay asul na mga mata nito sa mukha niya.

 Hindi na nakatiis si Kira at hinarap na ang binata. "Look, Callan. Kung may kailangan kang sabihin sa akin, tell me now. I don't want someone disturbing me while i'm busy doing my---" Hindi pa siya tapos magsalita ng bumuka ang bibig nito at putulin ang mga sinasabi niya. "Kira, can you be my date to prom?"

 "W-what?" nautal na sambit ni Kira, hindi niya alam kung tama ba ang naparinig niya o nangangarap lang siya ng gising.

 "I'm asking you to be my date to prom. Puwede bang ikaw ang babaeng makasama ko sa gabing 'yon, Kira?"

 Napanganga ang dalaga at hindi makapaniwala sa narinig niya. Si Callante Fontanilla, ang pinakagwapo at sikat na lalaki sa campus nila ay inaaya siyang maging date sa dadating na JS prom? Kahit sinong babae ang alukin nito ng inaalok nito sa kanya ngayon ay siguradong papayag. Why, Callan was an ideal man for all of the girls in the campus. Gwapo, matangkad, matipuno, mayaman.

 Plus, his piercing blue eyes never failed to seduce a girl. Halos lahat ng kababaihan ay nahuhulog sa mga mata nitong nakaka-inlove naman talaga kung titigan.

 "W-why me?" she asked, stammering. Tuluyan ng nakuha ng lalaki ang atensyon niya mula sa sinasagutang assignment.

 Ngumiti si Callan sa kanya. "Why not? You're pretty."

 "No, we know that's not true.. Binobola mo naman ako n'yan."

 "Believe me, Kira. You're a pretty girl. Sa totoo nga, ilang beses na akong tinutukso ng mga kabarkada ko na ligawan ka. They find you very pretty, at natatakot nga ako na baka maunahan nila ako na ayain ka bilang date sa JS."

 She felt her cheeks burned with what he said. Ayaw man niyang aminin subalit kinikilig siya. Kahit saksakan ng yabang si Callan ay nagagawa pa rin nito na pakiligin siya ng todo. Sagad sa buto.

 "Totoo ba 'yang sinasabi mo?" Parang ayaw kasi niyang paniwalan ang sinasabi ng lalaki. Unang-una, ang mga magulang nito ay amo ng kanyang ina. Dakilang katulong ang kanyang ina sa mala-mansyon na bahay nina Callan. Pangalawa, ang alam niya ay in a relationship pa rin ito kay Millen. Pero malay ba niya kung hiwalay na ang mga ito. Hindi naman kasi siya tsismosa.

 "Oo naman. Bakit naman ako magsisinungaling? Ang totoo nga niyan, nahihiya ako na kausapin ka."

 "B-bakit?"

 "Dahil alam ko naman na hindi maganda ang impresyon mo sa akin. Madalas din na inis ka sa akin at hanggang ngayon, nahihiya pa rin ako dahil ikaw pa ang nakakita ng ginawa namin ni Millen sa classroom n'yo noon."

 "Wala na 'yon. Ilang buwan na naman mula ng mangyari 'yon. Nakalimutan ko na ang bagay na 'yon. At bakit ka sa akin mahihiya? Ginusto mo naman 'yon at labas ako sa ginawa n'yo ni Millen."

 Napangiti si Callan."Kung ganoon ba, pumapayag ka na maging date ko sa JS prom?"

Saglit na nag-isip si Kira. Aaminin niyang may mga pagkakataon na naiinis siya kay Callan. Nakakainis naman kasi ang kayabangan nito. Kapag nakikita niya itong nadaan sa tapat ng classroom nila, nakapaskil sa labi nito ang mayabang na ngiti at parang feeling artista ito. Well, mukha naman talaga itong artistahin.

 Tumingin siya kay Callan. May pag-asam sa kulay asul na mata nito habang nakatitig sa mukha niya. Pakiramdam ni Kira ay napakaganda niya nang sandaling 'yon. She felt like she was Cinderella and her Prince Charming is Callan. Handa na siyang isagot ang matamis na "oo" ng biglang may palad na marahas na lumapat sa pisngi niya. Hindi lamang siya ang nagulat, pati si Callan ay gulat na napatingin sa sumampal sa kanya.

 Walang iba kundi si Millen. Ang pinakamagandang babae sa classroom nila na siyang dating nobya ni Callan.

 "Bakit mo ako sinampal?" she almost shouted at her. Walang sinuman ang may karapatan na sumampal sa kanya. Hindi nga siya masaktan ng ina niya. Ito pang kaklase niya na hindi naman niya kaano-ano? Nagpigil lamang siya na sampalin din ito.

Nakuha na ng ginawang pagsampal ni Millen sa kanya ang atensyon ng ibang estudyanteng naroroon din sa cafeteria. Hindi man niya ilibot ang tingin sa paligid, ramdam na niya ang nag-uusisang tingin ng ibang estudyante.

 "Because you deserve it! Malandi ka! Inagaw mo sa akin si Callan!"

 Napatayo si Kira. "Ano?" Maang na napatingin siya sa binata na salubong ang kilay at confused na nakatingin kay Millen.

 "Inagaw mo sa akin si Callan, Kira. Ikaw ang dahilan kung bakit siya nakikipaghiwalay sa akin ngayon! May relasyon na kayo habang kami pa. Talandi!" Pagkatapos niyon ay umiiyak na tumakbo ito palabas ng cafeteria.

 Napasinghap siya sa sinabi nito. Nang tumingin siya kay Callan ay nakita niya ang apolegetic na tingin nito na para bang humihingi ito ng sorry.

 And then, realization hits her. Nakipaglapit lang si Callan sa kanya ngayon para magmukhang siya ang babaeng ipinalit nito kay Millen at para mahiwalayan na nito ang babae.

 Nag-init ang mata niya. Naghalo-halo ang pagkadismaya, pagkapahiya at galit sa dibdib niya. Umugong ang tsismisan sa lugar na 'yon. Mabilis na itinabi niya ang mga gamit sa bag.

 "Kira, don't believe her."

Sinampal niya ito. "Hindi ka talaga dapat pagkatiwalaan, Callante. Hindi ka lang mayabang, manloloko ka pa."

 Umalis na rin siya sa lugar na 'yon kahit damang-dama niya ang tingin ng mga kapwa estudyante niya. Siguradong kakalat ang nangyari sa buong campus at pagpipiyestahan siya ng mga tsismosa.

Not that she care about what other people think of her.

 Subalit sa nangyari, nagmukha siyang mang-aagaw ng nobyo kahit hindi naman totoo. Mataas pa naman ang respeto sa kanya ng mga kaklase at guro niya. Pero ngayon, nakakasiguro siyang iniisip na ng mga ito na hindi siya nalalayo sa uri ni Millen.

 At kasalanan iyon ni Callan.


 ILANG beses na humingi si Callante noon ng tawad sa kanya tungkol sa nangyari. Pinatawad naman niya ito. Ayaw rin kasi niya na umabot sa kaalaman ng mga magulang niya na may ganoong nangyari sa pagitan nila ni Callan. Halos isang linggo lang din naman tumagal ang tsismis na 'yon kaya pinagbigyan na niya ang lalaki.

 Basta nadala na siya sa lalaki. Tuwing tatangkain nitong makipaglapit sa kanya, tinatarayan at sinusupladahan na agad niya ito. Hindi na siya nagpadala pa sa matatamis nitong ngiti. Dahil alam ni Kira na sa oras na madala ulit siya sa matamis nitong ngiti, maaaring mangyari ulit ang nangyari noon. Muntikan na siyang pumayag na maging date nito sa JS prom.

 Tapos biglang may sasampal sa kanya at aakusahan siyang malandi. Ewan na lang niya kung sino ang hindi madala. Hindi na siya muling nagtiwala kay Callan pagkatapos ng nangyaring 'yon.

 Bumuntong-hininga siya. At ngayon, may nangyari naman sa pagitan nila ni Callan. For her, that was just a mistake. Isang gabi ng pagkakamali niya. Hindi dapat iyon nangyari kung hindi siya lasing.

 Nagkataon lang talaga na wala siyang kontrol sa sarili dahilan para maangkin siya nito at makuha ang virginity niya na matagal niyang inangatan. Subalit kahit ganoon, hindi niya maiwasang tanungin ang sarili nya. Bakit wala siyang maramdamang pagsisisi na naibigay niya iyon kay Callan?

 Iyon ang tanong na kahit sa sarili niya ay hindi niya masagot.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top