Chapter Sixty Eight
PINANOOD ni Kira ang papalayong kotse ni Callan. Maaga siyang nagising at alam niya na maaga rin na nagising ang lalaki. Ngunit hindi siya lumalabas ng bahay. Nandoon siya sa tapat ng bintana niya at nakatingin lang sa bahay nito. Nakita niya nang magbihis ito para umalis.
Bago ito sumakay ng kotse, tumingin pa ito sa bahay niya. Sigurado siyang nakita siya ni Callan na nakatingin dito. Pero wala itong sinabi. Blangko ang mukha nito. Parang hindi siya kilala.
Umalis siya sa bintana at pinahid ang pumatak na luha. Kanina pa rin niya iniisip, ilang beses ba siya iiyak para mawala ang sakit? Umaalingawngaw pa rin sa isipan niya ang mga sinabi ni Callan kagabi. At pakiramdam niya ay mas lalong naging mabigat ang dinadala niya sa dibdib.
Space.
They need space.
Tama sigurong maghiwalay muna sila. Tama na magpanggap ito na hindi siya kilala. At tama rin na 'wag muna nila pansinin ang isa't isa.
Pero bakit ganoon? Parang hindi niya kaya.. parang hindi niya kakayanin na bumitaw at pakawalan si Callan. Yes, they need space. Pero sa sitwasyon nila, hindi sapat 'yon.
Kailangan na nilang magkahiwalay ng landas.
Napaluhod siya sa tabi ng kama at napahagulhol. She can't.. She just can't..
God, help me..
Pero alam niya, kung hindi siya lalayo ay pareho lang silang masasaktan. Kung hindi siya bibitaw, hindi pa rin matatapos ang lahat ng ito.
At kung hindi niya papakawalan si Callan, hindi sila magiging masaya pareho..
"YOU DON'T LOOK OKAY."
Ipinilig lamang ni Callan ang ulo at humarap kay Diego. May pag-aalala sa asul nitong mga mata. Hindi niya alam ngunit may mga pagkakataon na parang tumitingin siya sa salamin kapag nakikita ito. Kung hindi lang niya nakilala ang parents nito, baka isipin na niyang nawawalang kapatid niya si Diego.
Tuloy naalala niya ang sinabi ng kanyang ina tungkol sa kapatid niya sa labas. He would like to think Diego was his half-brother.
But that's impossible.
Ipinaampon na ng kanyang ama ang kapatid niya sa labas sa ibang pamilya. Itinanong niya iyon sa kanyang ama nang makausap niya ito. Hindi pa man nakakausap ni Kira ang magulang nito, nakausap na naman niya ang kanyang ama. And her mother was right.
Masakit tanggapin.
Naguguluhan siya at nahuhulog siya sa malalim na pag-iisip. May dahilan pala kung bakit ganoon ang pakikitungo nito kay Kira, kung bakit ganoon na lang ang pagtutol nito. Naiintindihan niya na sa kanilang lahat, ang ina niya ang tunay na biktima at nasaktan.
"May problema na naman ba kayo ni Kira?" Umupo sa tabi niya ang lalaki. Si Diego lang ngayon ang napapagkwentuhan niya ng mga bagay-bagay. Alam nito ang nangyari kay Kira, ang pagkakalaglag ng anak nila. Kaya pinayuhan siya nito na huwag aalis sa tabi ng asawa kahit na anong mangyari.
But it was hard not to be affected. Lalo na sa mga nalaman niya. Mahirap ignorahin ang paghihirap sa dibdib niya. Nagtatalo ang isipan niya kung ano ang mas nakakabuting gawin.
"Alam mo, puwede mong sabihin sa akin kung ano ang gumugulo sa isip mo. Baka may maitulong ako. You're like a brother to me, Callan. Parang ikaw na rin 'yong nakakatandang kapatid ko dahil kapag may problema ako, sa 'yo rin naman ako lumalapit, di ba?"
Totoo 'yon. Siya ang takbuhan ni Diego kapag may problema ito. Kung ituring siya nito ay parang nakakatandang kapatid. Kulang na lang ay tawagin siya nitong Kuya. Para na nga silang magkapatid. Lahat ng bagay ay pinagkakasunduan nila, lalo na pagdating sa kalokohan.
"Nagkaroon lang kami ng unting problema ni Kira."
"Unti? Eh, bakit ganyan ang mukha mo? Parang malaki ang dinadala mo."
Sa kabila ng problema, nagawa pa niyang ngumisi. "Malaki naman talaga ang "dinadala" ko. Kahit tanungin mo pa si Kira."
"Gago." Nagkatawanan sila. "Seryoso. Kung may problema kayo ni Kira, huwag n'yo na patagalin pa 'yan. Pag-usapan n'yo agad. Sa tingin ko naman, madadaan 'yan sa masinsining usapan."
Sana ganoon lang 'yon kadali.
"Mag-asawa na naman kayo. Kahit na ano pa 'yang problema n'yo dapat sabay n'yong harapin. Kaya nga kayo nagpakasal, di ba? Ano ang silbi ng kasal? Ano pa ang silbi ng wedding vows n'yo kung madaling maaapektuhan ng problema ang relasyon n'yong dalawa? Come on, bro. Alam ko kung gaano mo kamahal si Kira. Kaya mong gawin ang lahat para maging sa 'yo lang siya. Pero sa mga ganyang pagkakataon makikita kung gaano mo talaga kamahal ang isang tao. You're willing to forget everything for her."
Napatitig si Callan kay Diego.
Tila nabigyan ng kaliwanagan ang naguguluhang isip niya. May punto ang kaibigan. Kung mahal mo ang isang tao, handa mong kalimutan ang lahat para sa kanya. At mahal niya si Kira.
Hindi dapat madamay ang relasyon nila ni Kira sa kasalanan ng mga magulang nila. Hindi kasalanan ng asawa niya ang naging kasalanan ng ina nito..
Nakita niya sa isip ang magandang mukha nito habang umiiyak. Siya ang may kasalanan dito. Kahit gaano pa siya nasaktan sa nalaman, hindi niya dapat iniwan ito kagabi..
Nanatili na lang dapat siya sa tabi nito.
"O, saan ka pupunta?" tanong ni Diego nang tumayo siya.
"Alis muna ako, pare. Kailangan ako ni Kira."
Kailangan nila mag-usap. Kailangan nilang magkalinawan.
At higit sa lahat, kailangan niya ito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top