Chapter Sixty



 NAKATAYO si Reina sa labas ng cottage na inuupuhan nila ni Rico at pinapanood niya ang pagkislap ng tubig sa ilalim ng buwan. Nakakatuwang pagmasdan ang mga nagkikislapang bituin habang tinatangay ng malamig na simoy ng hangin ang kanyang buhok.

 Tama ang desisyon ni Rico na magbakasyon muna sa Batangas. Nandoon sila ngayon sa isang resort sa Nasugbu, Batangas. Napag-isipan ni Rico na huwag muna silang umuwi sa Palawan. Balak pa nila na bisitahin ulit si Kira. Kailangan pa rin nilang kausapin ang anak.

 Mariin siyang napapikit ng maalala ang huling naging pag-uusap nila nang bumisita sila ni Rico sa bahay nito. Hindi naging maganda ang resulta nun. At hindi rin niya nasagot ang tanong nito.

Dahil natatakot siya.

Nangangamba.

"Mukhang malalim ang iniisip mo."

 Nahigit niya ang hininga, malalim at mabigat. "Hindi ko lang maiwasang isipin ang anak natin. Paano kapag nalaman na niya ang totoo? Ano'ng gagawin ko, Rico?" Bumaling ang tingin niya sa kanyang asawa. Kanina pa niya nararamdaman na nakatayo ito sa likod niya at tulad niya, nakatingin din si Rico sa dagat. Hindi man ito magsalita ang asawa, nararamdaman din niya na kapwa lang nasa iisang bagay ang isip nila.

"Kung mangyari na malaman na ng anak natin ang totoo, magpapaliwanag tayo. Sasabihin na natin sa kanya ang totoo. Wala na tayong ililihim pa."

"Pero natatakot ako, Rico.."

"Saan?"

"Sa magiging reaksyon ng anak natin. Paano kung magalit siya sa akin? Paano kung kamuhian niya ako? Ayoko na mangyari 'yon. Ayaw ko na mawala sa akin 'yong respeto niya.." Tumulo ang luha sa mata ni Reina.

 Niyakap siya ng asawa at ikinulong sa mga bisig nito. "Huwag ka matakot, mahal ko. Maayos nating pinalaki si Kira. Bukas ang isip ng anak natin sa mga paliwanag at hindi siya marunong magtanim ng galit sa puso niya. Alam kong maiintindihan niya."

 Humigpit ang yakap niya dito at pinigilan ang malayang pag-agos ng luha. Hindi siya nakakasigurado doon. All she could ever think was she made a big mistake years ago.. At hindi pa rin siya nakakatakas sa kasalanan ng nakaraan kahit na napatawad na siya ni Rico. Akala niya ay habambuhay na mananatiling sekreto ang nangyari.

 Ngunit maaaring tama ang sabi-sabi ng karamihan, walang sekreto ang hindi nabubunyag.



 UMIIYAK si Britanny habang kausap ni Callan sa cellphone. Walang tigil ang paghikbi nito sa kabilang linya. Halos hindi na nga maintindihan ng binata ang mga pinagsasabi niya. Pero malinaw sa kanya na ang ex-boyfriend na naman nito ang dahilan ng pag-iyak nito.

 At tulad niya, nandoon na din ito sa U.S. Wala siyang kaalam-alam na pumunta din pala sa California ang dalaga para sundan ang ex-boyfriend nito. Dahil nang huli silang mag-usap, sinabi ni Britanny na handa na itong mag-move on.

But it seems to him that she can't. She's still inlove with her ex-boyfriend.

Napailing-iling si Callan habang nakikinig sa pag-iyak ng kaibigan. "Why don't you just forget that bastard? Marami pa'ng ibang lalaki d'yan na magkakagusto sa 'yo. Mamahalin ka. Don't waste your tears for someone who don't value your love."

"If i can, gagawin ko agad-agad, Callan. But i can't move on. I can't forget him! Mahal ko siya. Mahal ko siya!"

Napangiwi ang binata. Hindi maiwasang maalala ni Callan si Kira. 'Yong gabi na nagpakalasing ito dahil pagtataksil ng dati nitong nobyo. May pagkakatulad din si Kira at Britanny. O baka ganoon lang talaga ang mga babae. Kahit nasasaktan na, ipinipilit pa rin ang sarili sa isang tao.

"Mahal ko talaga siya, Callan. Kahit naman sabihin mo na kalimutan ko siya, hindi ko pa rin magawa. Mahal na mahal ko pa rin siya kahit ang sakit-sakit na. Siya pa rin ang gusto ko makasama."

Napabuga ng hangin ang lalaki. "That's.. just stupid. Sorry for the word." aniyang sinundan ng tawa.

Pagak na tumawa ang dalaga sa kabilang-linya. "Yeah. Maybe, i am really stupid. Probably the most stupid woman. You see.. Lagi na lang akong nahuhulog doon sa mga lalaking hindi naman ako mahal. Really stupid, right? Lagi na lang naman. Or maybe, dapat masanay na ako. No one would love me." At muli, narinig na naman ng binata ang mahinang hikbi nito.

"Okay, okay. Stop crying. Everything will be okay."

"Hindi ko talaga kaya na wala siya. Parang gusto ko na mamatay."

"No, don't say that. Just stay calm, okay?" Bumaba siya sa kama. "Wait, nasaan ka ba?" May naririnig siyang music at ingay sa background.

"Nandito ako sa bar.." Tinanong ni Callan kung saang bar naroroon si Britanny. Sinagot naman siya ng dalaga.

"Pupunta ako d'yan. Hintayin mo ako." Hindi niya puwedeng pabayain na lang ang kaibigan. She's depressed and heartbroken and she needs a friend right now. Baka kung ano pa ang mangyari dito kung maisipan nito ang magpakalasing ng husto.

Naabutan ni Callan ang dalaga na may kausap na lalaki. Halatang-halata na sa mukha ni Britanny ang pagkalasing. Mukhang kanina pa ito nagpapakalunod sa alak.

Mabibilis ang hakbang na nilapitan niya ito. "Britanny."

Napabaling ito sa kanya. Ilang segundo itong tumitig sa kanya, parang kinikilala pa siya ng kulay asul na mga mata ng dalaga. And then, she smiled. "C-Callan? Oh my! You're really here." Bigla-bigla ay tinalikuran nito ang kausap na lalaki at sinugod siya ng yakap. "I thought you're just kidding me. Talaga pala na nandito ka. God, you're so gorgeous, darling!"

 Parang kidlat na rumagasa sa kanyang dugo ang pagkailang at pagkaasiwa sa pagkakapulupot ng braso nito sa leeg niya. Magkalapit na magkalapit ang mga mukha nila. Callan could smell alcohol on her breath. Dahil magkalapit ang kanilang mga mukha, kitang-kita niya kung paano kinalat ng mga luha nito kanina ang magandang pagkakalapat ng make-up sa mukha ng kaibigan.

Bahagya siyang kumalas sa pagkakayakap nito. Hinawakan niya ito sa magkabilang-braso. "Are you okay?"

She laughed bitterly. "Ofcourse! Ako pa?"

"Okay. Tayo na. Ihahatid na kita sa bahay n'yo." Alam niya kung saan ang bahay ng mga ito sa California. Tuwing kasama niya ang ina tuwing nagbabakasyon sila sa U.S. ay bumibisita lagi sila sa mga ito.

Natatawang hinampas siya nito balikat. "Ano ba, Callan? Kararating mo lang, ihahatid mo na agad ako pauwi. Let's party! Minsan lang 'to."

"No. Aalis na tayo. May trabaho pa ako bukas."

"Seriously? Bakit puro ka na lang trabaho? You should have fun sometimes! I-enjoy mo ang pagiging binata mo, ano ba?"

Hindi niya ito pinakinggan. Hinawakan niya ito sa braso at hinila palabas. Dahil lasing na lasing na ang dalaga, hindi na ito pumalag o tumutol.

"You're such a killjoy, you know?" Nakangusong reklamo ni Britanny ng nasa loob na sila ng taxi. "Bigla kang dadating and then, uuwi din agad. Tss."

Hindi sumagot si Callan. Britanny was a spoiled brat. Gusto nito na nasusunod ang lahat ng gusto nito. Isang himala na bigla na hindi ito tumutol nang hilahin na niya ito palabas ng bar. Nakatulog na si Britanny sa balikat niya nang makarating sila sa magarang mansyon ng mga ito. Alam niya na mahihirapan siya kung gigisingin pa niya ito. Binuhat na lang niya ito hanggang sa kwarto nito. Nakasalubong pa niya ang mayordoma ng bahay at nginitian lamang siya.

 Dahan-dahang inilapag ni Callan ang dalaga sa kama nito. Buong akala niya ay mahimbing na itong natutulog. Ganun na lang ang gulat niya nang biglang pumulupot ang isang braso nito sa batok niya.

 At kasunod niyon ay naramdaman niya ang paglapat ng labi nito sa kanyang labi.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top