Chapter Forty Six
NANG GABING 'yon ay tinawagan ni Kira ang kanyang mga magulang. Nauna na siya kay Callan umuwi. Hindi na siya nasundo ng binata dahil nauna na itong nagpaliwanag sa kanya na madaling araw na itong makakauwi.
Hindi na siya nagtaka. Alam na naman niya na may tambak na trabaho itong tinatapos sa opisina.
Habang hinihintay niya na sagutin ng kanyang ina ang tawag niya, hindi niya maiwasan ang kabahan. Oo, kabado siya. Ganoon rin ang naramdaman niya nang ipaalam niya sa mga ito ang relasyon nila ni Jiro noon. Pero mas masidhi ang nararamdaman niyang kaba ngayon. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman.
"Hello, Kira?" pagsagot ng kanyang ina sa kabilang linya. "Gabi na, napatawag ka?"
"H-Hi, Ma. Kumusta naman kayo d'yan ni Papa?"
"Ayos lang naman kami, batang 'to, ah. Ikaw nga dapat ang kinukumusta namin. Ayos ka lang ba d'yan?"
"Opo naman."
"Mabuti naman. Kapag nalaman namin na hindi maganda ang kalagayan mo d'yan, agad agad kaming pupunta dyan ng Papa mo para magbakasyon dito sa Palawan. Panay trabaho na lang yata ang inaatupag mo d'yan. Huwag mo naman pabayaan ang sarili mo, ha?"
Malumanay magsalita ang kanyang ina. Kalmado at kahit tinig lang nito ang maririnig, malalaman na kung gaano ito kabait sa kapwa.
Bumuntong-hininga siya. "Huwag kayong mag-alala sa akin ni Papa, 'Ma. I'm a big girl now. At saka, may nag-aalaga na naman dito sa akin."
"Huh?"
"May boyfriend na po ako, 'Ma."
"May nobyo ka na naman? Huwag mo sabihin sa akin na binalikan mo 'yong si Jiro?"
"I'm not that stupid, 'Ma. Syempre, kahit makipagbalikan pa sa akin 'yon, hindi na ako papatol pa sa kanya. Natutunan ko na ang lesson ko sa kanya."
"Ganoon ba?" Tila nakahinga ito ng maluwag sa kabilang linya. "Kung ganoon, sino itong nobyo mo? Gwapo ba?" may panunudyo na sa tinig nito.
Napangiti si Kira. "Siya po ang pinakagwapong lalaki na nakilala ko sa buong buhay ko."
"Parang gusto ko tuloy makilala ang nobyo mong ito. Kailan mo ba siya balak ipakilala sa amin ng personal? Puwede ba kayong pumunta dito sa Palawan?"
"Ma, kilala n'yo na siya ni Papa."
"Kilala na? Bakit, ano ba'ng pangalan niya?"
"Si Callan po. Siya 'yong anak nina Mr. Fontanilla. Sigurado ako na nakikilala n'yo pa siya. Matagal din kayo ni Papa nagtrabaho sa bahay nila, di ba?"
Nawalan ng imik ang kanyang ina sa kabilang linya. Ilang segundo itong hindi nagsalita at tila may kabang bumundol sa dibdib niya.
"Ma, m-may problema ba?"
"Bakit siya, anak?"
Napakunot-noo siya. "Bakit, Ma? May problema ba kay Callan? Hindi ba kilala n'yo naman siya? Ilang taon din kayong nagtrabaho sa kanila, imposible namang di nyo siya nakikilala."
Ang ina pa niya noon ang nagsasabi sa kanya kung gaano kabait at kagalang si Callan sa mga ito. Pero dahil inis pa siya sa binata noon, binabalewala lang niya ang mga 'yon.
Humugot ito ng malalim na buntong-hininga. Ramdam niya na may hindi ito sinasabi sa kanya. May itinatago ang kanyang ina mula sa kanya.
"Layuan mo na siya, anak, habang maaga pa. Hindi siya ang lalaking babagay sa 'yo."
Muntikan na niyang mabitawan ang cellphone sa sinabi nito. Napakurap siya at bumaha ang pagkalito sa mukha niya.
"Ma, naman. Huwag mong sabihin 'yan. Kung may problema kayo sa kanya, bakit wala yata akong alam d'yan? Diretsahin n'yo na lang ako."
"Hindi ka tatanggapin ng mga Fontanilla, anak. Kung seryoso na ang relasyon n'yo, mabuti pang tapusin mo na ang ugnayan mo sa kanya. Hindi ka matatanggap ng pamilya niya, Kira. Nakakasigurado ako doon. Hindi mo kilala si Mrs. Fontanilla. Mukha lang siyang anghel kung makiharap, pero hindi mo talaga siya kilala kapag nakatalikod ka na."
Mas lalo siyang nalito. "May ginawa ba siya sa 'yo noon, 'Ma?"
Hindi ito umimik bagkus ay muling humugot ng hininga. "Makinig ka sa 'kin, anak. Ayaw lang kitang masaktan." sabi nito pagkaraan ng ilang segundo.
"Pero wala akong maintindihan sa mga gusto mong sabihin, Ma."
"Mabuti kung di mo na malalaman pa. Basta makinig ka sa akin at sundin mo ang payo ko, anak."
Pagkatapos ng usapan na 'yon, pakiramdam ni Kira ay biglang sumama ang lasa niya. Nanghihinang napaupo siya sa sofa. Naguguluhan siya sa mga pinagsasabi ng kanyang ina.
Ano bang ibig sabihin nito? May itinatago ba ito sa kanya? At kung may itinatago ito, bakit nito kailangang gawin 'yon?
Wala naman siyang alam na naging di pagkakaunawaan sa pagitan ng mga Fontanilla sa kanyang mga magulang. Iyon ang alam niya. Nang umalis ang mga magulang niya noon sa mansyon, maayos naman ang naging pagpapaalam ng mga ito.
Ngunit dahil sa sinabi ng kanyang ina ngayon, naguluhan siya.
Mayroon ba syang hindi nalalaman?
Bakit gusto ng kanyang ina na lumayo na siya kay Callan? Bakit sigurado ito na hindi siya matatanggap ng mga Fontanilla?
Nakatulugan na niya ang pag-iisip doon. Hindi niya namalayan na doon mismo sa sala niya siya nakatulog.
Naalimpungatan siya ng maramdaman niya na may humahagod sa buhok niya. Pagmulat niya ng mata, ang gwapong mukha ni Callan ang unang bumungad sa kanya. Nakaunan na siya sa dibdib nito habang nakahiga sa kama niya.
"Dinala na kita dito sa kwarto mo. Sa sala ka na nakatulog buong gabi." nakangiting sabi ni Callan, pagkatapos ay hinalikan ang tungki ng ilong niya. "Good morning, hon."
Muli siyang pumikit at napangiti.
"You're here.."
"Yes, hon. I'm home. Na-miss mo ba ako?"
Nakapikit na tumango siya. "Miss na miss," sagot ni Kira habang ninanamnam ang init na hatid ng katawan nito. Napakasarap gumising sa umaga kapag ang taong mahal mo ang bubungad sa paggising mo.
"I miss you, too." bulong nito sa tenga niya at tila uhaw na hinalikan siya sa labi. Tinugon niya ang halik nito sa paraan na gusto nila pareho.
Mainit. Masarap. Mapaghanap. Nagdadala ng daan-daang koryente sa mga ugat niya, nagbibigay ng masarap na kilabot sa buong sistema niya.
Habol-habol nila ang hininga ng matapos ang halik. Parehong nag-iinit ang katawan nila.
Nararamdaman niya ang matigas na bagay na pumupukol sa bandang hita niya. Napangiti si Kira.
"You're already aroused, hon." she teased.
Ngumisi lang si Callan at mainit ang titig sa labi niya. "Yes, but i'm too tired to take you, hon. I just want to kiss you."
"I understand." Pagod ito sa trabaho at kahit napakagwapo nito sa paningin niya, halata pa rin na wala itong tulog. Bigla siyang nakaramdam ng awa sa binata. Pinisil niya ang pisngi niya. "Masyado ka naman nagtatrabaho. Di yata't inaabuso mo na ang katawan mo?"
"Hindi naman, hon. Kailangan ko lang tapusin 'yong trabaho ko sa opisina. Kailangan kasi next week na bisitahin ko naman 'yong business namin sa US."
Napabangon siya. "Aalis ka?"
Tinatamad na tumango ito. "Gusto mo bang sumama sa akin?"
"Hindi na. Makakaabala lang ako sa 'yo kung sasama pa ako. Madali ka lang naman doon, di ba?"
"Yeah. Maybe, one week lang ako doon."
Tumango siya. Mabilis lang ang isang linggo. Mabilis naman malagas ang bawat araw. Pero bakit ganoon? Pakiramdam ni Kira ay napakatagal ng isang linggo? Hindi pa man umaalis si Callan ay parang mami-miss na niya ito.
"Pero bago ako lumipad papuntang U.S. pupuntahan muna natin ang parents ko. I want them to meet you. Ipapakilala na kita bilang mapapangasawa ko."
Nabigla siya. "Mapapangasawa?"
Matamis na ngumiti si Callan. "Ofcourse. Hindi ako papayag na boyfriend mo lang ako. Sa tingin mo ba, papayagan pa kita na makawala sa akin?"
Umiling siya.
Ngumisi ito. "Kaya bukas ng gabi, ipapakilala na kita sa kanila."
Bigla niyang naisip ang mga sinabi sa kanya ng ina kagabi. "Do you think your parents will like me?"
Niyakap siya ni Callan. "Oo naman. Trust me, my parents will also love you."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top