Chapter Forty



 NAKAGAT NI KIRA ang ibabang labi habang nakatingin sa pregnancy test kit na hawak niya. Nanginginig na humugot siya ng hininga.

 It was positive.

 Ofcourse. Her period was late and that's the reason why she bought a pregnancy test kit last night. Nakisuyo siya kay Callan kagabi na dumaan sa drug store para bumili niyon. Isinekreto pa niya sa binata ang pagbili doon. Nagdahilan na lamang siya na bumili siya ng gamot sa sakit ng ulo.

 Hindi kasi siya sigurado nang una kung buntis siya o hindi. At ngayong umaga, nakumpirma niya na buntis siya. Hindi niya alam kung ano ang unang mararamdaman.

 Yeah, she's happy. Every woman should be happy.

 Being a mother is a gift from God.

 Pero kinakabahan siya. Iba na kasi kapag bata ang pinag-uusapan. Ibig sabihin din niyon ay isang malaking responsibilidad na ang nasa kamay niya. Hindi lang 'yon. Iniisip rin niya kung ano ang magiging reaksyon ni Callan. Matutuwa kaya ito kapag nalaman nitong buntis siya?

 Muli nakagat niya ang ibabang labi.

 Muntikan na siyang mapatalon sa gulat nang biglang bumukas ang pinto ng banyo at walang sabi-sabing pumasok si Callan. "Diyos ko naman!"

 Awtomatikong napahawak siya sa dibdib. "Di ka ba marunong kumatok, Callan?" Pasimple niyang ibinulsa ang pregnancy kit sa bulsa.

Ngunit hindi nakaligtas sa mata ni Callan iyon. "Ano 'yong itinago mo?"

"Ha? Ano 'yon?"

"'Yong nasa bulsa mo. Ano 'yon?"

"Ah, 'yon ba?" Kinakabahang tumawa siya. "USB lang 'yon."

Nagsalubong ang kilay nito, pagkatapos ay amused na ngumiti. "Ano naman ang gagawin mo sa USB sa loob ng banyo?"

"W-Wala. Nadala ko lang. Bakit ba 'yon ang iniintindi mo?" Bumaba ang tingin niya sa ibabang bahagi ng tingin nito para manlaki ang mata at alisin agad ang tingin doon. "At bakit hubo ka?"

His blue eyes smiled at her. "Gagamit ako ng banyo, gusto mo sumama? Taga-hawak nito." Ininguso nito ang pagkalalaki. Her cheeks burned and he laughed at her.

"Heh! Kaya mo na 'yan." Umalingawngaw ang halakhak nito sa banyo nang makalabas na siya.

 Iniisip niya kung tama ba na huwag muna ipaalam kay Callan ang tungkol doon o hindi. Kinuha niya ang bag at itinago sa kasuluk-sulukan niyon ang pregnancy kita. Kukuha muna siya ng tiyempo para masabi sa binata ang tungkol sa pagbubuntis niya. Dapat ay magpatingin na rin pala siya sa kilala niyang OB/Gyn para mas makasigurado siya.

"Anong oras na?" tanong ni Callan pagkatapos nitong gumamit ng banyo

"Pasado alas-otso. Bakit?"

"Punta tayo sa dagat."

"Ows? Hindi ba mainit na pag ganitong oras?" Saka lang niya naalala na kaya nga pala sila pumunta doon ay magbakasyon.

 Being pregnant is a good news for her. Hindi lang niya alam kay Callan. Baka magulat ito. Pero maganda kung hahanap muna siya ng magandang oras para sabihin ang tungkol sa pagbubuntis niya sa binata. Nagpunta sila doon para mag-enjoy at magsaya.

Umiling si Callan. "Hindi naman. Tama pa lang ang init kapag mga ganitong oras." sagot nito habang nagsusuot ng boxers. Loko-loko talaga. Sa harap pa niya nagbibihis.

Hindi naman siya naiilang. Natutukso lang.

 Kahit naman sinong babae ay matutukso kapag isang Callante Fontanilla ang nagbihis sa harapan nila. Ayaw man nilang bosohan ito, hindi pa rin mapipigilan.

 Tila biglang nanuyo ang lalamunan ni Kira. Sumulpot sa isipan niya ang bawat sandali na magkalapat ang hubad nilang mga katawan, ang pakiramdam tuwing gumagalaw sa loob niya ang binata at umuulos na tila walang bukas.

 God. She was becoming a h-rny cat again. Napapansin din niya lately ang pagiging buhay ng init ng katawan niya sa tuwing nakikita si Callan. Normal pa ba iyong nararamdaman niya?

 Ipinilig niya ang ulo. "Hindi ka ba magsusuot ng T-shirt?" sita niya kay Callan. Shirtless na naman ito, palagoHindi niya gusto ang ideyang pinagpipiyestahan ng ibang babae ang magandang hubog ng machong pangangatawan nito. Ang gusto niya ay siya lang ang nakakita niyon. Siya lamang ang nakakadama ng matigas na kalamnan nito sa ilalim ng kanyang kamay...

Amused na tumingin sa kanya si Callan. "Hon, ayos ka lang? Nasa probinsya tayo at malapit sa dagat. Walang dahilan para magsuot pa ako pang-itaas."

"Okay." Tumango siya at hindi na nakipag-argumento. Nilakad lamang nila ang daan papunta sa dalampasigan. Hindi kalayuan sa bahay bakasyunan ni Callan ang dagat. After four or five minutes of walk, sinalubong sila ng magandang sikat ng araw at kulay asul na karagatan.

Awtomatikong napangiti si Kira nang makita iyon. "Waaa! Ang ganda!" Kumikislap ang tubig sa tama ng babagong sikat na araw, tila dyamante na kumikinang iyon. Ibinuka niya ang mga braso para yakapin ang paghaplos ng malamig na simoy ng hangin sa kanyang katawan.

"Ito talaga ang rason kung bakit kita dinala dito. I know how much you love to wake up in the morning with a beautiful sunrise and fresh air."

May ngiti sa labi si Callan nang lumingon si Kira dito. Kung kumikislap sa tuwa ang mga mata niya, nagniningning naman ang paghanga sa kulay asul na mata ni Callan habang nakatitig sa kanya. He look at her like she was the most beautiful thing on earth.

"And i love seeing your smile, honey."

Nakagat niya ang ibabang labi kasabay ng pag-iinit ng pisngi. "Chusero. Di mo naman kailangan mambola."

"I'm not doing that. I'm just telling you what's on my mind."

Umangat ang isang sulok ng labi niya. "Okay, then. Tell me what's on your mind, Mr. Fontanilla."

Tila walang kurap ang ginagawa nitong pagtitig sa kanya. His blue eyes could melt her bones right now. Pumulupot ang isang braso nito sa beywang niya at hinapit siya palapit dito. "What's on my mind? You're beautiful, you're awesome. And you're like the sunshine that makes my day."

Bumaba ang mukha nito sa mukha niya. Then, her lips met his in one sweet kiss. Napakasarap ng halik na 'yon, tila tinutunaw lahat ng masasamang isipin sa utak niya at iniiwan lang ang masasayang bagay sa isip niya.

She can't find the words to describe how sweet he is. It just feels so much passionate and sweet..

May narinig na click si Kira, pero hindi niya iyon binigyang pansin. Nakatuon lang kay Callan ang buong atensyon niya at sa matamis na halik na pinagsasaluhan nila.

"That was a good shot, i think." he murmured as he kissed her.

Nagtatakang inilayo niya ang labi sa binata. "What was that?"

Ngumisi ito at ipinakita sa kanya ang picture na kinuhanan nito gamit ang Iphone nito.

"Kinunan mo ng picture 'yong eksenang 'yon?!"

Tumango ito, parang batang nakalamang sa kalaro. "Naisip ko, wala pa nga pala tayong picture na magkasama. Ang tagal na nating magkakilala kahit isang picture natin wala talaga. Kaya eto, ginawan ko na ng paraan."

Marahang hinampas niya ito sa balikat. "Tange! Puwede ka naman magsabi sa akin kung gusto mo. Huwag 'yong ganyang klase ng picture!" But looking at the photo, hindi niya maiwasan ang magustuhan 'yon. It was a perfect kiss. They seemed like a perfect lovers..

Napangiti siya. "Okay, i-save mo 'yon."

"Iyon naman talaga ang gagawin ko. Mamaya ko na lang i-upload."

"Anong i-upload mo? Iyan?" Muling namilog ang mata niya.

"Yep. Upload ko mamaya sa Facebook."

"Callan! Baka makita nina Mama 'yan, aba!"

Ngumisi ito, pagkatapos ay hinila siya at muling kinintalan ng halik. "Huwag kang mag-alala. Makikita talaga nila 'yon. Syempre, maaari bang di ko sila i-tag?"

Bago pa siya makaangal ay hinalikan na ulit siya nito. Damn it, he's obviously distracting her and it was effective! Pero gaya ng nangyayari kadalasan, she could not help kissing him back. He held her nape firmly as he invaded her mouth aggressively.

Kapwa habol-habol nila ang hininga pagkatapos nitong pakawalan ang labi niya. Bahagya pa nitong kinagat ang ibabang labi niya bago siya tuluyang pakawalan.

"Tayo maligo?" sabi nito kapagkuwan, mainit ang titig sa namumulang labi niya.

Hindi niya napigilan ang tuksong ilabas ang dila at basain ang ibabang labi. She saw his eyes followed the movement of her tongue. He swallow hard and his eyes flickered back to hers.

"Sige. I think, k-kailangan natin magbasa muna." At basang-basa na din naman ako.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top