Chapter Fifty Two
CALLAN?
Napakunot-noo si Kira habang sinusundan ng tingin ang pareha na pumasok sa loob ng coffee shop. Hindi siya dinadaya ng kanyang paningin. Ang lalaking nakaakbay sa babaeng kasama nito ay walang iba kundi si Callan!
Pero ano ang ginagawa ng lalaki doon?
Nawala ang atensyotan niya sa iniinom na kape. Lumipat ang focus niya kay Callan at sa kasama nitong babae. Pamilyar sa kanya ang kasama nito. Nakita na niya ito sa bahay ng mga magulang ng binata. Mabilis na gumana ang utak niya, nabuo ang isang hinala. Inalala niya ang mga pangalan na binanggit ni Callan sa kanya...
Britanny..
Yes! That's the woman's name. Ang babaeng may kulay asul na mga mata na tulad ng kay Callan. And as far as she remembered, ang babaeng ito ang gusto ng mga Fontanilla para sa binata. Natatandaan niya na minsang nabanggit iyon sa kanya ni Callan.
Nabuo ang mga tanong sa isipan ni Kira. Bakit magkasama ang dalawa? Bakit nakaakbay si Callan sa babae?
Umupo si Callan at Britanny sa isang mesa. Napansin niya na parang inaalo ni Callan ang babae. The woman was crying.. Halos sumubsob na ito sa dibdib ni Callan ng magtabi.
Parang nakatikim ng mapait na lasa, inalis niya ang tingin dito. Nag-init ng pisngi niya nang maalala na hindi sinasagot ng binata ang tawag niya ilang minuto lang ang nakararaan. Nanginginig na humugot siya ng hininga. She closed her eyes, trying to ignore the growing pain inside her.
Kalma, Kira. Kalma ka lang, sabi niya sa sarili. Iyon ang kailangan niya nang sandaling 'yon.
But damn it! Punyeta lang. Gusto niyang magmura. Gusto niyang manugod. Gusto niyang agawin si Callan mula sa pagkakalapit sa babae at tanungin ito sa nakikita niya. She need an explanation!
Hinawakan niya ang naninikip na dibdib..
No, no, no. She's better than that. Hindi niya ipapahiya ang sarili sa ibang tao. Bago pa siya atakihin ng masamang espirito at bago pa niya maisip na gawin ang nais, tumayo na siya sa puwesto niya. Dire-diretsong tinungo ang daan palabas ng coffee shop.
Fuck you, Callan. Fuck you both.
PAGDATING ni Callan sa bahay ng nobya, napansin na agad niya ang kakaibang mood nito. Hindi siya nito pinansin. Dati rati ay sinasalubong pa siya ng yakap at hinahalikan sa pisngi. Itatanong kung kumusta ang trabaho at kung napagod ba siya.
But that evening, she didn't even look at him. Alam niyang alam na nitong nandoon siya sa bahay pero umaakto ang dalaga na tila wala siya doon.
He called her name, sweetly. "Hon, may problema ba?" Nasa kusina ito at may tinatalupan na mangga. Nilapitan niya ito. Ngunit bago pa siya makalapit dito ay itinutok nito sa kanya ang kutsilyo.
"Huwag mong subukan lumapit sa akin. Letse, huwag mong subukan."
Nanlaki ang mata ni Callan. Nagulat. "Hon.. Anong problema?"
"Huwag kang magmaang-maangan! Alam ko na ang kalokohan mo!"
"Kalokohan?" Nagsalubong ang kilay niya.
Pinandilatan siya nito ng mata. Noon niya narealize na pugto ang mata ng dalaga at halatang galing sa pag-iyak. "Umiyak ka.. What's the problem?"
Nag-iwas ito ng tingin at tumalikod sa kanya. "Umalis ka na, Callan."
"Hindi ako aalis kung hindi mo sasabihin sa akin ang problema."
"Wala kang maririnig sa akin, Callan. It would be better kung umalis ka na lang muna." Naglakad ito palayo sa kanya at pumunta sa sala.
"For serious, hon. Please tell me what's the problem. Hindi ako manghuhula para alamin kung anong dahilan mo." Umupo ito sa sofa at binuhay ang TV. Umakto na parang wala siya doon at hindi siya nito napapakinggan.
Naguguluhang nagsalubong ang kilay niya. The fuck!
Tumayo siya sa harap nito. Pinagkrus ang braso sa dibdib.
Umangat ang tingin ni Kira sa kanya at tinapunan siya ng matalim na tingin. "Anong ginagawa mo d'yan? Hindi mo ba nakikitang manonood ako?"
"Kausapin mo ako."
She avoided his eyes. "Ayaw kitang kausapin."
Napatiim-bagang si Callan. "Kakausapin mo ako sa ayaw mo at sa gusto."
"How dare you! Matapos mong mambabae?"
Napakunot-noo ang binata. "Mambabae?" Siya? "Inaakusahan mo ba akong nambababae, Kira?"
Matalim na tinitigan siya ng dalaga. "Hindi ba?"
"Hell, no!"
"Funny. Dahil ako pa mismo ang nakakita." Tumayo ito at mataray na pinameywangan siya. "So, what kung nakita kitang may kaakbay na ibang babae sa isang coffee shop? So, what kung nahuli kitang may ibang yakap? So, what kung may nangyayari sa inyo tulad ng nangyayari sa atin? Go on and cheat with her! Bakit di mo pa nga pakasalan 'yong Britanny na 'yon para matuwa pa sa 'yo ang mga magulang mo. Hindi ka naman malaking kawalan, hudas ka! Kaya kong buhayin ang anak ko na wala ka!"
Maang na napatitig si Callan sa dalaga. Pinigilan niya ang malaglag ang panga. Inaakusahan nga siya nitong nangangaliwa! For Pete's sake! Umaagos na ang luha sa pisngi ni Kira habang galit na galit na sumisigaw sa harap niya.
Niyakap niya ang dalaga. Pumalag ito. "No, don't hug me! I hate you, Callan. I f ucking hate you! I hate--" Pinigilan niya ang mga sasabihin nito sa pamamagitan ng halik. He kissed her lips for her to calm down. Ramdam niya ang galit nito, ang panginginig ng katawan nito sa pagseselos. Nang oras na iyon ay wala siyang ibang gawin kundi ang burahin ang nararamdaman nitong pagseselos kasama ang lahat ng masamang isipin nito tungkol sa kanya.
She was wrong. Definitely wrong!
Ang nakita nito kanina ay hindi katulad ng iniisip nito. At iyon ang gusto niyang ipaliwanag dito. Nang pakawalan niya ang bibig nito ay maang na napatitig sa kanya si Kira. Her tears were flowing like a wine. Namumula ang labi nito patunay sa halik na namagitan sa kanila.
"You got it all wrong, Kira. Believe me, i'm not cheating on you. Kaibigan ko lang si Britanny. Walang espesyal na tinginan sa aming dalawa."
"Hindi mo ako maloloko. Kung kaibigan mo siya, bakit kailangan mo pa siyang akbayan? Bakit kailangan mo pa siyang yakapin?"
"I'm comforting her, that's why. Kakahiwalay lamang niya sa boyfriend niya at lumapit siya sa akin para humingi ng advice. She's crying... brokenhearted and she need a friend. At ako 'yong nandoon para tulungan siya. Walang malisya ang nakita mo. Sa pagitan namin, magkaibigan lang talaga kami." todo paliwanag ni Callan sa dalaga.
Tiningnan siya nito ng may pagsususpetsa.
"C'mon, hon. Don't tell me you really i believe that i'm a cheater? Alam mo'ng hindi ako ganyan. I'm better than that. Hindi kita kayang ipagpalit sa kahit sinong babae.."
Ilang segundong hindi ito sumagot. Nakatayo lamang sa harap niya. With the way she look at her, parang hindi pa rin ito kumbinsido.
"Maniniwala ako sa sinabi mo. Dahil nararamdaman kong totoo ang sinasabi mo. But i don't trust that Brittany. I don't trust your friend."
Tinalikuran siya nito. Walang nagawa ang binata. Frustrated na nasuklay niya ang buhok gamit ang mga daliri.
SHE KEEP telling herself not to cry, not to be too emotional. Hindi maganda sa kanya na magiging isang ina ang magpadala sa emosyon niya.
Ngunit kaninang pagdating niya sa bahay, parang isang drum ng tubig ang iniluha niya. Ayaw man niyang umiyak, ngunit kusang pumatak ang mga luha niya. She couldn't believe what she saw. Si Callan, may kaakbay na ibang babae? Kahit sinong nobya ay maghihinala sa nakita, lalo na't hindi pa nito sinasagot ang tawag niya.
Syempre, ano pa ang papasok sa utak niya? Oo nga't may mga magkaibigan na nagkakaakbayan. Pero nang oras na 'yon, hindi katanggap-tanggap na dahilan iyon sa nakita niya.
Kaya nang dumating si Callan sa bahay, desidido siyang hindi pansinin at kausapin ito. Manigas siya! Pero hindi rin niya napigilan na hindi ito komprontahin. Kahit anong pigil niya sa kanyang damdamin, Callan still have her heart. Kahit lokohin siya nito, pakiwari niya ay tatanggapin pa rin niya ang lahat ng eksplanasyon nito. And yes, baka maging martir pa siya sa hinaharap.
Mariin siyang pumikit at niyakap ang kanyang unan. Nandoon siya sa loob ng silid niya. Sinadya niyang i-locked ang pinto upang hindi makapasok si Callan. As of now, she don't want to see him. Oo, tinanggap niya ang paliwanag nito na kaibigan lang nito ang babaeng 'yon at walang malisya sa pagitan ng mga ito.
Ngunit wala pa rin siyang tiwala sa Britanny na 'yon. There's something with her.. Something she don't like. Sa madaling salita, hindi niya ito feel. May kinalaman siguro doon ang ideya na mas gusto ng mga magulang ni Callan ang babae kesa sa kanya. Hindi na siya nagtataka. Napakaganda ng Britanny na 'yon kumpara sa kanya. Magmumukha lang siyang cheap na Barbie Doll kung itatabi sa babae. Everything about her was perfection. Her blue eyes could seduce every man in the world..
Nakadama siya ng matinding insecurity.
Lumitaw sa isip niya ang isang imahe; si Callan at Britanny habang nasa ibabaw ng kama.. Nagsasalo sa isang mainit na sandali..
Bigla napabangon si Kira sa kama.
No! Hindi siya makakapayag doon. Sa kanya lang si Callan.. Hindi siya dapat pumayag na maagaw ito ng kung sinong babae. He only belongs to her..
His mind, body and soul.
All hers.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top