Chapter Fifty Seven


 SUMAMA si Kira kay Hector papunta kay Mrs. Fontanilla. Kinakalma niya ang sarili kahit abot-abot ang kaba. Buong byahe papunta sa mansyon ng mga Fontanilla ay nag-iisip siya ng maaaring magiging senaryo ng pag-uusap nila ng ina ni Callan. Pumasok sa isipan niya na uutusan siya nitong lumayo kay Callan kapalit ng malaking halaga.

 Lihim siyang natawa

  Imposible. Nagtrabaho na dito ang kanyang ina noon at kahit kailan ay hindi niya ito nakitaan ng pagiging matapobre. Hindi niya habol ang kayamanan ni Callan at ang mamanahin nito. Hindi isang huwad ang pagmamahal niya dito. Kaya kahit ano man siguro ang mangyaring komprontasyon, ipaglalaban niya ang relasyon nila ni Callan. Kahit si Callan pa siguro ang nasa posisyon niya ay iyon din ang gagawin nito. Ipaglalaban siya nito.

 Ilang sandali pa ay narating din nila ang malapalasyong mansyon ng mga Fontanilla. Pagtapak pa lamang niya doon ay sinalubong na agad siya ng kakaibang pakiramdam. Nanlalamig ang kamay niya at sunod-sunod ang paghinga niya ng malalim.

 "I'm glad you're here."

 Nagulat si Kira nang sinalubong siya ng maamong mukha ni Mrs. Fontanilla. Nakangiti ito ng matamis sa kanya, parang isang ngiti ng mabait na anghel ang nakaukit sa labi nito. Hindi niya iyon inaasahan. She was expecting the worst. Not this.

 Bagaman nabigla si Kira, hindi niya pa rin naiwasan na suklian ang ngiti ang ina ni Callan. She was still Callan's mother. Kailangan pa rin niya na makisama dito alang-alang sa binata.

 "Ma'am Chavelly." magalang na binata niya ito. Mas hindi niya inaasahan ng lumapit ito sa kanya at yumakap. Nakipag-beso beso ito sa kanya.

 "I'm so glad that you accepted my invitation."

 "Ho?" Invitation? Invitation ba na matatawag ang pagpunta doon ng bodyguard nitong si Hector at pagsundo nito sa kanya na parang utos mula sa awtoridad?

 "I hope you don't mind kung pinasundo kita kay Hector ng ganito kaaga. Pasensya ka na kung kailangan ko pa na ilihim itong pakikipag-usap ko sa 'yo kay Callan. Gusto ko lang naman na makausap ka ng masinsinan."

 Tumango ang dalaga at naasiwa pa rin na ngumiti. Pilit niyang pinakikiramdaman kung anong tunay na intensyon ng ginang sa pagpapasundo sa kanya. Dahil hanggang ngayon, tanda pa rin niya ang naging reaksyon nito nang makita siyang dala ni Callan sa family dinner ng mga ito. She couldn't forget her face, the way she reacted and look at her with pure anger and disgust.

 Dinala siya ng ginang sa isang kwarto na napapalibutan ng mga bintana. Napansin niya ang magandang ambiance ng lugar. Kung hindi siya nagkakamali, ganitong-ganito 'yong mga silid kung saan makikitang nag-aalmusal ang mga mayayaman. Iyon na siguro ang breakfast room. Imbes na mga libro ang makita niya. Magagandang halaman at bulaklak ang makikitang nakadisplay sa lugar. Nakakagaan pagmasdan ang mga 'yon at nakakabawas sa tensyon na nararamdaman niya.

 Very girly din ang malambot na upuan na may floral patterns. Inanyayahan siya na umupo ng ginang. Mabilis na sumunod siya para madali na din matapos kung ano ang gusto nitong pag-usapan nila.

 "You owned a restaurant, right?" banayad na tanong ng ginang.

 "Opo." magalang na sagot niya kahit alam niyang alam na naman ng ginang na nagma-may ari siya ng isang restaurant.

 "So, kumusta naman, hija, ang negosyo mo? Sa ganda at talino mo'ng 'yan, sigurado ako na lumalago pa ang negosyo mo."

 Pinigilan niya ang mapakunot-noo. Bakit pakiramdam niya ay may ibang ibig sabihin ang ginang sa sinabi nito?

 "At saka, balita ko kusang ibinigay sa 'yo ng anak ko ang malawak na lote sa tabi ng restaurant mo para pagtayuan ng isa pang business?"

 Nahigit niya ang hininga. "Hindi po 'yon totoo, Ma'am. Hindi ko hiningi---"

 "Oh, dear. Just call me Tita. Okay lang naman sa akin kung hindi o ibinigay sa 'yo ni Callan ang lote na 'yon at tutulungan ka niya sa pagpapatayo ng another business."

 Nagbukas-sara lang ang bibig ng dalaga. Gusto niyang magsalita at itanggi ang sinasabi nito. Ngunit hindi niya magawa. Paano nito nalaman ang tungkol sa bagay na 'yon? Naulit ba ng binata 'yon sa ina? Pero hindi na kasi nila pinag-uusapan ni Callan ng tungkol doon at hinayaan na niya sa pangalan ng binata 'yong lote na noon ay handa niyang bilhin. Nawala na din sa isip niya ang pagpapatayo ng isa pang negosyo.

 Ngumiti ang ginang. "Ngayon naiintindihan ko na kung bakit ka nagustuhan ng anak. Napakaganda mo pala talaga at walang kapares ang ganda mo sa mga babaeng dumaan sa buhay ng aking anak. And you're not just a pretty face. There's something more na nagustuhan ni Callan sa 'yo."

 "S-Salamat po." Nahihiyang ngumiti siya. "Puwede ko na po ba malaman kung ano ang dahilan ng pagpapapunta n'yo sa akin dito?" prangkang tanong ni Kira. Mas maganda na tapatin na niya ito upang malaman na niya kung ano ang intensyon nito sa kanya.

 Mula sa pagiging maamong mukha, napansin niya ang mabilis na pagbabago ng ekspresyon ng mukha ni Mrs. Fontanilla. Bigla-bigla ay malungkot ito. Nagsalubong ang kilay niya. Nagtaka sa biglang pagbabago ng mukha nito. "May problema po sa tanong ko? Kung meron po, i'm very sorry."

 "No, hija. Hindi ikaw ang dapat na humihingi sa akin ng tawad."

 "Ano po'ng ibig n'yong sabihin?"

 "Ang tunay na dahilan talaga kaya kita pinasundo kay Hector ay para humingi ng tawad. Oo, aaminin ko na tutol ako sa relasyon n'yo ni Callan. Hindi ko matanggap na kaya niya inaayawan ang mga inirereto namin sa kanya ay dahil sa 'yo. Kilala na kita, Kira. I remember you. You're Reina's daughter. 'Yong magandang bata na laging kasa-kasama ni Reina kapag dadalhin ang mga labada dito. But you know.. Hindi ko kasi inaasahan na magkakaroon kayo ng relasyon ni Callan. Alam mo naman siguro na nag-iisang anak ko lang si Callan, di ba?"

 Tumango si Kira. "Alam ko po 'yon."

 "Natural lang naman para sa isang inang tulad ko na maging over-protective para sa kanya. Na isipin kung sino 'yong alam ko na makakabuti sa kanya. I love my son very much. He's my only child since hindi na ako puwedeng magkaanak pa. Kaya gusto ko siyang ingatan hangga't kaya ko. Pero ngayon.. Hindi maganda ang relasyon namin bilang mag-ina. Galit siya sa akin.." maluha-luha na ang mga mata ng ginang habang nagsasalita. Bawat salita na lumalabas sa bibig nito ay tumatagos sa kanya.

 "Puwede ko po ba malaman kung bakit kayo nagkagalit?"

 "Dahil iyon sa pagtutol ko sa relasyon n'yong dalawa."

 Natahimik si Kira at napatungo. Alam na niya 'yon. Ngunit hindi pa rin niya maiwasan masaktan na sa bibig pa ng ina ni Callan marinig ang mga salitang 'yon. Humugot siya ng malalim na buntong-hininga. "Iyon lang po ba ang dahilan kaya pinapunta n'yo dito?"

 "May iba pa."

 Hindi inaasahan ni Kira nang kunin ni Mrs. Fontanilla ang kamay niya at pinisil iyon. "I want to say sorry kung naging kontrabida man ako sa relasyon n'yo ni Callan. Iniisip ko lang naman 'yong makakabuti sa anak ko. But then, narealize ko na mali. Mali na tumutol ako sa maging kaligayahan ng anak ko. Mali na pag-isipan kita ng hindi maganda para sa kay Callan. Kaya itinaon ko na makausap ka kung kailan wala si Callan. Kasi alam ko, hindi niya ako hahayaan. Baka isipin niya na saktan kita at palayuin sa kanya." Tahimik na pinag-aralan ni Kira ang mukha ng ginang at nakita niya na sinsero ito sa sinasabi. Nakikita niya ang paghingi ng tawad sa mga mata nito at nararamdaman niya na totoo sa loob nito ang paghingi ng tawad.

 Nag-init ang mga mata niya at sinserong ngumiti sa ginang. "Naiintindihan ko po ang side n'yo."

 "Mapapatawad mo ba ako kung naging makasarili ako?" Umiiyak na ang ginang at kahit na tumutulo ang luha nito, hindi man lang nababawasan ang ganda nito.

 "Syempre po. We all deserve second chances, Ma'am."

 "Oh, please. From now on, call me Mommy. Iyon ang tawag sa akin ni  Callan kaya gusto ko iyon na rin ang itawag mo sa akin. Pasasaan ba't magiging mag-asawa kayo at magiging daughter-in-law kita. At magkakaroon na din ako ng apo sa inyo."

  Lumapad ang ngiti niya at di na naiwasan ang mapaluha sa saya. "Sige po. Simula ngayon tatawagin ko na rin kayong Mommy."

 Ibinuka nito ang mga braso at niyakap siya. Napapikit siya sa saya at galak na humaplos sa puso niya. Napakasarap sa pakiramdam na sa wakas ay tanggap na siya ni Mrs. Fontanilla bilang nobya ni Callan. Nabawasan ang mga pangamba niya.

At tiyak na matutuwa ang binata kapag nalaman na ayos na sila ng ina nito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top