Chapter Fifty One


 UMALIS din ang mga magulang ni Kira pagkatapos nilang mag-almusal. Callan offered them a ride, but her mother refuse.

 Hindi na siya nagtaka pa. Hindi maganda ang daloy ng mga pangyayari. Something is not right. May mga tanong sa isip niya na hindi masagot-sagot.

 Bago tuluyang umalis ang mga magulang niya, nakita pa niya na saglit na kinausap ng ama niya si Callan. Seryoso ito, pero hindi niya masasabi na ayaw nito kay Callan.

 "Anong sinabi sa 'yo ni Papa?" tanong ni Kira kay Callan nang magkasolo na ulit sila nito. "Ipinagbilin ka na niya sa akin," sagot nito.

 Umangat ang kilay niya. "You mean?"

 "Sabi niya, ingatan ko ang kanyang anak at ang apo niya."

Tumango siya. Too bad hindi sila masyadong nakapag-usap ng Papa niya. Parehong magugulo ang isipan nila. "Hindi ba siya galit sa 'yo?" tanong niya kapagkuwan.

 "Bakit siya magagalit sa 'yo? Sa 'yo siya galit."

 "Bakit naman sa akin siya magagalit? Wala akong ginagawang masama."

 Ipinagkrus nito ang matipunong braso sa dibdib at diretsong tinitigan siya. "Isinekreto mo sa kanya ang tungkol sa atin. Pati ang pagbubuntis mo sa anak natin hindi mo pa rin ipinapaalam sa kanya. May karapatan siyang magalit sa 'yo dahil bilang ama may karapatan siyang malaman ang mga totoong nangyayari sa anak niya. But you didn't let him know that. You didn't let your parents know your condition." Daig pa nito ang kanyang Papa na mag-sermon.

 Hindi tuloy niya naiwasan ang pagtaas ng kilay. "Sinesermonan mo na ba ako n'yan?"

 Naningkit ang mata ni Callan. "Oo."

 "Okay. Tapos ka na?" Tatalikuran na sana ni Kira ang binata ngunit hinagip nito ang braso niya. Naiiritang tiningnan niya ang binata. "What?"

 "I believe you have something to explain to me."

 "Wala akong dapat ipaliwanag, Callan. I'm not in a good mood kaya please, papasok muna ako sa kwarto."

 "Okay. Let's go to your room, then."

 "Ano? Wala ka bang duty ngayon?"

Umangat ang isang sulok ng labi nito. "Duty? Nah. Ikaw lang ang gusto kong duty-han."

 She almost rolled her eyeballs. "What i mean is... Hindi ka pa ba papasok sa trabaho mo?"

 "How about you? Hindi ka rin ba papasok sa work mo?" balik tanong ni Callan. Umangat ang kilay ni Kira at pinameywangan ang binata.

 "Nope. Negosyo ko naman 'yon at hawak ko ang sarili kong oras. So, kahit di ako pumasok, may kikitain pa rin naman ako. How about you, Mr. Fontanilla?"

 Mayabang na ngumiti si Callan. "Do you really want me to answer that?"

 "Bakit hindi?"

 "Well, ayoko naman magtunog mayabang kung sasabihin ko sa 'yo na kahit di ako magtrabaho ngayon, tulad mo may kikitain pa rin ako. Mas malaki nga lang."

 "Yabang." Inirapan niya ito.

 "And aside from the business that i owned, i also have you, Kira." Hinagilap nito ang beywang niya at sa isang iglap, tila isa siyang maliit na ibon na nakakulong sa pakpak ng isang malaking agila. He caged her between his powerful arms, her face buried into his chest.

 Nalanghap niya ang panlalaking amoy ni Callan, nakakaakit at masarap langhapin.

 "You need to explain." bulong nito sa tenga niya.

 "Explain what?"

 "'Yong pagtatago mo sa akin sa parents mo. 'Yong hindi mo pagpapaalam sa kanila ng tungkol sa relasyon natin. Kung iniisip mong balewala lang sa akin ang ginawa mong 'yon, pwes ako na ang nagsasabi sa iyo na hindi ko nagustuhan ang ginawa mo. Ikinakahiya mo ba ako?"

 "N-No!" Iniangat niya ang mukha at tumitig sa mukha ni Callan. "Bakit kita ikakahiya?"

 "Kung hindi mo ako ikinakahiya, bakit mo ako itinatago kanina?"

 Sinubukan niyang bumitaw kay Callan para makapagpaliwanag ng husay. Hindi siya makapagsalita ng ayos kapag ganitong kulong na kulong siya sa katawan nito. Ngunit ang loko, hindi siya pinakawalan at ngumisi. "Hindi kita makakawala sa akin hangga't di ko nalalaman ang rason mo, hon."

 Pumikit siya at bumuntong-hininga. Malabong pakawalan nga siya nito ng hindi siya nagpapaliwanag. May kakulitan pa naman si Callan 'pag minsan. "Okay. Para sa ikakapanatag ng loob mo, hindi kita ikinakahiya sa mga magulang ko. H-Hindi pa lang ako handa na ipakilala ka. You see, kumukuha pa ako ng tamang oras para sabihin sa kanila ang totoo. And to tell you the truth, si Papa pa lang ang di nakakaalam ng tungkol sa atin. Si Mama, nasabi ko na sa kanya ang relasyon natin.... A-At hindi niya nagustuhan 'yon."

 "Ayaw niya sa akin? Is that what you want to say?"

 Tumango siya. Ayaw man niyang sabihin sa binata ang tunay pero hindi naman niya puwede ilihim dito ang bagay na 'yon. "Hindi ko rin maintindihan kung bakit niya ako gustong lumayo sa 'yo. Gusto ni Mama na hiwalayan kita."

 Naramdaman niya na lumuwag ang pagkakayakap nito sa kanya hanggang sa tuluyan na siya nitong pakawalan. Salubong ang kilay ni Callan at tila gulong-gulo. Pareho sila nito. Naguguluhan din siya at hindi niya maintindihan kung ano ang tunay na nangyayari. Kung ano ang dahilan ng mga magulang nila na umakto ng ganoon na lang.

 "Bakit niya gustong lumayo ka sa akin? May problema ba sa akin? Bakit hindi mo agad sinabi ng maaga 'yan sa akin?"

 "Para ano? Para maguluhan ka rin?"

 "So, that i can talk to her. Ask her what's the problem. O baka naman iniisip niya na lolokohin lamang kita? Iyon ba?"

 "Ofcourse, not. Alam kong hindi ka ganoon.. Pero hindi naman imposibleng mangyari 'yon, di ba?" Callan was everything a woman would ask for. He's an ideal guy. A man of every woman's dream. Hindi malabong may magtangkang umagaw kay Callan.

 Nanlaki ang mata ng binata at eksaheradong umiling. "Hinding-hindi ko gagawin sa 'yo ang bagay na 'yon, Kira. Ikaw lang ang mahal ko. Ikaw lang. Naiintindihan mo ba?" Hinaplos nito ang pisngi niya at hinalikan ang kanyang noo.

 She took a long, deep breath. "Hindi ko na alam kung ano ang iisipin ko. Nakakaparanoid ang mga inaakto nina Mama. May alam sila na ayaw nilang ipaalam sa akin. I'm really sorry, Callan. Hindi ko gustong itago ka sa kanila. It's just that i do---"

 "I understand now, hon. Hindi mo na kailangan magpaliwanag."

 "Thank you." Nakahinga siya ng maluwag at niyakap si Callan. Ngunit hindi pa rin mabawasan ang alalahanin niya.

 "Makakabuti siguro kung huwag na muna nating alalahanin ang tungkol sa mga magulang natin, hon. We are adults now. Siguro, may utang na loob pa rin tayo sa kanila sa pagpapalaki nila sa atin. Pero hindi na nila sakop ang relasyon natin. Kung ano man ang meron sa atin ngayon, iyon muna ang isipin natin. Iyon ang mahalaga. Lalo na at magkakaroon na tayo ng anak."

 Sumang-ayon si Kira.

 Makakabuti siguro kung ang tanging iisipin niya sa ngayon ay si Callan at ang magiging baby nila. Masyadong magulo ang mga pangyayari at kung buong araw niyang iisipin ang mga ganoong bagay, maaaring makaapekto 'yon sa kanya...

 Sa kanila ni Callan.

 One week flew by so fast. Sinunod ni Kira ang advice ng kanyang doctor na huwag masyadong itututok ang sarili sa negosyo. Makakabuti sa baby niya kung hindi siya makakaramdam ng stress o kaya ay sobrang pagod. Alam na din ni Themarie ang pagbubuntis niya. Kaya ang kaibigan, todo rin ang pag-alalay sa kanya sa kanyang negosyo. Ito na rin ang halos umaasikaso sa catering services ng Shakira's. Sinabihan niya ito na kumuha ng assistant para hindi ito masyadong napapagod, pero tumanggi ito. Okay lang daw ito at kaya naman nito ang mga trabaho.

 Nagpasalamat siya sa kaibigan.

 Muli nilang napag-usapan ni Callan ang tungkol sa lote sa tabi ng Shakira's. Ita-transfer na sana nito sa kanyang pangalan ang lupa ngunit sinabuhan niya ito na hayaan na lamang. Hindi na naman nila kailangan gawin 'yon. Oras na magpakasal sila, awtomatiko na din naman na maging pag-aari niya ang mga ari-arian ni Callan. At kung ano ang kanya, magiging pag-aari na din nito.

 Isa pa, nakalimutan na din naman ni Kira ang tungkol sa kasunduan nila. Para sa kanya, wala na 'yon.

 She will always be thankful na mas nakilala niya ng husay si Callan. Hindi ito tulad ng iniisip niya noon. Playboy? Bad boy? Huh. That's only her impression. Malayo si Callan sa ganoong uri ng lalaki.

 Malayong-malayo.

 Isang hapon, dumiretso si Kira sa isang supermarket para bumili ng mga prutas. Naghanap siya ng strawberries doon, pero bigo siyang makakita. Hindi niya alam kung bakit walang supply ng strawberry doon. Bumili na lang siya ng mangga at orange doon. Pero gusto talaga niya na makatikim ulit ng strawberry.

 Di bale, magpapahanap na lang siya kay Callan kung saan merong strawberry at magpapabili dito.

 Bago umuwi ay dumaan muna siya sa madalas niyang puntahan na coffee shop noon. Paborito niya na humigop ng Latte Macchiato tuwing hapon, lalo na kapag bored siya.

 Binati siya ng gwardya papasok at sinalubong siya ng pagngiti at pagbati ng maitre d sa pinto. "Good afternoon, Ma'am."

 Bumati siya dito, pagkatapos ay umupo sa paborito niyang puwesto. Habang hinihintay ni Kira ang order niya, kinontak niya si Callan sa cellphone. Dalawang araw na silang hindi nagkikita ng binata. 

 Hanga siya sa lalaki. Bukod sa pagpupulis, nagagawa pa nitong asikasuhin ang negosyo nito at ng pamilya nito. Nagagawa nitong pagsabayin ang dalawang trabaho. Sa isang araw nga ay papunta na itong America para sa pag-aasikaso ng negosyo ng mga Fontanilla doon. Nakapagbook na ito ng flight papunta sa California noong isang araw pa.

 Hindi minsan maiwasan ni Kira ang mag-alala dito. Baka kasi maubuso masyado ang katawan nito sa trabaho at dapuan ito ng sakit. She don't want him to be sick. Hindi naman siya nagkukulang sa pagpapaalala sa binata. At alam naman niya na alam naman nito ang ginagawa. Kahit di siya magpaalala, aware naman ito sa kalusugan nito.

 Nakadalawang beses na tumawag si Kira, pero di sumasagot si Callan. He must be very busy. Ipinatong niya ang cellphone sa mesa at iginala ang tingin sa loob ng coffee shop.

 Sweet Cafe is well-known for having a good ambiance and a classy shop to dine in. Iyon ang unang-una na kumuha sa atensyon niya. Noon pangarap niya na magkaroon ng sariling coffee shop. Pero nang mas naging matured siya, mas ginusto niya ang magkaroon ng restaurant.

 Why not? Mahilig siyang magluto at gumawa ng masasarap na putahe. Nabuo ang Shakira's dahil sa hilig niya na 'yon.

 Later on, dumating na ang order niya. Nasa kalagitnaan siya ng pagmemeryenda ng makuha ng isang pareha na pumasok sa shop ang pansin niya. She was about to ignore them..

 Ngunit nakilala niya ang lalaking nakaakbay sa babae...


Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top